You are on page 1of 11

Banghay Aralin sa Filipino 1

GLR-CT/GOLD/TS
Inihanda ni Carla L. Dacuba
L1: Filipino
L2: English

I. Mga Layunin
A. GLR – CT
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Expressive Objectives
1. Nakikilala ang wastong pag-uugali sa kabila ng pagiging iba
2. Napahahalagahan ang pagsunod sa payo ng magulang
3. Napagtatanto ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti
4. Nadarama ang kasiyahang dulot ng pagtatagumpay
5. Maaliw sa makukulay at nakatutuwang mga larawan sa aklat.

b. Instructional Objectives
1. Naipakikilala ang pangunahing tauhan sa kwento.
2. Napaghahambing-hambing ang mga tauhan sa kuwento
3. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kuwento.
4. Nakasusulat ng saloobin ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagsulat ng mga pangako
5. Nakalilikha ng isang sertipiko bilang parangal sa mabuting gawi ng tauhan sa kwento.
X Commented [e1]: Layunin para sa enrichment
B. GOLD
a. Grammar Objective
1. Matukoy ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap Commented [e2]: Huwag lagyan ng 1 kung walang 2

b. Language Objective
1. Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari at lugar

C. TS
a. For the Basic Group
1. Mabigay ang tunog ng titik Ww
2. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww
3. Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww
4. Mabasa ang mga pangungusapa na binubuo ng mga napag-aralang titik
5. Makagawa ng sariling pangungusap gamit ang mga napag-aralang titik
6. Makasagot ng mga tanong tungkol sa kwentong napakinggan

b. For the Average Group


1. Mabigay ang tunog ng titik Ww
2. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww
3. Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww
4. Mabasa ang mga pangungusap na binubuo ng mga napag-aralang titik
5. Mabasa ang isang maikling kuwento
6. Makasagot ng mga tanong tungkol sa kwentong binasa
7. Makasulat ng isang maikling kuwento

c. For the Fast Group


1. Mabigay ang tunog ng titik Ww
2. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww
3. Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww
4. Mabasa ang mga salita at pariralang binubuo ng mga napag-aralang titik
5. Mabasa ang isang tula
6. Makasagot ng mga tanong tungkol sa tulang binasa
7. Makasulat ng isang maikling kuwento

II. Subject Matter / Paksang Aralin


GLR – CT
Pamagat: Si Wako
May-akda: Virgilio S. Almario
Guhit ni: Jess Abrera Jr.
Publisher: Adarna House, Inc.
Year of Publication: 2003

GOLD
Mga Salitang Naglalarawan

TS
Titik Ww
a. For the Basic Group – Pagbuo at pagbasa ng mga salita, parirala at pangungusap
b. For the Average Group – Pagbuo at pagbasa ng salita, parirala, pangungusap at maikling kuwento
c. For the Fast Group – Pagbuo at pagbasa ng salita, parirala, pangungusap, maikling kuwento at
tula

III. Mga Kagamitan


Aklat: Si Wako (Adarna, 2003)
Tsart ng mga salita at kahulugan
Tsart ng pangkatang gawain
Tsart ng mga halimbawang pangungusap
Mga larawan at props (headdress, realia, clay, lobo, atbp.)
IV. Pamamaraan

GLR/CT

A. Bago basahin ang kuwento


1. Paghahawan ng Balakid

Salita Kahulugan Pamamaraan Kuwento


naglakwatsa Umalis; context clues Isang maulang araw, nagkasundo kaming magkakaibigang
gumala umalis ng bahay at gumala. Namasyal kami sa mall, naglaro
sa arcade at nanood ng sine. Naglakwatsa kami. (Ano ang
pilyo makulit Context clues ibig sabihin ng naglakwatsa?) Isa sa aking mga kaibigan ay
naempatso Sumakit ang tiyan Context clues napakapilyo. Umakyat siya sa pababang elevator. Kinalat
kuwago Isang uri ng ibon Larawan niya ang mga paninda. Tinawanan pa niya ang lahat ng
maglagi Manatili; huwag Context clues taong makasalubong niya. (Ano ang masasabi ninyo sa
aalis kanya? Ano ang ibig sabihin ng pilyo?) Bumili rin at
kumain ang pilyo kong kaibigan ng pagkarami-raming
pagkain: pizza, ice cream, hotdog, buko shake, at
shawarma. Maya-maya, dumaing siya na masakit ang
kanyang tiyan. Naempatso ata siya! (Ano kaya ang ibig
sabihin ng naempatso?) Napaaga tuloy ang uwi namin. Sa
daan, may napansin akong isang kakaibang ibong nakadapo
sa puno. Sabi ng pilyo kong kaibigan, ito raw ay isang
kuwago. Ganito ang kanyang hitsure. (Ipakita ang larawan.
Ano ang masasabi ninyo sa ibong kuwago?) Pagdating sa
bahay, sumalubong ang aking nanay. Hindi pala ako
nagpaalam. Ang sabi niya, sa susunod sa bahay na lang ako
maglagi kapag masama ang panahon. Huwag na raw akong
maglalakwatsa at sa bahay na lang muna. (Ano ang ibig
sabihin ng salitang maglagi?)

1. Pagganyak
Habang nagpapahinga, nilapitan ako ng aking alagang pusa. (Ipakita ang larawan ng pusa.) Ibang-iba siya
sa lahat ng pusa. Gulay ang hilig niyang kainin. Gusto rin niyang siya ay pinaliliguan araw-araw. Ang nakapagtataka pa
ay may kalaro siyang daga. Kayo ba ay may alaga ring ibang-iba sa mga tulad nito? Bakit ito naiiba?
2. Tanong na Pangganyak
Sa babasahin nating kuwento, alamin natin kung bakit ibang-iba sa lahat ang ating bida. Commented [e3]: Maaari pang mas gawing parallel

3. Pagbasa ng Kuwento
Babasahin nang malakas ng guro ang kuwento sa mga mag-aaral.
Habang binabasa ang kuwento, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
a. Bakit naiiba sa lahat ng kuwago si Wako? (Iba ang mga hilig niyang gawin) p.3
b. Anu-ano ang mga hilig kainin ni Wako? (kendi at sopdrinks) p.7
c. Ano ang madalas isumbong ng kanyang guro sa nanay ni Wako? (Pilyo si Wako.) p.11
d. Bakit may mga sugat si Wako? (Kinagat siya nga aso at sinipa ng kabayo.) p. 19
e. Ano kaya ang mangyayari kay Wako? (Tatalino at magkakaroon ng award/parangal) p.23

4. Post Reading / Pagkatapos Magbasa ng Kuwento

Engagement Activities / Pangkatang Gawain


UNANG PANGKAT
Ako si Wako
1. Ano ang pangalan ng bida sa ating kuwento?
2. Ano ang inyong masasabi sa ating bida?
Panuto: Gumawa ng character profile para sa ating bida.Buuin ang
puzzle. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon.

IKALAWANG PANGKAT
Si Wako at ang mga Kuwago
a. Bakit naiiba si Wako?
b. Tama ba ang kanyang mga ginagawa?
Panuto: Paghambingin si Wako at ang ibang Kuwago. Gamitin ang

Venn diagram sa paghahambing.

IKATLONG PANGKAT
Sanhi at Bunga
a. Bakit nagalit ang guro kay Wako?
b. Ano ang ginawa ni Wako nang pagsabihan siya ng ina?
Panuto: Iguhit ang mga nangyari kay Wako sa bawat pangyayari. Sumulat din ng isang pangungusap tungkol sa
bawat larawan.

IKA-APAT NA PANGKAT
Pangako ni Wako
a. Ano ang sinabi/ipinayo kay Wako ng kanyang ina?
b. Ano ang naging pangako ni Wako?
Panuto:Isulat ang pangako ni Wako para sa kanyang ina. Isulat ang
mga bagay na kanya nang gagawin para maging isang mabuting
kuwago.Bigkasin sa harap ng klase ang panunumpa nang nakataas ang
kanang kamay na parang tunay na nanunumpa.

IKALIMANG PANGKAT
Isang Parangal
a. Ano ang nangyari nang magbago si Wako?
b. Kung ikaw ay kaibigan ni Wako, ano ang iyong sasabihin sa kanya?
Panuto: Gumawa ng isang parangal para kay Wako. Punan ng
hinihinging impormasyon ang mga patlang. Magkaroon ng isang role
play ng paggawad ng parangal kung saan ang isang kasapi ng grupo ay
gaganap bilang si Wako, ang isang kasapi bilang ang guro, at ang
ibang mga kasapi bilang kapamilya o magulang ni Wako.

5. Pagtalakay
Mga Tanong Inaasahang Sagot GPU

Bakit ibang-iba sa mga kuwago ang ating Kakaiba ang mga bagay na hilig Literal
bida? niyang gawin.

Ano ang pangalan ng ating bida? Ang ating bida ay si Wako. Literal

Ano ang inyong masasabi tungkol kay Wako. Engagement Activity #1: Ako si Creative
Ipakilala si Wako. Wako

Masasabi ba ninyong isang karaniwang Hindi po. Naiiba ang kanyang ugali Evaluation
kuwago si Wako? Bakit? sa ibang mga kuwago.

Sang-ayon ba kayo sa mga katangian ni Hindi po. Hindi maganda o Evaluation


Wako? Bakit? nakatutulong ang kanyang mga
ibang ginagawa.

Sa palagay ninyo, maaari bang maging kakaiba Opo. Evaluation


ngunit gumagawa pa rin ng tama at Sariling sagot
nagpapakita pa rin ng wastong pag-uugali?

Paano naiiba si Wako? Engagement Activity #2: Ang Mga Creative


Kuwago at Si Wako

Ano ang maaaring mabuting maidulot ng Sariling sagot. Application


pagiging iba?
Sa iyong palagay, ikabubuti kaya ni Wako ang Sariling sagot. Evaluation
kanyang kaibahan sa ibang kuwago? Bakit?

Dahil sa mga kakaibang ginagawa ni Wako, Siya ay pilyo. Literal


ano ang madalas na tawag sa kanya?

Anu-ano ang mga ginawa ni Wako na nagdulot Engagement Activity #3: Ikaw Creative
ng masamang bagay? Talaga, Wako!

Ano naman kaya ang sinabi sa kanya ng ina Dapat hindi siya nakikipaglaro sa Literal
nang siya ay umuwing sugatan? aso o kabayo kundi sa ibang
kuwago.

Ano kaya ang ipinayo ng ina kay Wako? Sariling sagot. Inferrential

Sinunod kaya ito ni Wako? Paano mo nasabi? Opo. Nagbago si Wako. Nag-aaral Inferential
na siya at naging mas aktibo sa
klase.

Bakit mahalagang sumunod sa payo ng Ang kanilang payo ay para sa Application


magulang? ikabubuti ng anak.

Kayo ba ay sumusunod din sa payo ng inyong Sariling sagot Application


mga magulang?

Ano ang halimbawa ng payo ng magulang ang Sariling sagot Application


iyong sinunod/sinusunod ngayong araw?

Ano naman ang ipinangako ni Wako sa Engagement Activity #4: Pangako Creative
kanyang ina? ni Wako

Tinupad niya kaya ang kanyang mga pangako? Opo Inferential

Kung kayo si Wako, gagawin ninyo rin ba ang Sariling sagot. Evaluative
kanyang mga ginawa? Bakit?

Bakit mahalagang mag-aral nang mabuti? Para matupad ang mga pangarap sa Application
buha.

Ano ang naging bunga ng pagbabago ni Engagement Activity #5: Sertipiko Creative
Wako? ng Pagkilala

Ano kaya ang pakiramdam ni Wako nang Masaya siya at ipinagmamalaki Inferential
matanggap niya ang kanyang parangal? niya ang kanyang sarili.

Nais ninyo rin bang maging matalino at Sariling sagot Application


matagumpay katulad ni Wako? Bakit?

Ano ang mga bagay na kailangan ninyong Sariling sagot Application


gawin upang makamit ito?
3. Pagpapalalim (Enrichment Activity)
Tulad ni Wako, kayo rin ay maaaring magtagumpay sa pag-aaral. Ngunit bago marating ang tagumpay, anu-ano ang
maaari mong gawin bilang isang mag-aaral? Sa gawaing pansining na ito, gagawa kayo ng isang kuwago. Sa malilikha
ninyong kuwago, ididikit ninyo ang papel kung saan inyong isusulat ang mga bagay na maaari ninyong gawin upang
makamit ang tagumpay sa pag-aaral. Ito ay magsisilbing paalaala sa inyo upang lagi kayong magsumikap bilang mga
mag-aaral.
Gawaing Sining: Kuwago sa Paper Plate
Mga Kagamitan: 3maliliit na paper plate gunting 2 malaking googly eyes
Brown poster paint pandikit brush
Dilaw na construction paper
Pamamaraan:
1. Hatiin sa gitna at gupitin ang isang paper plate.
2. Pagdikit-dikitin ang mga paper plate upang makabuo ng isang kuwago. (1
para sa ulo, 1 para sa katawan, ang 2 hinating bahagi ng paper plate para sa
mga pakpak)
3. Pinturahan ng kayumanggi ang nabuong kuwago.
4. Idikit ang googly eyes. Gumupit ng dilaw na art paper para sa tuka at mga
paa ng kuwago. Idikit ito sa kuwago.
5. Punan ng sagot ang papel na ibibigay ng guro. Idikit ang papel sa katawan
ng kuwago.
5. Patuyuin sa loob ng 20-30 minuto.

GOLD
A. Pagpapakilala
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Si Wako ay isang matalinong kuwago.
2. Siya ay may pulang bola.
3. Madilim na sa gubat na tirahan ni Wako.
4. Napakasaya ng araw ng pagtatapos ni Wako.
5. Si Athena ay isang magandang diyosang may alagang kuwago.

B. Pagtuturo/ Pagmomodelo
(Ipaskil sa kaliwang bahagi ng tsart ang mga salitang ngalan at kanang bahagi naman ang mga salitang
naglalarawan.)
Anong uri ng kuwago si Wako? Matalino.
Ang salitang matalino ba ay naglalarawan sa Opo.
kuwago?
Anong uri ng salita ang “kuwago”. Ngalan ng hayop.

Anong kulay ang kanyang bola? Pula


Ang salitang pula ba ay naglalarawan sa bola ni Opo.
Wako?
Anong uri ng salita ang “bola”? Ngalan ng bagay

Anong salita ang naglalarawan sa gubat na Madilim.


tirahan ni Wako?
Anong uri ng salita ang “gubat”? Ngalan ng lugar

Anong salita ang naglalarawan sa Araw ng Napakasaya


Pagtatapos ni Wako?
Anong uri ng salita ang “Araw ng Pagtatapos”? Ngalan ng pangyayari

Anong salita ang naglalarawan kay Athena? Maganda


Anong uri ng salita ang “Athena”? Ngalan ng tao

Ano ang tawag sa mga salita na


nasa kaliwang bahagi ng tsart?
kuwago matalino
(Salitang ngalan)
bola pula
gubat madalim (Isulat ang Salitang Ngalan sa taas
Araw ng Pagtatapos napakasaya ng mga salita sa kaliwang tsart.)
Athena maganda Ano naman kaya ang tawag sa mga
salita sa kanang bahagi ng tsart?
(salitang naglalarawan)
(Isulat ang Salitang Naglalarawan sa taas ng mga salita sa kanang tsart.)

Ang salitang matalino, pula, madalim, napakasaya at maganda ay tumutukoy o naglalarawan sa mga salitang ngalan.
Tinatawag itong mga SALITANG NAGLALARAWAN.

C. Pagsasanay na may Gabay


Tawagin isa-isa ang bawat pangkat. Hahanapin nila ang nakatagong larawan ni Wako sa isang bahagi ng silid. Ang
makakahanap ng larawan ang siyang magsasagot sa pagsasanay. Ipaskil sa pisara ang tsart ng pagsasanay.
Tukuyin at bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.
Araw ng Pagtatapos ni Wako.
1. Maraming bisita ang dumalo sa pagdiriwang.
2. Dumalo ang mabait na kaibigan niyang si Wago.
3. Dilaw na kamiseta ang regalo nito.
4. Kasama din niya ang masipag na kaklase.
5. Isang supot ng kendi ang dala nito.
6. Masayang-masaya si Wako.

D. Pangkatang Pagsasanay
Maglagay ng panimula (sa bandang likod o dulo ng silid) at panapos na linya (sa harap ng silid) sa sahig. Paupuin ang
bawat pangkat sa panimulang linya. Ang unang manlalaro ng bawat pangkat ay bibigyan ng salamin (plastic/ improvised
eyeglasses). Isusuot nila ito at sa hudyat ng guro, sila ay aarteng lilipad patungo sa panapos na linya. Isusulat nila sa
whiteboard ang salitang naglalarawan na nasa pangungusap na ipapaskil ng guro sa pisara. Ang makasasagot ng tama ay
magkakamit ng isang puntos. Babalik ang mga manlalaro, habang umaarte pa ring lumilipad, sa panimulang linya at
ipapasa ang salamin sa susunod na manlalaro. Ang pangkat na magkakamit na pinakamaraming puntos ang siyang
tatanghaling panalo sa laro.
1. Si Wago ay isang masipag na ibon.
2. Makapal ang librong binabasa ni Wago.
3. Malayo ang kanyang paaralan.
4. Maaga ang pasok niya sa eskwela.
5. Tuwang-tuwa sa kanya ang matandang guro.
E. Indibidwal na Pagsasanay
Maglagay ng isang kunwa-kunwariang pugad sa harap ng klase. Ilang piling mag-aaral ang tatawagin upang bumunot ng
larawan mula sa pugad. Sila ay bubuo ng isang pangungusap na gumagamit ng mga salitang naglalarawan.
Mga larawan: bag, palengke, pista, sanggol, pusa

F. Pagtatasa
I. Hanapin at bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.
1. Malawak ang gubat.
2. Mayayabong ang mga puno dito.
3. Dito nakatira ang matapang na agila.
4. Dumating dito ang malakas na bagyo.
5. Maraming puno ang nasira.
6. Naging malungkot ang mga hayop sa gubat.

II. Isulat sa patlang ang angkop na salitang naglalarawan para sa bawat pangungusap. Piliin mula sa kahon ang
iyong sagot. Commented [e4]: Hindi ito tugma sa nauang bahagi; ibang
kasanayan ito
mayaman malamig tahimik maamo malinis

1. __________ ang buhay sa gubat.


2. __________ ang simoy ng hangin dito.
3. __________ ang tubig mula sa ilog.
4. __________ ang ilang hayop dito.
5. Tunay na __________ ang ating kalikasan.

TS
A. Pagpapakilala
Pakikinig sa Kwento: (Ipapaskil ang mga larawan habang binibigkas ang kwento.)

Narito si Wako. Dinalaw siya ng kanyang kaibigang si Wilma. Si Wilma ay isang batang Waray.
Nakatira siya sa Leyte. Waray din ang tawag sa kanilang wika.(Wika ang tawag sa salitang ginagamit ng
mga tao sa isang lugar. Hal. Ang salita ng mga taga-Maynila ay wikang Tagalog.) Siya ay isang batang
masipag. Araw-araw, nililinis niya ang kanilang bahay gamit ang walis tambo. Nililinis niya rin ang
kanilang bakuran gamit ang walis-tingting. Isang araw sa kaniyang paglilinis, nakapulot siya ng isang
kakaibang pera. May nakaukit ritong isang malaking bulaklak na tinatawag na waling-waling. Sa likuran
naman nito ay may nakaukit na isang watawat. Tuwang-tuwa siya nang makakita pa siya ng ilan pang
barya. Walo lahat ang baryang kanyang nakita. Ipapakita niya ang kanyang mga barya kay Wako kaya
dinalaw niya ito.

B. Pagtuturo/ Pagmomodelo
Balikan natin ang kwento ni Wilma at Wako.
1. Ano ang tawag sa wika ni Wilma? Waray
2. Anong uri ng bata si Wilma? Masipag
3. Ano ang ginagamit niya sa paglilinis? Walis tambo at walis-tingting
4. Ano ang napulot niya habang siya ay naglilinis? Barya
5. Anu-ano ang mga nakaukit sa barya? Waling-waling at watawat
6. Ilan lahat ang napulot niyang barya? Walo

a. Pagkilala ng pangalan ng titik (Salungguhitan ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww)
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang sinalungguhitan ko?
Ano ang umpisang titik ng bawat salita? (Nagsisimula sa titik Ww.)
Tama! Ito nga ang titik Ww.
Dahil may bago tayong kaibigang titik, papalitan natin ang simulang tunog ng ating mga pangalan. Ako na
ngayon si Teacher Warla.

b. Pagbigay ng tunog ng titik


Ano ang tunog ng titik Ww? Sabihin uli natin ang pangalan ng bawat larawan. Bigkasin ang /w/.

c. Pagsulat ng titik Ww.


Gamit ang ating mahiwagang lapis, isulat (sa hangin) ang malaking titik W. Ngayon naman, isulat ang maliit na
titik w. Tumayo ang lahat. Gamit naman ang ating katawan (bewang, siko, paa, ulo, atbp.), isulat ang malaking
titik W. Ngayon naman, isulat ang maliit na titik w.

C. Guided Practice / Practice Exercise / Individual Practice

Basic Average Fast

Oral Seatwork 1 Seatwork 1


Panuto: Basahin ang mga Panuto: Basahin ang kuwento. Panuto: Basahin ang tula.
pangungusap. Hanapin sa kahon Sagutin ang mga sumusunod na Sagutin ang mga sumusunod na
ang mga larawang tinutukoy ng tanong. tanong.
bawat pangungusap.

Seatwork 1 Oral Seatwork 2


Panuto: Pagmasdan ang larawan. Panuto: Basahin ang mga Panuto: Bakatin ang daan ni
Ikahon ang wastong pangungusap pangungusap. Pagsunud-sunurin Wilma papunta sa Walter Mart.
para sa bawat larawan.. ang mga ito upang makabuo ng Gamitin sa pagbuo ng isang
isang kuwento. kuwento ang mga salitang
madadaanan ni Wilma.

Seatwork 2 Seatwork 2 Oral


Panuto: Pagpares-paresin ang mga Panuto: Ayusin ang mga larawan Panuto: Basahin nang malakas
salita sa kahon. Gamitin ang ayon sa wastong pagkakasunud- ang kuwento. Dugtungan ang
bawat pares ng salita upang sunod ng mga ito. Isulat ang 1-3 sa kuwento sa pamamagitan ng
makabuo ng isang pangungusap. loob ng bilog. Gumawa ng isang skit o role play.
Gumuhit din ng larawan tungkol maikling kuwento tungkol sa
sa nabuong pangungusap. larawan.
Guide for Lesson Plans using the 4-Pronged
Approach

5=Excellent
4=Very Good
3=Good
2=Fair
1=Poor
NA= Not applicable

Rating Scale Eng Fil


GLR PRE-READING ACTIVITIES
Unlocked all unfamiliar words and sources of difficulty 5 5
Used appropriate and efficient unlocking methods 5 5
Developed a purpose for reading 5 5
Correct formulation of the motivation – motive question
tandem 5 4
Sub-total 20 20 19
GLR DURING READING ACTIVITIES
Choice of story was appropriate to level taught 5 5
Guide questions (3-5) were included 5 5
Students'predictions are encouraged at strategic points
in the text 5 5
Sub-total 15 15 15
CT POST READING
Engagement activities were appropriate 5 5
Discussion was well-crafted and according to the
objectives 5 5
Processing of the group outputs are integrated 5 5
All comprehension levels covered by discussion 5 5
The lesson is properly synthesized and closed 5 5
Sub-total 25 25 25
Total for GLR/CT 60 60 59
GOLD
Presentation Lesson was drawn from the story 5 5
Ample examples were given 5 5
The examples clearly show the skill focus 5 5
Children derived the grammar rule by themselves 5 5
Explicit teaching of the rules was clear 5 5
The activities are scaffolded as needed 5 5
The activities give students the chance to practice the
skills taught 5 5
Practice exercises were fun 4 5
Independent work was direclty related to the preceding
content and activities 3 4
Instructions for activities were clear 5 5
Total for GOLD 50 47 49
TRANSFER STAGE
Basic Group
Lessons were appropriate to level 4 5
Play was integrated into oral work 5 5
Seatwork content was directly related to each other and
to oral work 5 5
Instructions were clear 5 5
Seatwork activities and content was at the independent
level of performance 4 5
Average Group
Lessons were appropriate to level 5 5
Play was integrated into oral work 5 5
Seatwork content was directly related to each other and
to oral work 5 5
Instructions were clear 5 5
Seatwork activities and content was at the independent
level of performance 4 5
Fast Group
Lessons were appropriate to level 5 5
Play was integrated into oral work 5 5
Seatwork content was directly related to each other and
to oral work 5 5
Instructions were clear 5 5
Seatwork activities and content was at the independent
level of performance 4 5
Total Score for TS 75 71 75
Transmutation
Computation 96-100 1
GLR/CT Total Score / 60 X 35 35 34 91-95 1.25
GOLD Total Score / 50 X 30 28.2 29.4 86-90 1.5
TS Total Score / 75 X 35 33.13 35 80-85 1.75
74-79 2
TOTAL 96.33 98.82 68-73 2.25
Transmutation 1 1 62-67 2.5
56-61 2.75
50-55 3
40-49 4
0-39 5

You might also like