You are on page 1of 7

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT

TAONG PANURUAN 2022-2023


FILIPINO 8
Panuto:Basahin at suriin ang bawat pahayag.Piliin ang wastong sagot.
1. Ang karunungang-bayan ay tumutukoy sa isang uri o klase ng panitikang idinadaan sa maraming paraan
ng pagsagot o paghuhula.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian nito?
A. Ito ay may taglay na pagkamalikhain.
B. Ito ay may sinusunod na anyo at pagkakayari.
C. Ito ay sumasalamin sa mayamang kultura ng mga Pilipino.
D. Ito ay naglalaman ng pangkaraniwang mga salita o pahayag.

2. Ang sawikain ay patalinghagang pananalita na nakapupupukaw at nakahahasa sa kaisipan ng mga tao.


Nakalilibang at nakadaragdag ng kaalaman.Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng nakaitalisadong
salita sa pahayag na,“ Si Berto ay papunta sa bukid upang maningalang-pugad.” ?
A. Aakyat ng ligaw
B. Manghuhuli ng mga ibon
C. Bibisita sa mga alagang ibon
D. Mangunguha ng bungang kahoy

3. Ang bugtong at palaisipan ay kapwa nagbibigay-aliw sa mga nagpapahula at nanghuhula.Alin sa mga ito
ang wasto tungkol sa dalawang karunungang bayan?
A. Ang palaisipan at bugtong ay naglalaman ng mga karaniwan at payak na salita.
B. Ang bugtong ay may sukat o tugma samantalang ang palaisipan ay malaya at tuluyan
C. Ang bugtong at palaisipan ay naging libangan ng mga aristocrat maging ng mga tao sa
kasalukuyan.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Alin sa mga sumusunod ang sumasalamin sa salawikaing, “Kapag may isinuksok may madudukot.”?
A. Si Aling Marites ay humiram ng pera sa lending upang ipambili ng Iphone 13.
B. Ang batang si Trixie ay nagtatabi ng 10 pesos kada araw at inilalagay niya sa alkansya para sa
kanyang inaasam-asam na milktea at takoyaki.
C. Si Nestor ay tumutulong sa karinderya ng kanyang tiyahin.Siya ay kumikita ng 20 pesos per
duty.Ito ay inilalaan niya para sa mga biglaang proyekto sa kanyang pag-aaral.
D. Sumasama si Jon sa kanyang ama sa pangingisda tuwing gabi,kinabukasan sa paaralan,ang
kanyang kamag-aral ay walang baon.Inilibre niya ito ng tig-isang turon at lumpia maging ng
buko juice.
Para sa bilang 5-8 (Halaw sa Alamat ng Bubuyog)
“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming
magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawananang mga kabataan. “
Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan
upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan.
“Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula
ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng
matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti
na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila
sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz.
 
5. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing , “Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas
kapag nag-iisa”
A. pakikisama B. pagkakaisa C. pagtitiis D. pakikipagkapwa

6. Mula sa pahayag na “ Mula ngayon kayo ay aking paparusahan”,ano ang eupemistikong salita ang
aakma rito?
A.didisiplinahin B. pahihirapan C.paalwanin D. pagagalitan

7. “ Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at
naghagikgikan.” Anong ugali ang ipinakita ng mga kabataan sa pahayag na ito?
A. kawalan ng respeto
B. kawalan ng disiplina
C. walang simpatiya sa kalikasan
D. pagbalewala sa sinasabi ng kapwa

8. Anong aral ang nakapaloob sa akda?


A. Matutong pangalagaan ang lahat ng nasa paligid
B. Sumunod sa sinasabi ng mga nakatatanda
C. Pag-isipan ang mga magiging bunga ng bawat aksyong ginagawa
D. Lahat ng nabanggit

9. Nakatuon ang pansin ng paghahambing na palamang sa kalamangan ng isang bagay.Alin sa mga


sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng palamang?
A. Mas maliit ang tawilis kaysa sa bangus.
B. Mas malapit sa Boot National High School ang Sitio Ibaba kumpara sa Ilayang Kanluran.
C. Ang lumpia ay mas maiksi kaysa sa turon.
D. Higit na kaunti ang mga halaman sa PPP garden kaysa sa Eco-Park.

10. Sa pangungusap na “Magkasingdami ang bilang ng mga mag-aaral sa 8-Abueva at 8-Abad.”, anong
paghahambing ang ginamit rito?
A. Paghahambing na magkatulad C. Paghahambing na palamang
B. Paghahambing na palamang D. Paghahambing na pasahol

11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi naglalahad ng tamang ideya tungkol sa
paghahambing?
A. Ang paghahambing na magkatulad ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may
magkaibang katangian.
B. Pinagtutunan ng pansin ang kakulangan sa pasahol na paghahambing.
C. Ang palamang na paghahambing ay nakapokus sa kalamangan.
D. Mahalaga ang kaalaman ukol sa iba’t ibang paraan ng paghahambing.

12. “ Ang STA Building ay higit na mas mataas kaysa sa PPP building.” Ito ay nagsasaad ng ____.
A. Paghahambing na magkatulad C. Paghahambing na palamang
B. Paghahambing na palamang D. Paghahambing na pasahol

13.Mayroong iba’t ibang layunin ang mga teksto na ating nababasa o napapakinggan.Alin sa mga
sumusunod ang naglalayong makapagbahagi ng mga payak na impormasyon sa mga mambabasa?
A. Magturo o magbigay-alam C. Manghikayat
B.Manglibang D. Magbigay-aliw

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng tekstong naglalayong magbigay-alam o
magturo?
A. Kinakailangan ito ay may basehan.
B. Hindi isinasaalang-alang ang mga mambabasa
C. Ang teksto ay naglalaman ng makakatotohanang detalye.
D. Ang mga datos ay maaaring pinag-aralan, sinaliksik bunga ng eksperimento o tunay na
naranasan, damdamin o opinyon ng may-akda.

15. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga programang naglalayong magbigay-aliw?
A. I-Witness C. Born to be Wild
B. Kapuso mo,Jessica Soho D. Eat Bulaga

para sa bilang 16-19


“KABATAAN”
Guhit ng panahon nag-iba, Henerasyong puno ng pusok,
      Ihip ng hangin, droga.      Bawat galaw tila apoy at usok.
Mundo’y lumipad-sumaya, Madaling araw siya’y nabuntis,
      Ilang hithit lang, tamasa’y laya       Katorse anyos nagmumuntis.

Maling landas tinahak, Kabataan ngayong dalawampu’t isang


     Daloy ng tubig naging alak. centuridad,
Mundo’y dumausdos, biglang kumawala,      Nagbago, naglaho, bumaliktad.
      Kada-laklak, igib ng puwak, problema’y Pawang respeto’y nawala, parang bula.
nawawala.      Pag-asa ng bayan, sila pa nga ba?

16.Ang linyang, “Guhit ng panahon,nag-iba” ay nangangahulugang __________________.


A. Modernong panahon
B. Nagbago na ang sistema sa ating lipunan
C. Nananatili ang mga kinaugalian ng mga kabataan
D. Nakikisabay ang makabagong henerasyon sa mga pagbabagong nagaganap

17. Alin sa mga sumusunod na grupo ng mga salita ang nagpapahiwatig ng kawalan ng pagpapahalaga at
disiplina ng mga kabataan?
A. Pag-asa ng bayan,sila pa nga ba? C. Pawang respeto’y nawala,parang bula.
B. Henerasyong puno ng pusok. D. Nagbago,naglaho,bumaliktad.

18. Sino ang kinakausap ng may akda?


A. mga kabataan C. mga bagong mamamayan
B. mga magulang D. gobyerno

19. Ano ang nais ipabatid ng may akda?


A. Gusto niyang sabihin na magbago ang mga kabataan.
B. Ipinararating niya ang realidad na nangyayari sa mga kabataan ngayon.
C. Iminumulat niya ang mga mambabasa sa mga makamundong bagay na mali.
D. Nais niya sabihin na mali na ang kinagawian ng bagong henerasyon at kailangan nilang baguhin
para sa kinabukasan.

para sa bilang 20-22,tukuyin ang ginamit na teknik sa pagpapalawak ng paksa.

20. Ang Boot National High School ay paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng Tanauan at may
School ID Number 301089.
A. Pormal na Depinisyon C. Impormal na Depenisyon
B. Pagtutulad D. Pagsusuri

21. Ayon sa The International Union for Conservation of Nature (IUCN):"Tawilis or "sardinella tawilis" is
in danger of facing extinction". Ang mga dahilan ay overfishing, illegal use ng active fishing gears,
sangkaterbang fish cages, at pagbaba ng water quality ng Taal Lake.
A.Pormal na Depinisyon C. Impormal na Depenisyon
B. Pagtutulad D. Pagsusuri

22.Galing sa pangalang ”sumang yakap”, ito ay dalawang sumang pinagyakap. Ito ang sumang may sauce.
Ang tawag sa sauce ay “kalamay hati”. Gawa ito sa sangkaka o matamis na bao kung tawagin sa
Batangas. Asukal lamang ito na buo, malapit sa muscovado at brown sugar. Unrefined, ika nga. Ang
sangkaka ay niluluto kasama ng gata ng niyog. Ang kalamay hati naman ay malapit sa coco jam, mas
malabnaw nga lang.
A. Pormal na Depinisyon C. Depinisyong Pasanaysay
B. Pagtutulad D. Pagsusuri

Para sa bilang 23-27. (MULA SA ALAMAT NG MINA NG GINTO)


Ang punongkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno.
Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-
ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman
ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan
ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan”.
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang
kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng mina ng ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa
pamamagitan ng paghuhukay sa lupa.
23. Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat ng mamamayan sa
ating bansa?
A. Oo, sapagkat inilalahad nito ang matatandang kaugaliang Pilipino
B. Oo, sapagkat nakatutuwa ang mga kuwento at nakakawili
C. Hindi, sapagkat ito ay likhang isip lamang
D. Hindi, sapagkat hindi ito lubusang nagpapakita ng tunay na pinagmulan ng isang bagay

24. Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating panitikan?
A. Oo, sapagkat masasalamin dito ang mga mabubuting aral ng mga Pilipino
B. Hindi, ito ay mga lumang sulatin na lamang
C. Hindi, mas gugustuhin ng mga Pilipino ang mga makabagong literature
D. Oo,binibigyang pansin nito ang mga bagay tungkol sa kaugalian, tradisyon at paniniwala
ng mga Pilipino

25. Ano ang aral na mapupulot sa “Mina ng Ginto”?


A. Magmahalan at magbigayan
B. Kumuha ng higit sa kailangan
C. Sisihin ang mga taong sakim
D. Magpasalamat at makontento sa ibinigay na biyaya

26. Anong bahagi ng alamat ang di makatotohanan?


A. Nilamon ng lupa ang punongkahoy
B. Nagkaroon ng mina ng ginto sa baguio
C. Naging sakim ang mga mamamayan ng suyuk
D. Nagdidiwang ng canao ang mga mamamayan

27.Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan kung bakit nagalit ang tagapangalaga ng puno?
A. Dahil sa kasakiman ng mga tao
B. Dahil sa kanilang pagsuway sa bilin
C. Dahil sa pagiging makasarili ng mga tao
D. Lahat ng nabanggit

28. Ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan ay dapat taglayin ninuman lalo na sa kasalukuyang
panahon.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating
kapaligiran?
A. Dumadaan ang trak ng basura tuwing Martes kaya naman dali-daling kinuha ni Mang Eloy ang
kanilang mga basura at pinagsama-sama ang mga ito sa iisang plastik.
B. Maraming langgam at insekto ang nananahan sa gilid ng tahanan nina Jak kaya naman siya ay
nag-spray ng insecticide dito.
C. Si Ate Dang ay nagtitinda ng turon at lumpia sa labas ng paaralan.Ang mga balat ng mga gulay
ay iniipon niya at inilalagay sa likod bahay upang maging pataba sa kanilang lupa.
D. Binisita ni Kaka ang kanilang lupain sa Sitio Paradise.Napansin niyang masarap tumambay dito
subalit walang masisilungan.Pinutol niya ang mga puno at ginamit niya iyon upang makagawa
ng isang maliit na kubo.

Para sa bilang 29-30,punan ang pangungusap ng wastong pang-ugnay upang mabuo ang diwa.
29.______ nakinig lamang ang mga tao sa bilin ng tagapangalaga,hindi sana siya nagalit __ hindi nagkaroon
ng problema.
A. kung;at B.upang;dahil C.dahil;at D.bunga nito;upang

30. “ _____ ikaw ay magtagumpay sa buhay,kailangang taglayin mo ang determinasyon at pagsusumikap sa


lahat ng iyong ginagawa.”
A. at B. kung C.upang D.dahil

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


TAONG PANURUAN 2022-2023
SUSI SA PAGWAWASTO
FILIPINO 8
1. D 16. D
2. A 17. B
3. B/C 18. A
4. C 19. D
5. B 20. A
6. A 21. D
7. A 22. C
8. D 23. A
9. B 24. D
10. A 25. D
11. A 26. A
12. B 27. D
13. A 28. A
14. B 29. C
15. D 30. B
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A Calabarzon
City Schools Division of Tanauan
Boot National High School
Boot, Tanauan City, Batangas
Inihanda: Republic of the Philippines
Department of Education
CRIZELLE N. MACANDILI Region IV-A Calabarzon
City Schools Division of Tanauan
Filipino 8 Teacher Boot National High School
Boot, Tanauan City, Batangas

Iwinasto: Sinuri:

MARY GRACE CASTILLO MA.TERESA B. OŇA


Gurong Tagapagugnay,Filipino School Testing Coordinator

Pinagtibay:

AMELIA T. BUBAN
Dalubguro I

LAWRENCE B. ICASIANO
Punungguro I

Boot National High School


Address: Boot, Tanauan City, Batangas
Telephone No: (043) 774-0776 / (043) 706-6935
Email Address:
depedtanauan.bootnhs.301089@deped.gov.phBoot National

You might also like