You are on page 1of 2

Both: Ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa iyong kinabukasan!

Cherxl: Magandang buhay sayo mam Richelle!


Richelle: Magandang buhay rin sa iyo mam Cherxl!
Cherxl: Aba! Ang ganda mo yata ngayon ahh
Richelle: Ikaw din kaya sa ganda mong yan para kang bumalik sa pagiging dalaga
Cherxl: Syempre naman, mahalaga kaya ang araw na ito
Richelle: tama ka diyan mam Che dahil ngayong araw na ito ay Joint Education Week, ESP Week, 2 nd
Quarter Convocation, Teachers Day Celebration, Araling Panlipunan Month Culmination Program
Cherxl: At ang tema ng ating Filipino Values Month ay “Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa paghubog
ng Kabataang Maka-Diyos, Makatao, Makalikasan at Makabansa.

Richelle: alam ko na sabik na ang lahat para sa hapong ito lalong – lalo na sa ating patimpalak na G. at
Bb. United Nations 2019, kung sino ang pararangalan na Ulirang Mag-aaral sa taong ito, kung sino ang
mga nangungunang mag-aaral sa ikalawang markahan, at magbigay ng kani-kanilang mga bulaklak at
mensahe para sa kanilang mga mahal na guro, kaya upang simulan ang ating palatuntunan lahat ay
tumayo para sa ating pambansang awit at manatiling nakatayo parin para sa awit panalangin sa
pamamagitan ng multi-media presentation.
Cherxl: maaari ng umupo ang lahat, sa ganitong pagkakataon ang isang palatuntunan ay hindi
makokompleto kung wala ang isang tao na magibibigay ng kanyang pambungad na salita, kung kaya
pakinggan natin ngayon ang Coordinator sa Edukasyong Pagpapakatao, walang iba kundi si Gng. Sharon
Sendrijas Madrigal, bigyan natin siya ng masigabong palakpakan.
Cherxl : maraming salamat mam sa iyong isang napakagandang pambungad na salita para sa lahat
Cherxl: sa puntong ito ay matutunghayan natin ang isang intermisyon na mula sa baitang labing dalawa
seksyon Eistein, isang masigabong palakpakan para sa kanila
Richelle: maraming salamat baitang labing dalawa sa isang nakakaaliw na sayaw para sa aming lahat, sa
bahaging ito ay ang pagpapakilala sa ating mga hurado para sa G. at Bb. United Nations 2019, pakinggan
natin ang isa sa mga magandang lalaki at mahusay na guro ng Pili nhs, walang iba kundi si Gng. Romelio
Abao Taghap, isang malakas na palakpakan naman diyan.
Richelle: maraming salamat sir, sa puntong ito ay ang pagbabasa ng mga batayan sa kapasyahan para sa
production number at best in costume na ibibigay sa atin ng punong hurado na si __________________,
isang masigabong palakpakan para sa kaniya
Cherxl: handa na ba kayo? … sabik na ba kayong Makita ang mga candidates sa G. at Bb. United
Nations? Kung gayon ay huwag na nating patagalin pa
Both: Ladies and Gentlemen the candidates in their production number, let’s give them a thunderous
round of applause.
Cherxl: ayon! Nasaksihan natin ang mga nagwagwapohan at nag gagandahang mga mag-aaral ng pili nhs
suot ang kani-kanilang mga kakaibang kasuotan na kumakatawan sa mga bansa sa iba-ibang panig ng
ating mundo
Richelle: sa bahaging ito at matutunghayan natin ang intermisyon ng ika labing isang baitang seksyon
ampere at pascal … bigyan sila ng masigabong palakpakan
Richelle: ang batang may kabaitan, ay madaling makakuha ng kaibigan at may magandang kinabukasan,
sa puntong ito ay ang pagbibigay parangal para sa mga Ulirang Mag-aaral sa taong dalawang libo labing
siyam. Inaanyayahan ang ating punong guro na si G. Wines at ang mga opisyales ng barangay at Pangulo
ng GPTA na si B. Jackelyn Amoguiz, na pumunta rito sa entablado upang ibigay ang sertipiko.
Cherxl: Sa bahaging ito ay masasaksihan natin ang intermisyon ng ika sampung baitang seksyon newton
at archimedes, palakpakan naman diyan.
Cherxl: maraming salamat ika sampung baitang, sa pagkakataong ito ay ang pagbibigay parangal naman
sa mga nangungunang mag-aaral sa junior high school kasama rin ang pagbibigay ng certificate of
commendation para sa kanilang mga magulang, sa ikalawang markahan sa taong ito, muli ay
inaanyayahan natin ang ating punong guro, opisyales ng barangay, gpta president, na pumunta ditto sa
entablado upang ibigay ang sertipiko, simulant natin sa ika pitong baitang, ika walong baitang, ika siyam
na baitang, at ika sampung baitang.. palakpakan naman diyan…
Both: Ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa iyong kinabukasan!

Richelle: congratulations sa inyong lahat, sa bahaging ito ay ang intermisyon naman ng ika walong
baitang seksyon fleming/Darwin
Richelle: sa pagkakataong ito ay ang pagbibigay parangal naman sa mga nangungunang mag-aaral sa
senior high school para sa unang semester, inaanyayahan muli ang ating punong guro, opisyales ng
barangay, gpta president, na pumunta dito sa entablado upang ibigay ang sertipiko, simulan natin sa ika
labing isang baitang hanggang sa ika labing dalawa…palakpakan naman diyan
Cherxl: congratulations sa inyong lahat at nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong mga magandang
nasimulan
Cherxl: sa puntong ito ay masasaksihan naman natin ang intermisyon ng ika pitong baitang seksyon
Aristotle/galileo ….isang napakalakas na palakpakan naman diyan
Richelle: ayon sa isang makata, ang tunay na sukatan ng isang dakilang guro ay di sa dami ng kanyang
natanggap na sertipiko at hindi sa taas ng degree na natamo, kundi sa bilang ng studyanteng natuto at sa
inspirasyon na nasa kanyang puso.
Cherxl: kung kanina ang mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang ang binigyan ng parangal ngayon
naman ang mga butihing guro naman ang bibigyan ng tribute ng mga minamahal naming mga mag-aal.
( roll call isa-isa sa mga teachers from grade 7-12 by section )
Cherxl: maraming salamat mga mag-aaral sa lahat ng mga bulaklak, etc. na inyong inihandog sa aming
lahat
Richelle: sa bahaging ito ay ang pagbibigay ng mensahe ng mga mag-aaral para sa kanilang mga mahal
na guro ng Pili Nhs (roll call students from grade 7 -12 by section)
Richelle:maraming salamat mga mag-aaral ng pili nhs sa inyong mga nakakaantig pusong mga mensahe
para sa aming lahat.
Cherxl:

You might also like