You are on page 1of 36

Tugon ng

Pamahalaang
Pilipinas sa mga Isyu
ng Karahasan at
Diskriminasyon
BALIK-ARAL

ENUMERATE MO PRINSIPYO KO

Ibigay ang mga Karapatan sa


Yogyakarta Principles
(ENGAGE)

GUESS THE WORD


Iayos ang mga ginulong salita at ipaliwanag paano
ito nakatulong sa pagbibigay ng pantay na
Karapatan sa LGBT na nakabatay sa Yogyakarta
Principle
1.AKTAPANAR AS DUSEKAOYN
2.RATPAAKNA SA HAYUB
3. TANPARAKA AS ARTBHOA
(EXPLORE) PAGHAHABI NG LAYUNIN
Noon Vs Ngayon
Ilarawan ang kalagayan ng mga kababaihan NOON at
NGAYON.
Pamprosesong tanong:
1.Ano ang kalagayan ng mga kababaihan noon?
2.Ano ang kalagayan ng mga kababaihan ngayon?
3. Sa iyong palagay, paano nagbago ang kalagayan ng mga
kababaihan noon at ngayon?
Anti – Violence Against
Women and Their
Children Act o RA 9262
Anti – Violence Against Women and
Their Children Act
➢ Ito ay isang batas na nagsasaad ng
karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak. Nagbibigay ito ng lunas at
proteksyon sa mga biktima nito sa
pamamagitan ng pagtatalaga ng kaukulang
parusa sa sinumang lalabag sa batas na ito.
Sino–sino ang saklaw ng Anti – Violence
Against
Women and Their Children Act?
1. Ang kababaihan sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa:
a. kasalukuyan o dating asawang babae;
b. babaeng kasalukuyan o may nakaraang relasyon
sa isang lalaki; at
c. mga babaeng nagkaroon ng anak sa isang
karelasyon.
Sino–sino ang saklaw ng Anti – Violence Against
Women and Their Children Act?
1. Ang mag anak sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy
sa:
a. mga anak ng babaeng inabuso;
b. mga anak na wala pang labing walong (18) taong
gulang;
c. lehitimong anak o hindi;
d. mga anak na may labing walong (18) taong gulang
pataas ngunit walang
kakayahan na alagaan o ipagtanggol ang sarili; at
e. hindi tunay na anak ngunit nasa ilalim ng
pangangalaga ng isang babae.
Sino naman ang mga maaaring patawan
ng parusa kung lalabagin ang batas na
ito?
Sila ay ang mga:
a. kasalukuyan o dating asawang lalaki;
b. kasalukuyan, dating kasintahan, o live – in
partner na lalaki;
c. mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae;
at
d. mga lalaking nagkaroon ng sexual o dating
relationship sa babae.
Magna Carta for
Women o RA
9710
Ang Magna Carta for Women ay isang
batas na naglalayong itaguyod ang
taglay na husay at galing ng mga
kababaihan at ang kanilang potensyal
upang maging kabahagi sa pag–unlad
at pagbabago ng lipunan kung saan sila
ay nabibilang.
Isinabatas ito noong Hulyo 8, 2008 na
nakabatay sa mga umiiral nang batas sa
Pilipinas, at iba pang pandaigdigang
instrumento gaya ng Convention on the
Elimination of All Forms of
Discrimination
Against Women.
Ang Magna Carta for Women ay sumasaklaw
sa lahat ng kababaihang Pilipino anoman ang
kanilang edad, pinag-aralan, hanapbuhay,
relihiyon, at pinagmulang etnisidad.
Binibigyan ng higit na pagpapapahalaga sa
batas na ito ang mga batang babae,
matatanda, may kapansanan, Marginalized
Women at Women in Especially Difficult
Circumstances.
Ang mga maituturing na kabilang sa Marginalized
Women ay mga kababaihan na nasa hindi panatag na
kalagayan o mahirap, wala o limitadong kakayahan na
matamo ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan. Sila ang mga:
kababaihang manggagawa;
maralitang tagalungsod;
magsasaka at mangagawa sa bukid;
mangingisda;
migrante; at
mga kababaihang Moro at katutubo.
Ang mga tinatawag naman bilang Women in
Especially Difficult Circumstances ay mga
babaeng nasa mapanganib na kalagayan. Ilan sa
mga kababaihang nasa ganitong uri ay mga:
biktima ng pang – aabuso at karahasan at
armadong sigalot;
biktima ng prostitusyon;
biktima ng illegal recruitment;
biktima ng human trafficking; at
mga babaeng nasa kulungan.
PAGLALAPAT:
Paano kaya tayo tutulong bilang
mag- aaral sa pamahalaan para
maisakatuparan ang Violence against
women and children at Magna Carta
for women?
(EVALUATE)
Panuto: Suriin ang bawat pahayag
sa ibaba. Ilagay ang Tama kung ang
isinasaad ng paghayag
ay katotohanan at M naman kung
hindi. Ilagay ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang Anti–Violence Against Women and
Their Children Act ay naglalayong bigyang
proteksyon ang mga kababaihan mula sa
karahasan.
2. Hindi na saklaw ng Anti–Violence Against
Woment and Their Children Act ang
mga babaeng hiwalay sa kanilang mga
asawa.
3. Ang pamahalaan ang pangunahing
nagbibigay ng proteksyon sa mga
kababaihan
sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga
batas.
4. Saklaw ng Anti–Violence Against Women
and Their Children Act ang mga
kababaihang nagkaroon ng anak sa isang
lalaki.
5. Ang mga anak na labing walong taong
gulang pataas na may kakayahang bigyang
proteksyon ang kanilang sarili ay kabilang pa
din sa Anti–Violence Against Women and
Their
Children Act.
6. Maaaring parusahan ang lalaki na hindi
nagkaroon ng anumang relasyon sa babae
sa ilalim ng Anti–Violence Against Women
and Their Children Act.
7. Nakapaloob sa Anti–Violence Against
Women and Their Children Act ang lahat ng
uri ng pang – aabuso sa mga kababaihan ito
man ay pisikal, sekswal, o emosyonal.
8. Walang karapatan ang sinoman na
gumawa ng anumang uri ng karahasan sa
kahit
na sinong indibidwal anuman ang kanyang
kasarian.
9. Hindi saklaw ng Anti–Violence Against
Women and Their Children Act ang
magkarelasyon na lalaki at babae kung sila
ay live in partner lamang.
10. Itinuturing na anak ang isang batang
nasa ilalim ng pangangalaga ng isang babae
sa Anti–Violence Against Women and Their
Children Act.
https://in.pinterest.com/pin/116249234105070545/

MARAMING SALAMAT

You might also like