You are on page 1of 3

Araw ng Pagkilala 2023

I. Prosesyunal

Isang kaaya-aya at pinagpalang hapon sa inyong lahat at MABUHAY!

Sa hapong ito, ay ating masasaksihan ang palatuntunan sa Araw ng Pagkilala 2023 sa


Mataas na Paaralan ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School panuruang
taon 2022-2023.

Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, masasasaksihan natin ang pagpasok ng
mga natatanging mag-aaral mula sa ika-pitong baitang kasama ang kanilang mga magulang.

Pagmasdan naman natin ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral mula sa ika-walong
baitang kasama ang kanilang mga magulang.

Gayundin po, masasaksihan natin ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral mula sa ika-
siyam na baitang kasama ang kanilang mga magulang.

Pagmasdan din natin ang pagpasok ng natatanging mag-aaral na nagkamit ng may mataas
na karangalan kasama ang kaniyang magulang.

Kasalukuyan naman pong pumapasok ang mga natatanging mag-aaral mula sa ika-labing-
isang baitang kasama ang kanilang mga magulang.

Pagmasdin din natin ang pagpasok ng panauhing pandangal sa palatuntunan Hon. Maria

Gayundin ay pagmasdan natin ang pagpasok ng mga guro kasama ang kanilang kawaksing
punungguro na si G. Paulino S. Castro gayundin ang kanilang punungguro na si G. Roderick
C. Tobias at ang bumubuo ng GPTA ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High
School. Palakpakan po natin sila!

II. Awiting Makabayan

Manatili po tayong nakatayo at sabay-sabay nating awitin nang may buong pagmamahal ang
awiting makabayan na susundan ng isang panalangin ni G. Paul John Reyes, guro sa ika-
walong baitang.

(Maaari na kayong magsi-upo)

Muli isang maaliwalas na hapon sa ating lahat!


Ang araw ng pagkilala ay isa sa pinakamasayang hantungan sa buhay ng isang mag-aaral.
Ito ay araw ng anihan… pag-ani sa lahat ng pagsusumikap at pagtitiyaga na itinanim sa
buong taon.

Kaya sa lahat ng mag-aaral na naririto CONGRATULATIONS!


Truly hard work pays of, Ngunit tandaan natin na ang bawat pagkilala ay hindi katapusan
kundi bagong simula sa inyong malawak na karera.

III. Pambungad na pananalita


Ayon nga kay late US president Dwight Eisenhower, “Leadership is the art of getting someone
else to do something you want done because he wants to do it,” Sa puntong ito ay ating
pakinggan ang mensaheng hatid ng ating kawaksing punungguro na si G. Paulino S. Castro.
Maraming Salamat po sir. Lubos po kaming nasiyahan sa inyong mga pananalita.

IV. Mensahe at Pagbati

Maliban sa mga magulang at guro, ang ating ehemplo ng tagumpay ay ating nakaakmit dahil
sa tulong ng ating mga stakeholders and community partners na kahit sa anong paraan ay
palaging nakasuporta sa mga gawaing pampaaralan. Kung kaya’t pakinggan po natin ang
pagbati ng kinatawan ng ika-apat na Distrito ng Laguna, Kgg. Maria Jamima Katherine B.
Agarao.

Maraming Salalamat po Congresswoman sa pagbati at mensahe maging ang inyong oras na


inilaan para sa araw na ito.

Bukod sa ating stakeholder and community partners ay hindi magiging tagumpay ang mga
gawaing pampaaralan kung wala tayong suporta mula sa ama ng ating paaralan. Sa
pagkakataong ito ay tunghayan natin ang mensahe at pagbati ng ating punungguro na si G.
Roderick C. Tobias.

Maraming Salamat po sir sa mensahe at pagbati ninyo. Lubos po kaming nasiyahan.

Ang katagumpayan ng mga gawaing pampaaralan ay mas magiging mabilis at matagumpay


kung may suporta ng mga magulang. Sa mga sandaling ito ay hingan naman natin ang
mensahe at pagbati ang pangulo ng General PTA na si Gng. Reshell Zapanta.

Maraming Salamat po sa pangulo ng ating GPTA, hindi lamang dahil sa mensahe at pagbati
ninyo. Ngunit Salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga palatuntunan ng
paaralan.

V. Pagbibigay ng Sertipiko at Medalya

Ngayon naman ay tunghayan natin ang pinakahihintay na bahagi ng lahat, ang pagbibigay
ng medalya at sertipiko sa mga natatanging mag-aaral ng GFTSLISHS.

Akin pong tinatawagan ang pununggro, kawaksing punungguro para sa paggagawad ng


sertpiko at medalya para sa mga natatanging mag-aaral.

(Pagbasa sa Nilalaman ng Sertpiko)

Simulan natin ang pagbibigay ng medalya at Sertipiko para sa ika-pitong baitang akin pong
tinatawagan si G. Ronnel Batohinog para sa pagpapakilala sa mga natatanging mag-aaral.

Para sa ika-walong baitang… akin pong tinatawagan si G. John Paul Celestino para sa
pagpapakilala sa mga natatanging mag-aaral.

Para sa ika-siyam na baitang…. Akin naman pong tinatawagan si G. John Paul Sotto para sa
pagpapakilala sa mga natatanging mag-aaral.
Ngayon naman po ay aking tinatawagan si Gng. Cecilia Samaniego para sa pagpapakilala at
natatanging mag-aaral para sa ika-labing-isang baitang.

VI. Pangwakas na Pananalita

Para sa pampinid na pananalita, pakinggan natin si G. Edwin DJ. Escalante Ulongguro II ng


GFTLISHS.

Maraming Salamat po sir sa inyong pananalita.

VII. Pasasalamat

Tapos na ang ating palatuntunan, Muli isang pagpupugay at mainit na pagbati sa mga mag-
aaral, magulang, tagapatnubay, GPTA officers, mga guro, kawaksing punungguro at
punungguro ng Gov. Felicisimo T. San Luis Integrated Senior High School.

Ako po si Maria Elizabeth Ortega at Ako naman si Freddie Boy Sorromero.

Ang guro ng palatuntunan. Maraming Salamat at Magandang hapon !

You might also like