You are on page 1of 6

FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 96



Yunit II
Pakikipagkapwa-Tao
Aralin 5: Kuwento Mo, Pakikinggan Ko!

Lingguhang Layunin
Wikang Bininigkas
Naikukuwento nang pabigkas ang nabasang teksto sa pamamagitan ng
graphic organizer
Mga Istratehiya sa Pag-aaral
Nakagagamit ng graphic organizer sa pagtatala ng mga impormasyon
mula sa tekstong napakinggan
Kasanayang Ponolohiya
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na KR
Gramatika
Natutukoy ang panghalip pananong
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at maayos ang maliliit na letra sa paraang kabit-kabit
Pag-unlad sa Bokabularyo
Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba
naman ay magkasalungat

Unang Araw
Layunin
Naikukuwento ang nabasang teksto sa pamamagitan ng graphic organizer
Paksang Aralin
Pagkukuwento ng nabasang teksto sa pamamagitan ng graphic organizer
Kagamitan
graphic organizer, tsart
Paunang Pagtataya
Ipasagot ang Paunang Pagtataya sa LM, pahina _____.
Susi sa Pagtataya (SsP)
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Tukoy-alam
Maraming beses na kayong nakarinig at nakabasa ng kuwento.
Masasabi mo ba kung ano-ano ang mga bahagi ng kuwento?
Paglalahad
Pagganyak
Itanong: Sino sa inyo ang may kaibigan?
Ano ang madalas ninyong gawin?
Saan kayo madalas maglaro?
FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 97

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Bilugan ang kasingkahulugan at ikahon naman ang kasalungat ng nasa
unahang salita.






Isulat ang bahaging ito sa tsart.
Pagtalakay
Bago magpabasa, ipaalala ang mga panuntunan sa pagbasa nang tahimik. Basahin
ang kuwentong Si Carlos at Si Felix
Iguhit sa pisara o ilagay sa manila paper ang graphic organizer na
gagamitin para sa aralin.
Ipasabing muli ang mga bahagi ng kuwento.
Ipakita ang bawat bahagi sa pamamagitan ng pagsagot sa Sagutin Natin
sa LM, pahina ____.
Maaari ring magpagawa pa ng isang pagsasanay gamit ang iba pang uri ng
graphic organizer para sa isang kuwento.
Ipabasa ang natapos na gawain.
Pagpapahalaga
Ano ang magiging bunga kung ang problema ay nasolusyunan at nalampasan?
Gawaing Pagpapayaman
Ipabasa ang maikling kuwento. Patnubayan ang mga bata sa
pagsagot gamit ang graphic organizer.
Ipasagot ang Gawin Natin sa LM, pahina ___.
Ipabasa ang nagawang graphic organizer.
Magpangkatan Tayo. Hatiin sa apat na pangkat ang klase.
Ipabasa ang maikling kuwento.Ipasulat ito sa graphic organizer para sa
Sanayin Natin sa LM, pahina ___.
Paglalahat
Ano ang nakatulong upang maikuwento ninyo nang pabigkas ag nabasang teksto?
Paglalapat
Basahin ang kuwento upang makagawa ang mga mag-aaral ng graphic organizer.
Matapos nito ipakuwento muli sa bata upang malaman kung marunong na silang
magkuwento gamit ang graphic organizer.
Ipasagot ang Linangin Natin sa LM, pahina ___.
Kasunduan
Bumasa ng isang maikling kuwento at gumawa ng graphic organizer.
Ihanda ang sarili sa pagsasalaysay.

Ikalawang Araw
Layunin
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na KR
1. nakaugalian nakasanayan nakalimutan natapos
2. tutuklawin kakainin kakagatin kukurutin
3. iminulat pumikit kumindat kumurap
4. tumibay nagpalayo nagpadikit nagpatatag
5.pagmamalasakitan pagmamahalan pagmamasid panloloko
FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 98


Paksang-Aralin
Pagbasa ng mga salitang may kambal katinig na KR
Kagamitan
flashcard, pocket chart
Tukoy-alam
Alam ba ninyo ang mga salitang may kambal katinig?
Magbigay kayo ng halimbawa.
Paglalahad
Pagganyak
Ano ang inyong naiisip sa tuwing darating ang Pasko?Bakit?
Pagtalakay
Ipabasa ang kuwento tungkol kay Lea sa Basahin Natin sa LM, pahina__.
Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin sa LM, pahina ___.
Talakayin ang kambal katinig na KR.
Magbigay pa ng ilan pang halimbawa.
Pagpapahalaga
Paano mo maipapakita ang pakikipagkapwa-tao?
Gawaing Pagpapayaman
Ipasagot ang pagsasanay sa Gawin Natin sa LM, pahina___.
Ipagawa ang Sanayin Natin sa LM, pahina___.
Ito ay magiging Pinatnubayang Pagsasanay.
Paglalahat
Ano ang kambal katinig na ating pinag-aralan? Ipabasa ang Tandaan
Natin sa LM, pahina ___.
Paglalapat
Ipasagot ang Linangin Natin sa LM, pahina___.
Gabayan ang mga bata sa pagsagot. (Ito ay Pinatnubayang Pagsasanay)
Kasunduan
Sumulat ng mga salitang may kambal katinig.
.Ikatlong Araw
Layunin
Natutukoy ang panghalip pananong
Paksang-Aralin
Pagtukoy sa panghalip pananong
Kagamitan:
larawan ng isang malaking tandang pananong, flashcard
Tukoy-alam
Ilan sa inyo ang sumasama kay Nanay sa pamamalengke?
Ano-ano ang nakikita ninyo roon?
Paglalahad
Pagganyak
Maglaro ng Magtanungan Tayo?
Kahit sino ay maaaring tanungin.
Maaaring magtanong ng tungkol sa aralin o sa mga paborito nilang
FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 99

pagkain, kulay at iba pa.
Pagtalakay
Ipabasa ang usapan sa Basahin Natin sa LM, pahina ___ at ipasagot ang Sagutin
Natin sa LM, pahina ___.
Talakayin ang mga salitang ginamit sa pagtatanong.
Talakayin ang gamit ng bawat panghalip pananong na naka bold face sa kuwento.
Pagpapahalaga
Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga matatanda kung ikaw ay
magtatanong?
Gawaing Pagpapayaman
Ipasagot ang Gawain Natin sa LM, pahina ___ at Sanayin Natin sa LM, pahina
___ upang magamit ng mga bata ang panghalip pananong.
Paglalahat
Ano-ano ang mga salitang ginamit sa pagtatanong?
Ano ang tawag natin sa mga ito?
Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM, pahina ___.
Paglalapat
Ipasagot ang Linangin Natin sa LM, pahina ___.
Kasunduan
Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip na pananong.

Ikaapat na Araw
Layunin
Naiintindihan na ang ibang salita ay may kasingkahulugan at may kasalungat
Nasisipi nang wasto at maayos ang maliliit na titik sa paraang kabit-kabit
Paksang Aralin
Pagintindi na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at magkasalungat
Pagsipi nang wasto at maayos ang maliliit na titik sa paraang kabit-kabit
Kagamitan
Lapis at papel
Tukoy-alam
Ngayong araw, aalamin natin ang mga salitang magkasingkahuluga at
magkasalungat. Alam na ba ninyo ang ibig sabihin ng mga ito?
Paglalahad
* Pagganyak
Ano ang ugali/katangian mo na katulad/kaiba sa iyong kapatid?
Nagkakasundo ba kayo sa mga bagay na magkaiba o magkapareho kayo?
Bakit?
Pagtalakay
Ipabasa ang kuwento tungkol sa mga kambal sa Basahin Natin sa LM,pahina___.
Punan ang graphic organizer sa Sagutan Natin sa LM, pahina___ upang
maipakita ang pagkakaiba ng katangian ng mga tauhan sa teksto. Talakayin ang
mga salitang magkakapareho o magkasingkahulugan at mga salitang kabaliktaran ang
ibig sabihin o salitang magkasalungat.
Pagpapahalaga
FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 100

Ano ang dapat ugaliin kapag nakikipaglaro?
Gawaing Pagpapayaman
Ipagawa ang Gawin Natin sa LM, pahina____.
Ipagawa ang Sanayin Natin bilang Pinatnubayang Pagsasanay.
Maaaring ipasulat ang bawat gawain sa manila paper.
Paglalahat
Paano natin masasabi na ang salita ay magkasingkahulugan o
magkasalungat?
Paglalapat
Ipasagot ang Linangin Natin sa LM, pahina ____.
Pagsusulat
Ipagawa ang Sulatin Natin sa LM, pahina ___ na nagpapakita ng salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat.
Kasunduan
Magbigay ng dalawang halimbawa ng mga salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat.

Ikalimang Araw
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga katanungan sa lingguhang araling napag-
aralan
Panimulang Gawain
1. Gabayan ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan bago magsimula
ang pagsusulit.
2. Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan sa
pagsusulit.
3. Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
Pagtataya
A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang angkop na salitang pananong sa
bawat salitang may salungguhit.
1. Mamasyal kami sa Rizal Park.
__________ kami mamasyal.
2. Isasama kami ni Nanay sa palengke.
__________ ang kasama namin?
3. Kaming apat ay pupunta doon.
__________ kaming pupunta doon?
4. Magdadala kami ng pagkain sa paaralan.
_________ ang dadalhin namin?
5. Manghihiram si Tatay kay Tiyo Jose ng sasakyan.
________ manghihiram ng sasakyan si Tatay.
B. Basahin ang kuwento at ilagay ang mga tanong sa graphic organizer.
Nang Maiwan si Erica
Sabado, nagpaalam si Aling Marta okay Erica upang dumalo sa
meeting. Ibinilin niya kay Erica na magsaing at huwag umalis ng bahay.
FILIPINO 2

FILIPINO 2 (Teachers Guide) 101

Nang isasalang na niya ang kaldero ng rice cooker, biglang nawalan ng
kuryente. Tinawag niya si Tiya Belen upang magpatulong sa pagsasaing. Pinuntahan
siya ni Tiya Belen at tinuruan.
Tuwang- tuwa si Nany sapagkat nakita niya si Erica na binabantayan ang
niluluto niyag sinaing.

Punan nang wastong sagot ang graphic organizer upang mabuo ang story grammar.
6. Ano ang pamagat?
7. Saan nangyari ang kuwento?
8. Sino-sino ang tauhan?
9. Ano ang suliranin?
10. Ano ang naging solusyon?
11. Ano ang gagawin ni Erica?
12. Bakita natuwa si Nanay?
13. maliit malaki
14. matalim matalas
15. magulo maingay
16. tahimik payapa
17. maaraw - maulan

Punan ang patlang ng kasingkahulugan o kasalungat na salita na babagay sa
pangungusap.

18. Ang batang matalino ay nakasasagot sa tanong ng guro. Siya ay ______ sa lahat
ng asignatura.
19. Ang langgam ay kilala sa kasipagan
Samantalang ang tipaklong ay kilala sa ________.
20. Sa araw ay maliwanag, sa gabi ay ______.
SsP
1. Saan 13. magkasalungat
2. Sino 14. magkasingkahulugan
3. Ilan 15. magkasingkahulugan
4. Ano 16. magkasingkahulugan
5. Kanino 17. magkasalungat
6. Nang maiwan si Erica 18. marunong
7. Sa bahay 19. katamaran
8. Aling Marta, Erica, Tiya Belen 20. madilim
9. Hindi marunong magsaing si Erica.
10. Nagpaturo siya kay Tiya Belen.
11. magsasaing
12. Sinunod lahat ni Erica ang ibinilin niya.

You might also like