You are on page 1of 3

HANDOUTS

Araling Panlipunan
Grade 10- Konteporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Aralin 5: Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

R.A. 9262: Anti-Violence Against Women And Their Children Act


 Ang Anti-violence Against Women And Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
 Pinasa sa kongreso noong Pebrero 2004 at pinirmahan ng dating Pangulong
Gloria Macapagal –Arroyo noong Marso 08,2004 at nagging epektibo noong
Marso 23, 2004.

Ang Kababaihan sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa:


 kasalukuyan o dating asawang babae
 babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
 babaeng nagkararoon ng anak sa isang karelasyon

Ang mga Anak naman ay tumutukoy sa:


 mga anak ng babaeng inabuso
 mga anak na wala pang 18 taong gulang
 lehitimo man o hindi
 mga anak na may edad 18 taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan at
ipagtanggol ang sarili
 kabilang rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng
kanyang pangangalaga

Halimbawa Ng Mga Karahasang Labag Sa Batas Na R.A. 9262: Anti-Violence Against


Women And Their Children Act

1) Pisikal na Karahasan- pananakit sa katawan o pisikal na pananakit


(Halimbawa: Pananampal,pamamalo)

2) Seksuwal na Karahasan- mga aktong likas na seksuwal


(Halimbawa: Panggagahasa, Sexual harassment)

3) Sikolohikal na Karahasan-mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa


isip o damdamin ng biktima (feelings)
(Halimbawa: Panggugulo, Pamamahiya)

4) Pinansyal na Pang-aabuso- nangyayari ang pinansyal na pang-aabuso kapag ang


isang tao ay pinagkakaitan, ninanakawan, o kinokontrol ang pera o ari-arian ng iba
nang walang pahintulot
(Halimbawa: Pagbawi ng sustentong pinansyal, Paninira ng gamit)
10 Karapatan Ng Bawat Batang Pilipino
1) Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
2) Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga sa akin.
3) Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4) Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
5) Mabigyan ng sapat na edukasyon.
6) Mapaunlad ang aking kakayahan.
7) Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
8) Mabigyan ng proteksiyon laban sa pang- aabuso,panganib at karahasan.
9) Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10) Makapagpahayag ng sariling pananaw.

R.A. 9710: Magna Carta For Women


 Ay isang batas para sa proteksyon ng karapatan pantao ng mga kababaihang
Pilipino at naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon, lalo na
sa mga kababaihan na marginalized o mga babae na bahagi ng mga sektor na
hindi nabibigyan ng wastong representasyon sa lipunan. Alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento lalo na ang Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW
 Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
 Naisabatas noong August 14, 2009 matapos pirmahan ni dating Pang. Gloria
Macapagal-Arroyo.
Marginalized Women
 ay ang mga babaeng nasa di panatag na kalagayan at hindi nakakatanggap ng
wastong representasyon sa lipunan at pamahalaan. Sila ang mga wala o may
limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo. 
 Halimbawa nito ay ang sumusunod: Kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo

Mga Karapatan Ang Binibigay Ng Batas R.A. 9710: Magna Carta for Women

1. Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.


2. Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado.
3. Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
4. Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t
ibang uri ng pagsasanay. Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o paglalagay ng
limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong institusyon ng  edukasyon
dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa naikakasal.
5. Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports).
6. Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno,
hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa.
7. Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng
media.
8. Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may
bayad sa mga babae na sumailalim sa isang medikal na operasyon, pagbubuntis o
gynecological na mga sakit.
9. Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga usapin kaugnay ng
pagpapakasal at mga usaping pampamilya.
10. Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng
politika at pamumuno at itulak ang ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan.

’” FOLLOW YOUR DREAMS, BUT TAKE IT ONE STEP AT A TIME!”

Prepared by:

Reanne Joy H. Aliligay (Teacher A)


Teacher-Intern

You might also like