You are on page 1of 1

 Pagpapakilala sa mga Panauhin

 Punong Guro
 Tagapangulo ng Departamento ng Filipino (Over-all in-charge)
 Mga Magulang
 Mag-aaral at iba pang mga panauhin

 Isang Magandang Umaga/Hapon sa inyong Lahat! Para pong pormal nang maumpisahan ang
patimpalak na ito, inaanyayahan ko po kayong tumayo nang tahimik para sa Inbokasyon na
pangungunahan ni Ginoong Daniel G. Eroma.
 Manatiling tumayo para sa pag-awit ng Lupang Hinirang, kasunod ang pag-awit ng South Cotabato
Hymn at Regional Hymn sa pamamagitan ng multimedia presentation.
 Magsiupo po ang lahat.
 Sa uulitin po, isang napakagandang umaga sa inyong lahat. Upang pormal nang maumpisahan ang ating
patimpalak, inaanyahahan ko si Ginang Ronayla Usman para sa kanyang Pambungad na Pananalita.
 Sa puntong ito, atin pong bigyan ng masigabong palakpakan ang mga naggagandandahang kalahok ng
Lakan at Lakambini ng PCIS, 2019 suot ang kanilang Katutubong Kausotan!
 Maraming Salamat sa inyo ating mga kalahok. Tunay ngang maririkit at makikisig an gating mga
kandidato’t kandidata suot ang iba’t ibang Katutubong Kasuotan.
 Nasaksihan natin ngayon ang 13(Labintatlo)/9(siyam) na mga nagggagandahan at nagkikisigang mga
Lakan at Lakambini mula sa Kinder hanggang sa ika-anim na baitang o mula ika-pitong baiting hanggang
sa ika-sampung baitang ng Polomolok Creek Integrated School , 2019 (Dalawang Libo at siyam)
 Kahit mayroon ng nahirang na mga Lakan at Lakambini ng PCIS, 2019, ang Labintatlo/siyam na pares na
ito ay magtatagisan din sa Katalinuhan at Kagandahan para masungkit ang titulong nasa minor awards
ng patimpalak na Lakan at Lakambini ng Polomolok Creek Integrated School.
 Siyempre! Huwag nating kalilimutan ang patimpalak na ito ay konektado sa selebrasyon sa Buwang ng
Wika na may temang , “Wikang Katutubo, Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Kasabay rin ng patimpalak
na ito ay magkakaroon din patimpalak ng Isahang Awit at Katutubong Sayaw na nilahukan mula Kinder
hanggang Ikatlong Baitang at Ika-apat na Baitang hanggang ika-anim na baitang.
 Hindi rin magiging buo ang patimpalak na ito kung walang mga huradong magdedisisyon kung paano at
kung sino mananalo ng mga minor awards tulad ng
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
At Huhusgahan din ng mga hurado ang mga kalahok ng Isahang Awit at Katutubong Sayaw.
 Pagpapakilala ng mga Hurado
 Muli, bigyan natin ng masigabong palakpakan an gating mga Hurado at Tagapangulo ng Patimpalak na
ito. Maraming Salamat.
 Kung may hurado, mayroon ding mga pamantayan at kraytira na susundin at mabigyan ng angkop na
puntos ang bawat galaw na ipapakita ng bawat kalahok ng bawat patimpalak. Upang malaman at
maikintal sa ating isipan ang mga pamantayan, inaanyayahan ko si Ginoong Bob Cahilig na siyang
Tagapangulo ng patimpalak na ito para sa pagbasa ng mga kraytirya. Palakpakan!
 Narinig na ninyo ang mga pamantayan kung papaano huhusgahan ang mga kalahok. Sa puntong ito,
tunghayan natin ang mga kalahok ng Isahang Awit mula sa Kinder hanggang Ikatlong baitang na
Kategorya.
 Ngayon, sa puntong ito, saksihan an gating mga naggagandahan at nagkikisigang mga Lakan at
Lakambini para sa kanilang Malikhaing Suot o Kasuotan gamit ang Malong.
 Atin namang panoorin at tunghayan ang mga kalahok mula ikaapat na baitang hanggang ikaanim na
baitang para sa Katutubong Sayaw na patimpalak kasunod nito ang Isahang Awit. Palakpakan!
 Ngayon, dumako na tayo sa pagbibigay ng parangal sa mga minor awards kasunod nito ang
pagtatanghal ng Lakan at Lakambini ng PCIS, 2019 at ng kanilang mga miyembro sa Kataas-taasang
Palasyo.

You might also like