- Ang sex ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao
mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao. Ang taglay na mga katangian ng lalaki at babae ay makikita sa anumang lahi, kultura, lipunan at panahon.
- Ang gender naman ay isang social contract at nakabatay sa mga salik
panlipunan (social factors). Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga panlipunang gampanin at tungkulin, kapasidad, intelektual, emosyonal at panlipunang katangian at katayuan na nakaatas sa mga babae at lalaki at iba pang kategoryang itinakda ng kultura at lipunan. Maaaring ikaw ay feminine o masculine depende sa tingin sayo ng lipunan. Malaki ang epekto ng mga salik na ito sa katangian ng gender katulad ng mga sumusunod: Ito ay natutunan. Ang mga gender roles ay natutunan sa pamamagitan ng iba’t-ibang social institutions kagaya ng pamilya, eskuelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho. Ito ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon. Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan. - Kahulugan ng mga Kulay sa Watawat ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) • Red – Life and Sexuality • Orange – Healing and Friendship • Yellow – Vitality and Energy • Green – Serenity and Nature • Blue – Harmony and Artistry • Violet – Spirit and Gratitude - Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian. Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan - ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. - Ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. Kabilang na dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos. - Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian. - Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian. - Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay AC-DC, silahis, atbp. - Intersex –tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite. - Lesbian–babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp. - Gay–lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp. - Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp. - Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. - Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat). Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. - Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantalang ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento. - Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. - diskriminasyon sa Kalalakihan Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan. - Diskriminasyon sa Kababaihan Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho. - Diskriminasyon sa LGBTQIA+ Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki. - Karahasan sa Kalalakihan Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso. May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner. - Karahasan sa Kababaihan Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal. Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin ng iba pang anyo ng pang-aabuso. 10 Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang: 1. pambubugbog/pananakit, 2. panggagahasa, 3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, 4. sexual harassment, 5. sexual discrimination at exploitation, 6. limitadong access sa reproductive health, 7. sex trafficking at prostitusyon. - Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang asawang lalaki o partner. B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit. C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit. D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner. May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng isinasagawang breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. - May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2) paghinto sa pagaaral, at (3) pagkagahasa - . Ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso. Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na pulgada ang haba. 11 Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong sistema sa China. - Karahasan sa LGBTQIA+ Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015. Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na AntiHomosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay: 1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka; 2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan; 3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot; 4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko; 5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga; 6. pinagbabantaan ka na sasaktan; 7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop; 8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at 9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo. - BAN KI MOON- “LGBT RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS” - Yogyakarta Principle - November 6-9 2006 1. Principle 1- ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO 2. Principle 2- ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON 3. Principle 4- ANG KARAPATAN SA BUHAY 4. Principle 12- ANG KAPATAN SA TRABAHO 5. Principle 16 - ANG KARAPATAN SA EDUKASYON 6. Principle 25- ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO - Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 sa panahong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005. Ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda o state parties. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito. - Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. - Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong Agosto 14, 2009 na naglalayon na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.