You are on page 1of 2

I – II.

Prayer and National Anthem


Emcee1: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat. Upang pormal na simulan ang ating
programa, ang lahat po ay inaaanyayahang tumayo para sa panalangin na pangungunahan ni
Janine D. Relocano, mula sa Grade 9 – Philippines. Susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na
pangunguhan ng Liliw NHS Choir.

III. Opening Remarks


Emcee2: Ngayon naman po ay sabay-sabay tayong makinig sa pambungad na pananalita mula
sa ating butihin at napakasipag na ulong-guro na si Gng. Violeta M. Villanueva. Pasalubungan po
natin sya ng masigabong palakpakan.

IV. Special Song


Emcee1: Maraming Salamat po Ma’am Villanueva sa inyong magandang mensahe para sa
aming lahat. At ngayon, atin pong masasaksihan ang isang pamukaw bilang na inihanda ng
piling mag-aaral mula sa Grade 9 – Kuwait palakpakan po natin si Erich Herrera.

V. Inspirational Message
Emcee2: Maraming salamat Erich sa isang magandang awitin na iyong inihanda. Para naman po
makapagbigay ng kanyang mensahe sa ating lahat atin pong pakinggan ang ating tagamasid-
pampurok Gng. Elsie M. Arban. Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan.

VI. Messages
Emcee1: Maraming Salamat po Gng. Elsie M. Arban sa inyong napakagandang mensahe na
talaga namang nagbigay inspirasyon para sa aming lahat. Ngayon naman po ay pakinggan natin
ang ating butihing kapitan sa kanyang inihandang mensahe, Kapitan Romeo Borgonia.

Emcee2: Maraming Salamat po Kapt. Borgonia, nais po naming ipakilala sa inyo ang ating
konsehal ng edukasyon na si Arnulfo Lugada upang magbigay sa atin ng isang pananalita.
Pasalubungan po natin siya ng isang masigabong palakpakan.
Emcee1: Maraming Salamat po. At ngayon ay atin pong mapakikinggan ang isang mensahe
mula sa ating butihing punong bayan, Hon. Ericson J. Sulibit. Palakpakan po natin siya.

VII. State of school address


Emcee2: Maraming Salamat po sa ating punong bayan, sa inilaan niyang oras para sa atin upang
makapagbigay ng kanyang mensahe. Para naman po sa ating State of the School Address
tinatawagan ko po ang aming butihing punong-guro Gng. Kristine P. Perez.

VIII. Awarding
Emcee1: Maraming Salamat po Ma’am Perez. Upang bigyan ng parangal ang mga natatanging
mag-aaral tinatawagan po naming ang mga guro mula sa Grade 9 … Grade 10.

IX. Closing Remarks


Emcee2: Binabati namin kayo mga bata dahil binigyan ninyo ng importansiya ang edukasyon at
ginawa ninyo ang inyong makakaya upang makatanggap kayo ng mga parangal.

Emcee 1: Amin pong tinatawagan si Gng. Evangeling M. Sollidon para sa ating pangwakas na
pananalita.

You might also like