You are on page 1of 25

Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-01

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA AGHAM 3
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Unang Araw

Layunin: Nailalarawan ang lokasyon ng isang bagay


pagkatapos na mailipat ito

ANG ARALIN MO NGAYON

Alam mo ba na …

• Ang lokasyon ng isang bagay ay maaring matukoy

sa pamamagitan ng posisyon nito.

• Sa paglalarawan ng lokasyon, mahalagang gamitin

ang reference object upang matukoy ang eksaktong

posisyon na kinalalagyan ng mga bagay kung nailipat

man ito.

• Ang reference point naman ay ginagamit para matukoy

kung ang isang bagay ay gumalaw.

Ito rin ay tumutukoy sa simula o pinanggalingan

ng isang bagay bago ito mailipat ng posisyon.

• Ang Puwersa (Force) ay may kinalaman din sa pagbabago

ng lokasyon ng mga bagay. Maaaring ito ay mahila,

maitulak, umatras, sumulong, malipat paitaas o paibaba.

Page 1 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-01

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:______________________________________

• Ang lokasyon o posisyon ng isang bagay ay maaring


mailarawan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
direksyon tulad ng itaas, ibaba, kanan, kaliwa, ilalim,
ibabaw, gitna, harap, likod at iba pa.

Pag-isipan Natin!

Pagmasdan mabuti ang larawan kung ano ang lokasyon


ng mga bagay matapos na mailipat ito.

Ang bola ay Ang bola ay


nasa kanan ng nasa kaliwa ng
kahon. kahon.
A B

Makikita sa larawan A na nagkaroon ng pagbabago sa lokasyon


matapos mailipat ang bola sa larawan B. Mula sa kanan ito ay
nailipat sa kaliwa.

Ngayon naman, masdan mo ang kotse mula sa kanyang


reference point bago ito gumalaw patungo sa finish line.

Reference Point Finish line

Masasabi natin na ang posisyon ng sasakyan ay nasa


reference point bago ito gumalaw.
Nagmula ito sa kaliwa patungo sa kanan.

Page 2 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-01

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.

MGA GAWAIN
Gawain 1: Subukin Natin

Panuto: Gamit ang iyong lapis, hanapin ang daan palabas sa maze
mula kaliwa patungong kanan.

Start Finish

Sagutin mo!

____1. Ano ang lokasyon ng bola bago ito pumasok sa maze?


A. nasa kanan
B. nasa kaliwa

____2. Saan makikita ang labasan sa maze?


A. sa kanan
B. sa kaliwa

_____3. Paano mo ilalarawan ang lokasyon ng bola bago ito


pumasok sa maze?
A. nasa kanan patungong kaliwa
B. nasa kaliwa patungong kanan

____4. Nagbago ba ang lokasyon ng bola matapos itong makalabas sa


maze? Bakit?

A. Opo, dahil ito ay nalipat sa kanan.


B. Hindi po, walang nagbago.

____5. Sa iyong palagay, mailalarawan ba ang lokasyon ng mga bagay


matapos na mailipat ito?
A. Opo.
B. Hindi po.

Page 3 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-01

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
• Ang lokasyon sa kinaroroonan ng isang tao, bagay o hayop.
Maaaring mabago ang lokasyon ng isang bagay matapos
mailipat ito.
TARA ITULOY NATIN…

Panuto: Suriin ng mabuti ang bawat larawan matapos mailipat nito.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.
A. Ang eroplano ay lumipad mula sa ibaba
papunta sa itaas.
B. Ang eroplano ay lumipad mula sa itaas
papunta sa ibaba.

2. A. Ang bus ay umandar mula sa kaliwa papunta


sa kanan.
B. Ang bus ay umandar mula sa kanan papunta
sa kaliwa.

3.
A. Ang patak ng ulan ay bumuhos mula sa ibaba
papunta sa itaas.
B. Ang patak ng ulan ay bumuhos mula sa itaas
papunta sa itaas.

4.
A. Ang araw ay nagtago mula sa harap
patungo sa likod ng ulap.
B. Ang araw ay nagtago mula sa likod
patungo sa harap ng ulap.

A. Ang bola ay gumulong mula sa kaliwa


5. patungo sa kanan.
B. Ang bola ay gumulong mula sa kanan
patungo sa kaliwa.

Page 4 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-01

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang sitwasyon at tukuyin ang lokasyon ng bawat bagay


matapos na mailipat ito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kinuha ni Nash ang sandok mula sa ibabaw ng mesa at inilagay niya


ito sa loob ng kaldero. Nasaan na ngayon ang sandok?
A. sa ibabaw ng mesa C. nasa loob ng kaldero
B. sa ilalim ng mesa D. nasa labas ng kaldero

2. Hinila ni Bea ang tali mula sa itaas papunta sa ibaba.


Nasaan ang tali matapos na mahila ito?
A. nasa ibaba C. nasa itaas
B. nasa gitna D. nasa gilid

3.Nahulog sa ilalim ng kama ang karayom ni lola kaya gumamit ng


magnet si Chloe upang kunin ito. Nasaan na ang karayom?
A. dumikit sa magnet C. nasa ilalim ng kama
B. dumikit sa kama D. nasa ibabaw ng kama

4. Inilabas ni Jillian ang damit sa loob ng washing machine at isinabit


niya ito sa labas na sampayan. Nasaan na ang mga damit?
A. nasa washine machine C. nasa sampayan
B. nasa loob ng bahay D. nasa labahan

5. Gumulong ang bola mula sa itaas ng hagdan papunta sa ilalim ng


upuan. Nasaan na ang bola?
A. nasa itaas ng hagdan C. nasa ilalim ng upuan
B. nasa itaas ng upuan D. nasa ilalim ng hagdan

Inihanda ni:
KAREN F. DE VERA
Marcela Marcelo Elementary School

Page 5 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-02

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION – NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA AGHAM 3
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Ikalawang Araw

Layunin : Tukuyin ang pagbabago sa posisyon ng isang bagay o isang tao pagkatapos na
ilipat ito. (Determine the change in position of an object or a person after it has been
moved)

Paano ba napapagalaw ang mga bagay sa paligid?

ANG ARALIN MO NGAYON:

Kung ilalarawan mo ang

posisyonng babae mula sa drayber ,

gaano siya kalayo mula sa driver?

Ang pagtulak ng malakas sa kotse ay nagpapabilis

sa takbo nito samantalang ang mahinang pagtulak ay

nagpapabagal dito. Ang pagtulak sa harap ay nagpapatakbo o

nagpapaandar dito ng paurong samantalang ang pagtulak nito sa likurang

bahagi ay nagpapaandar nito ng pasulong.Masasabi na ang isang bagay ay

gumalaw kapag ito ay naiiba na ang posisyon sa dati

nitong kinalalagyan. Maaring malapit ito mula sa

dating posisyon ayon sa kanyang batayan.

Page 6 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-02

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:___________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

MGA GAWAIN
Gawain 1:
Kagamitan: Mga Laruang Kotse
Pamamaraan:
1. Lagyan ng label ang mga laruang kotse ng “1” at“2”.
2. Markahan ang sahig ng Simulang linya o Guhit.
3. Ilagay ang dalawang kotse sa likod ng simulang guhito linya.
4. Sumukat ng isang metro mula sa simulang guhit. Gumuhit ng linya.
Simulang Guhit/Linya 1-m na Linya

Sabay na dahan-dahang itulak ang dalawang kotse . Itulak ng mahina ang


isa, at malakas namn ang pangalawa. Itala ang obserbasyon sa notebook .
Alamin:
• Alin sa 2 kotse ang unang nakarating sa 1 metrong linya?
• Alina ng mas mabilis sa 2? Bakit?
• Ano ang ginawa ninyo upang mapabilis ang takbo ng kotse? Bakit?
• Ano ang ginawa ninyo upang mapabagal ang takbo ng kotse?
• Paano ninyo ito itiunlak pasulong o paurong?
• Ano ang gagawin ninyo upang tumakbo ang kotse ng paurong?

Page 7 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-02

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:___________________________

Gawain 2
HANAP-SALITA
Hanapin ang mga sumusunod na salita sa ibaba.
Bilugan ang buong salita na makikita mo sa loob na kahon.

MABILIS MABAGAL POSISYON


PAGGALAW LOKASYON DIREKSYON
BAGAY TAO KINALALAGYAN
MALAPIT MALAYO BATAYAN

Page 8 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-02

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:___________________________

PAGLALAHAT:
✓ Ang paggalaw ng bagay ay natutukoy sa
pamamagitanng distansiya at direksiyon
mula sa kanyang reference point.
✓ Ang isang bagay na nakatigil ay hindi umaalis sa
kanyang posisyon.
✓ Kung ito naman ay nagbago ng posisyon , ang bagay
ay gumalaw.
✓ Maging maingat sa paggala mula sa isang posisyon
patungo sa ibang pwesto.

PAGTATAYA
Bilugan ang larawan na nagpapakita ng paggalaw.

1.
A. B.

2.
A. B.

Page 9 of 25
Module Code: PASAY-S3FE-Q3-W2-02

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:___________________________

3. A. B.

4. A. B.

5. A. B.

Inihanda ni: Ferliza T. Reyes


MARCELA MARCELO ELEMENTARY SCHOOL

Page 10 of 25
Module Code: PASAY – S3LT-Q3-W2-03

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:_________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION – NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA AGHAM 3
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Ikatlong Araw

Layunin : Nailalarawan ang iba’t -ibang paraan ng paggalaw ng isang


bagay(Describe different ways to move objects) PASAY-S3FE-Q3-W2-03

ANG ARALIN MO NGAYON:

Ang force ay kailangan upang


mapagalaw ang isang bagay. Ang isang
bagay ay masasabi natin na gumagalaw
dahil nabago ang kinaroroonan nito. May iba’t- ibang paraan
tayong magagawa sa paggalaw ng isang bagay. Maari
natin itong itulak, hilahin o ihagis. Maaari din gumalaw
ang isang bagay sa pamamagitan ng tubig at hangin
at sa paggamit ng magnet. Ang mga metal ay
madaling nahahatak o
napapagalaw ng magnet. Ang magnet o
batobalani ay may dalawang poles, ito ay hilaga at timog na poles.
Mas malakas ang pwersa ng isang magnet kung ito ay malapit sa
poles nito. Ang mga bagay nagawa sa bakal, at metal ay tinatawag

na Magnetic materials. Ang hindi naman nahahatak ng pwersa ng

magnet ay tinatawag na non-magnetic materials. Mayroong

tatlong uri ng magnets; permanent magnet, temporary magnet at

electromagnets. Ang Permanent Magnets ay lagging nakakahatak

ng mga magnetic na bagay. Ang Temporary Magnets ay mga


bagay nahahatak ngmagnet kung ito ay malapit sa isang magnet.

Page 11 of 25
Module Code: PASAY – S3LT-Q3-W2-03

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:_________________________

Ang Electromagnets ay mga bagay na nahahatak ng isangmagnet


kung mayroon kuryente.

Ang tubig ay katulad ng hangin na


nakapagpagagalaw ng isang bagay
dahil sa pwersa. Ang galaw ng bagay
ay sumusunod lang sa galaw ng tubig.

Ang pwersa na humahatak sa mundo ay


tinatawag na gravity. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakatayo tayo
ng tuwid at nakakalakad ng maayos. Ito rin ang
pwersa na humihila sa mga dahoon, bato , papel
na mahulog sa lupa.Ito ay pababang pwersa na
mayroon sa mundo. Ito ay natural na pwersa na
humuhila sa mga bagay patungo sa sentro ng mundo na
nagsisilbing magnet o batobalani. Ang pwersang ito ay tinatawag
na Force of Gravity.
Ang isa pang pwersa na
nakapagpapagalaw ng mga bagay ay
ang kuryente. Ito ang nakapagpapagalaw
ng mga kasangkapan , mga electrical na
bagay at mga makina. Ito ay pwersa ng
enerhiya na kayang pagalawin ang elisi
ng bentilador. Ang kuryente mula sa
baterya ay kayang pagalawin ang laruang kotse,
maging ang laruang tren at manika.

Page 12 of 25
Module Code: PASAY – S3LT-Q3-W2-03

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:_________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

Gawain 1: KULAYAN NG KULANG DILAW NA KRAYOLA ANG MGA SALITA


NA MAY KINALAMAN SA MGA PWERSA NA NAGPAPAGALAW SA MGA
BAGAY NA MAKIKITA SA LOOB NG KAHON.

HILA TULAK FORCE MAGNET


HANGIN TUBIG GALAW GRAVITY
KURYENTE NORTH POLE SOUTH POLE TEMPORARY
PERMANENT ELECTROMAGNETS

Page 13 of 25
Module Code: PASAY – S3LT-Q3-W2-03

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:_________________________

Gawain 2: TAMA O MALI


Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali.
______1. Ang force ay kailangan upang mapagalaw ang isang bagay

______ 2. Ang umaagos na tubig ay may pwersa na nakapagpapagalaw ng


mga bagay.

______ 3. Habang malayo ang bagay sa sentro ng gravity, mas malakas ang
hatak ng pwersa nito.

______ 4. Nahahatak ng magnet/batobalani ang kahoy at mga plastic.

______ 5. Malakas ang pwersa ng magnet sa poles nito.

GAWAIN 3.
Lagyan ng tsek ang mga bagay na napapagaalaw ng kuryente.

PAGLALAHAT
Ang Force ay kailangan upang mapagalaw ang isang
bagay. Ang iba’t-ibang forces o pwersa na nagpapagalaw sa isang
bagay ay ang paghila o pagtulak sa isang bagay, hangin, tubig,
magnet, gravity at electricity o kuryente.

Page 14 of 25
Module Code: PASAY – S3LT-Q3-W2-03

Pangalan:_____________________________ Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:_________________________

PAGTATAYA
BIlugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kailangan upang mapagalaw ang isang bagay?
A. Force
B. Hagdan
C. Matter
D. Tali
2. Anu ang pwersa na nagpapagalaw sa mga dahon ng puno?
A. alon
B. hangin
C. kuryente
D. magnet
3. Alin sa mga sumusunod ang kayang pagalawin ng magnet ?
A. damit
B. papel
C. paper clip
D. sinulid
4. Alin ang napapagalaw ng kuryente?
A. Bangka
B. manika
C. kahoy
D. washing machine
5. Anu ang dahilan bakit nahuhulog ang mga bagay sa lupa?
A. Hangin
B. Kuryente
C. Tubig
D. Force of gravity

Inihanda ni: FERLIZA T. REYES


MARCELA MARCELO ELEMENTARY SCHOOL

Page 15 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D04

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA AGHAM 3
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKAAPAT NA ARAW

LAYUNIN: Natutukoy ang mga paggalaw ng mga bagay sa isang sitwasyon.


(Identify what makes an object move in a given situation/illustration.)

Alamin Natin! Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutan ang mga na gabay
na tanong sa ibaba.

Isang umaga, sa paglalakad ni Mae,


napansin niya ang isang puno sa kalsada,
tuyo’t naglalagas ang mga dahon.
Unti-unti itong nalalaglag sa kalupaan.
Nakikita niyang nagliliparan ang mga ito sa
himpapawid dahil sa mahangin na panahon.

Gabay na tanong:
1. Ilarawan ang punong napansin ni Mae sa kalsada.
__________________________________________________________________________
2. Nagkaroon ba ng paggalaw ang mga dahon? At saan napadpad ang
mga ito?
_________________________________________________________________________
3. Ayon sa talata, ibigay ang dahilan ng paggalaw ng mga dahon sa puno?
______________________________________________________________________________

Tukuyin Natin!
Ayon sa talata, Nagkaroon ng paggalaw ang mga dahon dahil sa
mahangin na panahon kaya ito ay unti-unti itong nalalagas at nagliliparan sa
himpapawid at marahang bumabagsak sa lupa.
Ang hangin ay isa lamang sa mga halimbawa na nagpapagalaw ng
mga bagay upang magkaroon ng pagbabago ng posisyon.

Page 16 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D04

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

Panuto: Isulat sa kahon ang tamang sagot.

Alin sa dalawang larawan ang kusang


gumagalaw?
Sagot:
batang lalaki upuan

Alin sa dalawang larawan ang kusang


gumagalaw?

Sagot:

kabinet aso Magaling! Natukoy mo ang mga larawan na kusang gumagalaw.


Mahusay! Binabati kita!

ARALIN:

A B

Pagmasdan ang mga larawan sa itaas. Mapapansin ang kilos na

ginagamit ng bawat isa. Ipinapakita nito ang paggamit ng puwersa o lakas

upang magkaroon ng paggalaw ng isang bagay. Sa larawan A, makikita na

hila-hila ng dalawang kamay ang mabigat na kahon, samantala ang nasa

harapan ng kahon ay tinutulak ito gamit ang puwersa upang ito ay gumalaw

at ilagay ito sa tamang lugar.

Sa larawan B naman, gumagamit ng buong lakas upang mahila ang isang

bagay papalapit sa kanyang sarili.

Ang dalawang larawan ay tumutukoy sa lakas o puwersa upang ang mga

bagay ay magkaroon ng paggalaw o pagbabago sa katayuan ng isang

bagay o tinatawag na FORCE.

Page 17 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D04

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

May iba’t ibang paraan upang mapagalaw ang isang bagay. Tulad ng mga
sumusunod na sitwasyon.

Magnet o Batubalani:
Nagkakaroon ng paggalaw ang mga bagay na yari sa bakal
gamit ang magnet. Ang magnet ay may dalawang pole na nag
papagalaw sa mga metal na bagay.

Baterya o Kuryente:
Ang paggamit ng kuryente o baterya ay nakatutulong
upang mapagalaw ang isang bagay, halimbawa: laruang
sasakyan na de baterya. Pagpapaikot ng elesi ng bintilador at
pagkakaroon ng hangin gamit ang kuryente.

Hangin:
Nakatutulong ang hangin sa pagpapagalaw ng mga
bagay, halimbawa pagpapalipad ng saranggola at
pagpapalaot ng maliliit na bangka tulad ng vinta

Tubig:
Napapagalaw ang isang bagay gamit ang tubig dahil sa
kakayahan nitong dumaloy o umagos. Halimbawa ang pag-
agos ng mga tuyong dahon sa ilog.

Friction:
Puwersang kaugnay na galaw ng mga bagay na
dumudulas o dumadausdos at pakiskis. Halimbawa sa larawan
ang pagtulak at paghila ng malaking kahon sa patag na
sahig.

Gravity:
Uri ng puwersa na ang lahat ng mga bagay na maaring
bumagsak sa lupa ay tinatawag na gravity. Halimbawa sa
larawan ang pagbagsak ng feather o bagwis na marahan sa
lupa.

Page 18 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D04

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

GAWAIN 1:
Panuto: Piliin sa kahon ang mga dahilan ng paggalaw ayon sa mga larawan sa ibaba.

gravity hangin magnet


tubig baterya o kuryente friction

1. ______________________ 2. ______________________ 3. ______________________

4. ______________________ 5. ______________________
GAWAIN 2:
Panuto: Isulat ang sagot sa patlang ayon dahilan ng paggalaw ng mga bagay.

1. Mapapagalaw ang watawat sa itaas ng pole sa pamamagitan ng


___ ___ n ___ ___ ___.

2. Ang pagtulak ng lamesa ay ginagamitan ng f ___ ___ ___ t ___ ___ ___.

3. Nahulog na bunga ng manga sa itaas ng puno dahil sa ___ r ___ ___ ___ ___ y.

4. Maaring pulutin ang mga nagkalat na thumbtacks sa sahig na hindi hinahawakan

gamit ang ___ ___ ___ ___ e ___.

5. Ang paggalaw ng wheel sa tidal mill ay sa pamamagitan ng ___ ___ ___ ___ ___.

Page 19 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D04

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

TANDAAN NATIN:

Ang mga bagay na nagkaroon ng paggalaw o pagbabago sa katayuan


na ginagamitan ng puwersa o buong lakas sa isang bagay ay tinatawag na
FORCE. Tulad ng hangin, gravity, kuryente o baterya, tubig, friction at magnet.

ALAM MO BA?

Ang wind mill o wind turbines ay ginagamitan ng malakas ng ihip


ng hangin na nakatutulong upang magkaroon kuryente. Ang
mga lugar sa Pilipinas na mayroong wind turbines ay ang Burgos,
Ilocos Norte, Romblon, Romblon at Pililia Rizal.
Tandaan: Dapat panatilihin nating malinis at maganda ang ating
lugar upang mabuhay tayo ng maayos at payapa. Gaya ng
lugar sa larawan.

PAGTATAYA:

Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI


__________ 1. Ang paglalaro ng grupo ni Gelo sa Tug of war ay higit na
nangangailangan ng mas malakas na puwersa o force sa
paghila upang mapanalo ang laro.
__________ 2. Nakita ni Ben ang pagtaas ng baha sa tapat ng kanilang bahay
at tanaw nito ang mga inaanod ng basura na sanhi ng malakas
na friction.
__________ 3. Nagkaroon pangkatang gawain ang grupo ni Roy. Napansin nila
na ang lahat ng bagay na bumabagsak sa lupa ay tinatawag
na gravity.
__________ 4. Nagiging mabagal ang paggalaw ang isang bagay kapag
dinadausdos ito sa magaspang na sahig.
__________ 5. Nagagamit ang wind vane para malaman ang lakas na
paggalaw o pagyanig ng lupa.

REFERENCES:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Puwersa Inihanda ni:
https://www.youtube.com/watch?v=j2mIkAsM3KU MR. DIONNE P. BACAYCAY
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kiskisan
https://drive.google.com/file/d/1uFxb5m1ZjQaTycZW09uMv0imloVC8Wn9/view
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 20 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D05

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA AGHAM 3
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKALIMANG ARAW
LAYUNIN: Nailalarawan kung ang isang tao o bagay ay nag-iba ng posisyon sa
isang sitwasyon. (Describe the change in position of objects/person in a given
situation)

Alamin Natin! Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutan ang mga na gabay
na tanong sa ibaba.

Isa sa mga paboritong isports ni Rey ay ang soccer.


Madalas nitong kasama ang kanyang mga kaibigan at
kamag-aral. Masaya silang naglalaro at nag-eensayo
para sa dararating na palarong pandistrito sa kanilang
paaralan.
Sipa dito, sipa doon at ang tanging nais nila ang
makakuha ng puntos para maipasok ang bola sa base
ng kalaban.
Gabay na tanong: Walang humapay na paggulong at pag-iba ng
mga posisyon sa pagtakbo ng mabibilis upang mahabol
1. Ibigay ang mga kilos na kanilang isinagawa nina Rey.
ang bola ng mga manlalaro.
_____________________________________________________________________
2. Sa kilos na isinagawa, nagkaroon ba ng pagbabago ng posisyon upang
sila ay makagalaw?
_________________________________________________________________________
3. Ayon sa talata anong kilos upang ang bola ay mag-iba ng posisyon?
__________________________________________________________________________

ARALIN
Paano nga ba nag-iiba ang posisyon ng isang tao o bagay? Makikita sa ibaba
ang mga larawan na nagpapakita ng pag-iba ng posisyon ang mga ito.

paghila pagtulak pagsipa pagbuhat

Page 21 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D05

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

GAWAIN 1: Paano mo malalaman kung nag-iba ang posisyon ng isang bagay?

Kagamitan:
- Gumamit ng ibang mga bagay na makikita sa inyong tahanan.
Halimbawa:
lapis susi bola pambura
bato barya laruang sasakyan pantasa

- Maaring pumili sa mga bagay na nakatala na halimbawa sa itaas.


- Paalala maaring humingi ng tulong sa magulang o sa
nakakatanda sa pagsasagawa ng gawain.
Pamamaraan:
1. Kumuha ng limang maliliit na bagay sa loob ng inyong tahanan
at ilagay ito sa lamesa.
2. Pagalawin ang mga bagay isa-isa. Subukin ang iba pang paraan
nang pagpapagalaw at kung ito ay nag-iba ng posisyon.
3. Punan ang Talaan A sa ibaba. Isulat ang iba’t-ibang paraan kung
paano pinapagalaw ang mga bagay.
4. Sagutan ang Gabay na Tanong matapos ang gawain.
Bagay Paano pinagalaw ang mga bagay?
1. Pambura - Sa pamamagitan ng pagtulak gamit
ang daliri.
- Sa pagbuhat gamit ang kamay.
2.

3.

4.

5.

6.

Gabay na tanong:
1. Nagkaroon ba ng pagbabago sa posisyon ng mga bagay? Sa paanong
paraan ito nag-iba?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Page 22 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D05

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

GAWAIN 2:

Panuto: Isulat ang tamang naglalarawan sa pag-iba ng posisyon na bagay o


tao sa bawat larawan. Pumili ng salita sa loob ng kahon.

pagdausdos pagtakbo paluin paghila pagtulak

1. ____________________ pataas ng watawat


ng Pilipinas ng mga mag-aaral.

2. ____________________ pababa ng bata mula sa


itaas ng padulasan o slides.

3. Inaalalayan ng Nars na makarating ang pasyente sa


loob ng clinic sa pamamagitan nang
____________________ ng wheelchair.

4. Narating ni Roy ang finish line dahil sa bilis


nitong ____________________.

5. Upang maipasok ang bola ng golf sa golf hole,


kinakailangan nitong ____________________ upang
magbago ang posisyon nito.

Page 23 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D05

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

ALAMIN NATIN!

Layunin: Nailalarawan ang posisyon ng bagay pagkatapos ito galawin


Kagamitan:
-barya at ruler
-tape
Pamamaraan:
1. Maglagay ng guhit gamit ang tape at lagyan ito ng pangalan na
SIMULA.
Maglagay ng ruler sa tabi nito
SIMULA

2. Marahang itulak baryang piso.


3. Lagyan ng pananda ang posisyon ng baryang piso kung saan ito
huminto. Gamitin ang sentimetro o CM para sa pagsukat. Ulitin ito
ng tatlong beses at itala ang mga sukat nito sa TALAAN A

TALAAN A:

TRIAL SUKAT (CM)

Page 24 of 25
MODULE CODE: PASAY-S3FE-Q3-W2-D05

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________

Gabay na tanong:
1. Nasaan ang baryang piso bago ito itinulak?
_____________________________________________________________
2. Gaano kalayo ang narating ng baryang piso? (Sukat ng tatlong Trial)
______________________________________________________________
3. Saan nanggaling ang baryang piso para masabi mong ito ay nag-iba
ng posisyon?
________________________________________________________________
4. Maari bang magbago ang posisyon ng isang bagay na hindi itinulak?
__________________________________________________________________
TANDAAN:
Ang mga bagay ay maaring mag-iiba ang posisyon kung ito may
pagsipa, paghila, pagbuhat at pagtulak.
Gayundin sa tao, mag-iiba ang posisyon kung ito ay tatakbo, lalakad,
lalangoy atbp.
Magbabago ang posisyon ng isang bagay at tao kung may paggalaw
sa mga ito.

ALAM MO BA?
Kilala mo ba si Dale Abenojar? Siya ay kinilala bilang kauna-unahang Pilipino
na naakyat ang isa sa pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mt.
Everest. Ito ay matatagpuan sa sub-range ng Himalayas ang humahati sa
pagitan ng dalawang bansa, ang Tsina at Nepal.
May taas itong 8,848. 86 meters o katumbas ng 4,835 na pinagpatong -patong
na tao na may height average na 6 feet.
-Sa taas at layo nang kanyang naakyat, masasabi mo bang nag-iba ba ang
PAGTATAYA: posisyon niya mula sa paanan ng bundok, hanggang sa tuktok ng Mt. Everest?
Tandaan: Lagi tayong mag-iingat sa pag-akyat sa matataas na lugar.
Paghandaan itong maigi bago isagawa.

PANUTO: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nag-iba ang posisyon
ng bagay o tao. MALI naman kung hindi.

__________ 1. Pagbibisikleta mula Libertad, Pasay hanggang Luneta Park, Manila.

__________ 2. Pagtayo habang inaawit ang Lupang Hinirang.

__________ 3. Pagtulak ng mabibigat na kahon sa bodega.

__________ 4. Pag-upo ng mga mag-aaral sa upuan ng isang oras.

__________ 5. Pagbukas at pagsara ng pintuan sa mga pumapasok na mamimili.


REFERENCES:
https://factsaboutmteverest.weebly.com/ Inihanda ni:
https://en.wikipedia.org/wiki/Dale_Abeno
jar
MR. DIONNE P. BACAYCAY
Learner’s Material in Science 3 JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 25 of 25

You might also like