You are on page 1of 1

Si jarel ay isang binata na ninanais na maiahon ang pamilya sa

hirap. Ang gusto ni jarrel ay magtrabaho habang siya'y nagaaral


upang makatulong sa kanyang mga magulang at nais niya ring
maging isang katulong gaya ng ina. Ngunit ayaw ito ng kanyang
ina sapagkat ayaw nitong maranasan ng kanyang anak ang lahat
ng hirap, pang-aapi at pangaabuso na kanyang naranasan.
Ngunit dahil sa pangarap niya para sa kanyang mga magulang
ay napilit niya ito upang siya'y magtrabaho at nang sa gayon ay
makatulong sa mga magulang. Kinaya niya'ng pagsabayin ang
pagiging katulong o kasambahay habang siya'y nagaaral. May
mga oras na nararanasan niya ang pangaalipusta at pananakit
ng amo at oras na gusto niya nang sumuko ngunit sa tuwing
naaalala niya ang kanyang mga magulang ay lumalakas at
tumatatag ang kanyang loob. Ang kanyang mga magulang ang
nasisilbing motibasyon at inspirasyon niya sa buhay.
Nag-aral siya ng mabuti at nagsumikap, ginawa ang lahat sa
pagabot ng pangarap hanggang sa ang lahat ng pagod, puyat at
bawat luha ay nagbunga ng karangalan. Nakapagtapos si jarel
ng may karangalang magna cum laude.

Ito ang patunay na anoman ang estado mo sa buhay ay hindi


hadlang upang makamit mo ang iyong mga pangarap kung
sasamahan mo ito ng sikap, tatag o lakas ng loob, pagmamahal
sa magulang na nagsisilbing motibasyon o inspirasyon, at ang
diyos. Ang lahat ay walang imposible.

You might also like