You are on page 1of 75

Mga Isyu sa Kasarian

at Lipunan
Panuto:
Suriin ang larawan. Sagutan ang mga
katanungan tungkol dito sa isang
papel.
1

Transition headline
Let’s start with the first set of slides
Pamprosesong tanong:
4
1. Ano ang nais ipahiwatig ng
larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang
ugat ng ganitong gawain sa mga
kalalakihan, kababaihan, at
LGBTQIA+?
3. Paano maiiwasan ang ganitong
5 pangyayari?
4. Nagaganap ba sa tunay na buhay
ang ipinakikita sa larawan?
Magbigay ng patunay.
5. Ikaw bilang babae/lalaki,
nakaranas ka na ba ng
diskriminasyon? Paano mo ito
nalampasan?
Ano ang diskriminasyon?
6
• tumutukoy sa anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay
sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o
kalayaan.
Diskriminasyon sa Kalalakihan
7
Ginagawang paksang biro ang
pagtawag ng ‘House husband’
sa mga kalalakihan na naiiwan
at gumaganap ng mga gawaing
pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan
8
• Ang Labor Force Participation Rate
(LFPR) ng mga kababaihan ay
nanatiling mas mababa kaysa sa mga
kalalakihan na maaaring maiugnay
sa paglaganap ng diskriminasyon
batay sa kasarian sa lugar ng
trabaho.
Diskriminasyon sa Kababaihan
9
• Kabilang dito ang diskriminasyon
sa pagpasok sa trabaho,
pagpapanatili at pagsulong ng mga
manggagawang kababaihan, sexual
harassment, agwat sa sahod at
limitadong kakayahang umangkop sa
trabaho.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
10
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United
Nations Development Programme (UNDP) at
ng United States Agency for
International Development (USAID) na
may titulong Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report, ang mga
LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad
sa trabaho, bias sa serbisyong medikal,
pabahay at maging sa edukasyon
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
11

. Ilan sa mga halimbawa


nito ay may mga kurso,
propesyon, at hanapbuhay
na para lamang sa babae o
lalaki.
Karahasan sa
Kalalakihan,
Kababaihan at
LGBTQIA+
Karahasan sa Kalalakihan
13
◈ May kalalakihang nakararanas ng
seksuwal na pang-aabuso mula sa
kanilang pamilya o mga taong
pinagkakatiwalaan nila
◈ May mga pagkakataon na sila rin ay
biktima ng pisikal na pananakit
mula sa kanilang asawa o partner.
Karahasan sa Kababaihan
14
Ayon sa United Nations (UN), ang
karahasan sa kababaihan (violence
against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa
pisikal, seksuwal o mental na pananakit
o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na
ang mga pagbabanta at pagsikil sa
kanilang kalayaan.
Karahasan sa Kababaihan
15
Hindi lamang limitado sa pisikal
na pang-aabuso ang violence
against women. Maaari rin itong
sa paraang berbal, seksuwal,
sikolohikal, at ekonomikal
Ang General Assembly Binding Women
16 for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action (GABRIELA),
ay isang samahan sa Pilipinas na
laban sa iba’t ibang anyo ng
karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women.
Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
17
3. incest at iba pang seksuwal na pang-
aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at
exploitation,
6. limitadong access sa reproductive
health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan (2017
National Demographic and Health Survey
18
(NDHS))
A. Isa sa bawat apat (26%) na
babaeng may edad 15-49 ang
nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal.
Karamihan sa mga nananakit ay ang
mga kasalukuyang asawang lalaki o
partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang
19 nakaranas ng seksuwal na pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na
mga babae ang nakaranas ng pisikal na
pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng
may-asawa ang nakaranas ng emosyonal
na pananakit mula sa kanilang mga
asawa o partner.
May ilang kaugalian din sa ibang
20 lipunan na nagpapakita ng paglabag
sa karapatan ng kababaihan. Subalit
ang nakalulungkot dito, ang
pagsasagawa nito ay nag-uugat sa
maling paniniwala, tulad na lamang
ng isinasagawang breast ironing o
breast flattening sa Africa at foot
binding sa China.
21 ◈ Ang breast ironing o breast
flattening ay isang kaugalian
sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ay
ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy.
◈ May pananaliksik noong 2006
22 na nagsasabing 24% ng mga
batang babaeng may edad siyam
ay apektado nito.
Ipinaliliwanag ng ina sa anak
na ang pagsasagawa nito ay
normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang
maiwasan ang mga sumusunod:
(1) maagang pagbubuntis ng
23
anak,
(2) paghinto sa pagaaral, at
(3) pagkagahasa.
◈ Ang maaaring maging epekto
nito sa kalusugan ng mga
biktima — mga cyst, cancer sa
suso, at mga isyu sa
pagpapasuso.
24
25
Ang foot binding ay
26
isinasagawa sa mga babae
noong sinaunang panahon sa
China. Ito ay ang mahabang
proseso ng pagbabali ng arko
ng paa ng mga babae upang
hindi ito lumaki nang normal.
Ang kanilang mga paa ay
27
mahigpit na nakagapos gamit
ang pagbalot ng isang
pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang perpektong
paa ng babaeng may sapat na
gulang ay tatlo hanggang apat
na pulgada ang haba.
28
29
Karahasan sa LGBTQIA+
30
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro
ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan
sa pagkakapantay- pantay at kalayaan
sa lahat ng uri ng diskriminasyon at
pang-aabuso. Ayon sa ulat ng
Transgender Europe noong 2015
mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima
ng pagpatay mula 2008-2015.
◈ Ang United Nations Human Rights
31
Council ay nagkaroon ng ulat noong
2011 tungkol sa mga ebidensya at
kaso ng mga diskriminasiyon at
karahasan laban sa mga LGBTQIA+.
Ang bansang Uganda ay nagpasa ng
batas na AntiHomosexuality Act of
2014 na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo
◈ Ang United Nations Human Rights
32
Council ay nagkaroon ng ulat noong
2011 tungkol sa mga ebidensya at
kaso ng mga diskriminasiyon at
karahasan laban sa mga LGBTQIA+.
Ang bansang Uganda ay nagpasa ng
batas na AntiHomosexuality Act of
2014 na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.
Ikaw ay nakararanas ng domestic
violence kung ang iyong kapareha
ay:
1. tinatawag ka sa ibang
34
pangalang hindi maganda (name
calling) para sa iyo at sa
ibang tao, iniinsulto ka;

2. pinipigilan ka sa pagpasok
sa trabaho o paaralan;
35
3. pinipigilan kang
makipagkita sa iyong pamilya
o mga kaibigan, sinusubukan
kang kontrolin sa paggastos
sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga
isusuot;
36 4. nagseselos at palagi kang
pinagdududahan na nanloloko;
5. nagagalit kung umiinom ng
alak, o gumagamit ng droga;
6. pinagbabantaan ka na
sasaktan;
7. sinisipa, sinasampal,
37
sinasakal o sinasaktan ang iyong
mga anak o mga alagang hayop;
8. pinipilit kang makipagtalik
kahit labag sa iyong kalooban;
at
9. sinisisi ka sa kaniyang
pananakit o sinasabi na
nararapat lamang ang ginawa sa
iyo
Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at
transgender:
38
1. pinagbabantaan kang sasabihin sa
iyong pamilya, mga kaibigan, at mga
kakilala ang iyong oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian;
2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan
ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender; at
3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki
ay natural na bayolente
Maari mong malamang inaabuso
ka na kung napapansin mo ang
ganitong pangyayari:
1. pinagbabantaan ka ng karahasan;
40 2. sinasaktan ka na (emosyonal o
pisikal);
3. humihingi ng tawad, nangangakong
magbabago, at nagbibigay ng suhol;
4. paulit-ulit ang ganitong
pangyayari;
5. mas dumadalas ang pananakit at
karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon.
Gawain
A. Karahasan o
42 Diskriminasyon?
Panuto: Suriin ang mga
pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang K kung
ang sitwasyon ay
naglalarawan ng karahasan at
D kung diskriminasyon.
_____ 1. Ang sapilitang pagtatalik o
43 pamimilit sa isang tao na gumawa ng
mga sexual na kilos.
_____ 2. Sinusubukan kang kontrolin
sa paggastos sa pera at kung saan ka
pupunta.
_____ 3. Laganap pa rin ang
pagbibigay ng trabaho ayon sa
kasarian o pananaw na trabaho ng
babae at lalaki.
44
_____ 4. Ang hindi pagbibigay ng
paid maternity leave para sa mga
nagdadalang-tao at paternal leave
para sa mga ama.
_____ 5. Ang pagsusubaybay sa bawat
kilos ng isang tao sa pamamagitan ng
social media.
B. Sanhi at Bunga
45 Panuto: Magbigay ng tig-isang
halimbawa ng diskriminasyon at
karahasan na nangyayari sa
kasalukuyan sa mga kalalakihan,
kababaihan, at LGBTQIA+. Ibigay
ang mga sanhi at bunga ng
ganitong pangyayari. Isulat sa
sagutang papel.
46
47

Module 3: Tugon ng Pamahalaan at


Mamamayan sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon
Ang CEDAW
 Ang CEDAW ay ang Convention on the
48
Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women.
 Karaniwang inilalarawan bilang International Bill
for Women, kilala rin ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the
Rights of Women.
CEDAW
49
- kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
 Inaprubahan ng United Nations General
50 Assembly ang CEDAW noong Disyembre
18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN
Decade for Women.

 Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo


15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,
1981.
51

Paano nilalayon ng CEDAW na


wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
52
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na
pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na
magdala ng konkretong resulta
sa buhay ng kababaihan.
53
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng
Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na
kailanma’y hindi nito maaaring
bawiin.
54
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon
o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang
55 anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga
institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong
indibiduwal o grupo.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang
56
anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga
institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong
indibiduwal o grupo.
57

Ano ang epekto ng pagpirma at


pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Ang State Parties ay inaasahang:
58

1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga


nakagawiang nagdidiskrimina;
Ang State Parties ay inaasahang:
59

2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang


diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema
kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang
karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan
60
ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang
aksiyon; at

4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon


tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang
mga tungkulin sa kasunduan.
61

Anti-Violence Against Women and


Their Children Act
(Republic Act No. 9262)
 isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
62 laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
63 tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon.
Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng
64
inabuso, mga anak na wala pang labingwalong (18) taong
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na
labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang
alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi
tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga.
65
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng
krimen ng pang-aabuso at pananakit at
maaaring kasuhan ng batas na ito?
66

Magna Carta for Women


(Republic Act No. 9710)
 isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri
ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay
67
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at
mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on
the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW.
68
69

Responsibilidad ng Pamahalaan
70
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang
pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng
komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad
71 ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at ipagtanggol ang
kanilang mga karapatan
72

Ang Paternity Leave


Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay
73
isang batas na nagsasaad na ang bawat
empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong
sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok
sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit
patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong
sweldo.
Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na
74 araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking
empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay
dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang
pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang
inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong
ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
75

Paano nagiging Batas ang


isang panukalang batas???

You might also like