You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10-
Karahasan/Deskriminasyon sa Kababaihan
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo

Meraliza M. Zarate
Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Editor at Layout

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Isang maganda at mapagpalang araw sa ating lahat. Sa linggong ito,
panibagong landas ng kaalaman ang ating sama-samang tatahakin. Umaasa ako na
magiging bukas ang inyong isip sa pagtuklas ng mga bagong karunungang ating
matutuklasan sa araling ito.
Tayo na. Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaalamang inihanda sa inyo
sa module na ito. Lubos akong umaasa na kayo ay magkakaroon ng kasanayang
masuri ang Karahasan/ Deskriminasyon sa Kababaihan (MELCs #2 Qrt.3)

Aralin at Sakop ng Modyul


Aralin 2 – Karahasan sa mga Kababaihan

Bilang panimula, subukin mong sagutan ang paunang pagsusulit na


matutunghayan mo sa bahaging ito. Alamin natin ang lawak ng iyong kaalaman
hinggil sa mga paksang ating tatalakayi.
I. Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang mga bilang.
_______1. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa.
_______2. Ang foot binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa bansang
Japan.
_______3. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t-ibang
porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan.
_______4. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas
kundi pati rin sa buong daigdig.
_______5. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi bago sa lipunang Pilipino.
_______6. Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakakaranas ng
pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at
karahasan.
_______7. Tinanggal ang Sistema ng foot binding sa bansang China noong 1911 sa
panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen.
_______8. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet sa bansang China ay isang simbolo
ng yaman, ganda at simbolo ng pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
_______9. Itinakda ang buwan ng Nobyembre 25 bilang International Day for the
Elimination of Violence Against Women.
______10. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon.
II. Panuto: Piliin ang letra ng TAMANG sagot.
11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa
sa iba”t-ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China
isinasagawa ang foot binding. Samantalang sa India, isinasagawa ng
mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan

2
upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng
kanilang katawan na tinatawag na
A. Babaylan B. Dowry C. Lotus Feet D. Purdah
12. Ang Magna Carta for Women ay batas na nag-aalis ng lahat ng
uri ng diskriminasyon sa mga kababaihan. Kailan ito isinabatas?
A. Hunyo 8, 2006 C. Hulyo 8, 2008
B. Hunyo 8, 2007 D. Hulyo 9, 2009
13. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan bata o
matanda nang walang anumang benepisyong medikal. Karaniwang
isinasagawa ito sa mga bansa na matatagpuan sa Africa at Asya,
itinuturing ito na isang anyo ng paglabag sa karapatang pantao ng
mga kababaihan.
A. Breast Ironing C. Foot Binding
B. Female Genital Mutilation D. Purdah
14. Ang karahasan sa kababaihan o anumang karahasang nag-
uugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sekswal, o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan, ito ay ayon sa
A. CEDAW B, GABRIELA C. Magna Carta D. UN
15. Ang hindi pagboto at pagbabawal sa mga babae na magmaneho
ng walang pahintulot ng kamag-anak na lalaki ay isinasagawa sa
aling bansa sa Kanlurang Asya?
A. Armenia B. Iran C. Lebanon D. Saudi Arabia

Sa nagdaang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa Gender Roles sa iba’t- ibang
Lipunan sa Mundo at kung paanong nakaaapekto ito sa atin. Ating alamin kung
natatandaan pa ninyo ang mga ito.

Panuto: Isulat sa inyong notebook ang mga naging gampanin ng mga kalalakihan at
kababaihan mula sa Primitibong Pangkat ng Papua New Guinea. Maghanda sa
pagbabahagi nito sa ating virtual meeting.

Primitibong Pangkat Gampanin Gampanin

Lalaki Babae

Arapesh

Mundugumur

Tchambuli

3
Matatandaang ang Konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy
sa kasarian- kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa Gawain ng babae
at lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng tao.

KARAHASAN/DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN
Ang kababaihan sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng
pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo. Ang mababang
pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t- ibang kultura at lipunan sa
daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa bansang China na
nagging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China. Ang mga
paa ng mga sanggol na babae ay pinaliliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang
paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinabalot sa buong paa. Ang tawag sa
ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral
ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala
bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
Subali’t dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitihan ang
kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong Sistema sa China noong taong 1911 sa panahon ng
panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di mabuting dulot ng tradisyong ito.

Website na maaaring gamiting sanggunian


https://youtu.be/NuuIoJGPjBA

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang karahasan sa


kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa
kasarian na humahantong sa pisikal, sekswal, o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta o pagsikil sa kanilang
kalayaan. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas
kundi pati na rin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25
bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women.
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t-
ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang seven
Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay 1. Pambubugbog/pananakit2.
Panggagahasa 3.incest at iba pang sekswal na pang aabuso 4.sexual harassment
5.sexual discrimination at exploitation 6.limitadong access sa reproductive health 7.
Sex trafficking at prostitusyon.

4
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa
karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito ang pagsasagawa nito ay
nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o
breast flattening sa Africa.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang


Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe sa dibdib ng
batang babae na nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, spatula na pinainit sa apoy.
May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may
edad siyam ay apektado nito.

Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at


ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang
1. Maagang pagbubuntis ng anak
2. Paghinto sa pag-aaral
3. Pagkagahasa.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast ironing


o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau,
Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe, Bukod sa pagiging mapanganib ng
breast ironing, marami ring kritisismo ang ibinabato sa pagsasagawa nito.

Website na maaaring gamiting sanggunian:


Breast Ironing sa Cameroon Africa
https://youtu.be/MAQldouaOLE?t=287
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medical. Ito
ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang –panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan. Ang ganitong Gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao
ng kababaihan.

5
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng female genital mutilation FGM sa 29
na bansa sa Africa at kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong
medical ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng Gawain
dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan.

Naunawaan mo na ba ang dulot ng mga karahasan at deskriminasyon sa mga


kababaihan? Higit pang umigting ang mga karahasang ito nang dumating ang
pandemyang COVID 19, dahil sa pagkakaroon ng Quarantine Period.
Pansinin natin ang nasa larawan sa ibaba, ito ay isang uri ng karahasan sa mga
kababaihan.

Panuto: Gumawa ng isang Comic Strip na nagpapakita ng karahasan sa mga


kababaihan lalo na sa panahon ng Pandemya, at ilagay kung paano masosolusyunan
ito. Lagyan ng pamagat. Mainam sa ilagay ito sa isang buong bond paper.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang opinion at saloobin mo sa karahasang nararanasan ng ilang
kababaihan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano mawawakasan ang ganitong Gawain sa kababaihan?

6
Ang Karahasan ay nag - iiwan at patuloy na nagbibigay ng malawakang
impact sa kaisipan ng mga biktima. Patuloy nitong binabago ang takbo ng buhay ng
isang biktima, subalit upang maiwasan ito kailangang ang biktima ay magkaroon ng
lakas ng loob na ipaglaban ang kanyang sarili.
Subukan niyong gumawa ng isang Spoken Poetry tungkol sa karahasang
nararanasan ng ilang mga kababaihan. Gumawa ng apat na saknong na may tugma
at tunog. Isulat sa papel.

Tandaan; Nasa ating mga kamay kung paano natin mababawasan kung di man
natin mapigilan ang mas malawakang masamang epekto ng karahasan. Marapat
lamang na isaisip na lagi nating piliin kung ano ang TAMA at higit na makabubuti
para sa nakakarami, para sa ating bansa at para sa ating kapaligiran.

PANUTO: Batay sa aralin na ito, isulat ang inyong mga naging pagsusuri sa paksang
tinalakay.
Ihanay ang mga ito batay sa kani-kanilang kategorya. Alin sa mga
natutunan mong karahasan sa mga kababaihan ang dapat nating “Ituloy”,
“iTIGIL” at dapat pang bigyan ng malalim na pagsusuri “TEKA”.

7
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang pinakawastong
sagot. Titik lamang ang isusulat.
1.Ito ay isang anumang pag-uuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,at
pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Diskriminasyon B. Pagsasamantala C. Pang-aabuso D. Pananakit
2. Batay sap ag-aaral hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan
na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging
ang mga kalalakihan ay biktima nito. Ang mga sumusunod ay palatandaan
ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humuhingi ng tawad, nangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan
C. Sinisisi ka sa kanyang pananakit
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o
alagang hayop
3. Sa China panapaliit ang paa ng mga kababaihan ng hanggang 3 pulgada
sa pamamagitan ng pagbabalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Dowry C. Lotus Feet D. Purdah
4. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation
(FGM) sa 29 na bansa sa Africa at kanlurang Asya. Ano ang pangunahing
layunin nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang mga kababaihan
D. Upang mapanatiling walang bahid dungis ang batang babae hanggang
siya ay ikasal.
5. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas
kundi pati na rin sa buong daigdig, kung kaya’t itinakda ang Nobyembre 25
bilang….
A. International Day of Women
B. International Day for the Elimination of Violence Against Women
C. International Day of Women Rights
D. International Celebration of Women Freedom
6. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t- ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan
A. CEDAW B. GABRIELA C. LGBT D.VAWC
7. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan bata o matanda nang
walang anumang benpisyong medical. Karaniwang isinasagawa ito sa mga
bansa na matatagpuan sa Africa at Asya, itinuturing ito na isang anyo ng
paglabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan.
A. Breast Ironing C. Female Genital Mutilation
B. Foot Binding D.Purdah
8. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t –
ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot
binding. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu

8
ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitgo ang kanilang mukha
at maging ang hubog ng kanilang katawan ay tinatawag na
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
9. Ang hindi pagboto at pagbabawal sa mga babae na magmaneho ng
walang pahintulot ng kamag-anak na lalaki ay isinasagawa sa aling bansa
sa kanlurang Asya?
A. Armenia B. Iran C. Lebanon D. Saudi Arabia
10. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din
ito bilang The Women’s Convention o United Nations Treaty for the Rights
of Women.
A. CEDAW C. LAGABLAB
B. LADLAD D. Magna Carta for Women

II. Sabihin ang tinutukoy.


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot sa bawat bilang.
11. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan bata o matanda
nang walang anumang benepisyong medical, karaniwang isinasagawa
ito sa mga bansa sa Africa.
12. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t-ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan.
13. Sa China pinapaliit ang paa ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
pagbali sa paa at ito may may kakaibang hugis
14.Kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa, ang
pagbayo o pagmasahe sa dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan
ng batong pinainit sa apoy.
15. Ang anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian
na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng mga babae ng kanilang karapatan o kalayaan.

9
Sanggunian:

Belinda Marjorie Lopez Pelayo, Karahasan/Diskriminasyon sa kababaihan


DepEd Module, 300-305pp
https://youtu.be/NuuLoJGPjBA
SMITHSONIAN MAGAZINE: Amanda Foreman, Foot Binding on 02.2015
https://youtu.be/MAQldouaOLE?t=287
International Development Journal: djournal.co.uk Breast Ironing- a terrible way-
to protect girls- from- sexual harassment- in Cameroon-Africa 01-05-2017
The guardian.com/society: Breast ironing is abuse and could lead to prison on 07-
19-2019

Susi sa Pagwawasto:
D 15. Diskriminasyon
15.
D 14. Breast Ironing
14.
B 13. Lotus Feet 13.
C 12. Gabriela 12.
D 11. Mutilation
TAMA 10. 11. Female Genital
TAMA 9. 10. A
TAMA 8. 9. D
TAMA 7. 8. B
TAMA 6. 7. C
TAMA 5. 6. B
TAMA 4. 5. B
TAMA 3. 4. D
MALI 2. 3. C
TAMA 1. 2. A
1. A
Unang Pagsubok Pagsusulit

10

You might also like