You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

Ikatlong Markahan
Aralin 4:
Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay
Ikalawang Bahagi

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayan.

Natapos mong basahin at unawain ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta sa nakaraang aralin
ngayon naman ay pagtuunan mo ng pansin ang Gender & Development bilang bahagi ng paksang
aralin. Sa araling ito matututunan mo kung paano mo maisusulong ang pagtanggap at paggalang
sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.

GENDER AND DEVELOPMENT


Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development (GAD) ay
isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at nagbibigay lakas,
pagkakapantay-pantay, napapanatili, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao,
sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender
and Development ay binuo noong 1980 bilang alternatibo sa Women and Development (WID).
Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi partikular na para lamang sa mga kababaihan. Ito ay
nakatuon din sa paraan kung paano ang isang lipunan ay nagtalaga ng mga tungkulin at
responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD ang pagsusuri sa
kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng mga resulta sa kabuhayan at kakayanan ng
bawat isa ng may pagkakapantay-pantay.
Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang 2 mahalagang balangkas nito, ang Gender Roles
at Social Relations Anaysis:
Ang Gender Roles - ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang
pagiging patas ng lalaki at babae sa pagkukunan ng kabuhayan.
Ang Social Relations Analysis - ay nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng
kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong pagkakataon katulad ng
kalalakihan, kabilang na rito ang kakayahang lumahok sa pampublikong sektor. Ang mga
patakaran ng GAD ay naglalayong repormahan ang tradisyunal na pananaw ng ginagampanan ng
bawat kasarian.

GENDER AND DEVELOPMENT SA PILIPINAS


Ang plano ng Pilipinas para sa Gender and Development para sa mga taong 1995-2025, ay
isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para
sa kalalakihan at kababaihan. Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos
bilang Executive Order No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine
Development Plan para sa Kababaihan, 1989-1992 na pinagtibay ng Executive Order No. 348 ng
Pebrero 17, 1989.
Ang gobyerno ay naglaan ng 5% ng badyet para sa ibat-ibang ahensiya nito. Ito ay upang
higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin ang
bawat ahensiya ng gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa
pagpapaunlad ng kasarian at matugunan ang isyu ukol rito.

1
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: GAD SAYS

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangunusap. Piliin ang titik ng iyong sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa iyong sagutag papel.

A. Government D. Gender and Developmet


B. Gender Roles E. Social Relations Analysis
C. Women In Development F. Philippine Development Plan for 1995-2025

1. Isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at


kaunlaran para sa kalalakihan at kababaihan.
2. Ito ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng
lalaki at babae sa pagkukunan ng kabuhayan.
3. Ito ang naglalaan ng 5 porsiyentong badyet upang hihit na mapagbuti ang mga polisiya at
patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian.
4. Isang pag-aaral na lipunang kinatatayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
5. Isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok ng lalaki at babae upang
itaguyod ang paggalang at pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ikomento Mo!

Panuto: Pagmasdan ang larawang nasa ibaba at isulat ang iyong opinyon patungkol dito.
Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa paglalagay ng panibagong palikuran
(toilet) para sa lalaki at babae at iba pang kasarian. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sang-ayon: ____________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Hindi sang-ayon: _______________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2
Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan

PAGSUSULIT BILANG 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag, sitwasyon, at tanong. Isulat ang iyong sagot sa
inyong sagutang papel.
1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang maitaguyod ang karapatan ng bawat
isa sa edukasyon anuman ang kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon
B. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan.
C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at guro.
D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang pantao.
2. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng ilang mga ospital upang
gamutin. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
3. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang
abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan na seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
4. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya ang
nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
5. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Kaya,
ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong
Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta.
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian
D. pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian
6. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang
demonstrasyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
7. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na paggagamot, pagsusuri o kaya’y
pagbimbin sa isang pasilidad na medikal.
A. abusong medikal B. malayang pagkilos
C. pribadong buhay D. sapat na kalusugan
8. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa
pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho
9. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay anuman ang kasarian.
A. pribadong buhay B. maka-taong pagtrato
C. pagkilala ng batas D. seguridad sa pagkatao

3
10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat pawang mga
babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay B. karapatan sa trabaho
C. karapatan sa malayang pagkilos D. karapatang magbuo ng pamilya
11. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay para sa mga kababaihan
din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa kababaihan
12. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng pamahalaan
D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian
13. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo pa ngayong panahon ng
pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa empleyo anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta
ang nagsasaad nito?
A. Karapatan sa trabaho
B. Karapatan sa maayos na pamumuhay
C. Karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
D.Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala
14. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at pagbibigay
lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao
at sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao.
A. Gender and Equity B. Equality and Equity
C. Gender and Development D. Gender Roles and Development
15. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhyan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan

PERFORMANCE TASK BILANG 3: PANATA KO!


Panuto: Bilang isang responsableng mamamayan ng iyong komunidad, sumulat ng isang liham /pangako
na iyong isusulong ang pagtanggap at paggalang sa ibat-ibang kasarian upang makamit ang isang lipunang
may pagkakapantay-pantay.Gamiting gabay ang rubrik na nasa ibaba sa paggawa nito.
Rubrik ng Pagmamarka
Pamantayan Napakagaling Magaling Hindi gaanong Hindi magaling
(5 puntos) (4 puntos) magaling (2 puntos)
(3 puntos)

Nilalaman Malinaw at madaling Hindi gaanong malinaw Medyo magulo ang Magulo at hindi
unawain ang liham ang liham/ panata ukol laman ng liham/ maunawaan ang
/panata ukol sa sa pagtanggap at panata ukol sa liham/ panata ukol sa
pagtanggap at paggalang paggalang sa kasarian. pagtanggap at pagtanggap at
sa kasarian. paggalang sa kasarian. paggalang sa kasarian.
Organisasyon Maayos at may malaking Hindi gaanong maayos Kaunti ang ugnayan Walang kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa ang ang kaugnayan sa paksa sa paksa ang paksa ang
liham/ panata sa ang liham/panata ukol liham/panata ukol sa liham/panata ukol sa
pagtanggap at paggalang sa pagtanggap at pagtanggap at pagtanggap at
sa kasarian paggalang sa kasarian. paggalang sa kasarian. paggalang sa kasarian.
Pagkamalikhain Nahihikayat ang Hindi gaanong Medyo nakahihikayat Walang panghihikayat
liham/panata na nakahihikayat ang ang liham/panata na ang liham/panata na
nagsusulong ng liham/panata ukol sa nagsusulong ng nagsusulong ng
pagkakapantay-pantay nagsusulong ng pagkakapantay- pagkakapantay-pantay
pagkakapantay- pantay. pantay.

You might also like