You are on page 1of 3

Summative Test in Araling Panlipunan 9

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon

3. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

4. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan
ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?


A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

5. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal

6. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-
makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito
maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa
pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

7. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at
flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang
dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
A. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang kalakalan.

8. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng
naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya

9. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
10. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring

11. Sa pangatlong pananaw ng globalisasyon, ito ay katangian na pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang
ideolohikal particular ang komunismo at kapitalismo.
a. post-cold war b. post-world war II c. gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggamg 1918
d. huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century)

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi posibleng pinag-ugatan ng globalisasyon?


a. Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo
b. Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
c. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
d. Post-Cold War

13. Alin sa mga sumunusod ang nagbibigay kahulugan sa Transnational Companies (TNCs)?
a. Ang TNCs ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
b. Ito ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanyan sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong
ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
c. Ito ay matatagpuan sa ibat-ibang panig ng daigdig.
d. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital.

14. Alin sa mga sumusunod na mga kompanya ang kabilang sa Multinational Companies (MNCs)?
a. Shell b. pharmaceutical c. I.T. consulting d. Unilever
15. Alin sa mga sumusunod na mga implikasyon ang nagpapakita ng pag-usbong ng mga multinational at
transnational corporations sa ibang bansa?
a. pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili.
b. pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan.
c. maraming lokal na namumuhunan ang tuluyang nagsasara.
d. patas na kompetisyong dala ng MNCs at TNCs.

16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na
may kaukulang bayad?
a. outsourcing b. offshoring c. nearshoring d. onshoring

17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng offshoring?


a. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
b. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
c. Tinatawag itong domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanya mula din
sa loob ng bansa.
d. Tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
18. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa mga OFW?
a. Mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanap buhay.
b. Mga manggagawang Pilipino sa gustong manirahan sa ibang bansa.
c. Mga Pilipino na nangingibang-bayan upang doon makahanap ng asawa.
d. Mga Pilipino na may malaking hangarin na makaalis sa ating bansa.

19. Saan nagsimula ang pangingibang-bayan ng mga manggagawang Pilipino?


a. Nang Makita ng mga Pilipino na walang sapat na sahod ditto sa Pilipinas.
b. Nagsimula ito sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng
kanyang administrasyon.
c. Nang wala ng ibang maisip ang mga Pilipino kung saan sila kukuha ng pangangailangan sa pang-araw-araw.
d. Nang Makita ng pamahalaan na wala ng ibang solusyon sa kahirapan sa Pilipinas.

20. Ito ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking sites bilang midyum o entablado ng
pagpapahayag.
a. prosumers b. consumers c. netizens d. myspace

21. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugan ng pagkonsomo ng isang bagay o ideya habang nagpo-produce
ng bagong ideya?
a. prosumers b. consumers c. netizens d. myspace
22. Sa kabila ng mga positibong dulot ng teknolohiya, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliraning dulot
nito?
a. Mabilis na pagkalat ng mga impormasyon sa ibat-ibang panig ng bansa.
b. Pagkakaroon ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa
internet.
c. Maipakita ang talento at talino ng bawat mamamayang Pilipino.
d. Nagpo-produce ng maraming kaalaman.

23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng globalisasyong political?


a. Ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon
na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya.

24. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot ng globalisasyon?


a. Layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-
aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi solusyon sa pagharap sa hamon ng globalisasyon?
a. Guarded Globalization b. patas o pantay na kalakalan (Fair Trade)
c. pagtulong sa “Bottom Billion” d. globalisasyong politikal

Test II. Pagpapaliwanag

1. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.


2. Ano ang patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot ang globalisasyon?

You might also like