You are on page 1of 34

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan Modyul 4:
Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian Tungo sa
Pagkakapantay - pantay
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa
Pagkakapantay-pantay Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marie Cris F. Tecson


Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso
Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin
Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Bernadeth D. Magat
Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat: Katrina M. Matias

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P) Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian Tungo
sa Pagkakapantay-pantay
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kanikanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

ii
Alamin

Ang pagtanggap at paggalang sa kasarian ay isang seryosong


usapin. At ang bawat isa ay hindi makaiiwas sa karahasan at diskriminasyon.

Ano-anong hakbang ang maaari mong isagawa upang maitaguyod ang


pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan?

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa “Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian


Tungo sa Pagkakapantay-pantay”. Sa pagtalakay sa mga aralin ukol dito, ikaw ay
makagagawa ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

 Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay –pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. (MELC 4)

Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. nakasusuri ng mga prinsipyo ng Yogyakarta;
2. nakapagpapaliwanag ng gender and development; at
3. nakapagbibigay ng mga pamamaraan na nagtataguyod ng pagtanggap,
paggalang, at pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag o tanong sa bawat bilang. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa isang papel.

1. Dahil sa dumaraming bilang ng mga kalalakihan, kababaihan at mga LGBTQIA+


na nakararanas ng karahasan at diskriminasyon, ang mga kinatawan ng mga
grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong
Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang
pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng Komisyon ng Karapatang Pantao
D. pagkakabuo ng Gender Development Plan Framework

2. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang


mga ito?
A. Batas Pambansa
B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano
C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan
D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao

3. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na


transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko

4. Tinitiyak ng estado na ang lahat ay mayroong pantay na oportunidad sa


pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at pananamit nang
walang diskriminasyon anuman ang kasarian. Anong Prinsipyo ng Yogyakarta
ang nagsasaad nito?
A. karapatang magbuo ng pamilya
B. karapatan sa malayang pagkilos
C. karapatan sa seguridad ng pagkatao
D. karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay

2
5. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol
ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong
prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan sa seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
6. Ipinakikilala ng prinsipyong ito ng Yogyakarta na ang lahat ng tao ay isinilang
nang malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
A. karapatan sa trabaho
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa pribadong buhay
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
7. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang
mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang
karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
8. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang mga ospital dahil sa siya
ay kinakitaan ng sintomas ng COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa
Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatang tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
9. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo na
ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa trabaho anuman
ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa trabaho
B. karapatan sa seguridad ng buhay
C. karapatan sa maayos na pamumuhay
D. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
10. Alin sa sumusunod ang hakbang ng pamahalaan na nagpapatupad ng
pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon ng bawat isa anuman ang kasarian?
A. Ipagkait ang proteksiyon sa mga mag-aaral, kawani at guro.
B. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon.
C. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan.
D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga
karapatang pantao.

3
11. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong
pakikilahok at pagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon
sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa
pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao.
A. Gender and Equality C. Gender and Development
B. Women in Development D. Gender Roles and Development

12. Paano makatutulong ang mga polisiya ng Gender and Development sa


pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan

13. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay
para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga
kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa
kababaihan

14. Ayon sa GAD ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa


pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho

15. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and


Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng
pamahalaan
D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga
isyung pangkasarian

4
Aralin Pagtanggap at Paggalang

1 sa Kasarian Tungo sa
Pagkakapantay-pantay

Sa natapos na modyul, nabigyang diin ang tungkol sa tugon ng pamahalaan


ukol sa karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.
Dito mo rin natutuhan na patuloy na tinutugunan at itinataguyod ng pamahalaan
ang husay at galing ng bawat kasarian. Naunawaan mo rin sa nakaraang modyul
ang kahalagahan ng mga tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng kasarian sa lipunan
sa iyong buhay bilang isang mamamayan.

Bagaman, hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa


kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan
at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga
panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

Halina’t pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin sa


pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.

5
Balikan

Panuto: Sagutin ang mga pahayag at tanong sa grapikong representasyon upang


maibigay ang mga impormasyon tungkol sa tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa kasarian. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Diskriminasyon at


Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+

Batas at organisasyon na nagbibigay ng proteksiyon sa


kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ : _______________________________
_______________________________________________________________________

Ano ang kahalagan nito sa iyo bilang mag -aaral, kasapi ng lipunan at
pamilya?
______________________________________________________________________________

6
Mga Tala para sa Guro

Kailangang masiguro na mayroong panulat at papel


na magagamit ang mag-aaral sa pagsagot niya sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito. Tiyakin din na siya ay magabayan sa
mga nakahandang teksto sa aralin.

Binabati kita! Naipamalas mo ang iyong husay sa pagsagot sa paunang


gawain.

Sa pagkakataong ito, tutulungan ka ng modyul na ito upang higit mong


maunawaan ang pagtanggap at paggalang sa kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng lipunan. Sa pagtatapos naman ng
modyul, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga hakbang upang maitaguyod ang
pagtanggap at paggalang sa kapwa anuman ang kasarian.

Simulan na nating linangin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga


susunod na gawain.

7
Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul, iyong mababasa ang isang tula na


talaga namang pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti
sapagkat ito ay makatutulong sa pagtahak mo sa kabuuan ng modyul.

PAGKAKAIBA
Ni: Marie Cris F. Tecson

Respeto!
Pitong letra, isang salita
Wari' ba'y katumbas, mala-gintong halaga
Hirap matamasa, lalo kung sa mata nila, ikaw ay iba.

Sino ka nga ba at sino nga ba sila?


Tayo nga ba'y may tunay na pagkakaiba?
Bakit 'di alisin ang tingin sa limitadong nakikita ng mata
At simulang pakinggan ang hinaing ng bawat isa?

Marahil ako'y rosas at ikaw ay asul


At sa kinalaunan bahaghari ay sumibol
Maaaring sa kulay, tayo'y nagkaiba
Ngunit hindi ba't sa isang obra, lahat ay mahalaga?

Siya ngang sa mata ng tunay na May-Akda


Babae't lalaki tanging Kaniyang likha
Ang mapabilang sa pangatlong kasarian
Ay isa nga bang pagkakasala?

Iba-iba man ang ating kasarian


Sa dulo'y iisa pa rin ang ating pinagmulan
Kaya’t pagkakapantay-pantay ay itaguyod at ipaglaban Sapagkat
tayong lahat ay may iisang karapatan.

8
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?

2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?

3. Sino-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang


pagkakaiba?

4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?

5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang


pagtanggap at paggalang sa kasarian?

Suriin

Sa bahaging ito ng aralin ay iyong matutunghayan ang nilalaman ng Prinsipyo


ng Yogyakarta. Ito ay isinalin sa wikang Filipino ni G. Bonifacio P. Ilagan (GALANG
Philippines, Mayo 2011). Suriin mong mabuti ang bawat prinsipyong ilalahad sa
bahaging ito upang higit mong maunawaan kung paano maisusulong ang isang
lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.

Unawain ding mabuti ang teksto ng Gender and Development sa Pilipinas


upang iyong mapagtatanto kung paano makatutulong ang isang aktibo at
responsableng mamamayan sa pagtataguyod ng isang lipunang may pagtanggap at
paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.

Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga


karapatan. Lahat ng karapatang pantao ay unibersal, magkakasanib, hindi
napaghihiwa-hiwalay, at magkakaugnay. Ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nakasanib sa dignidad at pagkatao ng bawat isa,
at hindi dapat maging dahilan ng diskriminasyon at abuso.

Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang pantao


ang nagbalangkas, nagpaunlad, nagtalakayan, at nagpino ng mga prinsipyo.
Matapos magpulong sa Gadjah Mada University sa Yogyakarta, Indonesia noong
Nobyembre 6-9, 2006, may 29 na natatanging eksperto mula sa 25 bansa, na may
iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng batas sa mga karapatang
9
pantao, ang nagbuklod sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao kaugnay ng oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.
Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay
sumasalamin sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga
karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay maaaring
magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa mga
karapatang pantao. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral
nang mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat sundin ng mga estado.
Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa isang bagong hinaharap, na kung saan
mangyayaring ang mga taong isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at
mga karapatan, ay nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan.

Pinatutungkulan ng Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang masaklaw na mga


pamantayan ng mga karapatang pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga isyu ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Pinagtitibay ng Mga
Prinsipyo ang pangunahing obligasyon ng mga Estado sa pagpapatupad ng mga
karapatang pantao.

Mga Prinsipyo ng Yogyakarta

1. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao

Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga


karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa
ng lahat ng karapatang pantao.

2. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa


diskriminasyon.

Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng


karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksyon nito,
nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba
pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong
diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang
proteksyon sa anumang diskriminasyon. Ang diskriminasyong
naguugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
ay maaari, o karaniwang pinalalala, ng diskriminasyong may
kaugnayan sa iba pang usapin, gaya ng kasarian, lahi, edad, relihiyon,
kapansanan, sakit, at kalagayang pang-ekonomya.

10
3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas

Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan


man. Ang mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat na nagtatamasa ng mga
kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay. Ang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na pinili ng bawat isa ay
di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang katauhan at kabilang sa
pinakabatayang aspekto ng pagpapasya sa sarili, dignidad, at kalayaan.

4. Ang karapatan sa buhay

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang


maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan,
kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi
ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong
nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao

Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa


proteksyon ng estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, gawa
man ng mga opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo.

6. Ang karapatan sa pribadong buhay

Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang


walang arbitraryo o labag sa batas na pakikialam ng iba. Kabilang sa
karapatang ito ang nauukol sa pagpapamilya, tahanan, o
pakikipagkomunikasyon sa iba, at sa proteksyon sa paninira ng dangal
at reputasyon. Karaniwang nakapaloob sa karapatan sa pribadong
pamumuhay ang kalayaang maglihim o magbigay ng impormasyon
tungkol sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian,
ang tungkol sa mga pagpapasya at pagdedesisyong may kinalaman sa
sariling katawan at sa konsenswal na pakikipagrelasyong seksuwal at
iba pa.

7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit

Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong nang arbitraryo o


basta-basta na lamang. Ang pag-aresto at pagkukulong dahil sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, kahit na
iniutos ng korte, ay arbitraryo. Dahil sa pagkakapantay-pantay, lahat
ng tao na inaaresto, anuman ang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan na pagpaliwanagan
kung bakit sila inaaresto, at kung ano ang habla laban sa kanila; at

11
kagyat na iharap sa isang opisyal ng hukuman at bistahan upang
malaman ang katumpakan ng detensyon, naihabla man sila o hindi.

8. Ang karapatan sa patas na paglilitis

Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong


paglilitis ng isang mapapagkatiwalaan, independyente, at walang
kinikilingang hukumang itinatag ayon sa batas; at kung nahahabla at
naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng kanilang mga karapatan at
obligasyon nang walang maling pag-iisip o diskriminasyong nag-uugat
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

9. Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit

Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang


makatao at may paggalang sa angking dignidad ng isang tao. Ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi
maihihiwalay sa dignidad ng bawat tao.

10. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o


mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa

Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim


sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa sa
anumang dahilan.

11. Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng


pagsasamantala, pagbebenta, at trafficking ng tao

Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking,


pagbebenta, at iba pang anyo ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng
pagsasamantalang seksuwal nang dahil sa aktwal o inaakalang
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga
hakbang kontra sa trafficking ay dapat na nagsasaalang-alang sa mga
salik na naglalagay sa mga tao sa panganib, kabilang ang iba’t ibang
anyo ng di-pagkakapantay-pantay at diskriminasyon; o ang
pagpapakita ng mga ito o ng iba pang pagkakakilanlan. Ang mga
nasabing hakbang ay hindi magiging taliwas sa mga karapatang pantao
ng mga nanganganib na maging biktima ng trafficking.

12. Ang karapatan sa trabaho

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho,


sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

13. Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan

12
Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang
proteksyong panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay

Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng


pamumuhay, kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig,
angkop na sanitasyon at pananamit, at sa patuloy na pagpapaunlad ng
kalagayan sa buhay.

15. Ang karapatan sa sapat na pabahay

Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang


proteksyon sa pagpapalayas nang walang diskriminasyong nag-uugat
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

16. Ang karapatan sa edukasyon

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang


diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga Estado ay dapat tumiyak na
ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng personalidad, talino ng
bawat estudyante, at ng kanilang abilidad na mental at pisikal sa
kasukdulan ng kanilang potensyal; at tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga estudyante, anuman ang kanilang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian;

17. Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang


makakamit

Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan


ng kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga
ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang
aspekto ng karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo

18. Proteksyon laban sa mga abusong medikal

Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang


medikal o sikolohikal na panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y
bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang dahil sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Sa kabila ng anumang
taliwas na klasipikasyon, ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay hindi maituturing na
sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na
gamutin, pagalingin, o pigilin.

19. Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag

13
Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at
pamamahayag, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang paghahayag ng
anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili,
pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa;
gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng
impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang ang nauukol sa mga
karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang
pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man.

20. Ang karapatan sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan

Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagtitipon at pagsapi


sa mga samahan, kabilang ang nauukol sa mapayapang
demonstrasyon.

21. Ang karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon

Ang lahat ay may karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya,


at relihiyon. Hindi maaaring gamitin ng Estado ang mga karapatang ito
upang pangibabawin ang mga batas, patakaran, o gawi na pumapawi
sa pantay na proteksyon ng batas, o kaya’y nagdudulot ng
diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

22. Ang karapatan sa malayang pagkilos

Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob ng isang Estado ay


may karapatang pumunta kung saan nila gusto, at manirahan saan
man sa nasasakupan ng nasabing Estado. Hindi maaaring ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay gamitin
upang limitahan o pigilin ang paglalakbay nila saan man, kabilang ang
sa sarili nilang Estado.

23. Ang karapatang humanap ng asilo

Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo o


santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig. Hindi
maaaring alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa
kung saan siya ay maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng
pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o pagpaparusa
bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
niya.

24. Ang karapatang magbuo ng pamilya

Ang lahat ay may karapatang magbuo ng pamilya, anuman ang


kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

14
Ang mga pamilya ay may iba-ibang anyo. Walang pamilya ang dapat na
dumanas ng diskriminasyon dahil sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian ng sinuman sa mga myembro nito.

25. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping


publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng
mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang
mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga
pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at
militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal
o pagkakakilanlang pangkasarian.

26. Ang karapatang lumahok sa buhay-pangkultura

Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok


nang malaya sa buhay-pangkultura at upang ipahayag, sa
pamamagitan ng pagsali sa mga usaping pangkultura, ang pagkakaiba-
iba ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

27. Ang karapatang magtaguyod ng mga karapatang pantao

Ang lahat ay may karapatan, bilang indibiduwal, o sa


pakikipagtulungan sa iba, na magtanggol at magpatupad ng mga
karapatang pantao sa pambansa at pandaigdigang saklaw nang walang
diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Kabilang dito ang mga aktibidad na nakatuon sa
pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga taong may iba-ibang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin
ang karapatan upang paunlarin, talakayin, at matanggap ng iba ang
mga bagong kalakaran sa mga karapatang pantao.

28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian

Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may


karapatan sa mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo. Ang mga
hakbang na naglalayong magbigay ng reparasyon, o nauukol sa
ikabubuti ng mga biktimang may iba-ibang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian, ay hindi maihihiwalay sa karapatan
para sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian. Tumiyak na
bukas sa lahat ng tao ang lahat ng kinakailangang impormasyon
tungkol sa mga proseso ng remedyo at pagtutuwid ng kamalian.

29. Pananagutan

Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang


pantao, kabilang ang mga nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na

15
papanagutin ang mga maysala, sila man ay tuwiran o di-tuwirang
responsable, opisyal man ng gobyerno o hindi. Ang pananagutan nila
ay magiging simbigat ng kanilang paglabag. Walang palusot o
kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga karapatang pantaong
kaugnay ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Mahusay! Natapos mong basahin at unawain ang mga Prinsipyo ng


Yogyakarta. Ngayon naman ay pagtuunan mo ng pansin ang Gender and
Development. Paano nito maisusulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian
tungo sa pagkakapantaya-pantay.

Gender and Development

Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development


(GAD) ay isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at
nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, napapanatili, malaya sa karahasan, may
paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at
pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender and Development ay binuo
noong 1980 bilang alternatibo sa Women in Development (WID). Hindi tulad ng WID,
ang GAD ay hindi partikular na para sa lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon
din sa paraan kung paano ang isang lipunan ay nagtalaga ng mga tungkulin at
responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD
ang pagsusuri sa kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng
pagtutulungan ang mga kalalakihan at kababaihan, na naglalahad ng mga resulta
sa kabuhayan at kakayanan ng bawat isa ng may pagkakapantay-pantay.

Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang balangkas


nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay nakatuon
sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at
babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations Analysis naman ay
nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa
lipunan.

Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong pagkakataon


tulad ng kalalakihan, kabilang na rito ang kakayahang lumahok sa pampublikong
sektor. Ang mga patakaran ng GAD ay naglalayong repormahan ang tradisyunal na
pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian.

Gender and Development sa Pilipinas


Ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong
1995-2025, ay isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng
pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at kababaihan.
16
Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang Executive
Order No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine Development
Plan para Kababaihan, 1989-1992, na pinagtibay ng Executive Order No. 348 ng
Pebrero 17, 1989.

Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badyet para sa iba’t ibang


ahensiya nito. Ito ay upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol
sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang bawat ahensiya ng gobyerno ay
naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng
kasarian at matugunan ang isyu ukol rito.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Ngayon ay makatutulong sa iyo ang mga


sumusunod na gawain upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa natapos na
babasahin.

Pagyamanin

A. Gulong ng Kaalaman

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa gulong ng kaalaman at isulat sa isang papel.

_______ 1. Karaniwang kinapapalooban ng kalayaang maglihim o magbigay ng


impormasyon nang walang pakikialam ng iba.
17
_______ 2. Ito ay ang pag-aresto o pagkulong nang hindi basta-basta na lamang.

_______ 3. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay di’


maihihiwalay sa dignidad na ito.

_______ 4. Ito ay isang malupit, maka-hayop, o mapanghiyang pagtrato o


pagpaparusa.

_______ 5. Ito ay isang anyo ng pananamantala, pagbebenta at pagsasamantalang


seksuwal.

B. GAD says
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng iyong sagot
mula sa kahon at isulat ito sa isang papel.

A. Government D. Gender and Development


B. Gender Roles E. Social Relations Analysis C. Women in Development
F. Philippine Development Plan for 1995-2025

1. Isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay


at kaunlaran para sa kalalakiha at kababaihan

2. Ito ay nakatuon sa pagbuo ng mga pakakakilanlan sa lipunan at ang pagiging


patas ng lalaki at babae sa pagkukunan ng kabuhayan.

3. Ito ang naglalaan ng 5 porsiyentong badget upang higit na mapagbuti ang mga
polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian.

4. Isang pag-aaral na lipunang kinatatayuan ng kalalakihan at kababaihan sa


lipunan.

5. Isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok ng lalaki at


babae upang itaguyod ang paggalang at pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae
sa lipunan.

C. Suri-Larawan
Panuto: Suriin ang bawat larawan at tukuyin kung anong prinsipyo ng Yogyakarta
ang ipinakikita nito. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sa isang papel.

18
Karapatan sa buhay
Karapatan sa trabaho
Karapatan sa edukasyon
Karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
Karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag
Karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makamit

1. 2. 3.

4. 5.

D.Hephep…Hooray….

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang Hooray kung
ito ay saklaw ng prinsipyo ng Yogyakarta at Hephep kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa isang papel.

__________ 1. Ang samahan ng mga LGBT ay nag-organisa ng isang webinar upang


ipaglaban ang kanilang karapatan.

__________ 2. Si Marikit na isang transgender ay kaanib ng isang relihiyon.

__________ 3. Piniling manirahan ng mag-partner na Nil at Al sa France upang bumuo


ng pamilya dahil sa sila ay pawang miyembro ng LGBT.

__________ 4. Hindi pinayagan si Verdan na lumahok sa pulitika.

__________ 5. Isang lalaki ang hindi natanggap sa paaralang kaniyang nais pasukan
upang magturo sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo
rito.

19
E. Solusyunan Natin!
Panuto: Gamit ang fishbone technique ibigay ang magiging tugon sa mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang sagot sa isang papel.

F. Ikomento mo!
Panuto: Pagmasdan ang larawan at ilagay ang iyong opinyon patungkol dito.
Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa paglalagay ng panibagong
palikuran(toilet) para sa lalaki at babae at iba pang kasarian. Isulat ang sagot sa
isang papel.

20
Isaisip

#PUNAN MO AKO

Panuto: Punan ng angkop na mga kasagutan ang “Bintana ng Pag-unawa sa


Paggalang at Pagtanggap sa Kasarian”. Gayahin ang pormat sa ibaba. Isulat ang
sagot sa isang papel.

REYALISASYON INTEGRASYON

Bagong kaalaman na tumatak sa Sitwasyon na kung saan mo


iyong isipan magagamit ang kaalamang nakuha sa
aralin

EMOSYON AKSYON

Pag-gamit ng emoticon Pangakong gagawin upang


na maglalarawan ng iyong maisulong ang pagtanggap at paggalang
nararamdaman base sa iyong naging sa kasarian
sagot sa bintana ng integrasyon

21
Isagawa

#ISULONG NATIN ITO

Panuto: Sumulat ng isang patalastas o anunsyong pandyaryo o pantelebisyon na


nagpapakita ng mga pamamaraan sa pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa
pagkakapantay-pantay. Gamiting gabay ang mga pamantayan sa rubrik. Isulat ang
iyong sagot sa isang papel.

Rubriks ng Pagmamarka

Napakagali Hindi gaanong


ng Magaling magaling Hindi magaling
Pamantayan
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong Medyo magulo Magulo at hindi
madaling maunawaan ang laman ng maunawaan
unawain ang patalastas o patalastas o ang patalastas o
ang anunsyo sa anunsyo sa anunsyo sa
patalastas o pagtanggap at pagtanggap at pagtanggap at
anunsyo sa paggalang sa paggalang sa paggalang sa
pagtanggap kasarian kasarian kasarian
at
paggalang
sa kasarian
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong Kaunti ang Walang
may maayos ang kaunayan sa kaugnayan sa
malaking kaunayan sa paksa ng paksa ang
kaunayan sa paksa ng patalastas o patalastas o
paksa ang patalastas o anunsyo sa anunsyo sa
patalastas o anunsyo sa pagtanggap at pagtanggap at
anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa paggalang sa
pagtanggap paggalang sa kasarian kasarian
at paggalang kasarian
sa kasarian
Pagkamalikhain Nakahihikay Hindi gaanong Medyo Walang
at ang nakahihikayat nakahihikayat panghihikayat
patalastas o ang patalastas o ang patalastas o ang patalastas o
anunsyo na anunsyo na anunsyo na anunsyo na
nagsusulong nagsusulong ng nagsusulong ng nagsusulong ng
ng pagkakapantayp pagkakapantayp pagkakapantayp
pagkakapan antay antay antay
taypantay

22
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag, sitwasyon, at tanong.


Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang maitaguyod


ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang kasarian. Alin sa mga
sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon
B. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan.
C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at guro.
D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga
karapatang pantao.

2. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng


ilang mga ospital upang gamutin. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang
binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit

3. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol


ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong
prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan na seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit

4. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na


transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.

23
5. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang
kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng
karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia
upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging
bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta.
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian
D. pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian

6. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang
mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang
pangungusap ay nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto

7. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na paggagamot,


pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang pasilidad na medikal.
A. abusong medikal C. pribadong buhay
B. malayang pagkilos D. sapat na kalusugan

8. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na


pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho

9. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay


anuman ang kasarian.
A. pribadong buhay C. pagkilala ng batas
B. maka-taong pagtrato D. seguridad sa pagkatao

10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan
sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay C. karapatan sa malayang pagkilos
B. karapatan sa trabaho D. karapatang magbuo ng pamilya

24
11. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay
para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga
kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa
kababaihan

12. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and


Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng
pamahalaan
D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga
isyung pangkasarian

13. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo pa


ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa empleyo anuman
ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. Karapatan sa trabaho
B. Karapatan sa maayos na pamumuhay
C. Karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
D. Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala

14. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong


pakikilahok at pagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon
sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa
pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao.
A. Gender and Equity C. Gender and Development
B. Equality and Equity D. Gender Roles and Development

15. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng


lalaki at babae sa lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan

25
Karagdagang Gawain

#PANATA KO

Panuto: Bilang isang responsableng mamamayan ng iyong komunidad, sumulat ka


ng isang pangako na iyong isusulong ang pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang makamit ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay.

Bilang isang responsableng mamamayan, ipinangangako


kong _________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

26
Susi sa Pagwawasto

27
28
Sanggunian
“Gender and Development.” Department of Labor and Employment, Bureau of Workers
with Special Concerns. http://bwsc.dole.gov.ph/publications/gad.html?fbclid

International Commission of Jurists (ICJ). Yogyakarta Principles - Principles on the


Application of International Human Rights Law in relation to Sexual Orientation
and Gender Identity. Translated by Bonifacio P. Ilagan. GALANG Philippines,
2011. http://www.galangphilippines.org/media/Yogyakarta-Filipino.pdf?fbclid

“K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.”


DepEd Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III - Learning Resources Management


Section (DepEd Region III - LRMS)

Office Address: Matalino St., D.M. Government Center


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

30

You might also like