You are on page 1of 10

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 –MODULE 4
KARAHASAN SA KABABAIHAN,
KALALAKIHAN AT LGBT (LESBIAN,
GAY, BI-SEXUAL, TRANSGENDER)
ALAMIN
Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang mga halimbawa ng mga karahasang
kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na matapos ang mga gawaing nakapaloob
dito, matataya at masusuri mo ang mga nasabing isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay
malinaw na pag-unawa sa lahat ng kasarian.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa aralin na may kaugnayan sa Karahasan sa Kababaihan,


Kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender )

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:

• Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian,


Gay, Bi – sexual, Transgender)

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

a. nasusuri ang iba’t ibang uri ng karahasan at ang epekto nito sa mga Babae, Lalaki at
LGBT;
b. naipapaliwanag ang mga batas sa paglutas laban sa karahasan sa mga Babae, lalaki at
LGBT;
c. napapahalagahan pagkakapantay-pantay at pagkakaroon ng respeto ng bawat tao
anuman ang kaniyang kasarian upang maiwasan ang karahasan.

TUKLASIN AT SURIIN

Nagiging mainit na usapin muli ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ayon sa kanilang
kasarian. Matapos isulong noon ng mga kababaihan ang kanilang karapatan, ngayon
naman ay ang miyembro ng LGBT community ang sumisigaw ng pantay na pagtingin.

Hati pa rin ang sambayanan sa kasalukuyan sa ganitong konsepto ng respeto. Para sa


ilan, hindi katanggap-tanggap ang kasariang labas sa pagiging lalaki at babae. Sa bahaging
ito ng aralin, ilalatag ang mga karahasang nararanasan ng kalalakihan, kababaihan, at
LGBT sa iba’t ibang panig ng daigdig sa kamay ng pamilya at ng lipunan.

Sa bahaging ito ng modyul, maiintindihan mo at mas mapapalawak ang kaalaman


tungkol sa karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBT.

Dahil sa kanilang oryentasyong seksuwal at identidad sa kasarian na nagiging


dahilan ito sa nangyayaring karahasan sa komunidad.

Karahasan sa mga Kababaihan, Kalalakihan at LGBT

Ang karahasan ay ang sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o


kapangyarihan, na maaaring isang pagbabanta, at maaaring laban sa sarili, sa kapwa, o
laban sa isang pangkat o kaya pamayanan, na maaaring kalabasan ng mataas na
kalamangan ng pagreresulta sa kapinsalaan, kapahamakang pangsikolohiya, hindi pag-
unlad o pagbawi at pag-aalis (depribasyon) ng karapatan sa isang tao.

1
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng
United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in
Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa
trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon.Sa ibang pagkakataon
din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT
kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083
LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.

Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa
mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang
Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-
sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT) groups sa bansa ay ang
ilan sa mga sektor ng lipunan na siyang nakakaranas ng mga karahasan. Maliban pa rito, ang
kababaihan at kalalakihan rin ay nakakaranas ng tulad na karahasan. Ang karahasan sa
kababaihan ay hindi na bago sa lipunang Pilipino. Ito ay maaaring mangyari mismo sa
loob ng iyong tahanan subalit inaakala ng iba na ito ay natural lamang bunga ng
pagiging mahina ng kababaihan. Alam na natin kung ano ang karahasan. Ngayon naman ay
alamin natin kung ano at paano maaaring mangyari ang iba't ibang uri / mukha ng karahasan
sa babae, lalaki, at LGBT.
(Commission on human Rights and Department of Education (2003), Facilitator’s Manual on Human Rights
Education for trainers of classroom teachers. Quezon City Pasig City: Commission on Human Rights and Department
of Education. Accessed December 3, 2020)

KARAHASAN PAGPAPALIWANAG
FOOT BINDING  Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay
nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di
pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang
pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t
ibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang
kaugaliang foot binding noon sa China na naging dahilan
ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

 Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae


sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit
hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang
pirasong bakal sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga
buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit
na ibinalot sa buong paa.

 Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily


feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay
kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga
kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang
kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.

2
 Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa
panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-
mabuting dulot ng tradisyong ito.
BREAST IRONING O BREAST  Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United
FLATTENING Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against
women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit
o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

 May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita


ng paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang
nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat
sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang
breast ironing o breast flattening sa Africa.

 Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian


sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang
pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula
na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam
ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan
nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng
anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. Ang
mga dahilan na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina
na ang paglaki ng dibdib ng anak.

DOMESTIC VIOLENCE  Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang


kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa
isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat,
ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng
karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay
maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na
relasyon.
(Commission on human Rights and Department of Education (2003), Facilitator’s Manual on Human Rights
Education for trainers of classroom teachers. Quezon City Pasig City: Commission on Human Rights and Department
of Education. Accessed December 3, 2020)

Ngayong alam mo na ang ibig sabihin ng salitang karahasan; iba’t ibang mukha at
porma ng mga karahasan at mga negatibong epekto nito sa mga kalalakihan, kababaihan at
LGBT, At ang panghuli mahalaga ring malaman mo ang mga dapat gawin at sino ang dapat
kumilos tungkol sa mga isyu na na ito at paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol
dito. At may mga batas na poprotekta sa mga biktima ng karahasan.

Mga Batas na nangangalaga sa Karapatan ng mga Kababaihan,


Kalalakihan, at LGBT Laban sa Diskriminasyon at Karahasan.
Dahil sa patuloy na nararanasang karahasan ng mga kababaihan, kalalakihan, at
LGBT. May mga batas at pagkilos ang ginawa upang mapagtagumpayang protektahan ang
mga ito.

3
Batas Probisyon
Republic Act 9262  Naging ganap na batas noong Marso 23, 2004 sa pamumuno
“An Act Defining ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Violence Against Women  Layunin nitong protektahan ang mga babaeng asawa o
and Children” dating asawa, live-in partner, mga anak lihitimo man o hindi
na nakararanas ng karahasan.
(https://www.akoaypilipino.eu/sagot-ng-eksperto/ano-ang-ra-9262-o-anti-
violence-against-women-and-children-act/)
 Protektado ng batas ang mga biktima ng human trafficking,
R.A. 9208 sapilitan man o hindi, na napasabak sa mga ilegal na
Anti-Trafficking in aktibidad gaya ng prostitusyon. Ayon sa abogadong si Noel
Persons Act of 2003 Del Prado, protektado ng R.A. 9208 o Anti-Trafficking in
Persons Act of 2003 ang mga nasasagip sa mga trafficking
operations.
(http://karapatangbabae.weebly.com/batas-laban-sa-trafficking-ra-
9208.html)
 Ang pagsasabatas ng Republic Act No. 6955, na
kinapapalooban ng pangunahing hakbang sa pagbabatas
Republic Act No. 6955 para masugpo ang problema sa pagkalakal ng kababaihan
Anti- Mail Order Bride Act sapagk'lt ginagawa nitong ilegal ang pangangalap ng mga
of 1990
Pilipinang mail-order brides.
(https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1990/ra_6955_1990.html)

 Batas na naghahayag na labag ang sexual harassment sa


Batas Republika kapaligiran ng empleo, edukasyon o pasanayan, at ukol sa
Blg. 7877 iba pang layunin.
Anti- Sexual Harassment (http://karapatangbabae.weebly.com/sexual-harassment-ra-7877.html)
Act
Republic Act 10627  Layon ng
Anti-Bullying Act  batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at
hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang
mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga
kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
(https://www.facebook.com/RadyoNatinCDO/photos/republic-act-10627-
o-anti-bullying-act-of-2013-nilagdaan-na-ni-pnoynilagdaan-na-
/647005111991416/)
Republic Act 8505  Ang polisiya ng estado na nagbibigay ng nararapat na
Rape Victim Assistance tulong at proteksyon sa mga biktima ng panggagahasa.
and Protection Act of (https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1998/ra_8505_1998.html)
1998

MGA GAWAIN:

Gawain 1: PILIIN MO AKO!


PANUTO: Suriin ang mga pahayag sa ibaba tungkol sa karahasan. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

a. Domestic Violence b. Human Trafficking c. c. Sex Trafficking


at Prostitusyon

d. Sexual Harassment e. Panggagahasa

1. Karahasan na madalas nangyayari sa loob ng tahanan.

2. Isang uri ng karahasan sa pamamagitan ng pangangalakal ng tao.


4
3. Patungkol sa unwelcome sexual advance, paghingi o pagdedemand ng sexual favor, o
anumang klase ng pananalita o kilos na may bahid sekswal.

4. Uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik ang sinimulan laban sa isa


o higit pang indibidwal na walang pahintulot.

5. Pagbibigay ng serbisyong sekswal sa kapwa kababaihan at kalalakihan kapalit ng


salapi.

Gawain 2 : KARAHASAN, WAKASAN!

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang talahanayan at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

BATAS LAYUNIN
Republic Act 9262 1.
1. “An Act Defining Violence
Against Women and Children”
R.A. 9208 2.
2. Anti-Trafficking in Persons Act
of 2003
Republic Act No. 6955 3.
3. Anti- Mail Order Bride Act of
1990
Batas Republika 4.
Blg. 7877
4. Anti- Sexual Harassment Act
Republic Act 10627 5.
5. Anti-Bullying Act

Gawain 3. SLOGAN FOR JUAN!

PANUTO: Gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay at


respeto sa bawat isa upang maiwasan ang karahasan. Tingnan ang pamantayan sa
paggawa sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka : Paggawa ng Islogan


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos
ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa 7
paggawa ng Islogan.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa
konsepto paglalarawan ng konsepto. 6
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng islogan 4
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng
kulay upang maipahayag ang nilalaman, 3
konsepto, at mensahe.
Kabuuan:

5
TAYAHIN

I. PANUTO. Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Batas na kilala bilang “Anti-Sexual Harassment Act”


a. Republic Act 9208 c. Republic Act 6725
b. Republic Act 7192 d. Republic Act 7877
2. Ipinasa sa kongreso noong Pebrero 2004 ang batas na ito at pinirmahan ng Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo noong Marso 8, 2004 at nagging epektibo noong Marso 23,
2004.
a. Republic Act 9208 c. Republic Act 6955
b. Republic Act 8505 d. Republic Act 9262
3. Idinedeklara ng batas na ito ang polisiya ng estado sa pagbibigay ng nararapat na tulong
at proteksyon sa mga biktima ng panggagahasa.
a. Republic Act 9208 c. Republic Act 6955
b. Republic Act 8505 d. Republic Act 9262
4. Kinapapalooban ng pangunahing hakbang sa pagbabatas para masugpo ang
problema sa pagkalakal ng kababaihan sapagkat ginagawa nitong ilegal ang pangangalap ng
mga Pilipinang mail-order brides.
a. Republic Act 9208 c. Republic Act 6955
b. Republic Act 8505 d. Republic Act 9262
5. Layunin nitong protektahan ang mga babaeng asawa o dating asawa, live-in
partner, mga anak na babae lihitimo man o hindi na nakakaranas ng karahasan.
a. Republic Act 9208 c. Republic Act 6955
b. Republic Act 8505 d. Republic Act 9262

II. PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang uri ng karahasan na tinutukoy sa Hanay A.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Pagbigay ng serbisyong sekswal sa kapwa
kababaihan at kalalakihan kapalit ng salapi. a. Cyber Bullying
2. Ang Pangangalakal ng Tao o Bentahan ng
Tao.
3. Unwelcome sexual advance, paghingi o pagde-
demand ng sexual favor, o anumang klase ng
pananalita o kilos na may bahid sekswal.
4. Ang karahasan na ito nangyayari sa tahanan.
b. Domestic Violence
Paulit-ulit na pagmamalabis sa pamamagitan
ng masakit na salita, bugbog sa katawan,
pagbigay ng sakit ng damdamin at pag-iisip,
panliliit sa sarili, pagbabanta, pananakot,
at matinding pagbawal sa paggasta o c. Sexual Harassment
paghawak ng pera. Ang taong gumagawa nito
ay maaaring kapwa-pamilya o sino mang
kasambahay.
5. Ang karahasan na ito ay maaring panunukso,
panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na
d. Human Trafficking
hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang
tao gamit ang mga social networking sites
tulad ng facebook, twitter, instagram at iba
pa. Tinawag itong "cyber bullying" dahil hindi
angkop sa tamang pakikitungo o pambubully e. Sex Trafficking at Prostitusyon
kumbaga sa isang tao gamit ang makabagong
teknolohiya ngayon.

6
III. PANUTO: Dugtungan ang pangungusap upang makabuo ng isang maikling talata na
may kaugnayan sa karahasan sa mga kababaihan, kalalakihan, atLGBT.

Maiiwasan ko ang mga karahasan sa pamamagitan ng______________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

SAGOT SA MGA GAWAIN:

5.D
4.C
3.B
(Iba-iba ang inaasahang sagot ng mag-aaral) (iba-iba ang inaasahang sagot ng mag-aaral) 2.D
Malayang Pagsagot Malayang Pagsagot 1.D
GAWAIN 2: Karahasan, Wakasan! GAWAIN 3: Slogan for Juan! GAWAIN 1: Piliin Mo Ako!

SANGGUNIAN:

A. PDF/Website:

Commission on human Rights and Department of Education (2003), Facilitator’s Manual on Human
Rights Education for trainers of classroom teachers. Quezon City Pasig City: Commission on Human
Rights and Department of Education. Accessed December 3, 2020

Trijan Olivia H., “ Kalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer”, March 2006, Accessed
December 3, 2020
https://www.yumpu.com/xx/document/read/42295724/kalagayan-at-karapatan-ng-kababaihan-cedaw-
primer

AKO AY PILIPINO www.ako ay Pilipino.eu, “ Ano ang R.A 9262 o Anti-violence against women and children
act?”, March 6, 2012, Accessed December 3, 2020
https://www.akoaypilipino.eu/sagot-ng-eksperto/ano-ang-ra-9262-o-anti-violence-against-women-and-
children-act/

The Basics of Philippine Law for Women, “ Batas Laban sa Trafficking RA 9208 ”, Accessed December 3,
2020
http://karapatangbabae.weebly.com/batas-laban-sa-trafficking-ra-9208.html

The LAWPHil Project Arrellano Law Foundation, “ Republic Act No. 6955 ”, June 13, 1990, Accessed
December 4, 2020
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1990/ra_6955_1990.html

The Basics of Philippine Law for Women, “ Mga karaniwang tanong ukol sa Sexual Harassment ”,
Accessed December 4, 2020
http://karapatangbabae.weebly.com/sexual-harassment-ra-7877.html

7
106.3 Radyo Natin FM CDO, “ Republic Act 10627 o Anti Bullying Act of 2013 nilagdaan na ni PNoy! ”,
September 18, 2018, Accessed December 4, 2020
https://www.facebook.com/RadyoNatinCDO/photos/republic-act-10627-o-anti-bullying-act-of-2013-
nilagdaan-na-ni-pnoynilagdaan-na-/647005111991416/

Legarda Loren, “ An Act Expanding the coverage of rape crisis centers Amending for the purpose Republic
Act 8505 ”, July 26, 2007, Accessed December 4, 2020
http://legacy.senate.gov.ph/lisdata/56875046!.pdf

WIKIPEDIA, “ Pangangalakal ng Tao ”, Hulyo 6, 2017, Accessed December 4, 2020


https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangangalakal_ng_tao

Perol Patricia, “ KASO NG BULLYING SA PILIPINAS ”, October 14, 2016, Accessed December 4, 2020
https://patriciaperol.wordpress.com/2016/10/14/kaso-ng-bullying-sa-pilipinas-2/

Cleanceballenas3401, “ Ano ang Domestic Violence? ”, August 1, 2018, Accessed December 4, 2020
https://brainly.ph/question/1210823

Ivyyy07, “ Aralin 3: Prostitusyon at Karahasan sa Kababaihan (Sanhi ng Prostitusyon at Pang-aabuso sa


Kababaihan )”, Accessed December 4, 2020
https://quizlet.com/378907502/aralin-3-prostitusiyon-at-karahasan-sa-kababaihan-sanhi-ng-
prostitusyon-at-pang-aabuso-sa-kababaihan-flash-cards/

WIKIPEDIA, “ Panggagahasa ”, November 26, 2020, Accessed December 4, 2020


https://tl.wikipedia.org/wiki/Panggagahasa

Vasquez Maria Fe M., “ Republic Act No. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act of
2004 ”, February 2014, Accessed December 4, 2020
https://www.slideshare.net/ethelbubailagustanmoreno/violence-against-women-ra9262-a-powerpoint-
presentation

The LAWPHil Project Arrellano Law Foundation, “ Republic Act No. 8505 ”, February 13, 1998,
Accessed December 4, 2020
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1998/ra_8505_1998.html

B. Mga Larawan:

ICONFINDER, “ Bulb, head, idea, light, man, profile icon ”, Accessed December 4, 2020
https://www.iconfinder.com/icons/5417529/bulb_head_idea_light_man_profile_icon

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Vanessa Mae D. Andaya
Tagasuri:
Dr. Marilex A. Tercias
Jeannerose R. Acosta
Ofelia G. Cerdineola
Jessibel O. Taganas
Jennifer L. Lacbayan
Gloria F. Fernandez
Florecita M. Ananayo

Tagalapat: Geni M. Sarmiento


Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison
Dr. Teodora V. Nabor
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

8
SAGOT SA TAYAHIN:

I II III

1. D 1. E Malayang Pagsagot
2. D 2. D (Iba-iba ang inaasahang sagot ng mag-aaral)
3. B 3. C
4. C 4. B
5. D 5. A

You might also like