Professional Documents
Culture Documents
Foot binding (China)-paa ng mga batang babae ay pinapaliit ng tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet.
Breast Ironing/ breast flattening- (Cameroon, Africa)- pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
Female Genital Mutation o FGM- pagbabago ng ari ng kababaihan (bata o matanda) nang wala
anumang benepisyong medical. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapanatili nitong walang mapanatili
nitong walang bahid ng dungis ang babae hanggang siya ay ikasal.
General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action
(GABRIELA)- samahan sa Pilipinas na laban sa ibat-ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan
na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
1. Pambubugbog/pananakit
2. Panggagahasa
3. Incest at iba pang sekswal na pag-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health, at
7. Sex trafficking at prostitusyon
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal,
sekswal, at emosyonal
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng sekswal na pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na pananakit
mula sa kanilang mga asawa o partner.
Karahasan sa LGBTQIA+
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro na LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa pagkakapantay-pantay
at Kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat Transgender Europe noong
2015 mahigit 1,’700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
Ang United Nations Human Rights Council ay nagkakaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga ebidensya
at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa
ng batas na Anti -Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at merriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga
kalalakihan ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal,
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual
na relasyon.
1. Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (nama calling) para saiyo at sa ibang
tao,iniinsulto ka;
3. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
6.Pinagbabantaanka na sasaktan;
7. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
1.Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian;
2.Sinasabi s aiyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgeder; at
1. Pinagbabantaan ka ng karahasan;
Anti-Violence Against Women and Their Children Act (R.A. 9262)- ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Kaparusahan
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad (“primary
duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga
Karapatan.
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang
nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa
iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Prinsipyo ng Yogyakarta
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga Karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na
magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
kilalanin ng lahat ay panttay-pantay sa batas at sa proteksyon nito, nang walang anumang
diskriminasyon, kahit na may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas
ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat.
Kapatan ng lahat na mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng
buhay sa anumang dahilan, kabilang na ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang lahat ay may Karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan at
upang bigayan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya,
kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at military, nang walang diskriminasyong sanhi sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) ay
karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong
UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
noong Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na
may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o
State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o
25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado
sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.
May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
kababaihan.
Ang mga State parties ay inaasahang:
1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng
mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang
babae sa paglabag ng kanilan karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang
kondisyon at karampatang aksiyon;at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Sa kasalukuyan, ang LGBTQ+ community ay isa mga aktibong samahang nagsusulong sa tinatawag na
karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
5. Pagkalampag sa Pamahalaan