You are on page 1of 6

BUWAN NG WIKA

EMCEE SCRIPT

C. Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang


mabalik – tanaw ang kahalagahan ng Wikang Pambansa na siyang nabuklod sa
atin bilang isang Pilipino.

M. Tama ka diyan Bb. C. Ang wikang katutubo ang siyang nagbigay daan sa atin
upang magkaroon tayo ng pagkakaisa.

C. kaya nga sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, inaaanyayahan ang lahat na


tumayo para sa panalangin mula kay Bb. Nina Requirre sa ikawalong Baitang.
Kasunod nito ang pagpupugay sa ating watawat at sap ag-awit ng lupang Hinirang
mula sa Glee Club at manatiling nakatayo sa pag-awit ng Negros hymn at
Guihulngan City hymn.

M: Sa ating minamahal na punong-guro, Gng. Prosper G. Templado, mga kapwa


ko guro, mga minamahal naming mag-aaral,…

M & C: Isang mapagpala at mgandang umaga sa ating lahat!

M: Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay


dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan
sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao.

C: Tama! Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita
ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa
pagkatao ng mga mamamayan.

M. Kaya ngayong umaga, sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika bilang
pag-alala ng ating Wikang Filipino na may temang:

M & C: Filipino: Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino.


C: Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawagin natin isa sa mga guro ng
Araling Panlipunan, DRRM Coordinator ng ating paaralan, Ginoong Danielo T.
Sillero.

M: Maraming salamat Ginoong Sillero. Tunay nga namang napakahalaga ng


paggamit ng sariling wika sa pag-aaral ng mga bagay na dapat matutunan upang
tayo ay mgaing isang mabuting mamamayan. Talagang napakasarap pa rin
pakinggan ang mga katutubong awitin di ba Bb. C?

C. Tama! Kaya nga tatawagin ko naman ngayon ang magbibigay sa ating ng


inspirasyon sa pamamagitan ng isang katutubong awit. Ito ay ihahandog sa atin ng
isang mag-aaral na galing sa ikasiyam na baiting. Palakpakan natin si G. Dwight.

M. Maraming salamat G. Dwight. Pinatuyan mong masarap pa din pakinggan ang


mga katutubong awit. Sa puntong ito ibibigay ko kayo kay Bb. Verna Sienes para
sa pagpapakilala sa mga hurado ng ating mga patimpalak.

C. Maraming salamat Bb. Sienes. Para sa kaalaman ng lahat mayroon tayong


patimpalak sa Solo(Katutubong awit), patimpalak sa Dagliang Talumpati, Bayani
Kalokalike at pagpili sa may pinakamagarbong kasuotan ngayong umaga. Ngayon
para sa pagbasa sa mga pamantayan sa paligsahan sa solo(katutubong awit) at
Dagliang talumpati, tawagin natin si Bb. Ryan Rhea Bulgado. Isang masigabong
palakpakan.

M. Maraming salamat Bb. BUlgado. At ngayon bago natin ipagpatuloy ang pagbasa
sa mga pamantayan sa paligsahan atin munang saksihan ang presentasyong ng
sabayang pagbigkas. Ating salubungin nang masigabong palakpakan ang mga mag-
aaral sa ikawalong baitang para sa kanilang sabayang pagbigkas.

C. Salamat sa isang napakagaling na presentasyon. Ngayon ipagpatuloy natin ang


pagbasa ng pamantayan sa paligsahan. Tawagin natin si G. Clark Kenneth Lampaso
para sa pagbasa ng mga pamantayan sa patimpalak sa Bayani Kalokalike at Pagpili
ng Masigarbong Kasuotan.

M. Alam kong handa at nasasabik na kayong tunghayan ang bawat kalahok sa


ating mga patimpalak.
G: Ang tula ay isang pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa maririkit na
pananalita. Ngayon ating tunghayan ang tula na gagawin sa isang mag-aaral sa
unang baiting gamit ang Sinugbuanong Binisaya na pananalita.

Unang Baitang

B. Salamat. Napakagaling na presentasyon. Ngayon naman ating tungyahan ang


pagpapasiklab ng kakayahan sa Ikalawang Baitang.

Ikalawang Baitang

G: Salamat. Napakagaling na presentasyon. Ngayon naman ating tungyahan ang


pagpapasiklab ng kakayahan sa Ikatlong Baitang.

Ikatlong Baitang

B: Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong mapalaganap,


mapatibay at mapaunlad natin an gating kamalayn bilang isang Pilipino.

G. Ating saksihan ang pag-awit ng mga piling mag-aaral sa ikaapat na Baitang na


pinamagatang “ Basta’t Kasama Kita.

Ikaapat na Baitang

B. Sa puntong ito ating kilalanin ang ating mga panauhin ngayong umaga. Tawagin
nating an gating punong guro upang ipakilala silang lahat.

G: Maraming salamat sa inyong lahat sa pagpunta dito sa aming paaralan at sa


mga bagay at kaalaman na inyong binahagi sa amin. Tiyak na ang Panginoong
Diyos ang magbibigay sa inyo ng marami pang panalangin.

B: Ngayon na man bilang pasasalamat, kami ay may munting handog para sa inyo.
Ito ay isang pagpamalas ng kakayahan ng mga piling mag-aaral sa Bulak
Elementary School sa pagsayaw ng kulturang sayaw na pinamagatang “Tiklos”
G. Ang ibang salita ng Tiklos ay pintakasi na ang kahulugan ay bayanihan. Ito ay
isang sayaw mula sa Leyte. Ang bayanihan ay isang kagandahang asal ng mga
waray ukol sa pagtutulungan ng bawat mamamayan sa panahon ng
pangangailangan na walang iniisip na kabayaran. Kabilang dito ang pagtratrabaho
sa paglilinis ng kagubatan, paggawa ng bahay, paglilipat ng buong bahay, at mga
gawaing bukid. Ang alintuntunin nito ay upang tulungan ang nangangailangan
para mairaos ang kanilang pamilya sa kahirapan. Ginagawa ang Tiklos na sayaw
pagkatapos ng Gawain o kaya’y hudyat ng pagsisimula muli ng Gawain.

B: Sabay-sabay nating tunghayan ang Tiklos Dancers ang Bulak Elementary School.

TIKLOS DANCE

G: Magaling! Muli, Maraming Salamat! Ngayon naman ating ipagpatuloy ang ating
mga pagtatanghal. Sa puntong ito ating tawagin ang isang mang-aawit sa Ikaapat
na Baitang si Rizel upang ipamalas niya sa atin ang kanyang kakayahang umawit.

AWIT

B: Napakagaling mo naman Rizel. Ngayon naman hindi magpapahuli ang nasa


Ikalimang Baitang. Masusubukan natin ang talin at galling sa pakikipagtalastasan
ng isang mag aaral sa Ikalimang Baitang. Sabay-sabay nating palkpakan si
_______________.

PAGBIGKAS

G: Maraming Salamat! At ang pinakahuling tagapagbigay aliw sa ating programa


ngayonng umaga, ating bigyan ng masigabong palakpakan ang nasa ikaanim na
Baitang sa kanilang pag awit ng Ako ay Pilipino.

AWIT
B. At ngayon ating tawagin si Ginang Marciana D. Acab, School Filipino
Coordinator, para ianunsyo kung sino ang may pinakamagandang suot sa araw na
ito at ipaabot ang kanyang pasasalamat.
M. Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa “ KULMINASYON NG BUWAN
NG WIKA 2019, ngayong taon. Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat
hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan.

C. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahalat paggamit ng nito sa ating pang araw
araw na buhay, at loob at labas n gating tahanan. Dito nagwawakas an gating
paminid na palatuntunan.

M; Ako po ay si___________________.

C: At ako na man po ay si ________________.

M&C: Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang tanghali sa lahat!

You might also like