You are on page 1of 6

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng

tamang sagot.

1. Ang UN-OHCR o “Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights”, ay
isang pandaigdigang samahan na nagusulong ng pantay na proteksiyon ng mga karapatang
pantao at Kalayaan na nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights. Alin sa mga
sumusunod ang hindi nagpapahayag ng Katangian ng Karapatang Pantao?

A. Ang mga Karapatang Pantao ay para sa lahat ng mga tao.

B. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi maililipat kaninuman.

C. Ang mga karapatang pantao ay hindi natatangi.

D. Ang mga karapatang pantao ay hindi sapilitan.

2. Ang breast ironing o breast flattening ay isang tradisyonal na kaugalian ng sapilitang pagyupi
o pagbayo sa suso ng mga batang babae gamit ang mga maiinit na bagay upang mapigilan ang
pagbuo nito. Alin sa mgasumusunod ang hindi malinaw na dahilan kung bakit ito ginagawa?

A. upang maiwasan ang mga sakit

B. upang maiwasan ang pagkagahasa

C. upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral

D. upang maiwasan ang maagang pagbubuntis

3. Ang GABRIELA ay isang pambansang alyansa ng samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas,


na lumalaban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan. Pokus ng kampanya ay
tinaguriang “Seven Deadly Sins Against Women”. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama
rito?

A. Pambubugbog

C. Panggagahasa
B. Pagnanakaw

D. Pananakit

4. Taon na tinanggal ang sistemang foot binding sa China ay panahon ng panunungkulan ni Sun
Yat Sen dahil sa hindi mabuting dulot ng tradisyong ito?

A. 1911

C. 1913

B. 1912

D. 1914

5. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang at sa lipunan. Sa


sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang
paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal. Ano ang tawag sa
pinaliit na paa ng mga sinaunang kababaihan sa China.

A. FGM

C. Lotus Feet

B. Sharo

D. Sunna

6. Si Raul ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod at may awtoridad sa pamilya. Anong
uri ng diskriminasyon ang ipinapahayag dito?

A. edad

C. kulay ng balat

B. kasarian
D. lahi

7. Sino ang nagsabi ng pahayag na: “LGBT rights are human rights?”

a. Emma Watson

b. Kofi Annan

c. Ban Ki-moon

d. Gloria Steinem

8. Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
karapatan. Bakit binuo ang Principles of Yogyakarta?

a. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga


LGBT

b. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa mga taong may kapansanan

c. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong mag-aangat sa kalagayan ng mga nasugatan na


sundalo sa pakikipaglaban

d. Upang pagtibayin ang mga prins

9. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay
sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang
pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

a. Principle 16

b. Principle 25
c. Principle 2

d. Principle 1

10. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa
sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

a. Principle 1

b. Principle 12

c. Principle 16

d. Principle 4

11. Sino ang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta of Women?

a. Ang gobyerno ng Pilipinas

b. United Nations

c. Ang GABRIELA

d. Department of Health

12. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong


tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspektong kultural,npang ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

a. UDHR

b. CEDAW

c. GABRIELA
d. WRMP

13. Kailan unang ipinatupad ang CEDAW?

a. Hulyo 15, 1980

b. Setyembre 3, 1980

c. Setyembre 3, 1981

d. Agosto 5, 1981

14. Ayon sa World Health Organization (WHO) (2014) ito ang tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

a. Sex

b. Bi-sexual

c. Gender

d. Transgender

15. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang ibig sabihin
ng acronym na LGBT?

a. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy

b. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender

c. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy, Queber, Intersex Plus

d. Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender


Panuto: Isulat ang Oo kung ang pahayag ay nagpapakitang anumang uring karahasan, isulatang
Hindi kung hindi ito nagpapakita ng anumang karahasan.

_________1. Ikaw ay iniinsulto sa harap ng maraming tao.

_________2. Hindi ka pinagbabawala ng magsimba.

_________3. Ikaw ay hinahayaang mag-aral ng iyong mga magulang.

_________4. Pinipigilan kang pumasok sa trabaho.

_________5. Lagi kang pinagseselosan.

_________6. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya at kaibigan.

_________7. Iginagalang ka ng iyong kasintahan.

_________8. Ikaw ay sinasabihang bayolente.

_________9. Ipinapaalam ka saiyong mga magulang kung kayo ay mamamasyal.

_________10. Pinag babantaan kang sasaktan ka.

You might also like