You are on page 1of 3

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Ika- 31 ng Agosto, 2012

MARIBEL: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

EDWARD: Tama Maribel. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang
bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

MARIBEL: Higit sa lahat Edward, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang
iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan.
EDWARD AT MARIBEL: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! Maligayang panunuod ng ating
Buwan ng Wikang Pambansa na may temang: “Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang Pilipino”!

MARIBEL: Tumayo po tayong lahat para sa Doksolohiya na pangungunahan ni _____

EDWARD: Manatiling nakatayo para sa pag awit ng ating Pambansang Awit, Himno ng Aklan, at
Himno ng ating minamahal na paaralang Aklan Polytechnic College.

EDWARD: Maraming salamat sa mga piling mag-aaral ng sekondarya! Para magbigay ng pambungad
na mensahe, ikinalulugod naming tawagin si Dr. Antonia S. Escalona.

MARIBEL: Salamat po Dr. Escalona sa nakakagalak at nakapagbigay-inspirasyong pambungad na


mensahe! Ngayonay dumako naman tayo sa paglalahad ng panuntunan at pamantayan ng bawat
kategorya ngayong umaga na ilalahad sa atin ni _______________

EDWARD: Maraming salamat ______________ . Tiyak na mangingibabaw ang mga angking galing ng
ating mga mag-aaral, palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan.

EDWARD: Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga kalahok sa patimpalak ng
Talumpati. Ngunit bago tayo magsimula kilalanin muna natin ang lupon ng inampalan na siyang naatasang
husgahan ang ating mga kalahok. _________________________

MARIBEL: Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong mapalaganap, mapatibay at
mapaunlad natin ang ating kamalayan bilang mga Pilipino. Ating saksihan ang Paligsahan sa Isahang
Pag-awit. Ang patimpalak na ito ay may layuning maipahayag ang pagmamahal sa sariling wika at
musika sa pamamagitan ng pag-awit ng mga himig na orihinal na nilikha ng mga Pilipinong mang-aawit.

EDWARD: Kilalanin natin ang lupon ng inampalan na siyang naatasang husgahan ang ating mga kalahok.
Narito si Rishbell Alcera, Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang.

RISHBELL: Narito ang mga hurado ng Paligsahan sa Isahang Pag-awit:


___________________________, _______________________________
____________________________, _______________________________
_____________________________, _______________________________

RISHBELL: Ang desisyon ng mga hurado ay ibabase sa mga sumusunod na pamantayan:


Kalidad at Ganda ng Boses 35 bahagdan
Timing 15 bahagdan
Stage Presence 15 bahagdan
Diksyon 15 bahagdan
Kasuotan 10 bahagdan
Piniling Piyesa 5 bahagdan
Hatak sa Madla 5 bahagdan
Na may Kabuuang 100 bahagdan

EDWARD: Simulan na natin ang kompetisyon. Upang ipamalas ang kanilang angking galing sa pag-
awit, narito ang unang pangkat ng mga kalahok.

Unang Kalahok, ______________________________, Kinatawan ng _________ Baitang


Ikalawang Kalahok, ___________________________, Kinatawan ng _________ Baitang
Ikatlong Kalahok, _____________________________, Kinatawan ng _________ Baitang

EDWARD: Sa ilalim ng pagpapasumpa ni Gng. Jocelyn B. Belga, Officer-in-Charge ng Paaralang


Elementarya ng Matanag, saksihan natin ang Indaksyon ng mga opisyales ng Samahan ng mga Mag-
aaral sa Filipino o SAMAFIL para sa pagtalaga sa kani-kanilang katungkulan .

MARIBEL: Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga opisyales ng SAMAFIL. Ipagpatuloy natin
ang kompetisyon sa Isahang Pag-awit. Narito ang ating ikalawang pangkat ng mga kalahok.

Ikaapat na Kalahok, ______________________________, Kinatawan ng _________ Baitang


Ikalimang Kalahok, _______________________________, Kinatawan ng _________ Baitang
Ika-anim na Kalahok, _____________________________, Kinatawan ng _________ Baitang

EDWARD: Maraming salamat sa ating mga kalahok. Habang hinihintay natin ang desisyon ng ating
mga hurado. Panoorin muna natin ang presentasyon ng Intermedya.

MARIBEL: Nagsimulang umusbong ang Original Pilipino Music o OPM noong dekada ’70. Nag-umpisa
ito sa mga awiting tinatawag noon na Manila sound. Ito ang mga awiting sariling atin. Hanggang sa ito’y
pumalaot na at nagbunga na sa katawagang OPM.

EDWARD: Ang Manila sound noon ay malawak ang genre ng musika. Kaya ang mga awiting
sumasalamin sa mga nangyayari sa ating lipunan, at maging sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo
na noong panahon ng diktadura, ay kabilang sa pasulpot nito sa larangan at kabahagi sa kabuuan ng
musika at kulturang Pinoy.

MARIBEL: Para bigyan tayo ng patikim ng Manila sound, narito ang mga mag-aaral sa Ikaapat na
Baitang.

EDWARD: Maraming salamat! Tunghayan naman natin ngayon ang mga natatanging mag-aaral ng
Ikalimang Baitang sa kanilang Sabayang Bigkas ng tulang pinamagatang “Ito Ang Bayan Ko”.
ELISABET: Mahal mo ba ang Pilipinas, tumutulong ka ba? Nagiging bahagi ka ba ng pag-unlad niya?
Kung hindi ay mag-isip at may panahon pa, Ibangon! Maki-isa!

Narito ang mga piling mag-aaral mula sa ika-anim na baitang sa kanilang interpretasyon ng
makapagbagdamdaming awiting “Isang Lahi”

EDWARD: Sa ilalim ng pagpapasumpa ni Gng. Jocelyn B. Belga, Officer-in-Charge ng Paaralang


Elementarya ng Matanag, saksihan natin ang Indaksyon ng mga opisyales ng Samahan ng mga Mag-
aaral sa Filipino o SAMAFIL para sa pagtalaga sa kani-kanilang katungkulan .

MARIBEL: Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga opisyales ng SAMAFIL.

ELISABET: At ngayon para ianunsiyo ang mga pangalan ng mga nanalong kalahok sa iba't ibang
patimpalak sa Buwan ng Wika at para ipaabot ang kanyang pasasalamat, narito si G. MIGUEL
DOMINIQUE A. MARTINEZ, Guro sa Filipino at isa sa mga tagapayo ng SAMAFIL. Bigyan natin siya ng
masigabong palakpakan!

MARIBEL: Binabati naming ang lahat ng mga nagsipagwagi! Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay
dapat hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan.

EDWARD: Ipagpapatuloy natin ang ating pagmamahal at paggamit nito sa ating pang-araw-araw na
buhay, at sa loob at labas ng ating mga tahanan. Dito nagwawakas ang ating pampinid na palatuntunan.

EDWARD: Ako po si Edward Azores.

MARIBEL: At ako naman po si Maribel Toledo.

EDWARD AT MARIBEL: Mabuhay ang Wikang Filipino!

EDWARD: Muli nating pakinggan nagkamit ng Unang Gantimpala sa Isahang Pag-awit. Magandang
gabi!

You might also like