You are on page 1of 36

10

10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Tugon sa mga Isyu sa Kasarian
sa Lipunan

1
Aralin Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against
1 Women

Suriin:
Basahing Mabuti

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women


Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan
at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly
ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang naratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

2
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito
ang mga estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad
ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabiyado sa kababaihan,
anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga
pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae,
at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga
gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?


Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May
tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:

1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;


2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilang karapatan;
3. Itaguyod ang pagkapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at
karampatang-aksiyon; at
4. Gumawa ng pambansang ulat tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang
mga tungkulin sa kasunduan.

Sanggunian: AP10 Learning Material

Isaisip

3
Gawain 4: Batas Mo, Batas Natin!
Ang gawaing ito ay naglalayong sukatin ang iyong nauunawaan sa nilalaman ng CEDAW.
Panuto: Punan ng tamang impormasyon a hinihingi ng graphic organizer.

Ano ang batas


na ito?

Sino ang
saklaw nito?
CEDAW Ano ang
kabutihang
naidulot?

Sino ang
nagpatupad?

4
Tanong:

Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng CEDAW sa


mga kababaihan?
_____________________________________________________________.

Isagawa
Gawain 5: Panata Ko!
Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may
idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa
ibaba.

5
Ang gawaing ito ay naglalayong maipakita mo ang iyong suporta sa mga
tugon ng pamahalaan tungkol sa mga issue ng karahasan at diskriminasyon. Sa
pagkakataong ito ikaw ay gagawa ng isang panata.
Panuto: Dugtungan mo ang nasa ibaba.

Bilang isang mag aaral, sisikapin kung isabuhay ang lahat ng


aking natutuhan sa araling ito sa pamamagitan ng……

Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na
paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination


against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women,
kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the
Rights of Women. Bakit ito nalikha?

6
A. Para proteksyonan ang lahat ng tao.
B. Para proteksyonan ang mga kabataan.
C. Para proteksyonan ang mga kababaihan.
D. Para proteksyonan ang mga kababaihan at kabataan.

2. Ang CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination


Againgst Women ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang naratipika. Umabot sa 180 bansa mula sa 191na lumagda o State
Parties noong Marso 2005. Unang ipinapatupad ang kasunduan noong
Setyembre 3 1981 o 25 taon na ang nakaraan noong 2006. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?

A. Hindi lamang sa Pilipinas na nakararanas ng diskriminasyon ang mga


kababaihan.
B. Ipinaglalaban ng mga nagratipikang mga bansa ang karapatan ng mga
kababaihan.
C. Nagkaisa ang mga bansa na proteksyonan at wakasan ang diskriminasyon
sa mga kababaihan.
D. Pinapahalagahan ang buhay ng mga kababaihan dahil sila ang tinaguriang
ilaw ng tahanan.

3. May paligsahan sa sayaw na inanunsyo ang inyong paaralan na nagsasaad na


ang pwedeng sumali nito ay mga babae at lalaki lamang. Maraming gustong
sumali ngunit di sila pwede dahil sa kanilang kasarian. Ikaw bilang estudyante ng
paaralan ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

A. Pagsabihan ko ang nag anunsyo na hindi makatarungan ang sinasaad sa


paligsahan.
B. Pagsabihan ko ang mga estudyante na magprotesta laban sa gumawa ng
paligsahan.

7
C. Pagsabihan ko sila na huwag nalang piliting sumali kasi di sila pwedeng
sumali dahil sa kanilang kasarian.
D. Pagsabihan ko ang gumawa ng paligsahan na kung pwede ay maguhin
ang alituntunin ng paligsahan at ipakita ang pagkakapantay-pantay sa lahat
ng estudyante sa paaralan.

4. Matapos maipaliwanag ng inyong guro ang paksa sa AP 10 sa ikatlong


Markahan tungkol sa mga Isyu at Hamong Pangkasarian ay pinapagawa kayo ng
malikhaing hakbang para sa pagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
lipunan. Ikaw, bilang napiling lider sa klase, anong presentasyon ang
imumungkahi mo sa mga kaklase mo?

A. Gagawa kami ng islogan na magpapakita ng pagkapantay-pantay sa lahat


ng kasarian.
B. Gagawa kami ng awitin na magpapakita ng pagkapantay-pantay sa lahat
ng kasarian.
C. Gagawa kami ng maikling dula-dulaan na magpapakita ng pagkapantay-
pantay sa lahat ng kasarian.
D. Lahat ng nabanggit

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 1. Ang Convention on the Eliminattion of All Forms of Discrimination


Against Women o CEDAW ay karaniwan ding inilalarawan bilang
International Bill for Women.
_______ 2.Ang Convention on the Eliminattion of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW ay kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan.
_______ 3. Ang kasunduang CEDAW ay unang ipinapatupad noong Setyembre 2,

8
1981.
_______ 4.Saklaw sa CEDAW ang sibil at politikal na larangan, aspektong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
_______ 5. May 180 na bansa ang nagratipika at pumirma sa kasunduang CEDAW.

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na maintindihan ang mga layunin at nilalaman ng VAWC
at maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gawaing inihanda dito. Handa ka na bang matuto?
Aralin
Anti-Violence Against Women
2 and their Children

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang
Pamantayan sa Pagkatuto:

9
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon.
Layunin:

1. Natatalakay ang layunin ng VAWC;


2. Nasusuri ang nilalaman ng VAWC; at
3. Nakagagawa ng repleksyon na tumatalakay sa kahalagahan ng babae bilang
bahagi ng lipunan.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Anti-Violence Against Women and


Their Children Act
❖ Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.

❖ Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

Subukin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa
lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto
at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.

10
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming mga tugon ang ginawa ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig para
malabanan ang diskriminasyon at karahasan ng mga kababaihan at LGBT sa
lipunan. Ang mga sumusunod ay mga batas na nagawa para bigyan ng
proteksyon ang lahat ng kasarian sa lipunan. Anong batas na kasali sa
saklaw ang mga PWD?

A. VAWC
B. CEDAW
C. Magna Carta ofr Women
D. Prinsipyong Yogyakarta

2. Naglipana sa inyong paaralan ang mga baklang estudyante na hindi


sumusunod sa batas ng paaralan tulad ng pagsuot ng tamang uniporme at
pagsunod sa wastong gupit ng buhok. Sila ay pumapasok sa paaralan na
mataas ang buhok, nakadamit pambabae, at naka make up. Alam mo ang
tungkol sa mga isinusulong na pantay na karapatan sa lahat ng kasarian sa
boung daigdig dahil ito ay natalakay na sa asignaturang Araling Panlipunan
10. Ano ang una mong gagawin sa sitwasyong ito?

A. Pupunta ako sa School Disciplinarian at isusumbong ko sila dahil sa


kanilang paglabag sa batas ng paaralan.
B. Pagsabihan ko ang gate guard na ipapapasok pa rin sila sa paaralan
dahil mayroon silang karapatan tulad din ng ibang kasarian.
C. Pagsabihan ko sila na sumunod pa rin sa batas ng paaralan kasi
nakasaad sa batas ng paaralan ang mga dapat gawin at sundin ng
mga estudyante.
D. Magtanong ako sa Punong Guro ng paaralan kung may nakatakdang
batas ba na ginawa ang paaralan para sa kanila na may kinalaman sa
kanilang karapatan.

11
3. Ikaw ay binuto at nanalo bilang Presidente ng inyong klase. Isa sa mga
kaklase mo ay nabibilang sa PWD o yung taong may kapansanan. Parati
siyang tinutukso ng iyong mga kaklase dahil hindi siya makalakad nang
maayos. Ano ang iyong gagawin bilang Presidente ng klase?

A. Pagsabihan ko ang aking mga kaklase na ihinto ang panunukso sa


kanya.
B. Pagagalitan ko ang aking mga kaklase na nanunukso sa kanyang
kalagayan.
C. Pagsabihan ko ang aming guro na dapat parusahan ang mga kaklase
kong parating nanunukso sa kanya.
D. Tatawag ako ng pagpupulong sa kapwa ko opisyal sa klase para
gumawa ng patakaran laban sa diskriminasyon at karahasan sa mga
PWD at ibahagi ko ito sa guro at sa boung klase.

4. Ikaw ay isang anak ng kilalang negosyante sa inyong lugar. Marami kayong


mga manggagawa sa inyong kompanya. Ngunit napansin mo na hindi
tumatanggap ang iyong mga magulang ng mga PWD na naghahanap ng
trabaho kahit may angking kakayahan sila sa papasukan nilang trabaho. Ikaw
bilang isang mag-aaral sa ika sampung baiting ay alam mo ang tungkol sa
mga karapatan ng PWD. Ano ang iyong gagawin?

A. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na huwag mapanghusga sa


mga PWD na naghahanap ng trabaho.
B. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na kaawaan nila ang mga
PWD naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.
C. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na masama ang maliitin ang
kakayahan ng mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming
kompanya.

12
D. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na idaan sa tamang proseso
ang mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya at kung
makapasa sa proseso ay tanggapin sa trabaho.

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak.
______ 2. Sa ilalim ng VAWC, ang “mga anak” ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inaabuso at mga anak na wala pang labing-walong taong
gulang.
______ 3. Kasali sa binibigyan ng proteksiyon ng VAWC ang mga hindi tunay na
anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
______ 4. Isa sa maaaring magsagawa ng krimen at maaaring managot sa ilalim ng
batas na VAWC ay ang mga dati at kasalukuyang asawang lalaki, dating
kasintahan at live-in partners na lalaki.
______ 5. Sakop sa VAWC ang mga anak na babae na may labing walong taong
taon pataas ang edad na may kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili.

Balikan: Tara’t Ating Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang tagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa
ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang talakayan ay natutuhan mo ang tungkol sa CEDAW . Ito ay


ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang
kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkapantay-pantay sa

13
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa
buhay ng kababaihan. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig
sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang
umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito. Inaatasan nito ang mga
state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga
pribadong indibidwal o grupo. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at
tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na
baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Suriin
Gawain 1: Basahin at Matuto!

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang
pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at


Diskriminasiyon

Anti-Violence against Women and Their Children Act

Ang Anti-Violence against Women and Their Children Act ay isang


batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng
mabigyan ng proteksyon ng batas na ito?

14
Ang mabibigyan ng proteksyon ng batas na ito ay ang kababaihan at
kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang
“mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak
na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak
na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang
alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng
isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Sino-sino ang
posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring
kasuhan ng batas na ito?

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim


ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
relationship” sa babae.

Sanggunian: AP10 Learning Material

Pagyamanin
Gawain 2: Kababaihan, Ipaglaban!

Dahil tapos mo nang binasa ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

15
Ang gawaing ito ay naglalayong sukatin ang iyong nauunawaan sa nilalaman
ng VAWC.
Panuto: Punan ng tamang impormasyon na hinihingi ng burger organizer.

Paksa: VAWC

Mahalagang Punto 1:

Pansuportang Detalye:

Mahalagang Punto 2:

Pansuportang Detalye:

Konklusyon:

Tanong:

Sino-sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit


binalangkas ang ganitong uri ng batas?
_____________________________________________________________.

Panuto: Punan ng tamang impormasyon na hinihingi ng graphic organizer.

Ano ang batas


na ito?

16

VAWC
Sino ang Ano ang
saklaw nito? kabutihang
naidulot?

Sino ang
nagpatupad?

Tanong:

Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang nagawa ng VAWC sa


mga kababaihan?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

Isaisip
Gawain 3: Ibuod Mo!

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga

17
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang
mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan
o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-
walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na
labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol
ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng
batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at
dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or datingrelationship” sa babae.

Sanggunian: http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

Isagawa
Gawain 4: Manata Tayo!
Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may
idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa
ibaba.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipakita mo ang iyong suporta sa mga


tugon ng pamahalaan tungkol sa mga issue ng karahasan at diskriminasyon. Sa
pagkakataong ito ikaw ay gagawa ng isang panata. Panuto: Dugtungan mo ang
nasa ibaba.

Bilang isang mag aaral, sisikapin kung isabuhay


ang lahat ng aking natutuhan sa araling ito sa
pamamagitan ng……

18
Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na
paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming mga tugon ang ginawa ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig para
malabanan ang diskriminasyon at karahasan ng mga kababaihan at LGBT sa
lipunan. Ang mga sumusunod ay mga batas na nagawa para bigyan ng
proteksyon ang lahat ng kasarian sa lipunan. Anong batas na kasali sa saklaw
ang mga PWD?

A. VAWC
B. CEDAW
C. Magna Carta ofr Women
D. Prinsipyong Yogyakarta

2. Naglipana sa inyong paaralan ang mga baklang estudyante na hindi


sumusunod sa batas ng paaralan tulad ng pagsuot ng tamang uniporme at
pagsunod sa wastong gupit ng buhok. Sila ay pumapasok sa paaralan na mataas
ang buhok, nakadamit pambabae, at naka make up. Alam mo ang tungkol sa
mga isinusulong na pantay na karapatan sa lahat ng kasarian sa buong daigdig
dahil ito ay natalakay na sa asignaturang Araling Panlipunan 10. Ano ang una
mong gagawin sa sitwasyong ito?

A. Pupunta ako sa School Disciplinarian at isusumbong ko sila dahil sa


kanilang paglabag sa batas ng paaralan.

19
B. Pagsabihan ko ang gate guard na ipapapasok pa rin sila sa paaralan
dahil mayroon silang karapatan tulad din ng ibang kasarian.
C. Pagsabihan ko sila na sumunod pa rin sa batas ng paaralan kasi
nakasaad sa batas ng paaralan ang mga dapat gawin at sundin ng mga
estudyante.
D. Magtanong ako sa Punong Guro ng paaralan kung may nakatakdang
batas ba na ginawa ang paaralan para sa kanila na may kinalaman sa
kanilang karapatan.

3. Ikaw ay binuto at nanalo bilang Presidente ng inyong klase. Isa sa mga


kaklase mo ay nabibilang sa PWD o yung taong may kapansanan. Parati syang
tinutukso ng iyong mga kaklase dahil hindi siya makalakad nang maayos. Ano
ang iyong gagawin bilang Presidente ng klase?

A. Pagsabihan ko ang aking mga kaklase na ihinto ang panunukso sa


kanya.
B. Pagagalitan ko ang aking mga kaklase na nanunukso sa kanyang
kalagayan.
C. Pagsabihan ko ang aming guro na dapat parusahan ang mga kaklase
kong parating nanunukso sa kanya.
D. Tatawag ako ng pagpupulong sa kapwa ko opisyal sa klase para
gumawa ng patakaran laban sa diskriminasyon at karahasan sa mga PWD
at ibahagi ko ito sa guro at sa boung klase.

4. Ikaw ay isang anak ng kilalang negosyante sa inyong lugar. Marami kayong


mga manggagawa sa inyong kompanya. Ngunit napansin mo na hindi
tumatanggap ang iyong mga magulang ng mga PWD na naghahanap ng trabaho
kahit may angking kakayahan sila sa papasukan nilang trabaho. Ikaw bilang
isang mag-aaral sa ika sampung baiting ay alam mo ang tungkol sa mga
karapatan ng PWD. Ano ang iyong gagawin?

20
A. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na huwag mapanghusga sa
mga PWD na naghahanap ng trabaho.
B. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na kaawaan nila ang mga
PWD naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.
C. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na masama ang maliitin ang
kakayahan ng mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.
D. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na idaan sa tamang proseso
ang mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya at kung
makapasa sa proseso ay tanggapin sa trabaho.

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak.
______ 2. Sa ilalim ng VAWC, ang “mga anak” ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inaabuso at mga anak na wala pang labing-walong taong
gulang.
______ 3. Kasali sa binibigyan ng proteksiyon ng VAWC ang mga hindi tunay na
anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
______ 4. Isa sa maaaring magsagawa ng krimen at maaaring managot sa ilalim ng
batas na VAWC ay ang mga dati at kasalukuyang asawang lalaki, dating
kasintahan at live-in partners na lalaki.
______ 5. Sakop sa VAWC ang mga anak na babae na may labing walong taong
Taon pataas ang edad na may kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili.

21
Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na masuri ang nilalaman ng Magna Carta for Women at
Aralin
maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa

3 Magna Carta for Women


mga gawaing inihanda dito. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyuil na ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon.
Layunin:

1. Natatalakay ang layunin ng Magna Carta for Women;


2. Natutukoy ang saklaw ng Magna Carta; at
3. Nakagagawa ng repleksyon na tumatalakay sa pagkapantay-pantay ng lahat
ng kababaihan sa lipunan.

Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

22
❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Magna Carta for Women.

❖ Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.

❖ Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

Subukin
Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy
ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa
lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto
at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay
at galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago
at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na
ang mga karapatan ng kababihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?

A. Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.


B. Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa
lipunan.
C. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang
kanyang kasarian.
D. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-
unlad ng lipunan.

23
2. Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas noong Hulyo 8, 2008 upang
alisin

ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay


itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW. Bakit nakasentro lamang sa mga
kababaihan ang mga batas na ito?

A. Dahil ang mga babae ay kadalasang biktima ng karahasan at


diskriminasyon.
B. Dahil ang mga babae ang tinaguriang ilaw ng tahanan kaya dapat
pahalagahan.
C. Dahil ang mga babae ay mas marami ang papel na ginagampanan
kaysa sa lalaki.
D. Dahil ang mga babae ay mas may maraming maitutulong sa lipunan
kaysa sa lalaki.

3. Ito ay nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga


anak,nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga
ng mga kaulang parusa sa mga lumalabag dito. Anong batas ito?

A. Anti-Volience Against Women and Their Children Act


B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
C. Magna carta for Women
D. Prinsipyong Yogyakarta

24
4. Ang Magna Carta ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng diskriminasyon
sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay. Sino-sino ang saklaw nito?

A. Marginalized Women
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Mga batang babae, matatanda, at may kapansanan
D. Lahat ng nabanggit

1. Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan.
Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga
Batayang pangangailangan at serbisyo.

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

2. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip


na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan,” human
trafficking” at mga babaeng nakakulong?

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

25
3. Ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at

manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at


katutubo ay isa sa binibigyan ng proteksyon ng Magna Carta for Women.
Saan ito nabibilang?

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

8. Ang mga sumusunod ay saklaw ng Magna Carta maliban sa isa. Alin dito?
A. Mga batang babae
B. Mga babaeng matatanda
C. Mga babaeng may kapansanan
D. Mga babaeng may kaya sa buhay
9. Ang mga sumusunod ay nabibilang sa Women in Especially Difficult
Circumstances maliban sa isa. Alin dito?
A. Biktima ng utang
B. Biktima ng prostitusyon
C. Biktima ng “illegal recruitment”
D. Biktima ng “human trafficking”
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa Marginalized Women?
A. Kababaihang Moro at katutubo
B. Kababaihang maralitang taga lungsod
C. Kababaihang magsasaka at manggagawang bukid
D. Kababaihang may sapat na kakayahan upang mabuhay

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.

______ 1. Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng
uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
______ 2. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang mga mambabatas bilang
pangunahing tagapagtaguyod ng komprehensibong batas na ito.

26
______ 3. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw
ng Magna Carta.
______ 4. Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o
nasa di panatag na kalagayan.
______ 5. Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang -aabuso at karahasan at armadong sigalot.

Balikan: Tara’t Ating Balikan!

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang pagtatagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong
nakasulat sa ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang tagpo natutuhan mo ang tungkol sa VAWC. Anti-Violence


Against Women and Their Children Act. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga
anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o
dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-
walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na
labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol
ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Nalaman mo rin na ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring
managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki,
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partner na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
relationship” sa babae.
Sanggunian: http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

27
Suriin
Gawain 1: Basahin at Suriin!

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang
pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Magna Carta for Women


Ano ang Magna Carta for Women?

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito. Ginawa na
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng
uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.

28
Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang
marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa
diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga
stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o


hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna
Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo
ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang
manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid,
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
**Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang
mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima
ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

Sanggunian: AP10 Learning Material

Pagyamanin
Gawain 2: Kababaihan, Laban Natin Ito!
Dahil tapos mo nang binasa ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

29
Ang gawing ito ay naglalayong sukatin ang iyong nauunawaan sa nilalaman
ng Magna Carta for Women.
Panuto: Punan ng tamang impormasyon na hinihingi ng burger organizer.

Paksa: Magna Carta for Women

Mahalagang Punto 1:

Pansuportang Detalye:

Mahalagang Punto 2:

Pansuportang Detalye:

Konklusyon:

Tanong:

Sino-sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit


binalangkas ang ganitong uri ng batas?

30
_____________________________________________________________.

Ang gawaing ito ay naglalayong sukatin ang iyong nauunawaan sa nilalaman


ng Magna Carta for Women.

Panuto: Punan ng tamang impormasyon na hinihingi ng graphic organizer.

Ano ang batas


na ito?

Sino ang
Magna Carta for Ano ang
saklaw nito? Women kabutihang
naidulot?

Sino ang
nagpatupad?

31
Tanong:

2. Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang naiambag ng Magna Carta


sa mga kababaihan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Isaisip
Gawain 3: Ibuod Mo!

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Layunin nito na itaguyod ang husay at
galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.

Isagawa
Gawain 4: Panata Ko!

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may


idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa
ibaba.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipakita mo ang iyong suporta sa mga


tugon ng pamahalaan tungkol sa mga issue ng karahasan at diskriminasyon. Sa
pagkakataong ito ikaw ay gagawa ng isang panata.
Panuto: Dugtungan mo ang nasa ibaba.

Bilang isang mag aaral, sisikapin kung isabuhay ang lahat ng aking
natutuhan sa araling ito sa pamamagitan ng……

32
Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na
paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay at galing
ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig ipahiwatig nito?

A. Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.


B. Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.
C. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang kanyang
kasarian.
D. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng
lipunan.

33
2. Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Bakit
nakasentro lamang sa mga kababaihan ang mga batas na ito?

A. Dahil ang mga babae ay kadalasang biktima ng karahasan at diskriminasyon.


B. Dahil ang mga babae ang tinaguriang ilaw ng tahanan kaya dapat
pahalagahan.
C. Dahil ang mga babae ay mas marami ang papel na ginagampanan kaysa sa
lalaki.
D. Dahil ang mga babae ay mas may maraming maitutulong sa lipunan kaysa sa
lalaki.

3. Ito ay nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,


nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaulang parusa sa mga lumalabag dito. Anong batas ito?

A. Anti-Volience Against Women and Their Children Act


B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
C. Magna carta for Women
D. Prinsipyong Yogyakarta

4. Ang Magna Carta ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng diskriminasyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay. Sino-sino ang saklaw nito?

34
A. Marginalized Women
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Mga batang babae, matatanda, at may kapansanan
D. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila
ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo.

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

6. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan omasikip na


katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan,” human trafficking” at mga
babaeng nakakulong?

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

7. Ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at


manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo ay
ia sa binibigyan ng proteksyon ng Magna Carta for Women. Saan ito nabibilang?

35
A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women

8. Ang mga sumusunod ay saklaw ng Magna Carta maliban sa isa. Alin dito?
A. Mga batang babae
B. Mga babaeng matatanda
C. Mga babaeng may kapansanan
D. Mga babaeng may kaya sa buhay
9. Ang mga sumusunod ay nabibilang sa Women in Especially Difficult
Circumstances maliban sa isa. Alin dito?
A. Biktima ng utang
B. Biktima ng prostitusyon
C. Biktima ng “illegal recruitment”
D. Biktima ng “human trafficking”
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Marginalized Women?
A. Kababaihang Moro at katutubo
B. Kababaihang maralitang taga lungsod
C. Kababaihang magsasaka at manggagawang bukid
D. Kababaihang may sapat na kakayahan upang mabuhay

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng
uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
______ 2. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang mga mambabatas bilang
pangunahing tagapagtaguyod ng komprehensibong batas na ito.
______ 3. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw
ng Magna Carta.
______ 4. Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o
nasa di panatag na kalagayan.
______ 5. Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot.

36

You might also like