You are on page 1of 2

INTRODUCTION

Atin pong simulan ang programa ngayong gabi sa pamamagitan ng isang dasal-
awitin. Hingen at damhin po natin ang presensya ng ating panginoon ngayong gabi.
Kung naangkop sa inyong kalagayan, tayo pong lahat ay magsitayo, at manalangin
sabay sabay po nating awiting ang kantang “I SEE YOU LORD”.
Maari na po kayong magsiupo.
Ngayon pong gabi ay ang huling gabi ng ating minamahal na si Tatay Carlos
Peralta.
At ngayon po ay tayo’y naririto, nagtitipon tipon, upang samahan si Tatay Carlos sa
kanyang huling gabi dito sa mundong ibabaw.
Alam ko po at ramdam ko po ang kalungkutan at pighati na inyong nararanasan,
nararamdaman sa pagkawala ni Tatay Carlos. Gayunpaman, sa mga naririto, na
nagmamahal kay Tatay Carlos, atin pong gamitin ang pagkakataong ito upang
sariwain ang naging buhay ni Tatay Carlos, gunitain ang mga masasayang
karanasan at pagkakataon na nakasama natin si Tatay Carlos nuong sya ay
nabubuhay pa, at higit sa lahat alalahanin natin ang mga mahahalagang aral na
iniwan sa atin ni Tatay Carlos bilang isang kapatid, kaibigan, kupare, asawa,
magulang, ninong, lolo at kung anuman ang naging turingan natin kay Tatay Carlos
at kung ano sya sa ating buhay.
Kaya po, sana po ay ibigay natin ng kusa at taos puso ang ating oras at aktibong
partisipasyon at kooperasyon sa ating programa. Ialay po natin ito, gawin po natin ito
para po kay Tatay Carlos.

ISANG ANAK, ISANG KAPATID


At upang umpisahan po ang ating eulogy o tribute para kay Tatay Carlos, atin pong
balikan ang History ni Tatay Carlos. Una ko pong tatawagin ang taong ito na
magsasalaysay sa atin sa buhay ni Tatay Carlos bilang isang anak at bilang isang
kapatid.
_________________________________________________
Pangalan ng mga Magulang, Ilang magkakapatid, birthplace, hobbies.
Maraming Salamat po. Salamat po sa inyong pagpapatunay ng kabutihan ni Tatay
Carlos bilang isang anak at bilang isang kapatid.
ISANG KAIBIGAN (Katrabaho, kupare, kapitbahay) – Favorite food, favorite place
________________________________________________

ISANG PANGALAWANG MAGULANG SA KANYANG MGA INAANAK – Mahilig


bang magregalo si Tatay Carlos tuwing pasko? Ano yung pinakamemorable nyang
regalo sayo.
________________________________________________
ISANG TIYAHIN (PAMANGKIN) – Ano ang lageng pinapaala sa iyo ni Tatay Carlos?
Ano yung pinakamahalang turo, aral, o leksyon ang natutunan mo sa kanya?
_______________________________________________

Bago po natin ipagpatuloy ang ating pagalaala ay hayaan nyo po akong pangunahan
ang pagawit ng isa sa mga favorite songs ni Tatay Carlos. Ito daw pong kantang ito
ay itinuturo pa ni Tatay Carlos sa kanyang apo. Ang title po ng kantang ito ay Paper
Roses na orihinal na kinanta ni Anita Bryant nung 1960 at mas pinasikat ni Maria
Osmond nung 1973.

ISANG LOLO – Sino ang paboritong apo ni Lola?


________________________________________________

ISANG MANUGANG (MOTHER IN LAW) – Ano po ang pinaka hindi mo


malilimutang mensahe ang sinabi sa iyo ni Tatay Carlos?
________________________________________________
ISANG INA – Ano ang namimiss mong ulam na niluluto sayo ni Tatay Carlos? Anong
namimiss mong gawin sa iyo ni Tatay Carlos? Isang bagay na binigay sa iyo ni
Tatay Carlos na hanggang ngayon ay nasayo parin?
_________________________________________________

ISANG ASAWA
_________________________________________________

Maramimg maraming salamat po sa lahat ng nagbahagi ng kanilang kwento kasama


si Tatay Carlos. Sa lahat ng nagbigay ng mensahe, pasasalamat at pagpapatunay
ng kabutihan ni Tatay Carlos nuong sya ay nabubuhay pa. Tunay ngang naging
makabuluhan at puno ng saysay ang naging buhay ni Nanay. At ang hiling ko po, ay
sana ay inyo itong isapuso at isa-isip, at manatili ito sa inyo hindi lang bilang alaaala
kundi mahalagang pamana ni Tatay Carlos.
Hindi po matutumbasan ng kahit anong halaga o kahit anong material na bagay ang
mga ala-ala at pamanang iniwan sa inyo.
Tatay Carlos, Salamat po. Paalam.
At bilang pantapos na bilang sa programang ito, hayaan nyo po akong awitin ang isa
pa sa paboritong awitin ni Tatay Carlos, and Let it be me na pinasikat ng the Everly
Brothers sa kanilng rendition ng kantang ito nuong 1960. Ito pong kantang ito ay
originally a French song titled Je T’appartiens na ginawa nuong 1955.

You might also like