You are on page 1of 6

Calubian National High School

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Ikatlong Markahan

Date:________

Jennieba Rose B. Basañez


AP 10 Student Teacher

I. Layunin
Pamantayang Pagkatuto:
1. Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon (AP10IKL-
IIIg-8)
2. Napapahalagahan ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon
(AP10IKL-IIIh-9)
 Natutukoy ang kahulugan ng CEDAW;
 Nasusuri ang binasang teksto hinggil sa CEDAW: at
 Napapahalagahan ang CEDAW para sa mga kababaihan laban sa karahasan at
diskriminasyon.
II. Nilalaman
a. Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW)
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu) Modyul pp-315-
318
c. Kagamitan: Mga larawan, kagamitang biswal, laptop, modyul.
d.Values: Pagkakaroon ng respeto at pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga
kababaihan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin at Pagbati

Tumayo muna ang lahat at tayoy’ manalangin. (Tatayo ang lahat)

Mark, maaari mo bang pangunahan ang ating Opo ma’am.


panalangin?

2. Pagtala ng Lumiban
3. Paglalahad ng mga Alintuntunin
4. Balik- Aral
Magbabalik-tanaw tayo sa ating mga natutunan sa
nakaraang aralin.

 Anu-ano ang mga Prinsipyo ng Yoyakarta? Sagot: Prinsipyo 1 “Ang karapatan sa unibersal na
pagtatamasa ng mga karapatang pantao”. Prinsipyo
2
“Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at
kalayaan sa diskriminasyon”. Prinsipyo 4 “Ang
karapatan sa buhay”. Prinsipyo 12 “Ang karapatan
sa trabaho”. Prinsipyo 16 “Ang karapatan sa
edukasyon”. Prinsipyo 2 “Ang karapatang lumahok
sa buhay-pampubliko”.

 Kailan at saang bansa nagtipon-tipon ang 27 Sagot: Maam, Yogyakarta, Indonesia, noong
na eksperto sa SOGIE upang pagtibayin ang Nobyembre, 6-9, 2006.
mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT?

 Mahalaga bang maisabuhay ang mga


Prinsipyo ng Yogyakarta ng lahat ng mga Sagot: Opo maam, upang ang lahat ng tao sa iba’t-
bansa sa daigdig? ibang bahagi ng daigdig ay mapangangalagaan at
mapoproteksyonan ang kanilang mga karapatan.

5. Pagganyak

BUUIN N’YO, IBIBIGAY KO!


Gamit ang mga paper strips na ibibigay ko, may
nakasulat na mga salitang parirala, buuin ninyo
ang mga ito hanggang sa maging pangungusap na
maaaring may kaugnayan sa paksang tatalakayin
ngayong araw. Bibigyan ko lamang kayo ng 3
minuto para gawin ito.

Handa na ba kayong lahat?

Lahat: Handang-handa na po maam!

Sagot ng buong klase: “Ang CEDAW ay ang kauna-


unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
kumprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na
larangan, kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya”.

Magaling! Palakpakan ang iyong sarili klas!


B. Paglalahad ng Aralin
Ang paksang tatalakayin ay tungkol sa Convention on
the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) - isa sa mga tugon ng
pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. Sagot: Handa na po.

Handa na ba kayo sa ating aralin ngayong araw


klas?

C. Panlinang na Gawain

1. Aktibiti
Sa gawaing ito, hahatiin ang buong klase sa tatlong
pangkat. Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na
babasahin tungkol sa Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against Women. Basahin
at suriin ang teksto. Pagkatapos sagutan ang
pamprosesong tanong, isulat sa 1 whole sheet of paper
at ibahagi ang mga sagot at talakayin ng bawat pangkat.

2. Analisis
Batay sa ginawang aktibiti, sasagutin ang mga
pamprosesong tanong: Sagot: “Opo, dahil ito ay isang international na batas na
tunay na makakatulong sa pagkakapantay pantay na
1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Pilipinas sa mga karapatang pantao higit sa lahat sa mga kababaihan. Ang
probisyon ng CEDAW? batas na ito ay isang matibay na pundasyon ng lipunan ng
isang bansa o bayan na poprotekta sa karapatan ng mga
kababaihan sa upang makamit ang maraming bagay ng
may kapayapaan at kalayaan”.

Sagot: Upang mawakasan ang diskriminasyon sa


kababaihan at isulong ang panaty na karapatan ng mga
2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan at upang bigyan ng proteksyon ang
kababaihan sa mundo? kababaihan laban sa mapang-abusong mga tao”.

3. Abstraksyon

Klas, ano ang kahulugan ng CEDAW?


Sagot: “Maam, Ang CEDAW o Convention on the
Maari mo bang subukin Alliah? Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women ay ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan
ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya”.

Sagot: “Ito po ay inilalarawan bilang International Bill for


Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o
Ang CEDAW ay inilalarawan at kilala bilang? ang United Nations Treaty for the Rights of Women”.
Maaari mo bang subukin Jona?
Sagot: “Maam, noong Disyembre 18,1979 noong UN
Decade for Women.
Kailan inaprubahan ng United Nations General
Assembly ang CEDAW?
Sagot: Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo
15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
Kailan pumirma at nagratipika ang Pilipinas sa
CEDAW?

 Kasunod sa Convention of the Rights of the Child,


ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na
sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State
Sagot: “Maam, noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
parties noong Marso 2005.
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam nito.
Kailan unang ipinatupad ang kasunduan o ang
CEDAW?
(Sasagot ang mga mag-aaral, kukunin ang sagot
mula sa tekstong kanilang binasa)
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang
diskriminasyon sa kababaihan? (Sasagot ang mga mag-aaral, kukunin ang sagot
mula sa tekstong kanilang binasa)
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas
sa CEDAW?

4. Aplikasyon
Upang malaman ko kung gaano kalalim ang
inyong pagkaintindi sa ating paksa, may
katanungan ako para sa inyo.
(Sasagot ang mga ma-aaral)
Bilang isang mag aaral at mamamayan, paano ka
makatutulong kapag ikaw ay makakakita ng isang
tao partikular ang babaeng biktima ng karahasan at
diskriminasyon?

D. Paglalahat (Sasagot ang mga ma-aaral)

 Ano-ano ang inyung mga natutunan sa ating (Sasagot ang mga ma-aaral)
aralin?
 Ano ang kahulugan ng CEDAW? Sagot: “Maam, napakahalaga nito lalo na sa mga
kababaihan dahil nagsisilbi itong proteksyon sa tuwing
 Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng respeto may umabuso o maling nagawa sa kanila”.
at pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga
kababaihan laban sa diskriminasyon?

Naiintindihan klas?

May mga katanungan pa ba kayo?

IV. Pagtataya

Panuto: Suriin ang mga pangungusap batay sa paksang


naitalakay, isulat ang letrang T kung ang
ipinapahiwatig ng pangungusap ay TAMA at palitan
ang salitang may salungguhit kung ang ipinapahiwatig
ng pangungusap ay MALI.

__________1. Inaprubahan ng United Nations General


Assembly ang CEDAW noong Hulyo 15, 1980 sa
panahong UN Decade for Women.
__________2. Unang ipinatupad ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) noong Nobyembre 9, 2006.
__________3. Bilang State party sa CEDAW, kinikilala
ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito.
____________4. Ang CEDAW ay karaniwang
inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala
din ito bilang The Women’s Convention o ang United
Nations Treaty for the Rights of Women.

____________5. Nilalayon ng CEDAW na itaguyod


ang tunay na hindi pagkakapantay-pantay sa
kababaihan at inaatasan nito ang mga estado na
magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.

6-10. Bakit kailangan na pahalagahan ang mga


karapatan ng mga kababaihan laban sa diskriminasyon
at karahasan?

Tapos na ba? Pakipasa na ang inyong papel.

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng sanaysay na may 2 o higit pang talata tungkol sa kahalahagan ng mga karapatan
ng kababaihan. Isulat ito sa isang short bond paper.

Maliwanag ba klas?
Kung wala ng katanugan, ako ay mapapaalam na. Maraming salamat sa inyong pakikinig at
partisipasyon! “Magaral ng mabuti klas upang ang buhay ay bumuti”.

You might also like