PANGKALAHATANG PAGTITIPON / PAMPINID NA PALATUNTUNAN
Mel: Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik –
tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Luiz Quezon.
Siya ang naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa an gating bansa sa pagtalaga ng isang
pambansang wika ang Filipino.
Nad: Sa taong ito, ang Paaralang Kolehiyo ng SCCM ay nakiisa sa buong bansa na ipagdiwang ang
Buwan ng Wika na may temang, “ Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” Isang paraan ng
pagdiriwang ng ating paaralan ay ang taunang Patimpalk Pangkultura na lalahukan ng ating mga pili at
katangi-tanging mag-aaral mula Unang Taon hanggang ika-apat na taon na mag-aaral. Sila ay buong
husay na nag ensayo upang maipakita sa inyo ang kanilang mga natatanging talento.
Nad: Bago natin simulan ang ating palatuntunan. Isa munang pagbati sa ating pinakamamahal na
Pangulo ng Paaralan, Atty. Diosdado R. Mendosa, sa ating Direktor ng mga Aralin, Gng. Adelina
Caragan, sa Dekano ng ating Paaralan, Dr. Norberto Ferrer, sa ating tagapayo ng KSWF, Bb. Michelle
Lemi
Mel: Mga guro, tagapagsanay, mga magulang, mga bisita at siyempre ang mga mag-aaral ng St.
Camillus College of Manaoag
Nad: naimbag a bigat
Mel: Masantos ya kabwasan
Mel at NAd: (Sabay) Isang Mapagpalang Umaga sa Inyong Lahat!
Mel : Bago ang lahat, marapat lamang na ang programang ito’y simulan natin ng isang panalangin sa
pamamagitan ng tanaw-dinig na presentasyon na pangungunahan ng mga piling mag-aaral ng
kolehiyo na agad namang susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang sa kumpas ni (pangalan) mula
sa (kurso).
(Inaanyayahan po ang lahat na magsitayo)
Nad: - Maaari ng umupo nang tahimik ang lahat.
Nad : Ang pagkakasilang ng wika ay nagbibigay buhay sa sibilisasyon; sa pagkatuto , ang
naghihiwalay ng tao sa hayop. Tayo ay may kanya-kanyang hibla ng buhay na kapag hinabi sa isa ay
mabubuo ang isang malaking katotohanan. Magkakaiba man tayo, may iisang bagay na nag-uugnay
sa atin- ang ating wika.
Mel: Sang-ayon ako sa iyong tinuran Nad. Kahit noon pa man ay may wika na tayong
maipagmamalaki. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito.
Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.
Nad: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.
NAd: Ako si G. Reynaldo Estil , na sa Ika-unang taon ng BS Marketing
Mel: at ako naman si Bb. Melanie Garcia na sa Ika-Unang Taon ng Edukasyon
Sabay: Kami ang inyong Tagapagdaloy ng Palatuntunan para sa Araw ng PINAL NA PATIMPALAK
AT PARANGAL sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong kasalukuyan.
Mel: at upang lalo tayong maliwanagan sa umagang palatuntunan
Malugod kong inaanyayahan ang tagapayo ng KSWF ng ating paaralan walang iba kundi si …Bb.
Michelle Lemi para sa pambungad na pananalita .
SABAY : isang masigabong palakpakan.
_________ Pambungad na Pananalita________
Nad : Maraming salamat Bb. Michelle Lemi sa iyong tinuran.
Simula pa lamang ay nagkaroon na tayo ng kaalaman para sa layunin ng pagtitipong ito.
Mel: Ngayon aking tinatawagan ang mga kasapi ng KSWF sa harapan upang manumpa na
pangungunahan ng ating Dikertor ng mga Aralin G. Adelina Caragan
Nad: Ayan, ganap na tayong opisyal ng KSWF. Nawa’y makatulong ang ating samahan sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Mel- At sa puntong ito, bago tayo magpatuloy ay panoorin muna natin ang isang natatanging
presentasyon ng CAMILLIAN DANCE TROUPE . Isang matunog na palakpakan.
___________ Natatanging Bilang _______________
Mel : Sobrang namangha ako sa pinakita nilang talento. Sigurado akong napukaw ang atensyon
nating lahat sa ipinakita nilang galing sa pagsayaw.
Nad: Patunay lamang ito na ang mga mag-aaral ng SCCM ay TALENTADO
: Talagang kahanga-hanga!
Mel: Dahil ang wika ay hindi lamang nakatuon sa kasaysayan at pagpapahalaga ng ating sariling
pagkatao at kultura. Ang ating wika ay susi rin sa ating hinaharap sa pamamagitan ng pagpapayabong
ng ating kaalaman at pananaliksik.
Ngayon naman Tinatawagan ko ang Pangulo ng KSWF, Bb. Angelica Ocang upang pormal na ipakilala
sa atin ang panauhing pandangal sa programang ito.
Speech Speaker
Nad: Maraming salamat Dr. Getty G. Segundo sa mensaheng ibinigay. (ad lib praise for his speech).
: Sa puntong ito, Tinatawagan sa entablado sina bb. Michelle Lemi Punog Tagapayo ng KSWF,
Gng. Adfelina Caragan, Derektor ng mga Arlin at Gnr. Gloria Leoveras Overall Staff Coordinator para
sa paggawad ng tokrn at sertipiko ng pagkilala para sa pangunahing pandangal.
___________________PaGBASA ng SERTIPIKO_____________
___________ PAGGAWAD NG TOKEN AT SERTIPIKO ___________
Nad: At dyan nagtatapos an gating unang bahagi ng ating palatuntunan,
Ngayon naman dadako na tayo sa Ikalawang bahagi ng programa Ang koronansyon ng
lakandula at lakambini ng Wika 2019.
Kayat sa mga kalahok magsihandana.
(Adlib)
A. Pagpapakilala sa mga binibini at Ginoo ng Wika
(Example: Ating tignan ang paglalakad ng ating ____
Ating bigyan ng masigabong palakpakan an gating _____
B. Pagpapakilala sa Lakandula ng Wika at Lakambini ng Wika
Mel: Ngayon naman ating ipagpatuloy ang ating mga pagtatanghal. Sa puntong ito ating tawagin ang
isang mang-aawit sa Ikaapat na Taon si John Paul Solido upang ipamalas niya sa atin ang kanyang
kakayahang umawit para sa paghaharana sa Lakandula at Lakambini ng Wika.
NAd: MAraming salamat John Paul sa pagbibigay ng awitin sa ating mga Lakandula at Lakambini ng
Wika.
Ngayon naman ating salubungin na masigabong palakpakan ang huling lakad ng ating
Lakambini at Lakandula ng Wika 2018.
Mel: Inaanyayahan ko po ang lahat na magsitayo para sa pagpuputong ng korona sa ting Lakambini
at Lakandula ng Wika 2019.
Mel : Natapos na ang ikalawang bahagi ng patimpalak. Mamayang ala-una ay sisimulan naman natin
ang ikatlong bahagi at ang parangal sa mga nagwagi. Kay pinuputol muna pansamantala ang
programa upang bigyang daan ang masarap na kainan.. ang boodle fight
Nad: Paalala lamang para sa boodle fight ….ang kalinisan ay kailangang panatilihin pagkatapos ng
boodle fight. (adlib)
_____________________BOODLE FIGHT ____________________
Nad: adlib—sa pagkain kanina sa boodle fight….
Dahil nabusog tayong lahat… simulan na natin ang ikatlong bahagi ng patimpalak.
Sabay : Ang timpalak na Balagtasan, sabayang pagbigkas at katutubong kasutotan
Mel : Para basahin ang pamantayan sa patimpalak at pagpapakilala sa mga hurado ng Balagtasan
tinatawagan si ________________
Isang masigabong palakpakan
Nad : simulan na natin ang timpalak Balagtasan
Mel : Mukhang nahihirapan na ang mga hurado dahil sa husay ng ating mga kalahok.
Mas lalo natin silang papahirapan dahil susundan na ito ng TAGISAN NG Sabayang Pagbigkas mula
sa saliw ng (Pamagat).
Nad : Tunghayan na natin ang unang kalahok
Nad: Tunghayan na natin ang sunod na TIMPALak.. ang Pagtula.. hindi lamang ito basta
pagtula..sapagkat ito ay mula sa hugot ng kanilang madamdaming karanasan ---Ang SPOKEN
POETRY
Mel: Huwag na natin patagalin pa, narito na ang unang kalahok
_____________________ TIMPALAK SPOKEN POETRY___________________
(Natunghayan natin ang mga kalahok sa Spoken Poetry)
Mel: Ito na ang pinakahihintay ng lahat Ang PATIMPALAK KATUTUBONG KASUOTAN (kaya sa mga
kalahok mangyayri lamang na maghanda nap o tayo)
Kayat Simulan na natin ang patimpalak. Simulan natin sa ______
______________________RAMPA_____________________
(Adlib na lang kayo)
Nad : Talagang kabigha-bighani ang kagandahan ng mga kababaihan ng SCCM
Mel: Ganun din naman ang mga makikisig na kalalakihan ng ating mutyang paaralan
At ngayong natunghayan nyo na ang kanilang natatanging kasuotan, mamaya, bago matapos ang
programa ay pararangalan natin kung sino ang magwawagi para dito
NAd : Sa wakas, dahil tapos na ang lahat ng patimpalak.. marapat lamang na bigyan na natin ng
parangal ang mga nagsipagwagi
Mel : Handa na ang ating mga hurado, natapos na rin ang kanilang paghihirap dahil may resulta na
kung sino ang mga nagwagi sa bawat patimpalak.
Nad: Tinatawagan sa entablado sina bb. Michelle Lemi Punog Tagapayo ng KSWF, Gng. Adfelina
Caragan, Derektor ng mga Arlin at Gnr. Gloria Leoveras Overall Staff Coordinator para sa paggawad
ng SERTIPIKO ng Pakikilahok
___________________PaGBASA ng SERTIPIKO_____________
___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________
Nad : Melanie, labis akong nagalak na makitang pinararangalan ang ating kapwa mag-aaral.
Mel: Maging ako man, kaya muli, palakpakan natin sila!
Ang lahat ng mag-aaral na pinarangalan ay mangyaring pumunta sa gilid ng entablado.
___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________
NAd : Tunay ngang napakahuhusay ng bawat kapwa ko mag-aaral!
Mel: Marapat lamang bago matapos ang programang ito ay marinig natin ang PANGWAKAS NA
PANANALITA ni … G. Norberto Ferrer, Dekano ng kolehiyo para Edukasyon na susundan ng
mensaheng pasasalamat ni Bb. Angelica Ocang, Pangulo KSWF 2019. Isang masigabong palakpakan!
Nad : Lubos akong nagagalak sa matagumpay na paglulunsad ng buwan ng wika ng taong
kasalukuyan
Mel: Gayundin ako NAd. Hanggang sa muli. ako si _______________
Nad : at ako naman si _________ ,,na nagsasabing….
Sabay--: Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan
ng wika ay bayan – ang ating taumbayan. Mabuhay ang wikang Filipino!