Professional Documents
Culture Documents
Panimula:
May sariling pagsisikap ang Pilipinas upang labanan at tanggalin ang diskriminasyon at karahasan na nakabase sa kasarian.
Aktibo ang kababaihan sa Pilipinas na ipaglaban ang pantay na karapatan ng kababaihan. Upang maiwasan ang diskriminasyon laban
sa kababaihan at maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Ang pamahalaan ang pangunahing
tagapagpatupad sa mga batas na magsisilbing proteksyon laban sa mga paglabag sa karapatan at diskriminasyon na maaaring
maranasan ng bawat kasarian.
Layunin:
1. Naiisa-isa at nasusuri ang mahahalagang probisyon ng Magna Carta of Women at Anti-Violence Against Women and
Their Children
2. Naipaliliwanag kung paano nabibigyan ng proteksyon ng mga batas na nabanggit ang mga kababaihan
Gawain: Ano ang ipinapakita sa unang larawan?, sa ikalawang larawan?
_____________________________________ _______________________________________
Gabay na Tanong:
Ang Estado, pribadong sektor, lipunan at mamamayan sa pangkabuuan ay nararapat mag-ambag sa pagkilala, pagrespeto at
pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan na binibigyang-kahulugan at ginagarantiyahan sa batas na ito.
Seksyon 5: Ang Estado ang pangunahing tagapagtaguyod ng batas na ito. Kinakailangang tuparin ng Estado ang mga tungkuling
ito sa pamamagiatan ng batas, polisiya, gabay at iba pang pamamaraan.
a. Pagpapahinto sa diskriminasyon sa kababaihan at paglabag ng kanilang karapatan
b. Protektahan ang kababaihan laban sa diskriminasyon at paglabag sa karapatan ng mga pribadong korporasyon, institusyon at
indibidwal.
c. Pagtataguyod at pagsasakatuparan ng lahat ng karapatan ng kababaihan sa lahat ng aspekto.
Seksyon 22 Ang Estado ay progresibong magsasagawa at titiyak ng mga disenteng pamantayan sa mga trabahong nakalaan
para sa mga kababaihan na may katanggap-tanggap na kalidad sa kondisyon ng kalayaan, pagkakapantay-
pantay, seguridad at dignidad.
Dagdag kaalaman:
Marginalized Women- ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. (hal. Kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante at kababaihang Moro o katutubo
Women in Especially Difficult Circumstances-mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pag-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking
at mga babaeng nakakulong
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at sa kanilang anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa
mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito
Upang higit na tutukan ang pagsugpo sa karahasan laban sa kababaihan, nabuo ang batas na Republic Act 9262. Patitiyak ito na
mabibigyang proteksyon ang kababaihan laban sa umiiral at nagpapatuloy na karahasan na nakabatay sa kasarian. Bilang paglilinaw,
kailangan namang magkaroon ng parehong unawa sa iba’t ibang termino at paglabag na pumapatungkol dito. Ilan sa mga karahasan at
pang-aabuso na nagaganap sa kababaihan at sa kanilang mga anak ang mga sumusunod:
Karahasan Halimbawa
Karahasan laban a Kababaihan at *aksyon na ginawa sa asawang lalaki dating asawang babae, kapareha at/o sa kanilang mga
sa Kanilang mga Anak anak na nagreresulta sa pisikal, sekswal, pang-ekonomiko o sikolohikal na pang-aabuso
Pisikal na karahasan *aksyon ng pang-aabuso sa katawan, uri ng pang-aabusong may kinalaman sa pananakit sa
iba sa pisikal na paraan
Sekswal na pang-aabuso *sekswal ang mga akto na ginagawa sa mga babae o sa kanyang anak. Kabilang na rito ang
panggaghasa, sekwal na panliligalig, pisikal na atake sa maselang bahagi ng katawan,
pagpilit na manood ng mahahalay na palabas, pagpilit sa babae at sa kanyang anak na
gumawa ng hindi kaaya-ayang gawain, at prostitusyon
Kababaihan Sa ilalim ng batas na Anti-Violence Against Women and Their Children ay tumutukoy sa kasalukuyan o
dating asawang babae; babaeng kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki; at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon
Mga anak Mga anak ng babaeng inabuso; mga anak na wala pang 18 na taong gulang, lehitimo man o hindi; mga
anak na may edad 18 taong gulang at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili,
kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
Ayon sa seksyon 6 ng RA 9262, ang karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga anak ay isang krimen. Maparurusahan ang
sinomang magsagawa nito. Sa pangkabuuan, malawak at masalimuot ang karanasan ng mga kababaihan at LGBTQ+ upang matamasa
ang kanilang pantay na karapatan sa lipunan.
Dalawang anyo na isinasagawa upang itaguyod ang karapatan at proteksyon laban sa karahasan at diskriminasyon.
1. Extra-legal - pagkilos ng iba’t ibang samahan ng kababaihan at LGBTQ+ para itaguyod ang kanilang karapatan. Ipinakita
nila na nagkakaisa sila sa iisang layunin at nais makatamasa ng pantay na pagturing sa karapatan.
2. Legal- nagagamit na ang batas upang proteksyonan ang kababaihan at LGBTQ+. Dito pinatutunayan nila na sila ay mga
taong ipinanganak na malaya at may pantay na dignidad at karapatan.
Mga ahensyang naatasan na tagapagpatupad ng sari-saring batas patungkol sa karahasan laban sa kababaihan (Inter-Agency
Council on Violence Against Women and Their Children -IACVAWC)
Ang karapatan na matamasa ang unibersal na karapatang pantao. Lahat ng tao ay ipinanganak na
Unang Prinsipyo malaya at may pantay na dignidad at karapatan. Lahat ng tao, anoman ang sexual orientation, gender
identity, o sex ay nararapat na matamasa ang lahat ng karapatang pantao.
Ang karaptan na kilalanin ng batas. Lahat ay may karapatan sa batas bilang tao, saan man sila naroroon.
Ikatlong Prinsipyo Lahat ng tao, anuman ang kasarian, ay may karaptan sa batas sa lahat ng aspekto ng kanilang buhay.
Walang sinomang dapat mapilitang itago, ilihim o itatwa ang kanilang sexual orientation at gender
identity sa kahit anong sitwasyon.
Ikaapat na Prinsipyo Karapatang mabuhay. Ang lahat ay may karapatang mabuhay. Walang sinoman ang dapat pagkaitan ng
karapatang pantao dahil lamang sa kanyang sexual orientation, gender identity, o sex.
Ikasampung
Prinsipyo Karapatan laban sa tortur, at sa malupit, makahayop o mapanghiyang pagtrato sa tao
Ikalabindalawang
Prinsipyo Karapatan sa trabaho. Lahat ay may karapatan sa disente, maayos na kondisyon at nakabubuhay na
trabaho sa makatarungan at paborableng kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ikalabing-anim na
Prinsipyo Karapatan sa edukasyon. Lahat ay may karapatan sa edukasyon anuman ang kaniyang sexual orientation,
gender identity, o sex.
Ikalabingsiyam na
Prinsipyo Karapatan na maglabas ng sariling opinion at eskpresyon. Lahat ay may karapatang maglabas ng
sariling opinion, ekspresyon at saloobin anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, o sex.
Ikadalawamput
limang Prinsipyo Ang karapatang lumahok sa buhay pampubliko. Bawat mamamayan ay may karapatang lumahok sa mga
usaping pampubliko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may
kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga
pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar ng walang diskriminasyong
sanhi ng oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian
Ilan lamang ang mga ito sa mga prinsipyong natukoy sa loob ng Yogyakarta Principles na nararapat itaguyod ng iba’t ibang mga
bansa.
A. Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
Ang CEDAW ay karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Kilala rin ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kaunaunahan at tanging Internasyunal na kasunduan na
kumprehensibong tumatalakay sa karapatan ng mga kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Ang hindi pagklilala sa kahalagahan ng paglahok ng mga kababaihan
sa mga larangang ito ay nangangahulugan ng pagpigil ng kanilang pag-unlad bilang tao at pagpigil sa pag-unlad ng nasabing bansa.
Pagpigil ito sa pag-unlad ng kababaihan na mag-ambag sa lipunan at sangkatauhan.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang nagratipika. Unang ipinatupad ang kasunduan noong September 3, 1981.
A rtikulo2:A nglahatngestadoay
kinokondenaanglahatnganyong
diskriminasyonlabansakababaihansa
pam am agitanngngiba’tibang
pam am araan.Kaugnaynitoang
pagkakaroonngkinakailangangbatas.
A rtikulo3:A nglahatngestadoay
A rtiku lo1 1:P agtitiyakngpantayna dapattiyakinangpag-unladsa
karapatanngkababaihansa pagsulongngkababaihansalahatng
kabuhayan.K augnaynitoang laranganm agingpolitikal,sosyal,
karapatanngkababaihannapiliinang ekonom iyaatkulturalupangm atam asa
kanilangnaisnatrabahonanaaayon nilaangkarapatangpantaoat
sakanilangkakayahan. kalayaangnakabasesapagkakapantay-
pantay.
Artik u lo5:P agtitiyakngE stado
napangunahanangpagbabagosa
A rtikulo10:A ngm gababaeay m gapanlipunanatkulturalna
m aypantaynakarapatantuladng patternofconductsapagitanng
lalakisalaranganngedukasyon bab aeatlalakinanaglalayonna
m aw alaangdiskrim inasyontulad
ngkonseptongm ayseksnam as
m ababaatm asm ataas.
Itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.
Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na
kailanma’y hindi ito maaaring bawiin.
Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga
institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo
Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae at hinahamon nito ang state
parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyonan ito. May tungkulin ang state parties na igalang, ipagtanggol, at
itaguyod ang karapatan ng kbabaihan