You are on page 1of 3

Di- Masusing Banghay – Aralin sa Filipino 2

I. Layunin:
A. Natutukoy ang mga salitang kilos
B. Fgfg
C. Naisasagawa ang mga salitang kilos sa pamamagitan ng laro.
II. Paksang aralin:
A. Paksa : Pandiwa
B. Sanggunian:
C. Kagamitan: laptop, flashcards, IM’s, mga larawan
D. Pagpapahalaga: napapahalagahan ang mga salitang kilos sa pang araw-araw na
gawain
E. Stratehiya: pagkanta at sayaw
III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatakda ng lumiban sa klase
4. Pagsasanay
 Pagpapakita ng mga larawang nag sasaad ng kilos gamit ang
flashcards
5. Balik- aral
 Ano ang pangalan?
 Magbigay ng mga halimbawang pangalan ng tao, hayop, at pook
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
 Ang guro ay mag tatanong sa mag – aaral kung ano ang kanilang
ginawa bago pumunta sa paaralan.
 Pagkatapos, kakanta at sasayaw “ kung ikaw ay masaya”
“KUNG IKAW AY MASAYA”

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! ( ha ha ha!) 2x


Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka! ( ha ha ha!)

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (Pumalakpak ng tatlong beses) 2x


Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak! (Pumalakpak ng tatlong beses)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (Pumadyak ng tatlong beses) 2x


Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (Pumadyak ng tatlong beses)

Kung ikaw ay masaya, gawin lahat


(Ha ha ha!) ,( pumalakpak ng tatlong beses, ), ( pumadyak ng tatlong beses)

2. Paglalahad
 Tatalakayin ang paksang “ pandiwa”
3. Pagtatalakay

“PANDIWA”
 Ito ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw

Halimbawa:

Nagsipilyo tumawa sumayaw


Kumain tumalon nagdilig
Nagbasa naglakad nagdasal
Naligo kumaway umawit
 May mga larawang ipapakita na mga halimbawa ng pandiwa

4. Paglalahat
 Ano ang pandiwa?
 Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa
 Gaano kahalaga ang mga salitang kilos sa pang araw-araw na
gawain?
5. Paglalapat
ISAKILOS KO! HULAAN MO!
PANUTO: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat para sa laro.

PAMAMARAAN :
1) Ang guro ay may ibibigay na mga salitang kilos sa naatasang
mag-aaral.
2) Isakilos ito sa harapan hanggang mahulaan
3) Kung sino man ang mauunang makahula ay magkakaroon ng
puntos
4) Ang pangkat na may malaking puntos ay idedeklarang panalo
Mga salitang kilos na gagamitin

 Kumain
 umiyak
 Kumanta
 Nagmakaawa
 Bumili

IV. Pagtataya:
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos na nasa loob ng kahon.

Nagbasa Lapis Gumuhit

Tumalon Gunting Sumayaw

Kumain Nagwalis Naligo

Nagsipilyo Nagluto Uminom

Papel Aso Natulog

kumanta nagsulat umiyak

V. Takdang aralin:
Panuto: Magbigay ng sampung halimbawa ng pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.
Ilagay ito sa iyong kwaderno.

You might also like