You are on page 1of 71

Yunit I – Pamilya Ko Mamahalin Ko

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid.

Ang pangngalan ay ngalan tao, lugar, hayop , bagay at pangyayari sa paligid.


Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay.

GAWAIN 1
Basahin ang kwento.

Pista sa Aming Bayan

Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa paghahanda sa nalalapit na


kapistahan. May kabataan na nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng mga banderitas .

May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin
sa prusisyon. Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw.

Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda ng mga pagkain tulad ng suman,
halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang mga
bakuran.

Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa paglilinis ng aming
bahay.

Ano ang magaganap sa bayan? Sagot:

Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga Sagot:


tao?

Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong Sagot:


pamayanan tuwing sasapit ang kapistahan?

Anong kaugalian ang ipinakita sa talata? Sagot:


Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa Sagot:
talata?

Dapat ba silang tularan? Paano mo sila Sagot:


tutularan?

Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa Sagot:


inyong bahay?

GAWAIN 2

Isulat ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar, pangyayari sa kwentong binasa.

TAO BAGAY LUGAR PANGYAYARI

GAWAIN 3

Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay ngalan ng tao,
hayop, bagay, o pook.

_______________1. Gumising nang maaga si Juan.

_______________2. Ang manok sa bakuran ay tumitilaok


_______________3. Si Ate Lara ay nagluluto ng masarap na pagkain.

_______________4. May pasok ang tatay ni Juan sa opisina.

_______________5. Si Nanay ay pupunta sa bangko mamaya.

_______________6. Inihanda ni Juan ang kanyang bagong uniporme.

_______________7. Ito ang unang araw ng pasukan sa paaralan.

_______________8. Pinakain ni Juan ang kanyang alagang aso na si Max.

_______________9. Dala ni Juan ang kanyang mga aklat at kuwaderno.

_______________ 10. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang bago siya umalis.

_______________11. Si Juan ay bumili ng baon pangmeryenda sa tindahan.

_______________12. Sumakay sa dyip ang mga taong nakapila sa bangketa.

_______________13. Nakasabay ni Juan sa dyip ang kamag-aral niya na si Carlo.

_______________14. Sabay silang naglakad papunta sa kanilang silid-aralan.

_______________15. Pagpasok ni Binibining Sarah, binati siya ng mga mag-aaral.

GAWAIN 4

Bilugan ang pangalan ng ipinapakitang larawan.

damo simbahan lapis


damit sili-aralan lamok
daga paaralan leon
magsasaka dentist
mag-anak doktor
mag-aaral dalaga

langit
langgam manika
lalaki mani
manok

palaruan gwardya
paaralan guro
palengke gurang

unan
ulap
usok

GAWAIN 5
Bilugan ang titik nbg tamang sagot.

1. Ito ang mga salitang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
A. Panghalip B. Pangalan C. Pangngalan D.Klaster

2. Aling pangngalan ang naiiba sa pangkat?


A. Kalabaw B.Manok C. Puno D. Kabayo

3. Nagpunta kami sa parke at namasyal.


Alin ang PANGNGALAN sa pangungusap?
A. Kami B.Parke C.Namasya l D. Nagpunta
4. Lapis, Pantasa, Papel at Aklat
Ano ang kategorya ng Pangngalan?
A. Tao B. Lugar C. Bagay D. Pangyayari

5. Dumating ang lolo ko kaninang hapon.


Ano ang kategorya ng Pangngalan sa pangungusap?
A. Lugar B. Pangyayari C. Bagay D. Tao

References:

c 2013 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

https://quizizz.com/admin/quiz/5b4fc857b10f7c001a3e6d38/pangngalan

BATANG PINOY AKO LM pah. 10

BATANG PINOY AKO TG pah. 6

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggan at


nabasang teksto.

Sa pagbasa ng kwento may mga kaalaman o karanasan na tayo na atin ng


naranasan at ito ay lubos na makakatulong sa atin para lubusan nating
maunawaan ang mga kwneto ating binabasa.

GAWAIN 1
Basahin ang kwento at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay. Ang akingTatay Pio ay
isang simpleng kawani ng gobyerno. At si Nanay Conching naman ay isang guro sa paaralang
aking pinapasukan.

Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng gawain ay nagiging madali dahil sa
aming pagtutulungan. Ang aming hapag-kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan
namin ng mga pangyayari sa buong maghapon.

Kapag may libreng oras at may sobrang pera, namamasyal din kami sa kung saan-saang
lugar. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging magaan dahil na rin sa
pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa Poong Maykapal.

Ano-ano ang masasayang sandali para sa Sagot:


kanila?

Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya? Sagot:

Ano-ano ang ginagawa ninyo kasama ang Sagot:


buong pamilya?

Ilarawan ang sariling pamilya. Sagot:

Katulad din ba ito ng pamilya ni Mang Pio? Sagot:

Ikaw, ano ang kayamanan mo? Ipaliwanag ang Sagot:


sagot.
GAWAIN 2
Isulat sa loob ng bilog ang mga gawain ng sariling pamilya.

GAWAIN 3

Gumawa kayo ng simpleng larawan ng pamilya sa pamamagitan ng pagguhit. Ikuwento ninyo ang
inyong iginuhit.
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, teksto, balita at tula

Ang Aming Mag-anak


(www.takdangaralin.com)

Ang aming mag-anak ay laging masaya


Maligaya kami nina Ate at Kuya.
Mahal kaming lahat nina Ama’t Ina
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?

Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,


Tulong ni Ama ay laging nakaabang.
Suliranin ni Ate ay nalulunasan
Sa tulong ni Inang laging nakalaan.

GAWAIN 1

Ano ang pamagat ng tula? Sagot:


Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula. Sagot:

Paano ipinakita ng bawat isa ang Sagot:


pagtutulungan? Pagdadamayan?

Ganito rin ba ang iyong mag-anak? Sagot:

Paano mo ipakikita ang pagmamahal at Sagot:


pagmamalaki sa sariling pamilya?

GAWAIN 2

Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Ang Plaster ni Bong

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay.


Nagtaka ang kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya.
“Anong nangyari sa iyo,
Bong?”, tanong ni Annie.

“Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto!” ang malakas na sigaw ni Tito mulasa
likuran
“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at
nadisgrasya. “Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari
ito.”,mahinang sagot ni Bong.

“Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy
habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase.
Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.

“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga
gawain habang ang kamay niya ay naka-plaster.”

1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Paano kaya ipapakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang
kamay niya ay naka-plaster?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
GAWAIN 3

Basahin ang kwento sa ibaba at pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Ang Alamat ng Langaw

Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon at may basura.
Ang mga tao ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi sila marunong maglinis ng kanilang
mga bakuran. Ang mga bata ay laging marurumi at hindi marunong maligo.

Ngunit walang gumagawa ng hakbang para luminis ang lugar. Kuntento lamang ang mga
tao sa kanilang buhay hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga tao. Natakot ang mga
mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng kanilang mga kababayan. Iniutos ng
hari na magkaroon ng mga grupo ng tao na mag-iikot araw at gabi upang magbantay.
Doon nila nakita ang higanteng si Angaw.

“Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ” narinig pa nila itong
sinabi ni Angaw habang nag-iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga mamamayan
sa hari.
Dahil doon, ipinagutos ng hari na magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng kanilang bayan.
Tinuruan din nila ang mga batang maglinis ng katawan.

Bumango at luminis ang bayan. Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito.
Nagtaka sila kung anong nangyari kay Angaw. Sa kanilang paghahanap, nakita nilang ito’y
namatay na sa gutom dahil wala nang makaing maruruming tao.

Inihagis nila ang bangkay nito sa isang malalim na bangin kung saan nila itinapon ang
mga basura ng kanilang bayan. Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala ang bangkay ni Amok at
nagkarooon ng maraming lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw upang
maalala
ang higanteng si Angaw. Tinabunan nila ang basura ng lupa at nawala ang mga langaw na
lumilipad-lipad.

Magmula noon ay hindi na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa kanilang


lugar at mga katawan. Ayaw na nilang bumalik ang mga langaw sa kanilang lugar.
1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?
______________________________________________________________________

2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?


3. Bakit gustong-gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?
______________________________________________________________________

GAWAIN 4
Basahin ang balita, sagutin ang mga tanong na kasunod.

1. Ano ang ibinigay ng pamahalaan ng quezon City sa piitan ng kanilang siyudad?


__________________________________________________________
2. Sino ang nagbigay at tumanggap nito?_____________________________
3. Ano ang layunin ng Quezon City sa computerized system na ito?
______________________________________________________________________
4. Sino ang nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Belmonte?
_____________________________________________________________
5. Kaninong proyekyo ang management program na ito?
_________________________________________________

References:
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
https://kupdf.net/download/basahin-ang-maikling-kwento-at-sagutin-ang-mga-tanong-pagkatapos-nito_58b7cad16454a7885edec4f0_pdf
https://www.academia.edu/31554167/MGA_DETALYE_NG_ULAT_O_BALITA_AT_PAGSULAT_NG_PATALASTAS_AT_BALITA
BATANG PINOY AKO LM pah. 12-13
BATANG PINOY AKO TG pah. 10-11
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.

Bahagi ng Aklat

Pabalat – ito ay ang nasa Paunang Salita – sa pahina o Talahuluganan – sa bahaging


harapan at hulihan ng isang mga pahinang nito nakasaad ito makikita ang mga
aklat at nagbibigay ng ang mensahe ng awtor para sa mahihirap na salitang
proteksyon sa aklat. magbabasa ng kanyang aklat. ginagamit sa aklat at ang
Naglalaman ito ng larawan at Nalalaman rin dito ang mga kahulugan ng bawat isa. Ang
titulo ng isinulat na aklat. tip para mapakinabangan sa pagkaayos nito ay
paggamit ng aklat ng mga nakaalpabeto.
nagbabasa nito.

Talaan ng Nilalaman – sa Katawan ng Aklat – ang Pahina ng Karapatang Sipi –


pahina o mga pahinang nito pinakamahalagang bahagi. Sa Ito naman ay isang pahina na
nakalagay ang listahan ng mga dito mababasa ang lahat na kung saan makikita ang taon
nilalaman o mga paksang nilalaman ng aklat. na kung kailan inilathala ang
tatalakayin sa aklat. aklat. Kabilang rin dito ang
pagpapahayag ng karapatan ng
awtor at kun saan ito inilimbag
para makita ng mambabasa
kun saan nanggaling ang aklat.
GAWAIN 1
Mga Bahagi ng Aklat
ni RCJ

Bahaging pabalat
laman ay ngalan ng aklat

Ang paunang salita


mula sa may-akda.

Ang talahuluganan
nagbibigay ng kahulugan

Talaan ng nilalaman
pagkakasunod-sunod naman.

Kung nais makita’y kabuuan


sumangguni ka sa katawan

At sa karapatang–ari naman
malalaman limbag kung saan at kailan.

Ano ang pamagat ng tula? Sagot:

Ano-ano ang bahagi ng aklat? Sagot:

Ano ang tungkulin ng bawat bahagi ng aklat? Sagot:

Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi Sagot:


ng aklat?

Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat Sagot:


kasapi ng iyong pamilya?

GAWAIN 2
Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ito.

1. Sa bahaging ito makikita ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda.


A. pabalat
B. pahina ng karapatang-ari
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

2. Tinatawag din itong karapatang-sipi


A. pabalat
B. pahina ng karapatang-ari
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

3. Sa bahaging ito nakalahad ang layunin ng may-akda, nilalaman at pakibangan na matatamo sa
paggamit ng aklat.
A. pabalat
B. pahina ng karapatang-ari
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

4. Nakasaad dito ang pamagat ng bawat yunit, mga akda, mga kasanayang lilinangin at pahina ng
mga ito.
A. pabalat
B. pahina ng karapatang-ari
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

5. Ito ay naglalaman ng mga akda at pagtalakay sa mga kasanayang nililinang.


A. pabalat
B. pahina ng karapatang-ari
C. paunang salita
D. katawan ng aklat

8. Dito nakatala ang mga piling salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito.
A. indeks o talatuntunan
B. glosari o talahulugan
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

GAWAIN 3
Pumili ng isang aklat sa inyong bahay. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa
aklat na pinili mo:

1. Ano ang buong pamagat ng aklat?

2. Sino ang nagsulat ng aklat?

3. Sino ang may karapatang-ari ng aklat?

4. Kailan inilathala ang aklat?

5. Saan inilathala ang aklat?

6. Ilang kabanata ang nasa aklat na ito?

7. Ano ang pamagat ng unang kabanata ng aklat?

8. Sa anong pahina makikita ang katapusan ng katawan ng aklat?

GAWAIN 4
Iguhit ang bituin kung tama ang pamamaraan ng pag-aalaga ng aklat at
tatsulok kung mali.

__1. Isinasauli ko ang hiniram kong aklat.

___2. Ginugupit ko ang larawan ng hiniram kong aklat.

___3. Inuupuan ko ang aklat.

___4. Ginagamit ko ang aklat sa pagsagot sa mga takdang-aralin.

___5. Binabalutan ko ang aklat upang hindi masira.

GAWAIN 5
Piliin sa loob ng panaklong ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Pinakatakip o damit ng aklat


(Pabalat, Talahuluganan)
2. Mababasa rito ang mga kuwento, aralin, at pagsasanay.
(Talaan ng Nilalaman, Katawan ng aklat)
3. Dito mababasa ang kahulugan ng mga salitang di maunawaan.
(Talahuluganan, Talaan ng Nilalaman)
4. Dito makikita ang Paksang Aralin at pahina nito.
(Indeks, Talaan ng Nilalaman)
5. Paalpabetong talaan ng mga paksa
(Indeks, Talaan ng Nilalaman)

References:
https://philnews.ph/2019/07/26/mga-bahagi-ng-aklat-at-gamit/
https://quizizz.com/admin/quiz/5d9c7ae3614eb7001a39b2ef/bahagi-ng-aklat
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
https://samutsamot.files.wordpress.com/2013/09/pagtukoy-sa-mga-bahagi-ng-aklat_1.pdf
BATANG PINOY AKO LM pah. 13-14
Nababasa
BATANG PINOYangAKOmga salitang
TG pah. 12-13 may tatlong pantig pataas, klaster, salitang iisa ang baybay
ngunit magkaiba ang bigkas at salitang hiram

Salitang Iisa ang Baybay Ngunit


Ang pagpapantig ay paraan ng Ang klaster ay ang dalawa o higit pang
Magkaiba ang Bigkas at Kahulugan. 
pahahati-hati ng salita sa mga pantig. magkakatabing katinig sa loob ng isang
Halimbawa: salita. 
Halimbawa: kabayo = ka-ba-yo
gabi=isang uri ng gulay Halimbawa:
alaga = a-la-ga
gabi= bahagi ng isang araw Prinsesa
Salitang hiram ang tawag sa mga salitang
galing sa ibang wika. Maaaring ang mga
ito ay may taglay na mga hiram na titik
gaya ng: c, f, j, q, v, x, z

Halimbawa:

hamburger

GAWAIN 1
Pantigin ang bawat salita. Gumamit ng (-) upang ihiwalay ang mga pantig.

1. nawain _______________________
2. dalubhasa _______________________
3. negosyo _______________________
4. hangarin _______________________
5. suliranin _______________________
6. kasangkapan _______________________
7. temperature _______________________
8. bulubundukin _______________________
GAWAIN 2
Basahin ang mga salitang may kambal katinig.

 bl (blangko)
 br (braso)
 dr (droga)
 dy (dyip)
 gl (glosaryo)
 gr (grado)
 kl (klima)
 kr (krema)
 ks (komiks)
 pl (plema)
 pr (preno)
 tr (tribo)
 ts (tsamba)

GAWAIN 3

Narito ang sampung halimbawa ng kambal-katinig gamitin ito sa sa pangungusap.

1. MULA SA KLASTER “ BR”


Br- aso = BRASO

2. MULA SA KLASTER “KR”


Kr-ayola = KRAYOLA

3. MULA SA KLASTER “BL”


Bl-usa= BLUSA

4. MULA SA KLASTER “ DR”


Dr-agon = DRAGON

5. MULA SA KLASE “DY”


Dr-akula = DRAKULA

6. MULA SA KLASTER “ GL”


Gl-osaryo= GLOSARYO

7. MULA SA KLASTER “ GR”


Gr-anada= GRANADA

8. MULA SA KLASTER “ HW”


Hw-eteng= HWETENG

9. MULA SA KLASTER “ KL”


Kl-ima= KLIMA

10.  MULA SA KLASTER “KR”


Kr-imen= KRIMEN

GAWAIN 4

Basahin:

TAYO LABI TALA

-panghalip panao na -bahagi ng bibig -listahan


maramihan
BAGA UPO
-bangkay LOBO
-bituin
-posisyon na patindig
-bahagi ng katawan -uri ng gulay -uri ng hayop

-uling na may apoy pa -posisyon sa upuan -laruan ng bata na lumilipad at


pumuputok

GAWAIN 5

Isulat ang tamang baybay sa Filipino ng sumusunod na hiram na salita.

_______ 1) English
_______ 2) escalator

_______ 3) nitrogen

_______ 4) arti cial

_______ 5) taxi

References:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapantig
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2016/06/pagpapantig-2-1.pdf
https://www.tagaloglang.com/halimbawa-ng-kambal-katinig/
https://brainly.ph/question/369520
https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-1/2nd%20Qtr%20Filipino%203.pdf

BATANG PINOY AKO LM pah. 16


BATANG PINOY AKO TG pah. 19-20

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nakasusunod sa nakasulat na panuto na may 2-4 hakbang

Bakit kailangang sundi ang ibinibigay na panuto?


Kailan ginagamit ang panuto?
 Makakatulong sa mabilis, maayos at wastong
 Tuwing nagbibigay ng kautusan
pagsasagawa ng Gawain ang watong pagsunod sa
panuto

GAWAIN 1
1. Gumuhit ng parisukat. Gumuhit ng puso sa loob nito. Isulat ang pangalan ng iyong
paboritong tao sa loob ng puso.

2. Isulat ang pangalan ng iyong tatay sa loob ng parihaba at ang pangalan ng iyong nanay sa
loob ng bilog. Gumuhit ng linya mula sa parihaba patungo sa bilog upang pagdikitin.

3. Gumuhit ng parihaba. Gumuhit ng tatlong pabilog sa loob nito. Kulayan ang unang
pabilog ng asul, pangalawa ay pula at pangatlo ay berde.

4. Gumuhit ng tatsulok. Sa ilalim nito gumuhit ng parisukat o kahon. Lagyan ng dalawang


guhit na patayo sa ilaim ng parisukat.

GAWAIN 2

Basahin at sundin ang isinasaad sa panuto.

1. Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng puno ang mga pangalan ng miyembro ng
iyong pamilya.
2. Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon. Bilangin ang mga letra at isulat ang bilang sa
ibaba ng kahon.

3. Gumuhit ng dalawang bundok. Sa pagitan ng dalawang bundok ay gumuhit ng araw.


4. Iguhit ang paborito mong prutas. Kulayan ito.

5. Isulat ang pangalan ng iyong guro. Gumuhit ng bituin sa kanan at sa kaliwa ng kaniyang
pangalan.
GAWAIN 3

Sundin ang mga ipinagagawa upang mabuo ang isang pangungusap.

1. Ano sa Ingles ang hari? ____________ Sa unahan nito, isulat ang titik a kung ikaw ay
nasa ikatlong baitang.
2. Saan dapat ideposito ang prea? _____________ lagyan ng ekis ang unang pantig ng
iyong sagot.
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang nangangahulugan ng bigo?
Saya, lungkot, sawi, lagi Isulat ito sa patlang___________.
4. Kung ikaw ay nag-aaral ng asignaturang Filipino ngayon, alisin mo ang unang pantig.
Pagkatapos ay isulat mo ang katagang ka sa hulihan.
5. Ano ang tunog ng putok ng baril? ______________ Burahin ang unang titik.
6. Ngayon isulat mong lahat ang mga salitang nabuo mo sa bawat bilang.

__________ __________ __________ __________ __________


1 2 3 4 5
Ayisn mo ang mga salita upang makabuo ng isang pangungusap na dapat masabi ng isang
tunay na Pilipino!

__________ __________ __________ __________ __________


5 4 3 2 1

GAWAIN 4
a. Isulat sa kanang bahagi ng inyong papel ang petsa sa araw na ito at sa kaliwang
bahagi naman ay ang inyong buong pangalan.

b. Gumuhit ng parihaba. Sa loob ng parihaba, isulat ang buong pangalan ng inyong


guro.

c. Sa paligid ng ginawa mong parihaba, gumuhit ng anim na bilog. Sa loob ng mga


bilog, sumulat ng pangalan ng iyong mag-aaral.

d. Kulayan ng kulay asul ang lahat ng bilog na iginuhit at pula naman ang ibang hugis
na iyo ding iginuhit.
e. Bilangin ang lahat ng letra na makikita mo sa iyong papel. Matapos bilangin, isulat
ito sa kanang ibaba ng iyong papel.

GAWAIN 5

Basahin ang kwento at sundin ang panuto, isulat ito sa ilalim.

Mga Kulay ng Bahaghari

Pula, dalandan, dilaw, berde, asul, tina, lila—iyan ang mga kulay ng bahaghari sa wastong
pagkakasunod-sunod. Nakikita natin ang bahaghari pagsikat ng araw pagkatapos ng isang
biglaang ulan o kung sumisikat ang araw at umaambon-ambon. Sa paglalagos ng sinag ng araw
ay mumunting patak ng ulan, ang mga kulay ng liwanag ng araw ay naghihiwahiwalay kaya
nakikita natin ang mga kulay ng bahaghari.

a. Gumuhit ng kahon. Sa loob ng kahon isulat ang pamagat ng kuwento.

b. Isulat ang mga kulay na bumubuo sa bahaghari sa wastong pagkakasunodsunod.

c. Isulat sa loob ng tatsulok ang bilang ng mga kulay sa bahaghari.

d. Isulat ang salitang nagsasabi kung ano ang nangyayari sa mga kulay ng sinag ng araw kapag
naglalagos ang mumunting patak ng ulan.

e. Gumuhit ng bahaghari at kulayan nang naaayon sa kuwentong binasa.

References:

https://www.slideshare.net/flamerock/pagsunod-sa-panuto

https://www.slideshare.net/flamerock/pagsunod-sa-panuto

https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipino-6-dlp-1-pagsunod-sa-mga-panuto

https://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-1/3rd%20Qtr%20Filipino%202.pdf

BATANG PINOY AKO LM pah. 17-18


BATANG PINOY AKO TG pah. 22-23
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutunan sa aralin, salita di-kilala batay
sa bigkas, tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaan, mga salitang hiram at salitang
dinaglat

Mahalagang malaman ang tamang baybay ng isang salita upang mabasa o maisulat
ito nang tama.

Ang pagbbigkas o pasalitang pagbabaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig.


Ang ispeling o pagbabaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-
sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita,pantig, daglat, akronim, simbolong
pang-agham atbp.

Tara na, Laro Tayo!

Anong laro ang alam mo? Sigurado ako- tulad ko-ang nasa isip mo agad ay
online games na lagi mong nilalaro sa harap ng computer. Tama?

Pero alam mo ba marami pala tayong mga laro na sadyang sariling atin. Ang
tawag dito ay laro ng lahi. Ito ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito rin ay
tumutulong sa paghubog sa pagkakaisa natin, ang pagiging isport. Ginagawa din nitong alisto
ang ating isip at malakas ang ating pangangatawan.

Higit sa lahat binibigyan nito ng isang makulay na karanasan ang bawat batang
Pilipino.

Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng Jack en Poy? Ito ay isa sa mga laro ng
lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata man o matanda

Nariyan din ang patintero na ang kailangan lamang ay pamato na puwede ang
isang maliit na bato na nasa tabi-tabi lamang. Kung marami namang goma o rubber band,
pagdugtung-dugtungin lamang ang mga ito.
Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan, puwede rin naman na maglaro tayo ng
bahay-bahayan sa loob o labas man ng bahay.

Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating lahi na talagang napakasayang laruin.
Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo matatapos. Kaya, tara na, laro na tayo!
GAWAIN 1

Ano ang pamagat ng talata? Sagot:

Tungkol saan ito? Sagot:

Ano-ano ang laro sa computer na alam mo? Sagot:

Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa talata? Sagot:

Alam mong laruin ang mga ito? Sagot:

Isalaysay kung paano ang mga ito nilalaro Sagot:

Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng lahi? Sagot:

Ano ang magandang naidudulot ng paglalaro Sagot:


sa ating isip at sa ating katawan?

Dapat pa ba nating laruin ang mga laro ng lahi? Sagot:


Bakit?

Ano-ano pang libangan ang mabuti sa ating Sagot:


isipan at pangangatawan?
GAWAIN 2

Umisip ng isang bago at orihinal na laro. Isulat ang kagamitan para dito at kung
paano ito lalaruin.

GAWAIN 3

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.

Kailan Lalaruin Sino ang maglalaro

GAWAIN 4
Piliin ang tamang pagbabaybay ng nakasaad na hiram na salita sa ibaba.

1. conference
A. komperensiya
B. kumperisiya
C. kumperensya

2. vocabulario
A. bukabularyo
B. bukabolaryo
C. bokabularyo

3. Calcium
A. Kalsyum
B. Calsiyum
C. Kalsiyum

4. Priority
A. Proyoridad
B. Prayoridad
C. Proyoriti

5. Spirit
A. Espirito
B. Espiritu
C. Ispiritu

GAWAIN 5

Baybayin ng wasto ang mga salitang may 3 o 4 na pantig.

1. ipagpatuloy

2. inanyayahan

3. kaligtasan

4. tinitingnan

5. pagtatrabaho
6. pumapalya

7. nagkakahirapan

8. nakasusulat

9. kadalasan

10. ipinasyal

References:

https://www.slideshare.net/hazelflores/ang-alpabeto-at-patnubay-sa-ispelling-ng-wikang

https://www.goconqr.com/en/quiz/2952820/pagsasanay-sa-ortograpiyang-filipino

https://lessonworksheets.com/concept/salitang-dinaglat

BATANG PINOY AKO LM pah. 18


BATANG PINOY AKO TG pah. 25-26

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto


Diksyunaryo ng
Nakakagamit ay diksyunaryo
isang aklat o libro na naglalaman ng mga salita na may
mga kahulugan.

Dito tayo nagpapaunlad ng bokabularya, ito ang nagsisilbing gabay sa


paggamit ng salita. Dito rin nakukuha ang mga kahulugan ng mga salita, o
iba't ibang mga salita, na maaaring magamit natin sa pang araw-araw na
pamumuhay, at sa pag-aaral.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/223279#readmore
GAWAIN 1

Pag-aralan mo ang isang pahina na hinango sa isang diksiyunaryo.

prototipo – orihinal; modelo; huwaran

proyekto – binalak na gawain

prunes – pinatuyong uri ng ubas

prutera – lalagyan ng prutas

publiko – taong- bayan

publisidad –anunsyo; pagsasabi sa madla

pukaw – hindi tulog

pukawin – gisingin

Ano ang pamatnubay na mga salita sa Sagot:


pahinang ito?

Ano-anong salita ang nakatala sa pahina? Sagot:

Ano-ano ang iba’t ibang entry sa diksiyunaryo Sagot:


na makikita sa pahina?

Paano inayos ang mga salita sa diksiyunaryo ? Sagot:

Paano ang tamang pagpapantig sa salitang Sagot:


pruweba ? Pukawin? Proyekto?

GAWAIN 2

Gamit ang isang diksiyunaryo, ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita.

1.bahaghari

2.haligi

3.parusa

4.sagisag

5.sira

GAWAIN 3

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang mahalagang sanggunian para higit na mapalawak ang talasalitaan o bokabularyo
ng gagamit.
A. Aklat
B. Diksyunaryo
C. Encyclopedia
D. Dyaryo

2. Ano ang tawag sa dalawang salita na nasa itaas ng bawat pahina na nagsisilbing gabay upang
mas mapadali ang paghahanap sa mga salita?
A. Kahulugan
B. Gabay na Salita
C. Pamatnubay na Salita
D. Baybay ng Salita

3. Ano ang kahulugan ng salitang BULAAN


A. Laging nagsisinungaling
B. Dokumento o liham
C. Maliit na bangka
D. Punongkahoy

4. Ano ang kahulugaan ng salitang Bulahaw


A. Paggulo sa katahimikan
B. Paggulo upang maghiwa-hiwalay ang isang pangkat
C. Kasinungalingan salita para bugawin ang mga ibon
D. Dokumento o liham

5. Ito ay isang mahalagang sanggunian para higit na mapalawak ang talasalitaan o bokabularyo
ng gagamit.
A. Aklat
B. Diksyunaryo
C. Encyclopedia
D. Dyaryo

GAWAIN 4

Iayos ang mga salita sa bawat bilang sa tamang pagkasunod-sunod ayon sa


diksyunaryong Filipino.Lagyan ng bilang.

1. _____saging 2. _____ bangko

_____mangga _____ospital

_____pinya _____pamilihan

_____abokado _____klinika

_____ mansanas _____opisina

_____papaya _____istasyon

_____rambutan _____munisipyo

_____bayabas _____ sinehan

_____pamasahe _____kasal

_____Pahiyas _____kulungan
_____pag-ibig _____kabibe

_____patalim _____ Kaaba

_____pantay _____ klase

_____paraan _____ komiks

_____pagitan _____ kultura

_____panlabas _____ kobra

GAWAIN 5
Hanapin ang kahulugan ng matatalinhagang salita sa diksyunaryo at gamitin
ito sa pangungusap.

1. alapot
Kahulugan:

Gamitin sa pangungusap:

2. durungawan

Kahulugan:

Gamitin sa pangungusap:

3. alwage

Kahulugan:

Gamitin sa pangungusap:
4. hatinig

Kahulugan:

Gamitin sa pangungusap:

5. miktinig

Kahulugan:

Gamitin sa pangungusap:

References:

https://quizizz.com/admin/quiz/5d92adfc70a68a001a940dbd/gamit-ng-diksyunaryo
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/08/paalpabetong-ayos-ng-mga-salita_3-1.pdf
https://filipinodiksyonaryo.wordpress.com/home-5-3/
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
BATANG PINOY AKO LM pah. 19
BATANG PINOY AKO TG pah. 26
Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya,
kami, tayo, kayo at sila,)

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit


sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o
kasunod na pangungusap.

Ginagamit ang panghalip Ginagamit ang panghalip Ginagamit ang panghalip na


na ako pamalit sa ngalan na ikaw sa ngalan ng siya pamalit sa ngalan ng
ng taong nagsasalita. taong kinakausap. taong pinag-uusapan.

Ang kami at tayo ay Ang kayo ay ginagamit sa Samantalang,ang sila ay


ginagamit sa unang ikalawang panauhan ginagamit sa ikatlong
panauhan upang tukuyin upang tukuyin ang taong panauhan upang tukuyin
ang taong nagsasalita sa kinakausap. ang taong pinag-uusapan
pangungusap
Pangarap Ko

Nagkuwentuhan na lamang ang magkakaibigan habang nagpapahinga si Anna sa kaniyang silid.

Jacko : Wow! Ang galing mo naman. Samakatuwid

gusto mong maging artista. Ikaw, Bobie, ano ang gusto mo paglaki?

Bobie : Nais kong maging guro. Gusto kong turuan

ang mga bata na magbasa, magsulat at magbilang tulad ni Tiya Liling. Siya ang naghikayat sa
akin na maging guro balang araw.

Maryan : Ako gusto kong maging doktor. Gusto kong

tumulong sa mga maysakit lalo na ang mga walang pera sa pagpapagamot tulad ni Anna.
GAWAIN 1

Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan? Sagot:

Ano ang pangarap ng bawat isa? Sagot:

Sino ang tinutukoy ni Jacko nang sabihin Sagot:


niyang ikaw?

Sino ang tinutukoy ni Bobie nang sabihin Sagot:


niyang siya?

Sino ang nagsabi ng ako? Sagot:


Ano ang tawag sa mga salitang ito? Sagot:

Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya? Sagot:

Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Sagot:


Siya?

GAWAIN 2

Maliit Man ay Malaki Rin

Nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa relief center upang tumulong sa pag-aayos ng


mga damit at pagkain na dadalhin sa evacuation center.

Janet : Magandang umaga po. Ako po si Janet at sila ang aking mga kaibigan. Tutulong po kami
sa inyo.

Bb. Luz : Naku, salamat naman. Sige doon kayo

pumuwesto sa may bandang dulo sa kanan.

Paki-ayos ang mga damit at mga pagkain.

Lea : Jenny, tayo na lamang ang maglagay

ng dalawang noodles sa lahat ng plastic bag.

Rosa : Lino, Eldy. Kayo naman ang bahala sa pagkikilo

ng sampung kilo ng bigas. Sila naman nina Ferdie at Fina ang bahala sa mga damit.
Janet : E ako, ano ang gagawin ko?

Myrna : Janet, tayo na lamang ang bahalang magtali ng mga supot na kanilang gagawin

Rosa : Bb. Luz, lalakad na po kami. Natapos na po

naming iempake ang damit at pagkain na ibinigay po ninyo sa amin.

Bb. Luz: Maraming salamat sa inyo ha. Maliliit man kayo ay malaking tulong naman ang
ibinigay ninyo para mapadali ang aming gawain.

Lino : Sige po.

Ano ang pamagat ng usapan? Sagot:

Tungkol saan ang usapan? Sagot:

Sino ang nag-uusap? Sagot:

Ano ang ginawa ng bawat isa? Sagot:

Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan? Sagot:

Dapat ba silang tularan? Sagot:

Sino ang tinutukoy ng kami? Tayo? Sila? Sagot:

GAWAIN 3
Isulat ang tamang panghalip sa patlang.

 sila  ikaw     kayo  kami   siya

1. Dadalaw _________ kina Tito Lenny pagkatapos ng aming klase.


2. Marina, halika muna dito. Ngayong gabi, ________ ang maghuhugas ng pinggan. 
3. Ikaw at si Martin ay kakausapin ni Gng. Cruz kaya ______ ay pinapapunta sa kanyang
opisina.
4. Maagang gumising si Mang Andy. ______ ay bibili ng pandesal sa panaderya. 
5. ________ ang nanalo sa patimpalak.

GAWAIN 4

Panuto: Tukuyin ang panghalip na panao na maaaring pamalit sa mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang panghalip sa itaas ng mga salita.

1. Sina Andres at Amalia ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang


para sa anibersaryo ng kanilang mga magulang.

2. Tutulong ako at ang kapatid ko na si Manuel sa paglinis ng kanilang bahay at


bakuran.

3. Si Ariel ang magdadala ng inumin at yelo para sa salu-salo,” sabi ni Ariel.

4. Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa at upuan.

5. Ang mga kaibigan mo at ikaw ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating


mamaya.

6. Sina Tito Joaquin at Kuya Jet ang susundo sa ibang mga panauhin.

7. Ikaw, si Amalia, at ako ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa


okasyon.
8. “Tito Joaquin! Kuya Jet! Aalis na ba si Tito Joaquin at Kuya Jet ? Maaari ba
akong sumabay sa inyo?” tanong ni Ariel sa dalawa.
9. “Magandang hapon po. Cristina Torres po ang pangalan ko. Si Cristina Torres
po ang magdadala ng keyk na ipinagawa ninyo,” sabi ni Cristina.

10. Nakikita mo ba ang babae na kausap ni Tito Joaquin? Ang babae ang may-ari
ng bakeshop na pinuntahan natin.

GAWAIN 5

Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba. Salungguhitan ang panghalip na


panao na bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga panghalip na panao sa loob ng
panaklong.

Mahal 1 (niyang, kong, kitang) Emily,

Kumusta 2 (ka, siya, ikaw) na? Pasensya na at ngayon lang 3 (ikaw, tayo,
ako) nakasagot sa sulat mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala 4
(siya, kayo, ako) sa pag-aaral. Ang paborito 5 (mong, niyang, kong) asignatura ay
Science. Dahil hindi 4 (ako, ikaw, ka) masyadong magaling sa Math, tinuturuan
ako ni Kuya Mio.

Sana magustuhan mo ang larawan na pinadala 6 (ko, mo, niya) kasama


ng liham na ito. Ang buong pamilya 7 (mo, ko, niya) ay pumunta sa isang resort sa
Laguna. Pati si Lolo Manuel sumama sa 8 (kanila, kayo, amin). Nahalata mo ba sa
larawan na tumangkad na si Kuya Mio? Nahilig nga 9 (sila, siya, ka) sa paglalaro
ng basketbol. Badminton naman ang bagong hilig ko ngayon.

Naalala mo ba ang pinsan ko na si Maya? Magkaklase na 10(ako, siya,


kami) ngayon. Bagong lipat dito ang pamilya 11(niya, namin, mo) at natutuwa siya
dahil nagkita kami. Galing sa lalawigan ng Quezon ang pamilya ni Maya kaya
marunong 12(ako, siya, tayo) mag-Tagalog. May ate at kuya si Maya. Mabait
13(sila, kayo, kami) sa akin.
Kumusta naman ang pamilya mo? Masaya ba 14(kayo, kami, ko) sa
bagong tirahan ninyo? Sana makabisita 15(ka, siya, ako) sa inyo balang araw.
Pangarap ko na magkita 16(tayo, siya, ikaw) muli. Nalungkot ako sa pag-alis mo
dahil 17(siya, ikaw, sila) ang unang matalik kong kaibigan. Sigurado ako na
18(kami, tayo, ako) ay mananatiling magkaibigan.

Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa 19(akong, ikaw,


siyang) ikukuwento sa iyo. Sabik na akong marinig muli ang boses 20(ko, mo,
niya).

Nagmamahal,

Myra

References:

http://spireuplearning.blogspot.com/2018/01/nagagamit-ang-ibat-ibang-uri-ng.html
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/10/panghalip-na-panao_2-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/10/panghalip-na-panao_3-1.pdf

BATANG PINOY AKO LM pah. 22-23


BATANG PINOY AKO TG pah. 31-32, 37-38

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nagagamit ang magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon


(pagbati, pakikipag–usap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa matatanda at hindi
kakilala, at panghihiram ng gamit)

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa


kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa
kausap.
Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit:

po, ho, opo (pangsagot sa tanong o tawag)


Makikiraan (po) (pakikiraan)
Salamat (po) (pagpapasalamat)
Maaari (po) ba? (paghingi ng pahintulot)
Walang ano man. (pagsasagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po) (pagbati)
Pasensiya na (po) (paghingi ng paumanhin)
Paki… (paghingi ng pabor o tulong)

GAWAIN 1

Isulat sa loob ng kahon ang pananalitang magalang na angkop gamitin sa sitwasyon o


pahayag na hawak ng
katambal nito.
Gusto mong
pumasok sa silid
ngunit may mga
nakaharang sa pinto.

Napunit mo ang
pahina ng angking
libro.
GAWAIN 2

Panuto: Basahin ang mga magagalang na pananalita sa Hanay A at Hanay B.


Itambal ang bawat isa sa pahayag na angkop sa paraan ng paggamit. Pagkabitin ng guhit.

1. Nakita ko itong naiwan mong aklat. Heto, O. Walang ano man.

2. Magandang gabi po. O. Mabuti naman.

3. Salamat sa paghahatid mo

sa aking kapatid. O. Salamat sa iyo.

4. Aray! Natapakan mo ako. O. Magandang gabi rin sa

iyo.

5. Opo, ligtas kaming nakauwi. O. Pasensiya na. Hindi ko


sinasadya.

GAWAIN 3

Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong.

1. Gusto mong lumabas ng classroom ngunit nasa may pintuan ang iyong guro at ag kanyang

kausap. Ano ang sasabihin mo?

______________________________________________________________________________

2. Wala ka nang papel at kailangan niyo ito sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaklase

upang ikaw ay makahingi?

______________________________________________________________________________

3. Binigyan ka ng iyong kaklase ng bagong laruan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?


4. Isang umaga, nakita mo ang iyong guro sa kalsada. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

______________________________________________________________________________

5.Natapakan mo ang paa ng iyong kaklase at siya ay nasaktan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

______________________________________________________________________________

6. Tinulungan mong magbuhat ng mga libro ang iyong guro. Nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang
iyong isasagot sa kanya?

______________________________________________________________________________

7. Aalis na ang iyong tatay papasok ng opisina. Ano ang iyong sasabihin sa kanya?

______________________________________________________________________________

8.Isang hapon, nakita mo ang iyong tito sa loob ng mall. Paano mo siya babatiin?

________________________________________________________________________

GAWAIN 4

Panuto: Tingnan ang larawan at basahin ang sitwasyon. Piliin at kulayan ang bilog ng
angkop na magalang na pananalita na iyong gagamitin.
1. Binilhan ka ng iyong tatay ng lobo. Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
O Bakit dalawa lang?
O Maraming salamat po.

2. Pupunta ang iyong ate sa palengke. Ano ang sasabihin


mo sa kanya?
O Paalam. Mag-iingat ka.
O Bumili ka nga ng mansanas

3. Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang


sasabihin mo sa taong iyong
pinaghiraman?
O Pasensya na. Hindi ko sinasadya.
O Bakit mabilis mabali ang lapis mo?

4. Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat


siya sa iyo. Ano ang
isasagot mo sa kanya?
O Walang anuman.
O Bayaran mo iyan mamaya.

5. Kagigising mo pa lamang nang pumasok sa iyong


kwarto ang iyong nanay. Paano
mo siya babatiin?
O Ano po ang pagkain?
O Magandang umaga po.
GAWAIN 5

Panuto: Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na mga sitwasyon? Tandaan ang paggamit
ng mga magagalang na salita.
1. Ngayon ay kaarawan ng iyong matalik na kaibigan. Paano mo siya babatiin?

________________________________________________________________
2. Naiwan mo ang iyong pencil case sa bahay. Nais mong hiramin ang lapis ng
kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

________________________________________________________________
3. Binigyan ka ng bagong damit ng iyong Tatay. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

________________________________________________________________

References:

http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2016/02/filipino-paggamit-ng-magagalang-na.html
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJbGRVRDZvNlhQeTQ/view
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJYVRjeGdHOXpuZXc/view
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
https://drive.google.com/file/d/0B0e7RDIoLG9YZHBrd3pyYVQ3Wnc/view

BATANG PINOY AKO LM pah. 14-15


Nailalarawan ang mga elemento ng kuwento (tauhan, tagpuan, banghay)
BATANG PINOY AKO TG pah. 15-16

Elemento ng Kwento

1. Tauhan – Ito ay 2. Tagpuan – Ito ay 3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa


tumutukoy sa mga tumutukoy kung saan pagkakasunod-sunod ng mga
panauhin sa kwento. naganap ang kwento. pangyayari sa kwento. 

Pulang Watawat
ni Maria Hazel J. Derla
“Unahan tayo!” At sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan na sina Bobie, Anna, Jacko
at Mark. Mag-uunahan silang makarating at makuha ang pulang watawat na nasa dulo ng
kalsadang ginawa nilang laruan nang hapong iyon.
Si Eva ang nagbabantay ng watawat na ito.

“Sige, takbo. Bilisan niyo,” ang sigaw ni Eva sa kaniyang mga kaibigan.

Nang biglang matapilok si Anna. Sinubukan niya muling tumakbo ngunit hindi na niya talaga
makaya ang sakit.

Tuluyan na siyang napaupo. Hindi na niya makukuha ang pulang watawat. Siya pa naman ang
nangunguna sa kanilang takbuhan. Napaiyak si Anna, talo na siya. Ipinangako pa naman niya ito
sa bunso niyang kapatid na si Celia.

Walong kamay ang sa kaniya ay bumuhat. “Sama-sama nating kunin ang pulang watawat,” ang
sabi ng kaniyang mga kaibigan.

GAWAIN 1

Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Sagot:

Saan naganap ang kuwento? Sagot:

Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Sagot:

Ano ang pangarap ng magkakaibigan? Sagot:

Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan sa Sagot:


kuwento?

GAWAIN 2
Kumpletuhin ang hinihingi ng organizer matapos basahin ang kuwento.

Paglalakbay sa Baguio
ni Maria Hazel J. Derla

Isa si Ruth sa mga batang babaeng iskawt na napili upang magtungo sa Baguio. Natuwa siya
nang payagan siyang sumama ng kaniyang mga magulang.

Agad niyang inihanda ang kaniyang mga dadalhin. Naghanda na siya ng listahan kaya madali na
niya itong matatapos. Ngunit nawawala ang kaniyang alampay. Hindi puwedeng wala ito.
Hinanap niya ito sa kaniyang kabinet ngunit talagang wala ito.

Napaiyak si Ruth. Hindi na siya makakasama kung bakit ba naman iyong pinakaimportante ang
nawawala.

Pamagat ng Kwento

Tauhan

Tagpuan

Pangyayari

GAWAIN 3

Itambal ang Hanay A sa Hanay B.

________1. Tauhan A. Karakter na gumaganap sa kwento


________2.Kasukdulan B. Lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon

________3.Banghay C. Makakamtam ang katuparan o kasawian

________4.Tagpuan D. Pangyayari sa kwento

________5.Climax E. Pataas na aksiyon o ang kasukdulan

GAWAIN 4

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Si Ana at si Tandang

Unang araw ng pasukan ngayon! Si Tandang ay maagang-maagang gumising. Nais


niyang makatulong sa bawat batang papasok sa araw na iyon. Lumipad siya sa tuktok ng bubong
ng pinakamataas na bahay sa buong baryo. Doon ay buong gilas siyang tumilaok nang tumilaok
na para
bang sinasabi niyang, “Magandang umaga, Bayan! Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!”

Nagsigising na halos lahat ng tao sa buong baryo. Ang mga inang may papasok na mga
anak ay nagsipagluto na ng agahan. Ginising at pinaghanda na ang mga bata para sa pagpasok.
Lahat ng mgamag-aaral ay abala na at gustong-gusto nang makarating muli sa paaralan para
makita at makilala ang kanilang mga bagong guro at kamag-aaral. Iginala ni Tandang ang
kanyang paningin sa buong kapaligiran. Napansin niyang tanging sa bahay lang nina Ana walang
nagising. Alam ni Tandang ang dahilan.

Si Ana ang pinakamabait at pinakamatulunging bata sa lugar na iyon. Kapag bakasyon ay


tumutulong siya sa kanyang nanay sa pagtitinda. Nang nakaraang gabi ay medyo natagalan
silang makaubos ng paninda at ginabi ng uwi, Bago matulog ay binalot pa niya ang mga notbuk
na pinamili nila
at inihanda ang lahat ng kagamitan sa kanyang lumang bag. Ito ang dahilan kung bakit tulog pa
rin si Ana at ang kanyang nanay kahit na gising na ang lahat ng kapitbahay nila. Dahil doon ay
napilitang lumipad pababa si Tandang at pumuwesto sa silong ng bahay nina Ana.

Doon ay tumilaok siya ng pagkalakas-lakas. “Tiktilaok! Tiktilaok! Ana, gising na!


Tiktilaok!” Saka lamang niya naramdamang may nag-inat at kumaluskos sa loob ng kwarto.
Maya-maya pa ay may nagbukas ng ng bintana. Nakita ni Ana na papasok na ang iba niyang
kalaro. Mabilis pa sa alas-kwatrong tiniklop niya
ang kumot at inayos ang kama. Wala siyang ibang nasambit kundi, “Salamat, Tandang. Kung
hindi dahil sa iyo ay mahuhuli sana ako sa unang araw ng pasukan.”

Naghanda na siya para sa pagpasok. Mabilis siyang kumain ng agahan at nagbihis.


Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay at lumakad ng mabilis. Dumating siya sa paaralan
limang minuto bago tumunog ang bell para sa pagpupugay sa watawat. Bumulong siya ulit ng
isang pasasalamat kay Tandang para sa pag-gising sa kanya sa araw na iyon.

Basahin ang bawat tanong at gumuhit ng « sa patlang ng tamang sagot.

1. Kailan naganap ang kuwento?


_______ noong isang taon
_______ noong Pasko
_______ noong unang araw ng pasukan
_______ noong isang buwan

2. Anong hayop ang pangunahing tauhan sa kuwento?


_______ isang aso
_______ isang ibon
_______ isang kabayo
_______ isang tandang

3. Paano ipinakita ni Tandang ang pagtulong sa mga tao?


_______ sa paggising sa kanila
_______ sa pagbibigay ng pagkain
_______ sa pag-aani ng mga pananim
_______ sa paglaban sa sabungan

4. Alin sa mga sumusunod ang ibig ipahiwatig ni Tandang sa pagtilaok niya sa umaga?
_______ “Maraming salamat, Bayan!”
_______ “Walang anuman, Bayan!”
_______ “Aalis na ako, Bayan!”
_______ “Magandang umaga, Bayan!”

5. Bakit nagpasalamat si Ana kay Tandang?


_______ dahil pinasaya siya nito
_______ dahil pinakain siya nito
_______ dahil tinulungan siya nitong mag-ayos ng kama
_______ dahil ginising siya nito

GAWAIN 5
Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Pamilya sa loob ng Kariton

“Inay, kailangan ko po ng bagong sapatos!” ang halos pasigaw na sabi ni Jeng sa


kaniyang ina.“Bagong bili ang uniporme mo, mga aklat, bag, at iba pang gamit mo para
sa paaralan. Maganda pa naman ang luma mong sapatos. Bakit mo pa kailangan ng
bago?” ang malumanay na tanong ng ina. “Inay, kasi po ang mga kaklase ko, puro bago
ang sapatos. Sa akin lang po ang luma! Nakakahiya naman po sa kanila,” ang naiiyak na
kuwento nito. “Nay, ibili mo na ako ng bago,” nagmamakaawang dagdag pa nito.

Narinig ni Mang Mario ang pag-uusap ng mag-ina. “Hay! Ibili mo na nga iyan ng
tumigil na sa kakukulit,” sabay abot ng pera sa asawa. “Yehey! May pambili na ako ng
bagong sapatos!” masayang sabi ni Jeng at pinaghahalikan nito ang ama. “Huling-huli
talaga ni Jeng ang kiliti mo,” nangingiting wika ni Aling Cely habang tinitingnan ang
mag-ama. Matrapik na nang magtungo ang mag-ina sa mall. Nilibang ni Jeng ang sarili sa
pamamagitan ng panonood sa mga nangyayari sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan
nila. Nakita niya ang isang mag- anak na nasa loob ng isang karitan. “Inay, bakit po sila
nasa loob ng kariton?” ang tanong ng bata sa kanyang Ina, sabay turo sa pamilya sa
kalsada. “Diyan sila nakatira, anak,” ang sagot ng ina.

Halatang salat ang pamilya sa lahat ng bagay. Mukhang nagugutom ang mga anak
at payat na payat ang mga ito. Nakayapak sila at maduming madumi ang suot na damit.
Ang pamilya ay nasa ilalim ng isang malaki ngunit tagpi-tagping payong na nakatali sa
kariton. Ang mga magulang nila ay nanlilimos sa mga nagdadaan. Matagal silang
pinagmasdan ni Jeng.

Pag-andar muli ng bus, bumaling si Jeng sa kaniyang ina at nagsabing, “Inay,


yung lumang sapatos ko na lang ang gagamitin ko sa pasukan. Pakintabin na lang natin
itong mabuti.” Napatingin si Aling Cely sa kanyang anak. “Anak, natutuwa ako na
nagbago ang isip mo,” ang wika nito. “Gusto mo bang bumili na lamang ng pagkain para
sa pamilyang nadaanan natin?” ang dagdag pa nito. “Sige po!” ang masayang wika ng
bata.

1. Sa umpisa ng kuwento, ano ang ipinakitang katangian ng batang si Jeng?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Anong katangian ang ipinakita ni Aling Cely?
__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, mabait ba ang tatay ni Jeng? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Sa huling bahagi ng kuwento, nagbago ang isip ni Jeng tungkol sa pagbili ng


bagong sapatos. Anong katangian ito? Bakit nagbago ang kanyang isip?

__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

References:

https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJOEVZVWVxRWxiRGc/view
https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJa25TM18zMnMzb3M/view

BATANG PINOY AKO LM pah. 21-22


BATANG PINOY AKO TG pah. 30-31

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto


Naisasalaysay muli ang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa tulong ng pamatnubay na tanong
at balangkas.

Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento

Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ayon sa panahon.


Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, kaalaman, konsepto, impormasyon, gawain, o
pangyayari sa isang kwento.
Pagdiriwang ng Pista

Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng kapistahan taon-taon. Ang lahat ay nananabik
sa pagdating ng araw ito.

Panahon ito ng pagkikita-kita ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakakilala at


magkakapamilya. Halos lahat ay nagiging abala sa pag-aayos ng sari-sariling bahay.

Ang iba naman ay nagbibigay ng oras sa pagkakabit ng banderitas. Bawat pamilya, mahirap man
o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa panauhing darating.

Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng pasasalamat sa Poong
Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi

mawawala sa puso ng bawat Pilipino

GAWAIN 1

Ano ang pagdiriwang na binanggit sa teksto? Sagot:

Paano naghanda ang mga tao bago pa man Sagot:


sumapit ang araw ng pista?

Sa mismong araw ng pista? Pagkatapos ng Sagot:


pista?

Ganito rin ba ang ginagawa ninyong Sagot:


paghahanda?

Paano ipinapakita ang pagkakaisa sa Sagot:


pagdiriwang ng kapistahan?

Ano-ano ang paniniwala kung may Sagot:


pagdiriwang ng pista?
GAWAIN 2

Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa nabasang kwento. Lagyang ng bilang 1-4.

GAWAIN 3
Amang Pipit... Nanay Pipit

“Twit! Twit!” ang huni ng mga munting inakay nina


Amang Pipit at Nanay Pipit.
“Naku! Nagugutom na ang ating mga inakay,” wika ni
Amang Pipit.
“Oo. Kailangang maghanap tayo ng kanilang
pagkain,” sagot ni Nanay Pipit.
“Sandali lamang kami ng inyong nanay. Maghahanap
kami ng inyong pagkain,” wika ni Amang Pipit.
“Twit! Twit!” parang sagot ng mga inakay sa pugad.
Lumipad nang palayo sa pugad ang dalawang ibon.

Nakakita si Amang Pipit ng malaking uod sa puno.


Tutukain na sana niya ito nang may naramdaman siyang
pumukol sa kanya.
Tinirador pala siya ng isa sa mga batang naglalaro.
Tinamaan si Amang Pipit. Siya ay bumagsak.
Samantala, si Nanay Pipit ay nakakita ng bulate.
Tinuka niya ito at mabilis na lumipad. Nadaanan niya si
Amang Pipit na hawak na sa kamay ng mga bata.
Natakot si Nanay Pipit. Baka siya makita ng mga bata.
Mabilis siyang lumipad.

Ngunit nakita siya ng tumirador kay Amang Pipit.


Kumuha ng malaking bato ang bata. Tinirador niya si
Nanay Pipit. Tinamaan at bumagsak sa lupa si Nanay
Pipit. Tuwang-tuwa ang mga bata habang hawak nila ang
dalawang ibon.
“Twit! Twit!” ang parang iyak ng mga inakay sa pugad.
Nagugutom na sila. Ang hindi nila alam, hindi na babalik
sa kanilang pugad sina Amang Pipit at Nanay Pipit.

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa kuwento. Lagyan ng 1–5 ang bawat
bilog.

___________ Naghanap ng pagkain sina Amang Pipit at Nanay Pipit.

___________Tinamaan din ng tirador si Nanay Pipit.

___________Pareho silang namatay.

___________Nagugutom ang mga inakay.

___________Tinirador ng bato si Amang Pipit.

GAWAIN 4

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon samaaaring


pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5. A.

 _____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.

 _____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubugang mga usok, unti-
unting namayat ang mga halaman. 

_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry. 


_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.

 _____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

GAWAIN 5

_____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.

 _____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay.

 _____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis nabarangay sa aming bayan.

 _____Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan.

  _____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay mulingsumigla ang mga tao

References:

https://brainly.ph/question/765693#readmore
https://printableworksheets.in/worksheet/pagsunod-sunod-sa-pangyayari
https://pdfslide.net/documents/wastong-pagkasunod-sunod-ng-mga-pangyayari.html
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto
BATANG PINOY AKO LM pah. 27-28
BATANG PINOY AKO TG pah. 41-43
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutunan sa aralin, salitang dinaglat, salitang hiram, parirala, pangungusap, at talata.

Gamit ng Malaking Titik

1. Sa unang titik ng unang salita sa pangungusap at talata.


2. Sa mga dinaglat na pangalang ng tao, araw at buwan.

Gamit ng Malaking Titik

Ginagamit sa di –tiyak na ngalang ng tao.

Mga Bantas:

Tuldok 
 (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga
salitangdinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik
Tandang Pananong
 (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging
pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong
Tandang Padamdam
 (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o
nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.
GAWAIN 1

Isulat muli ang pangungusap sa patlang. Gumamit ng malalaking titik kung saan ito
kinakailangan.

1. ako ay si rowena tolentino.


_____________________________________________________________

2. pumapasok ako sa mababang paaralan ng san isidro.


_____________________________________________________________

3. ang aking guro ay si bb. martha gonzales.


_____________________________________________________________

4. ako ay magiging walong taong gulang sa buwan ng agosto.


_____________________________________________________________

5. sina gregorio at maria tolentino ang aking mga magulang.


_____________________________________________________________

6. ang aking mga kapatid ay sina richie at rachel.


_____________________________________________________________

7. nakatira kami sa roseville subdivision sa barangay bagumbayan.


_____________________________________________________________

8. tuwing linggo, kami ay nagsisimba sa sacred heart parish.


_____________________________________________________________

9. madalas kaming mamasyal sa rizal park pagkatapos namin magsimba.


_____________________________________________________________

10. tuwing abril at mayo, umuuwi kami sa lalawigan ng quezon.

GAWAIN 2

Bilugan ang mga titik na dapat isulat sa malaking titik.


1. ang pangalan ng aking alagang aso ay coconut.

2. darating sa lunes si g. juan martin.

3. pupuntahan namin si dr. malvar sa st. john hospital.

4. karamihan sa mga pilipino ay katoliko.

5. sina jay, jason, at jessica ay magkakapatid.

6. magbabakasyon kami sa tagaytay sa buwan ng mayo.

7. magkikita kami ni melissa sa darating na biyernes.

8. nais kang makausap nina gng. ramirez at bb. domingo.

9. marumi pa rin ba hanggang ngayon ang ilog pasig?

10. galing korea ang mga darating na bisita sa huwebes.

11. sasayaw kami sa darating na pagdiriwang ng linggo ng wika.

12. nag-aaral sa unibersidad ng pilipinas si kuya gabriel.

13. aling sabong panlaba ang ginagamit mo, surf o ariel?

14. kitang-kita ang bundok apo mula sa bahay ni mang juan.

15. ang laguna de bay ang pinakamalaking lawa sa pilipinas.

16. hindi si tatay kundi si ate carla ang susundo sa inyo mamaya.

17. namasyal ang buong pamilya sa manila zoo noong sabado.

18. si pam ay isang empleyado ng philippine national bank.

19. nakapunta na si tito homer sa australya, new zealand, at japan.

20. ang lungsod ng quezon sa metro manila ay ang lungsod na may pinakamalaking populasyon.

GAWAIN 3

Bilugan ang mga salitang dapat nagsisimula sa maliit na titik.

Oilipinas Traysikel Sabado


Enero Lupa G. reyes

Pedro castillo Bakasyon St. joseph ospital

Pasko Simbahan Gunting

Pagkain Sony Pang. Aquino

Dentista Araw ng kalayaan Jose rizal

Bayani Visayas Parke

Cebu Bandila Bulaklak

Paaralan Honda Colgate

Sapatos Superman Asignatura

Telebisyon Miyerkules Nido

Magsasaka Eroplano Lupang hinirang

Laruan Bagyo Malaysia

Manila Bulletin Elepante

GAWAIN 4

Isulat sa patlang ang mga lipon ng salita na may wastong bantas upang mabuo ang
pangungusap.

1. Opo Nanay Magsasaing na po ako sagot ni Maricel


____________________________________________________________

2. Saklolo Tulungan nyo kami


____________________________________________________________

3. Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga


____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport


____________________________________________________________

5. Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990


____________________________________________________________
6. Mag uumpisa nang 6 00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan
____________________________________________________________

7. Talaga Totoo ba ang sinasabi mo


____________________________________________________________

8. Ang huling tula na isinulat ni Jose P Rizal ay ang Mi Ultimo Adios


____________________________________________________________

9. Di lang maganda mapagbigay at maunawain si Gng Tess Hernandez matalino rin siya
____________________________________________________________
____________________________________________________________

10. Ibat ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may ari ng


tindahan_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

GAWAIN 5

Piliin ang angkop na bantas na bubuo sa bawat pangungusap. Lagyan ng / ang loon
ng kahon.

1 Nakita mo ba ang pitaka ko sa mesa


 
kuwit ,
gitling -

pananong ?
padamdam !
2 Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga regalong natanggap nila
noong Pasko
 
padamdam !
kuwit ,

tuldok .
panipi " "
3 Yeheey Nanalo kami sa patimpalak.
 
panipi " "

kuwit ,
padamdam !

pananong ?

4 Waw Ang laki


naman ng isda
na nahuli ninyo.
 
gitling -
padamda
m!
kuwit ,

panipi " "

5 Ilan ang sasama sa lakbay-aral


 
kuwit ,

tuldok .
panipi " "

pananong ?

References:
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/02/paggamit-ng-malalaking-titik_1-1.pdf
https://www.academia.edu/24656672/Ang_mga_ibat-ibang_uri_ng_bantas_at_mga_gamit_nito
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/02/paggamit-ng-malalaking-titik_2-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/02/paggamit-ng-malalaking-titik_3-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/04/paggamit-ng-wastong-bantas_1-1.pdf
https://www.lessons.ph/studyaids/allschools/grade6/wika6/f6b0007a.htm

BATANG PINOY AKO LM pah. 29-30


BATANG PINOY AKO TG pah. 45-46
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalan (ito/iyan/iyon/nito/niyan/


noon/niyon)

Ginagamit ang ito kung hawak Ginagamit ang iyan kung Ginagamit ang iyon kung ang
o malapit sa nagsasalita ang hawak o malapit sa kinakausap itinuturong bagay ay malayo
bagay na itinuturo. ang bagay na itinuturo. sa nag-uusap.

Ang mga panghalip na pamatlig na nito, niyan, at niyon ay


ginagamit bilang pamalit sa mga pangngalan (nouns) o mga
pariralang pangngalan (noun phrases) na nagsisimula sa ng.

GAWAIN 1

Isulat ang na (ito, iyan, iyon) na angkop sa pangungusap.

1. Napanood mo ba ___________ palabas kahapon?

2. Maganda ba ang suot ko? Bigay _____________ ng nanay ko.

3. Ano ___________ hawak mo?

4. Malaro ang aking aso. ___________ ay laging gusto makigpaghabulan.

5. Manong, ____________ po bang Greenhills ay nasa San Juan?

6. Paborito ko ang libro na _____________. Gusto mo rin basahin?

7. Hawakan mo mabuti ____________ aso mo. Baka makakagat ng tao.

8. Tignan mo ___________ ibon, napakataas ng lipad.


9. Tignan mo ubos ni Sam ang mangga. ____________ ang paborito niyang prutas.

10.Hinog na ang mangga sa puno. Sungkitin mo na ____________.

11.Naiwan ko ang pencil case ko sa silid aralan. Itatabi naman _________ ng dyanitor.

12.Nasa tabi mo ang camera. Huwag mo kalimutan dalhin ___________ mamaya.

13.Matatanaw mo ang Taal mula Tagaytay. _________ ay isang lawa sa loob ng lawa.

14.____________ bang kotse sa labas ay sa iyo?

15.“____________ ba ang hinahanap mong lapis?” tanong ni Nanay, hawak ang nawawala kong
lapis.

GAWAIN 2

Bilugan ang tamang panghalip pamatlig ng sumsunod na pangungusap.

1. “Maganda (ito, iyon, iyan) suot mo na t-shirt.” sabi ni Erica kay Sam.

2. (Dito, Rito, Diyan, Riya) mo ilagay sa tabi ko ang aking bag.

3. Matapang ang aking aso. (Ito, Iyon, Iyan) ay nangangat kapag hindi kakilala.

4. “ (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) tayo magkita sa bahay mo.” sabi ni Adrian kay
Anton.

5. Nasa Baguio ako ngayon. Bisita ka (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) sa akin sa Baguio.
Malamig ang klima (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon).

6. Natapos ni Sam ang kanyang proyekto. (Ito, Iyon, Iyan) ay ipapasa bukas sa titser.

7. Kita pala ang Taal mula Tagaytay. Minsan akyat tayo (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon)
sa Taal.

8. Marami bang restoran (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) malapit sa bahay ninyo?

9. May kukunin lang ako sa garahe ninyo. Napunta kasi (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon,Roon)
ang aking bola.

10. Sumabit sa puno ang aking saranggola. Bukas ko na lang kukunin (ito, iyan, iyon).
11. Tignan mo ang binabasa ko na libro. (Ito, Iyan, Iyon) ay tungkol sa isang prinsesang naging
palaka.

12. (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) sa bulsa mo lang ang hinahanap mong pitaka.

13. (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) pala sa kabilang kanto nakatira ang kaibigan mo.

14. (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) sa tabi mo pala natulog si Fluffy.

15. Ang tulay (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) sa Pasig ay ginagawa.

16. Halika (Dito, Rito, Diyan, Riyan, Doon, Roon) sa harap ko.

GAWAIN 3

Salungguhitan ang panghalip na pamatlig sa bawat bilang.

1. Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay? Diyan tayo pupunta sa Sabado.

2. Akin ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa biyahe.

3. May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?

4. Ang puting van ang gagamitin natin. Bagong ayos ang makina nito.

5. Dito ka umupo sa tabi ko para magkausap tayo.

6. Huwag kayong mag-alala. Parating na kami riyan.

7. Nauna na sila sa hotel. Magkita na lang daw tayo roon.

8. Bababa na tayo ng van. Iwan mo rito ang bag mo.

9. Ngayon lang ako nakarating sa Tagaytay. Malamig pala rito.

10. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.

11. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?

12. Doon tayo tumayo para maganda ang ritrato na makuha mo.

13. Itatago ko na ang kamera. Mahina na ang baterya nito.

14. Sa Wena’s tayo pumunta. Kilala ko ang may-ari niyon.


15. Mayroong kasaba keyk na binebenta riyan.

16. Dito namin binili ang mga pasalubong.

17. May strawberry cheesecake sila. Nakatikim na ako niyan.

18. Masarap ang blueberry cheesecake na natikman ko. Ano nga ba ang mga sangkap niyon?

19. Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang lalawigan.

20. Bumili ako ng masarap na buko pie. Tiyak na magugustuhan ito ng mga anak ko.

GAWAIN 4

Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na ito, nito, dito o rito na maaaring
gamitin panghalili sa pariralang may salungguhit.

___________1. Sa ibabaw ng mesa ko iniwan ang diksiyonaryo.

___________2. Binisita nila ako sa ospital.

___________3. Ginagamit ko ang kompyuter ni Rica.

___________4. Saan mo inilagay ang sintas ng sapatos ko?

___________5. Bawal po manigarilyo sa loob ng sinehan.

___________6. Malinis at maayos na ang tulugan ng aso.

___________7. Kasama niya si Joel at Ruben sa Rizal Park.

___________8. Ang singsing ay regalo sa akin ng aking lola.

___________9. Tungkulin ng mabuting mamamayan ang magbayad ng buwis.

___________10. Sino ang magmamaneho ng bagong sasakyan?

GAWAIN 5
Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa pangungusap.
Pumili sa tatlong panghalip sa loob ng panaklong.

1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?

2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito, iyan, iyon).

3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito, iyan, iyon).

4. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.

5. Huwag kang dumaan (dito, diyan, doon) dahil basa ang sahig na iyan.

6. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan, Doon) ka umupo.

7. (Dito, Diyan, Doon) sa malayo nakaparada ang kotse.

8. May nakita akong kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan, niyon)?

9. Sino ang may-ari (nitong, niyang, niyong) basketbol na hawak mo?

10. Ito ang bisikleta ni Joseph. May butas raw ang gulong (nito, niyan, niyon).

11. Ipinagbawal ni Itay ay maglangoy na walang kasama kaya huwag kang pumunta (rito,
riyan, roon) sa dagat na hindi kasama ang kuya mo.

12. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang malambot na unan.

13. Nakita mo ba sa labas si Jeremy? Papasukin mo na (ito, iyan, iyon) dahil malapit na
tayong maghapunan.

14. Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili (ito, iyan, iyon)?

15. Kailangan kong makausap si Diane. Hanapin mo siya at sabihin mo na pumunta siya
kaagad (dito, diyan, doon).

16. Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang (itong, iyang, iyong) ginagawa ko.

17. Kanina ka pa diyan sa kotse. Ano ba ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?

18. Nakita mo ba ang kapares (nitong, niyang, niyong) medyas na hawak ko?

19. , 20. Tumawag sa bahay si Nico at sumagot si Ate Laura. “Hello, Ate Laura. Si Nico
po ito. Dumaan po ba (rito, riyan, roon) si Allan? Sabi niya po may iiwan siya para sa
akin (dito, diyan, doon).”
References:

https://teacherworksheets.co.uk/sheets/ito-iyan-at-iyon
https://samutsamot.files.wordpress.com/2012/11/aralin-sa-panghalip-na-pamatlig.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/11/pagkilala-sa-panghalip-na-pamatlig_1-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/11/pagpili-ng-tamang-panghalip-na-pamatlig_1-
1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/11/pagpili-ng-tamang-panghalip-na-pamatlig_2-
1.pdf

Pinakamahalagang
BATANG PINOY AKOPamantayan sa 40-41
LM pah. 36-37, Pagkatuto
BATANG PINOY AKO TG pah. 57-58, 64-65

Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento

GAWAIN 1

Nagmamadali Pa Naman

Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng uniporme.


Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya.

Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid.

Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na

makarating siya sa tamang tawiran.

“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya. Muntik na siya.

Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok

nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi ginawa nang
umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa kalsada.
1. Sino ang tauhan sa kuwento? Sagot:

2. Saan-saan naganap ang kuwento? Sagot:

3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Sagot:


Rosa?

4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid Sagot:


sa tamang tawiran?

5. Bakit nagmamadali si Rosa? Sagot:

GAWAIN 2

Pumikit ka. Kung maaari, makinig ng musika habang ipinaalala sa kanila ang
nagdaang bakasyon.Iguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon.
GAWAIN 3

Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni
Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay
araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regal okay buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban
nito.

Galit nag alit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng
isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya ang kanyang brilyante ay
hindi kasingliwanag ng bgrilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang malaman ngf Diyos ag tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel
sa lupa para parusahan ang malupit na babae.. Pero umabuso ang dalawnag anghel at binato nila
ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa
langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon ang mas maliwanag ay tinawag na
Araw at ang pangalawang brilyante ay tinawag na Buwan.

Bumuo ng isang kuwentong katumbas ng nabasang kuwento

References:
https://pinoycollection.com/bakit-mas-maliwanag-ang-araw-kaysa-buwan/

BATANG PINOY AKO LM pah. 41


BATANG PINOY AKO TG pah. 60

You might also like