You are on page 1of 8

Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 5
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: __________________________ Ikatlong Markahan-Ikalimang Linggo


Taon at Pangkat: __________ Petsa: ___________________

TUGON NG PAMAHALAANG PILIPINAS SA MGA ISYU SA MGA KARAHASAN


AT DISKRIMINASYON

Susing Konsepto

Mahalaga ang ginagampanan ng Pamahalaang Pilipinas sa pagtataguyod ng


proteksiyon sa mga kababaihan. Base sa mga unang pag-aaral malaki ang
bahagdan ng mga inaabusong kababaihan at pati na rin ang diskriminasiyon sa
kanila. Marahil ikaw ay nakaririnig ng mga balita sa radyo at telebisyon ng patungkol
sa karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan. Halimbawa nito ang
pambubugbog, panggagahasa, pagsisigaw at pagmumura sa kanila. Ano ang mga
batas ang ipinatutupad ng ating pamahalaan upang mabigyang lunas ang ganitong
suliranin ng ating lipunan?

Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan tulad


ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta for Women.
Basahin ang susunod na teksto tungkol sa batas laban sa Karahasan sa
Kababaihan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na


nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito? Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang
kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang
karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng
inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o
hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na
anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Sino-sino ang
posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan
ng batas na ito? Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot
sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual o dating
relationship” sa babae.

2
Magna Carta for Women
Bukod sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa
ring batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan. Basahin ang teksto upang
malaman kung patungkol saan ang batas na ito.

Ano ang Magna Carta for Women? Ang Magna Carta for Women ay isinabatas
noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa lalaki
sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women o CEDAW. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat
babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa
na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa
lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga
babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang
pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan. Ang isa pang
hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin
ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at
gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA? Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan
ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na
pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga
babae sa iba‟t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult
Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo
ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang
bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga
babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso , karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal
recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

3
Kasanayang Pampagkatuto:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa mga isyu
ng karahasan at diskriminasiyon.

Mga Layunin
1.Natutukoy ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
sa bansa.
2. Nasusuri ang tugon ng mamamayan sa Pilipinas sa mga isyu ng kararahasan at
diskriminasyon.
3. Naigagalang ang mga batas laban sa karahasan at diskriminasyon.

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ang batas na ito ay sumasaklaw sa mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak. Ito rin ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima ng
Anti-Violence Against Women and their Children Act.
A. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang
babae.
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak.
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso.
D. lahat ng nabanggit
2.Ang saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino.
Binibigyang diin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda,
mga may kapansanan, mga babae sa iba‟t ibang larangan. „Marginalized Women‟, at
„Women in Especially Difficult Circumstances‟. Alin sa mga sumusunod ang kabilang
sa women in especially difficult circumstances maliban sa?
A. Mga may mataas na estado sa buhay
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
3.Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 na nagbibigay proteksyon sa mga
kababaihan laban sa lahat ng dikriminasyon at karahasan.
A. Anti - Violence Against Women Act
B. Magna Carta for Women
C. Republic Act 6292
D. Republic Act 1097
4.Ano ang tawag sa mga kababaihan na wala o may limitadong kakayahan na
matamo ang batayang pangangailangan at serbisyo?
A. Marginalized Women
B. Women in Especially Difficult Circumtances
C. Special Women
D. Women with Disabilities
5.Ang tawag sa babaeng nasa panganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad
ng biktima ng pang - aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “ illegal recruitment” human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
A. Marginalized Women
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Special Women
D. Women with Disabilities 4
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung nag pahayag ay nagsasabi ng


katotohanan at MALI naman kung walang katotohanan.
_____ 1. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa
na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa
lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
_____ 2. Ang pamahalaan ay walang tugon na ginawa para mabigyan ng proteksyon
ang mga kababaihan.
_____ 3. Ang “kababaihan” sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their
Children Act ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak
sa isang karelasyon.
_____ 4. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso,
mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at
mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na
anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga ito ay ayon sa
Anti - Violence Against Women and Their Children Act.
_____5. Layunin ng Magna Carta for Women na itaguyod ang husay at galing ng
bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.
_____6. Ang pamahalaan ay walang responsibilidad na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.
_____ 7. Ang Anti- Violence Against Women and Their Children Act and Magna
Carta for Women ay mga batas na itinataguyod ng pamahalaan upang mawakasan
ang diskrimasyon at karahasan sa mga kababaihan.
_____ 8. Katuwang ng pamahalaan ang mga ahensya at yunit nito upang
maisakatuparan ang mga layunin ng mga batas.
_____ 9. Ang mga batas na ito ay ginawa lamang ng pamahalaan ay para sa mga
mamamayang Pilipino na may mataas na estado sa buhay.
_____ 10. Ang mga batas na ito ay may mga magandang naidulot sa ating bansa

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ng mga sagot ang mga sumusunod na tanong sa talahayanan.

Mga Batas Saan Sino -sino Sino ang Ano ang


nagbibigay patungkol ang mga tagapagtupad? kabutihang
proteksyon sa mga ang batas na saklaw ng naidudulot?
kababaihan ito? batas na
ito?
1. Anti - Violence
Against Women their
Children Act

5
2. Magna Carta for
Women

Pagsasanay 4: ( PERFORMANCE TASKS )

Panuto: Batay sa isinulat mo sa talahanayan, buuin ang nasimulang pangungusap


bilang pagbubuod tungkol sa mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa
mga kababaihan.Gumawa ng tatlong pangungusap upang maipahayag ang
ideya.

Ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan ay


ang mga____________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG BUOD

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan


4 3 2 pang
magsanay
1
Nilalaman Malinaw ang Malinaw ang Hindi gaanong Hindi
35% nilalaman at nilalaman ngunit malinaw ang malinaw ang
walang mai iilang nilalaman ng nilalaman ng
malabong pangungusap pangungusap pangungusap
pahayag na hindi
maliwanag ang
pagkakagawa
Kabuluhan Napakamakab Makabuluhan Hindi gaanong Hindi
35% uluhan nga ang makabuluhan makabuluhan
pangungusap pangungusap ang ang
pangungusap pangungusap
Organisasyon Tama at May iilang Maraming Magulo at
30% maayos ang pangungusap mga hindi tama
pagkakagawa na hindi tama at pangungusap ang
ng mga maayos ang na hindi tama pagkakagawa
pangungusap pagkakagawa at maayos ang ng mga
pagkakagawa pangungusap

6
Pagsasanay 5
Panuto: Ipahayag ang iyong saloobin.

1.Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas


laban sa diskriminasyon at karahasan sa mga kababaihan ?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang naidudulot ng Anti-Violence Against


Women and Their Children Act (RA 7610) at ng Magna Carta for Women ?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pangwakas:
Kumpletuhin ang parirala upang makabuo ng iyong repleksiyon hinggil sa araling ito.

Mahalaga ang mga batas na ipanatutupad ng ating pamahalaan para sa mga


kababaihan at kanilang mga anak sapagkat ________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

Mga Kontemporaryong Isyu; Araling Panlipunan 10,Modyul para sa mga Mag-aaral


2017, pahina 319-322

7
8
Teacher I
BRENDA M. TERRIBLE
Inihanda ni:
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1:
1. D
2. D
3. B
4. A
5. B
Pagsasanay 2:
1. TAMA 6. MALI
2. MALI 7.TAMA
3. TAMA 8. TAMA
4. TAMA 9. MALI
5. TAMA 10.TAMA
Pagsasanay 3 Maaring magkakaiba ang sagot.
Saan patungkol ang batas na ito?
Ang batas na ito ay patungkol sa mga karapatan at proteksyon ng mga
kababaihan at kanilang mga anak sa karanasan at diskriminasyon na kanilang
nararanasan.
Sino-sino ang mga saklaw ng batas na ito?
Ang saklaw ng batas na ito ay ang mag kababaihan at ang kanilang mga anak.
Sino ang tagapagpatupad?
Ang tagapagpatupad ng batas na ito ay ang pamahalaan katuwang ang yunit nito.
Pagsasanay 3:Ibabatay sa pamantayan sa paggawa.
Pagsasanay 4: Maaring magkakaiba ang sagot.
Pagsasanay 5: Maaring magkakaiba ang sagot.

You might also like