You are on page 1of 4

Ano ang Republic Act 9710?

Ang Republic Act 9710 o kilala din sa tawag na Magna Carta of Women ay isang batas para sa proteksyon ng karapatan
pantao ng mga kababaihang Pilipino at naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon, lalo na sa mga
kababaihan na marginalized o mga babae na bahagi ng mga sektor na hindi nabibigyan ng wastong representasyon sa
lipunan. Ito’y naisabatas noong ika-14 ng Agosto noong 2009 matapos ito pirmahan ng dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo.
Anong mga karapatan ang binibigay ng batas na ito?
 Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.
 Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado.
 Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
 Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t ibang uri ng pagsasanay.
Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong
institusyon ng edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa naikakasal.
 Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports)
 Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno, hukbong sandatahan, kapulisan at
iba pa.
 Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng media
 Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may bayad sa mga babae na sumailalim sa
isang medikal na operasyon, pagbubuntis o gynecological na mga sakit
 Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga usapin kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping
pampamilya.
 Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng politika at pamumuno at itulak
ang ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan.
Sino ang mga Saklaw ng Magna Carta of Women?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng
mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in
Especially Difficult Circumstances
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga
wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang ditto ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo.
**Ang tinatawag naming Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na
kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong

Ano ang Responsibilidad ng Pamahalaan?

Itinalaga ng Magna Carta of Women


ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad batas na ito. Ginawa
na tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasiyon at ipagtanggol ang
kanilang mga karapatan.
REPUBLIC ACT 8187 O 'PATERNITY LEAVE ACT OF 1996'
Sa ilalim ng Republic Act 8187 o 'Paternity Leave Act of 1996', ang mga empleyado sa pribado at
pampublikong sektor ay maaaring mag-leave nang may sweldo nang hanggang pitong araw kapag nanganak
ang legal na asawa. Ang paternity leaveay isang pribilehiyong pinagkakaloob sa mga lalakingmanggagawa na
kasal at nagha-hanapbuhay sa pribado o pampublikongsektor, ano man ang kanilang estado bilang
manggagawa, kung saan silaay binibigyan ng pagkakataong lumiban sa trabaho sa loob ng pitong (7)araw na
may katumbas na kabuuang sahod para sa mga araw na ito. Itoay sa kondisyon na ang kanilang lehitimong
asawa ay nakatakdangmanganak o sa mga kaso na ang kanilang asawa ay nakunan. Ayon sabatas, sila ay dapat
makatanggap ng basic salary, allowances at monetarybenefits sa mga araw na ito. Layunin ng Paternity Leave
na magkaroon ngpagkakataon ang asawang lalaki na maalagaan o mabantayan angkanilang misis habang ito
ay nagpapagaling at nagpapalakas at sa pagaaruga ng kanilang bagong silang na sanggol.Nagbibigay ang batas
na ito ng karapatan sa mga ama na tulungan si misis kapag nanganak o kung makunan man.
 Hanggang apat na pagbubuntis o pagkalaglag maaaring gamitin paternity leave.
 Hindi naman saklaw ng batas na ito kung ang nanganak ay ang kinakasama o ang fiancee pa lamang.
 Gayunpaman, maaaring magkaroon ng collective bargaining agreement o kasunduan sa pagitan ng
kumpanya at mga empleyado upang makapagdagdag ng araw ng paternity leave o lawakan pa ang
saklaw ng batas na ito.
 Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng
batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa
isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may
edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang
mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito? Ang
mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating
asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae

HALIMBAWA ng mga karahasang labag sa batas.

1. Pisikal na Karahasan: pananakit sa katawan o pisikal na pananakit.

2. Sekswal na Karahasan: mga aktong likas na sekswal; kabilang ngunit hindi takda sa mga sumusunod:

panggagahasa;sexual harassment;kalaswaaan o acts of lasciviousness;pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal


na bagay o sex object;paggamit ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa;pisikal na
pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;pamimilit sa kaniya na tumingin o manood ng mga malalaswang
babasahin o palabas;pamimilit sa biktima o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng
malalaswang pelikula;pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong matulog sa
iisang kuwarto kasama ang akusado;pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng
gawaing sekswal; atpagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.

3. Sikolohikal na Karahasan: mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o damdamin ng biktima,
kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:pananakot;panggugulo;pagmamanman o stalking;paninira ng ari-
arian;pamamaliit sa publiko o pamamahiya;paulit-ulit na pang-aabusong sa pananalita;pangangaliwa;pagpapakita o
pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya;pagpapakita o
pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng pornograpiya;pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang
pang-aabuso sa alagang hayop; athindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang pangalagaan o bisitahin
ang mga anak ng biktima at ng may-sala.

4. Pinansyal na Pang-aabuso: mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi,
katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:pagbawi ng sustentong pinansyal;pagbabawal sa biktima na
pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa katanggap
tanggap, seryoso at moral na dahilan);pagkait ng kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property
owned in common;paninira ng mga kagamitan sa bahay; atpamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.
CEDAW

Ang CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women ay ang kauna-unahan at
tanging internasyunal na kasunduan na kumprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at pulitikal na larangan, kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong 18 Disyembre 1979. Pumirma naman ang Pilipinas
sa CEDAW noong 15 Hulyo 1980, at niratipika niya ito noong 5 Agosto 1981.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan
na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan .

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang
State parties na baguhin ang mga stereotype at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State parties na igalang,
ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.Ang mga PAMAHALAAN ay inaasahang:

1.Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;

2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagayng mga epektibong mekanismo at
sistema kung saan maaring humingi ng hustisyaang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;

3.Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbangkondisyon at karampatang aksiyon;at

4.Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawanghakbang para matupad ang mga
tungkulin sa kasunduan.

You might also like