You are on page 1of 8

REPUBLIC ACT NO.

9710 – Magna Carta of Women(MCW)


Ang Republic Act No. 9710 o mas kilala bilang
“Magna Carta of Women” ay binubuo ng mga
batas para sa karapatang pantao ng mga
kababaihan. Ito ay isinabatas noong Agosto
14,2009.
Ang batas na ito ay nakabatay sa
internasyonal na batas. Ang isa sa mga
programa sa ilalim nito ay ang pagtatag
ng “Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination against Women
(CEDAW) Committee noong 2006.
Mga karapatan na binibigay ng batas na ito
·Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas
·Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na
sa karahasan na dulot ng estado.
·Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng
kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
·Pagbibigay ng patas na karapatan sa
edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t
ibang uri ng pagsasanay. Pinagbabawal nito
ang pagtatanggal o paglalagay ng limitasyon
sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong
institusyon ng edukasyon dahil lamang sa
pagkabuntis nang hindi pa naikakasal.
LAYUNIN
· Maalis ang diskriminasyon sa mga kababaihan sa
pamamagitan ng pagkilala, pagprotekta at
pagsulong sakanilang mga karapatan.

· Mabigyan ng karapatan ang mga


kababaihan na makapasok sa mga
trabaho gaya ng trabaho sa gobyerno,
militar, pulis at madami pang iba.

· Mabigyan ng karapatan ang mga


kababaihan na magkaroon ng ownership
sa lupa at sa iba pang bagay.
Bakit nagkaroon ng ganitong batas?

Nagkakaroon ng ganitong batas


upang protektahan ang mga
kababaihan dahil sa mga
diskriminasyon at karahasan na
natatanggap nila at mabigyan ang
mga kababaihan ng kalayaan at
karapatan.
Sino-sino ang ang saklaw ng batas na ito?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan(ethnicity) ay pinoprotektahan
ng batas na ito. Binibigyan ng batas na ito
nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng
mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan, Marginalized Women, at Women
in Especially Difficult Circumstances.
Marginalized Women
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang
mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang
mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang
bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo.
Women in Especially Difficult Circumstances

Ang tinatawag namang Women in


Especially Difficult Circumstances ay ang
mga babaeng nasa mapanganib na
kalagayan o masikip na katayuan tulad
ng biktima ng pang-aabuso at karahasan
at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment”,
“human trafficking” at mga babaeng
nakakulong.
Kahalagahan

Dahil sa pagpapatupad ng batas


na ito,nabigyan ng halaga ang
kababaihan sa lipunan. Bukod
dito nabigyan sila ng karapatan
na kapantay sa kalalakihan.

You might also like