You are on page 1of 5

ANG AKING TALAMBUHAY

By:Melona Belen
Ako si Melona S. Belen, kilala bilang Malou. Simpleng namumuhay at nakatira sa Brgy. Antipolo
Rizal,Laguna. Akoy ay 41 taong gulang. Isa sa myembro ng 4P’s o Ang Pantawid Pamilyang
Pilipino Program, ito ay isang programa ng gobyerno upang mapabuti ang kalagayang pantao ng
ating mga kababayan. Mula noon hanggang kasalukuyan ako po ay parte at natutulungan ng
programang ito. Noong
isinali ako dito ay
totoong di sumasapat
ang aking kinikita sa
mga gastusin sa araw
araw ng aking mga
anak, lalo na noong
alam ko na
magcocollege ang aking
panganay na anak.
Noon ay nagtitinda ako
ng isda sa labas ng
palengke, at ang aking
asawa ay umeextra
lamang sa paggagawa
ng tubo. Sadya ngang
mahirap ang buhay
mula pa noon. Pero
simula noong sumali
ako sa 4P’s, unti unti
akong natulungan nito, dahil hindi lamang social assistance ang binibigay nito kasama nito ay ang
social development , may mga oras na nagkakaron kami ng pulong at nagsasaad ng iba’t ibang
sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya. At ng dahil sa kagustuhan ko na
mapagtapos ang aking anak, at dahil ipinaliwanag din samin na ang magulang dapat ah
nagbibigay ng edukasyon sa mga anak ,at nakikita ko din sa anak ko na may pangarap sa buhay,
ay aking iginapang siya sa pagaaral para sa kolehiyo, ako ay nanatiling nagtitinda ng isda sa labas
ng palengke at gumigising ng alas dos ng madaling araw para mamili ng paninda at kalaunan ng
magkaroon ng pagkakataon na mapalipat sa loob ng palengke ay diko na pinalampas ang
oportunidad at nagkaroon na nga ako ng pwesto sa loob ng palengke. Mas gumaan ang aming
buhay ng mga panahong iyon, naibibili ko na ang aking mga anak ng mga bagay na diko naibibili
sa kanila noon, at nakikita ko na nag tutulungan kami upang mas mapaunlad ang aming pamilya at
dahil nga laging wala ako sa bahay dahil nagtitinda ako sa palengke , ang aking anak na
panganay ang nagaasikaso sa kanyang kapatid na Grade 3 palamang noon. At tunay nga na hindi
lahat ng oras ay masaya, dumating ang isa sa pinakamahirap na parte ng buhay ko, nakulong ang
aking asawa at nung mga oras na hinuhuli siya ay kasama ang aking bunsong anak , at ako ay
nagtitinda sa palengke ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung pano ako tutuloy sa buhay na
ngayon na wala na akong katuwang sa buhay. Pero isinantabi ko ang aking personal na emosyon
at ipinagpatuloy ang buhay. Lahat ng ginagawa ko ay para sa aking mga anak. At lumipas ang
ilang taon, ang aking asawa ay nakalaya at nagkaron sya ng sariling pwesto sa palengke ,ibinigay

2
ko sa kanya ang isdaan at sa akin naman ay gulayan at ang aking anak ay malapit ng magtapos
ng kolehiyo sa kursong BS in Business Administration. Malaki ang pasasalamat ko sa programang
ito dahil nairaos ko sa pagaaral ang aking anak kaakibat nito ang mga turo at aral na binibigay sa
bawat myembro ng 4P’s. At taong 2018, ako ay nagbuntis sa aking bunso ngayon. Isa nanamang
pagsubok ang dumaan sa aming pamilya dahil hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa kanya,
ako ay nagtuturok ng insulin at palagiang nagccheck ng blood sugar, mabuti na lamang at may
kaunting ipon ako para masuportahan ang panggamot ko habang nagbubuntis at naglaan ako ng
sapat na pera para
panganganak. At dumating ang
ika-8 buwan ko sa pagbubuntis
at dahil sa tumaas ang blood
pressure ko ay isinugod ako sa
ospital, sa Community Hospital
sa San Pablo. Dahil dito napaaga
ang labas ng aking bunsong
lalaki kung saan naging
mapanganib para sa aming
dalawa. Pero may awa ang Diyos
at nailabas ko sya sa
pamamagitan ng cesarean.
Nangailangan kami ng
napakaling halaga dahil umabot
ng kalahating milyon ang bills
namin sa private hospital. At
akala namin noon ay walang pagasang mabuhay ang golden boy namin dahil mahina ang baga
nya noon, ngunit dahil malakas ang pananampalataya at tulong ng mga doctor ay naging maayos
ang kalagayan ng aming bunso at nagiisang lalaki kong anak na nagbibigay ng buhay at
kaligayahan sa loob ng aming munting tahanan. Malaki pa man ang kulang sa bayarin sa ospital
ay pinagsisikapan kong bayaran yun hanggang ngayon. Pagkatapos nun ay naging maayos ang
aming buhay at patuloy akong nakikiisa sa mga session meeting ng 4P’s upang mas lumawak ang
aking kaalaman kung paano ko mapapalaki at mapapaunlad ang buhay ng akingpamilya. Malaki
din ang pasasalamat ko sa mga anak ko na malki din ang pagtitiis at hindi ako nakakarinig ng
reklamo kahit ang aking bahay ay maliit lamang ,iisa ang kwarto, hindi maayos ng pintuan at
tuwing uulan ay laging may nakaabang na palanggana at balde, ngunit dahil gusto ko silang
mabigyan ng mas maayos na tahanan noong taong 2020 ay sinikap kong mapaayos ang aming
bahay, nagkaroon na kami ng mas maayos na bubong na ngayon ay wala ng tumutulo tuwing
umuulan, may maayos ng pintuan ,hindi na ako mangangamba tuwing aalis ako sa madaling araw
at may sariling kwarto na ang dalawang babae kong anak. Ngunit sa parehong taon dumating ang
isang pagsubok hindi lamang sa aming pamilya ngunit sa buong mundo na pandemic. Tunay nga
na malaking pagsubok dahil ang lahat at apektado at kontrolado, lumakas ang palengke ngunit
kaakibat nito ang takot at pangamba na baka madala ko ang covid sa aming pamilya. Pero sa
tulong ng mga turo at payo sa programang ito ay natutunan ko ang mga dapat at hindi dapat gawin
upang makaiwas sa Covid-19. Nagpatuloy ang tulong at pamimigay ng module ng 4P’s sa kabila

3
ng pandemya, patuloy kaming natututo kahit nasa bahay kami. At ngayon ngang kasalukuyan ay
hindi parin nawawala ang Covid, humihina na ang palengke dahil maraming sa online na lamang
bumibili, kaya nawala na ang aming pwesto na isdaan,ilang buwan na ang nakakalipas, ang
gulayan na lamang ang pinagkukunan namin ng mga panggastos sa araw-araw. Salamat sa Diyos
at walang nagkakasakit sa aming pamilya. Salamat sa programang ito dahil madami akong
natututunan at inaapply ko sa aking buhay ang mga turo sa amin, sana ay patuloy ang pagtulong
sa amin upang mas mapaunlad ang bawat pamilyang Pilipino.

4
5

You might also like