You are on page 1of 3

INTRO

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Sa umaga pong ito tayo’y


muling nagkatipon-tipon upang saksihan ang isa sa napakahalagang sandali sa
buhay ng mga mag-aaral. Masasabi nating hindi pa dito nagtatapos bagkus ito ang
simula ng panibagong makabuluhang yugto sa buhay ng mga batang
magsisipagtapos.

(PROCESSIONAL)

At sa puntong ito, malugod ko pong ipinapakilala ang mga hanay ng


magsisipagtapos papunta sa kanilang mga puwesto.

Para po sa kanilang processional march, atin pong salubungin ng


masigabong palakpakan ang mga batang magsisipagtapos, kasama ang kanilang
mga magulang, mga opisyales ng PTA sa pangunguna ni Gng. Norilyn Suliven,
ating Punong Barangay G. Eddie T. De Guzman at ang kanyang mga kagawad,
ASES Teaching Force, Panauhing pandangal, at ang ating mabuting punung guro
Madam, Cecilia D. Racsa. (at ang ating mahal na congressman ng 1st district ng
Zambales, Congressman Jeffrey D. Khonghun.

PAGPASOK NG WATAWAT

Mnatili pong nakatayo para sa pagpasok ng watawat ng pilipinas. Na


pangungunhan ng ASES Boyscout.

PAMBANSANG AWIT

Bilang pagbubukas ng palatuntunan, ang madla’y inaanyayahang tumayo


para sap ag-awit ng ating pambansang awit na bigbigyang kumpas ni GNG.
Leoniza Y. Pico, Guro ng Ikaapat na baiting.

PANALANGIN/AWIT REHIYON TATLO

Manatili pong nakatayo para sa panalangin na pangungunahan ni Kyle Art


Davin P. Baldo, May Karangalan.

Susundan ito ng pag-awit ng Zambales Hymn at Awit Rehiyon Tatlo na


Pangungunahan ng mga piling mag-aaral sa ikalimang baiting.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Upang ipadama sa atin ang kanyang mainit na pagtanggap, akin pong


tinatawagan si Rodel R. Apostol, May Karangalan para sa kanyang pambungad na
pananalita. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan.

PAGTATANGHAL NG MAGSISISPAGTAPOS

At ngayon, dumako napo tayo sa pagtatalaga ng mga batang


magsisispagtapos para sa taunang pampanuruang 2018-2019. Akin pong
tinatawag ang guro ng Ikaanim na baiting Gng, Regine P. Desoloc, at upang
pagtibayin ang pagtatalaga at magbigay ng mensahe para sa ating
magsisipagtapos tinatawagan an gating pinagpipitagang Punong Guro Mrs. Cecilia
D. Racsa.

(Maraming Salamat po Madam sa isang mensaheng punong puno ng


inspirasyon.)

PAGPAPAKILALA NG PANAUHING PANDANGAL

Upang ipakilala satin sa araw na ito ang ating panauhing pandangal


tinatatawagan po naming sa intabladong ito si Gng. Editha V. Del Barrio, Guro ng
Ikaapat na baiting.

(mensahe……..)

Akin pong tinatawagan ang ating Punong Guro Mdm. Cecilia D. Racsa,Punong
Barangay Eddie T. Deguzm at Mga kagawad, Mrs. NOrilyn Suliven PTA president,
na pumarito sa entablado para ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating
panauhing pandangal.

AWARDING OF DIPLOMAS, TO THE GRADUATES

Ang Sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw


ay nagtapos na/sa nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat ng
pinagpaguran niyo ay makukuha niyo na.

Upang simulan ang pagbibigay ng diploma sa ating mga nagsipagtapos


tinatawagan po ang ating Punong Guro, Punong Barangay Eddie T. Deguzn at Mga
kagawad, Mrs. NOrilyn Suliven PTA president at ang mga gurong tagapayo para sa
pamamahagi ng Sertipiko ng pagtatapos.

MENSAHE

If ever…….

PAGKAKALOOB NG MEDALYA SA MGA NANGUNA SA KLASE AT ANGTAMO NG


NATATANGING KARANGALAN.

At ngayon, ang pinakahihintay ng mga magulang at magsisipagtapos,


dumako na po tayo sa paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga may
karangalan at mga piling magsisipagtapos.

PANUNUMPA NG KATAPATAN

Hinihiling na magsitayo ang nagsipagtapos, tinatawagan ko po si Leira Lei A.


Ortiz ,May karangalan upang pangunahan ang panunumpa ng katapatan.

PAGKAKALOOB NG SERTIPIKO SA MGA TUMULONG

CERTIFICATES HRPTA, STAKE HOLDERS


TALUMPATI

Ang salitang Maraming salamat ay sadya nga namang napakasarap


pakinggan . Sa pagkakataong ito, tinatawagan ko po sa entablado si Prince Gian F.
Bada, may karangalan para sa mensahe ng pasasalamat.

Maraming salamat sa isang napakagandang mensaheng iyong inihandog.

MARAMIHANG AWIT

Ngayon poy pakinggan natin ang nagsipagtapos para sa kanilang maraming


pag-awit.

RESESYONAL

Ang nasabing pagtatapos ay dumating na. Bukas panibagong pagsubok at


oportunidad ang naghihintay sa inyo mga magsisipagtapos na susubukin kayo
para maging isa kayong mAtatag at mahusay na indibidwal.

Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang


Palatuntunang Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng Aningway-Sacatihan. Ito.
Maraming salamat po at maligayang pagtatapos. Ang resesyunal.

PASASALAMAT

Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan at mga guro. Taos pusong


pasasalamat ang ipinaaabot naming sa mga tumulong at nagnais na makibahagi sa
adhikain at mga proyekto ng paaralan.

Maraming salamat po

Mga magulang

Hon. Eddie T. De Guzman ating Punong Barangay at ating mga kagawad

Other stakeholders.

You might also like