You are on page 1of 2

REVIEW QUIZ SA ARALING PANLIPUNAN 10-2NS KWARTER

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Itiman ang bilog ng pinakawastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig?
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Transisyon D. Urbanisasyon
2. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad na siyang gagawa ng mga serbisyong
kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A.fair trade B.outsourcing C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy
3. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa
ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
4. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang hindi
pag-aari ng Pilipino?
A.Jollibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. UniLab
5. Alin sa mga ito tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment
6. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment
7.Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
8.Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala
man o permanente.
9. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga magulang?
A. Mga anak B. Mga kapitbahay C. Mga kamag-anak D.Mga alagang hayop
10. Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii – karamihan sa kanila ay pinetisyon ng mga unang Ilocano
na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?
A. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad C.Panghihikayat ng mga kamag-anak
B. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan D.Paghahanap ng payapa, ligtas na lugar na matitirhan
11. Ano ang brain drain?
A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.
12.Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang Kurikulum ng Basic Education ng bansa
sa pamantayang global?
A. Bologna Accord B. Monroe Doctrine C. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
13.Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya ng kaniyang amo sa loob ng bahay
na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw.
Minsan, isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?
A. forced labor B. human trafficking C. remittance D. slavery
15.Nag-uunahan ang mga dayuhang korporasyon upang makapag-negosyo sa ating bansa. Alin sa sumusunod ang mga dahilan nila sa
pagpapatayo ng kanilang negosyo sa bansa?
I. maganda at dekalidad na trabaho II.murang lakas-paggawa III.mababait at hindi reklamador na mga manggawa
A. I lamang B. II lamang C. II at III D. I, II, at III
16. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. ekonomikal B. sikolohikal C. sosyo-kultural D. teknolohikal
17. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo- kultural maliban sa isa. Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones B.pagsunod sa KPop culture C. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building
18.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig?
A. globalisayon B. migrasyon C. transisyon D. urbanisasyon
19. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.
20. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi nagiging
engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord

You might also like