You are on page 1of 70

YUNIT III

Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang


Pagkakaisa

Aralin 1

Layunin: Nakapagpapakita ng mga kanais-


nais ba kaugaliang Pilipino
Tumulong/lumalahok sa kabayanihan
at palusong (EsP5PPP - IIIa - 23)

Paksa/ Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina

Mga Kagamitan: puzzle, activity card, kwaderno,


tsart
Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa at ipaunawa ang tula na nasa kagamitan ng


mag- aaral
2. Ipasagot ang sumusunod:
1. Mahalaga ba ang pagtutulungan sa ating
sambayanan?
2. Ano ang damdamin ng taong nakatutulong sa kapwa
niya?
3. Dapat bang ipagdamot ang iyong tulong?
4. Ang mga Pilipino ba ay likas na matulungin?
5. Ikaw ba ay matulungin din? Sa paanong paraan?
Isagawa (Day 2)

1. Ipagawa ang Gawain 1


2. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1,
iproseso ang kanilang mga sagot.
3. Muling Itanong sa kanila kung anong, pagpapahalaga
ang kanilang naipakita sa paraan ng pagtulong o
bayanihan.
4. Matapos ang Gawain ay pangkatin sa tatlong
pangkat ang mga mag-aaral para sa Gawain 2, upang
maproseso ang kanilang sagot. Gabayan sila sa
pagbubuod ng mga sagot.
5. Sa pangkatang Gawain magkaroon ng mga disiplina
ang bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)


1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang dapat gawin
sasitwasyon. Bigyang pansin ng guro ang mga kasagutan
ng bawat mag-aaral.
2. Ipabasa ang impormasyon na nasa Tandaan Natin.
Tulungan ang mga mag-aaral na maintindihan at
maisapuso ang kahalagahan ng bayanihan o
pagtutulungan.

Isabubay Natin (Day 4)

1. Patnubayan ang klase sa pagsakot ng katanungan.


2. Pag-usapan ang kanilang kasagutan.
3. Matapos pag-usapan, talakayin ang kanilang mga
sagot.
Subukin Natin (Day 5)

Isulat ang tama o mali.


1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.
2. Tumulong nang kusang-loob.
3. Isapuso lagi ang pakikipagtulingan sa kapwa
4. May kagantihang pagpipintay para sa taong
matulungin.’
5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 2

Layunin: Nakapagpapakita ng mga kanais-


nais ba kaugaliang Pilipino
Magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
(EsP5PPP - IIIa - 23)

Paksa/ Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina

Mga Kagamitan: tsart, manila paper, pentel pen,


metacard

Integrasyon: Filipino, Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Itanong: Sino sa inyo ang may mga kamag-anak na


naninirahan sa ibang bansa?
Ano ang tawag sa mga kababayang naninirahan sa ibang
bansa na padalaw-dalaw na lamang sa Pilipinas o sa
bansang pinagmulan?
2.Ipabasa ang dula “ Ang Balikbayang kamag-anak
a. Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong.

Isagawa (Day 2)

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 Tandaang


ito ay isahang Gawain. Iproseso ang mga kasagutan ng
mga mag-aaral.
2. Ipagawa ang Gawain 2
a. Bumuo ng apat na pangjkat sa inyong klase.
Maghanda amg bawat pangkat ng dula-dulaang
nagpapakita ng hung paano pakikiharapan ang mga
dumarating sa tahanan, paaralan, pamayanan at bansa.
Bawat pangkat ay may kani-kaniyang sitwasyon na
isadula.
3. Gabayan ang mga mag-aaral. Sa pangkatang Gawain
magkaroon ng disiplina ang bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Bago ipagawa ang Gawain sa Isapuso Natin na nasa


kagamitan ng mag-aaral “ Ano ang iyong gagawin kung
may darating na panauhin sa inyong tahanan kung ikaw
ay nag-iisa? Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-gawa ng
Gawain, gayundin sa pagsagot sa mga tanong.
2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin, Ipabasa
ito sa nga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag
nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na
maisapuso ito ng mga mag-aaral.

Isabubay Natin (Day 4)

Ipagawa ang A at B sa kagamitan ng mag-aaral


Subukin Natin (Day 5)

Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at


ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan na Mag-aaral

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 3
Layunin: Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain
sa pagbuo ng mga sayaw, awit, at
sining gamit ang anumang multimedia o
teknolohiya (EsP5PPP - IIIb - 24)
Paksa/Pagpapahalaga: Pananagutan
Mga Kagamitan: larawan, telebisyon, dvd
Integrasyon: MAPEH, ICT
Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)


1. Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw na
magkaperahang babae at lalake na animo’y nasa aktong
nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling
bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at
mapag-aruga, na hango sa pamamaraan ng pag-indak at
pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng
mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Pilipino,
kabilang na ang Cariñosa ang pagpapakita ng matinding
emosyon o damdamin. Sa Cariñosa, ang babaeng
mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na
panaka-naka niyang ipinagkukubli sa kanyang mukha
habang mayuming umiindak. Ang lalaking mananayaw
naman ay sumasayaw sa tila nag-aamong pamamaraan
habang nakatingin sa mga mata ng kaperahang babae. Sa
ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw
ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa’t-isa.
wikipilipinas.org

1. Ano ang Cariñosa?


2. Kailan ito naging pambansang sayaw?
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
4. Paano ito sinasayaw?

Isagawa Natin (Day 2)

Pakitang turo ng guro sa sayaw na Cariñosa. Bawat grupo


ay pasasayawin ng Cariñosa. Ito ay ibivideo nila.
Mamarkahan ang mga bata ayon sa rubrics.
Pagpepresent ng mga bata.

Isapuso Natin (Day 3)


Pangkatin ang mga bata. Ang unang pangkat ay
pagagawain ng awit na nagpapakita ng pagpapahalaga ng
kultura ng mga Pilipino. Maaaring ivideo ito ng mga bata
o aktwal na sayawin sa klase. Ang ikalawang pangkat ay
gagawa ng likhang sining na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Isabuhay Natin (Day 4)

Pagawain ang mga bata ng talata ukol sa tanong sa ibaba.

May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan


ang kanilang guro ng batang aawit. Si Rudy ay may
talento sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung
ikaw si Rudy, ano ang dapat niyang gawin? Bakit?
Subukin Natin (Day 5)

Pagpapakita o pag-exhibit ng ginawa ng mga bata. Ito ay


mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 4
Layunin: Napananatili ang pagkamabuting
mamamayang Pilipino sa
pamamagitan ng pakikilahok (EsP5PPP - IIIb - 25)
Paksa/Pagpapahalaga: Pananagutan
Mga Kagamitan: larawan
Integrasyon: Araling Panlipunan
Pamamaraan:
Alamin Natin (Day 1)
Ipakita at ipaawit ang “Bayan Ko”
1. Ano ang mensahe ng awit?
2. Ayon sa awit, bakit nahikayat ang mga dayuhan sa
Pilipinas?
3. Saan ikinumpara ang Pilipinas?
4. Ano ang nais ng sumulat na mangyari sa Pilipinas?

Isagawa Natin (Day 2)

Pangkatin ang mga mag-aaral, bawat grupo ay


magpapakita ng pagkamabuting mamamayang Pilipino sa
pamamagitan ng role playing, yell, news style, tula at
paawit. Pagpepresent ng bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)


Pagawain ng likhang sining ang mga mag-aaral na
nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagiging mabuting
mamamayang Pilipino.

Isabuhay Natin (Day 4)

Narinig mo sa isang talakayan na maraming mga


Pilipino sa ibang lugar ang di gumagawa ng mabuti.
Bilang kabataan, papaano mo maiaangat ang iyong bansa
sa mga balitang ito na di kalugud-lugod sa pagiging
Pilipino.

Subukin Natin (Day 5)

Lagyan ng kung tama ang isinasaad ng pangungusap


at kung hindi.
1. Laging makikiisa sa programa ng pamahalaan.
2. Umiwas sa mga gawaing pambayan.
3. Makibahagi sa pagpapaunlad ng inyong barangay.
4. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.
5. Handang tumulong sa mga kapwa mamamayan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 5 Matalinong Pagpapasya para sa
Kaligtasan

Layunin: Nakasusunod ng may masusi at


matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan (EsP5PPP - IIk - 26)

paalala para sa mga panoorin at


pagsunod sa mga alituntunin tungkol
sa pag-iingat sa sunog

paalaala kung may kalamidad

Paksa/Pagpapahalaga: Kamalayang Pansibiko (Civic


Conciousness)
Mga Kagamitan: manila paper, lapis, krayola,
kuwaderno, aklat

Sanggunian: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao


at Wastong Pag-uugali,
pp.186, 192

Integrasyon: Arts, Media Literacy, Science

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day1)

1. Simulan ang gawain sa pagbasa. Ipaunawa sa mga


mag-aaral ang ipinahihiwatig sa balita.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol
sa balita

a. Tungkol saan ang balitang binasa?

b. Ano ang isinagawa sa Ipil Elementary School?

c. Sinu-sino ang naguna sa gawaing ito?

d. Tama ba ang ginawa ng mga mag-aaral ng Ipil


Elementary School?

e. Bilang isang mag-aaral, gagawin din ba ninyo ang


ginawa ng mga mag-aaral sa
Ipil Elementary Schoo? Bakit?

3. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral ng may


gabay ng guro. Bigyang diin ang
tungkol sa matalinong pagpapasya para sa
kaligtasan.

4. Hikayating magkuwento ang ilang mag-aaral ng


kanilang sariling karanasan na may
kaugnayan sa matalilong pagpapasya.

Isagawa Natin (Day2)

Gawain 1

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral kung anu-


anong paraan ang maaaring gawin ng mga mag-aaral
upang makatulong sa kampanya laban sa pagkalat ng
malalaswang babasahin at panoorin sa Gawain 1 sa
Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.
2. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.

3. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral ng may


paggabay ng guro.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat.

2. Bago isagawa ang pangkatang gawain ipapaliwanag


ng guro ang pagbibigay ng puntos.

3. Magpapagawa ng poster ang guro sa bawat pangkat


laban sa pagpapalaganap ng malalaswang gawain ng may
paggabay.
4. Ipapakita at ipapaliwanag ng lider ng bawat pangkat
ang ginawang poster.
5. Markahan ang pangkatang gawain ng naaayon sa
ginawang rubrics ng guro.

6. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral


tungkol sa ginawa ng bawat pangkat.

Isapuso Natin( Day 3)

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga


sitwasyon sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga


saloobin sa bawat sitwasyon.

3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral ng may


paggabay ng guro.
Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral kung Tama


o Mali ang mga sumusunod na sitwasyon sa Isabuhay
Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral.

Subukin Natin (Day 5)


1. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng limang paraan
sa loob ng kahon na nagpapahayag o nagpapakita ng
matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.

2. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang


sagot.

3. Pag-usapan ang nagging sagot ng mga mag-aaral.


Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin
at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 6 Kasipagan at Pagmamalasakit – Likas –


KayangPag-unlad
Layunin: Nakapagpapakita ng
magagandang halimbawa ng
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
(EsP5PPP - IIId – 27)
pagiging mapanagutan
pagmamalasakit sa kapaligiran sa
pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.
Paksa/pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit
MgaKagamitan: larawan, awitnanaksulatsa manila
paper, manila paper
Integrasyon: EPP ( Agrikultura)
Pamamaraan:

Alamin Natin (Day1)

1. Bilang pagsisimula ng aralin, pakinggan ang awitin na


maari ding basahin na nakasulat sa manila paper.
2. Itanong:
a. May nabuo ba kayong kaisipan sa awitin.
3. Pangkatang Gawain, gabayan ang mga bata, ibigay
angp anuto. Pagnatapos ang bawat pangkat, ipaliwanag
ang sagot.
4. Iproseso ang mga sagot.

Isagawa Natin (Day2)


Gawain 1
Sumulat ng isang pangungusap mula sa larawan
kung ano ang dapat gawin bilang responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran sa inyong kuwaderno.

Gawain 2
1. Lumahok sa pangkat na sasabihin ng guro. Pumili ng
lider. Bawat pangkat ay ilalaan sa isang bahagi ng
paaralan na dapat bigyan ng pansin ukol sa
pagmamalasakit sa kapaligiran at pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.

2. Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung


paano ito mapapaganda. Iguhit ito ng mangyroon ng
plant box, mga nakatanim na halamang gulay o
namumulaklak at mga puno. Maglagay rin ng mga
karatula ukol sa kalinisan ng kapaligiran.

3. Pipiliin ng guro ang may pinakamaganda ng plano.


Paalaala ng Guro:
Magbigay ng takdang – aralin sa mga bata ukol sa mga
kagamitang gagamitin sa Isapuso natin.

IsapusoNatin (Day3)
Para lalo pang mapalalim at maitimosadamdamin ng mga
mag-aaralangkonseptonggustongbuuin ng
pangkat,makatutulongnaipagawaangsumusunod:

1. Sabihin:
“Ngayong araw ay nais kong maipakita ninyo sa akin ang
malalim ninyong intension namakatulong at makasunod
sa mga ipinapatupad na alintuntunin sa pangangalaga sa
ating kapaligiran. Gagawa tayo ng isang artwork mula sa
mga kagamitang ipinadala ko sa inyo kahapon.”
Itanong:
“Anong bahagi ng katawan ang maraming
nagagawa?”

2. Sabihin:
“Ang kamay, lalo na ang palad ay gagamitin natin sa ating
artwork, pagbakat sa isang buong bond paper. Berdeng
watercolor lamang ang ating gagamitin. Sasagisag ito sa
inyong matinding hangarin na mapangalagaan ang
kapaligran. Pagkatapos na ninyong magawa ito at habang
pinatutuyo ninyo ang kani-kaniyang bond paper, gawin at
buuin ninyo ang panata para sa kapaligiran na nakikiisa
sa mga programa at nagmamalasakit sa kapaligiran.
Isulat mo ito na may disenyo o binakat mong palad sa
bond paper”

3. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang ginawa at


ipapaskil sa bulletin board ng Edukasyon sa
Pagpapakatao.

PANATA PARA SA KAPALIGIRAN


Ako ay nilalang ng Diyos katulad ng kalikasan.
Katungkulan ko ang pangalagaan ang kapaligiran at ang
kalikasan.

Para sa responsableng pangangalaga ng kapaligiran,


pananagutan at pagmamalasakitan ko ang kapaligiran.
Makikiisa sa mga programa na magdudulot ng maayos at
ligtas na pamamaraan.
Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

4. Bigyang-diin angTandaan Natin. Makisali sa mga


programang ukol s apangangalaga ng kapaligiran. Ang
buwan ng Nobyembre ay itinalaga bilang Environmental
Awareness Month.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin sa kagamitan ng


magaaral sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

Sabihin:
“Tulad ng ginawa natin kahapon, alam kong na
isapuso na ninyo ang pagiging mabuting mag-aaral dahil
sa pagsunod at pangangalaga ng kapaligiran. Ngayong
araw ay nais kong Makita ang responsableng pag-aalaga
at pagmamalasakit ninyo sa kapaligiran.”
Itanong:
“Masarap ba ang pakiramdam kapag nagiging bahagi
ka ng responsableng pag-aalaga at pag-aayos ng nasirang
kalikasan.

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat


at pagpili ng lider. Ipagawa ang mga sumusunod sa bawat
pangkat. Maglaan ng oras kung gaano kahaba ang
gugugulin sa pagbuo ng mga Gawain.

Pangkat 1- Gumawa ng skit na nagpapakita ng


pangangalaga sa kalikasan.
Pangkat 2- Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga
pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.
Pangkat 3- Gumuhit ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
Pangkat 4- Gumawa ng tula tungkol sa pagaalaga at
pananagutan sa kapaligiran.
(Iproseso muli ang mga ginawa ng mga mag-aaral.
Pansinin ang pagpapakita ng bawat pangkat. Papurihan
ang mga mag-aaral na nakapagpakita ng kagalingan.)

Subukin Natin (Day5)

1. Ipahanda sa mga mag-aaral angkuwaderno. Ipasipi


ang talahan nay an at ipasagot ito.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaralang Gawain,


muli itong iproseso.
3. Mahalagang maipakita ang kanilang sagot. Bigyan ng
mga kasagutan ang mga tanong na:

• Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?


• Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot?
• Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?

Muli itong pag-isipan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 7 Pagmamalasakit sa Kapaligiran
“Tayo ay nakatira sa iisang lupa. Lupa
na may iba’tibang likas na kagandahan
at kayamanan” (EsP5PPP - IIIe – 28)

Layunin: Napatutunay ang na di – kukuha sa


kasakiman ang pangangailangan
pagiging vigilant sa mga illegal na
gawaing nakasisira sa kapaligiran.

Paksa: Pagmamalasakit
MgaKagamitan: charts, Clips, Manila paper, Larawa

Integrasyon: Science, Environmental Education

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)


1. Sabihin;
“May babasahin tayong tula na may pamagat na Disiplina
para sa kapaligiran.”
Itanong:
Ano ba ang katangian ng taong disiplinado?
Kailan natin dapat ipakita ang pagiging disiplinado?

2. Pagbuo ng salita mula sa rumbled letters


(pangkatang Gawain)
Kasakiman, vigilant,pangangalaga, nakasisira, kapaligiran
(Bigyang diin ang salitang kasakiman, vigilant, illegal, at
nakakasira

3. Ilalahad ng guro ang ilang may pinakamagandang


sagot.

4. Iproseso muli ang mga kasagutan at ilahad kung sino


sa mga pangkatang may pinaka tamang sagot.
Isagawa Natin (Day2)

Sabihin:
“Sa araw na ito ay nais kong malaman kung naunawaan
talaga ninyo ang diwa ng tula at ang mga salitang
binigyan natin ng diin.
1. Pagpapakita ng larawan ( Larawan ng kasakiman at
illeglna Gawain)
2. Magkakaroon ng pangkatang Gawain, bubunot ng
isang larawan at ipapaliwanag ito. (ayon sa panuto ng
Gawain)
3. Tatawag ng lider upang ipaliwanag ang kanilang
napag-usapan at patunayan ang kanilang sagot.

Isapuso Natin (Day3)

1. Talakayin isa isa ang mga larawan (Larawan ng illegal


at kasakiman)
Bigyang pansin ng guro ang naging bunga at reaksiyon ng
mgabata.
2. Lalong bigyan ng pansin ang magiging bunga nito
kung pababayaan ito ng mga tao. Bigyang patunay ang
mga nasa larawan sa pamamagitan ng pagkalap ng mga
sagot mula sa mga mag-aaral kung paano nila ito
mapapatunayan na di nakukuha sa kasakiman ang
pangangailangan at maging vigilant sa mga illegal na
gawaing nakasisira sa kapaligiran.
MgaLarawan PosiblengMensahe ng larawan
1 Huli na para magsisi ang mga tao, ubos na ang puno
2 Sa internet na lang nakikita ang mga magandang
kagubatan.
3 Pagkakalbo ng bundok dahil pinagkukunan ng
paggawa ng papel
4 Pagkaubos ng isda dahil sa paggamit ng dinamita

Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-


aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag na mahusay na
walang magandang resulta ang pagiging sakim at
kailangang maging mapanuri para sa kalikasan.

Isabuhay Natin (Day4)

1. Batay sa mga larawang ating nakita ukol sa gawaing


illegal na nakasisira ng kapaligiran, tayo ay magkakaroon
ng pangkatang Gawain.
2. Bawat pangkat ay magpakita at patunaya na
ngpagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakakasira
ng kapaligiran (dramatization)
Pangkat 1 – paggamit ng dinamita
Pangkat 2 – bawal na pamumutol ng puno
Pangkat 3 – pagtatapon ng basura sa kung saan
Pangkat 4 – pag-aaksaya ng tubig
Pangkat 5 – pagsusunog ng basura
“ Maaring gumamit ng props
angmgabatasapagpapalabas.”

Subukin Natin (Day5)

1. Pasagutin sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang


Subukin Natin sa kagamitan ng mag-aaral.
2. Hayaan din silang magbigay ng dahilan para sa
gawaing nakasisira sa kapaligiran.
3. Muli pagnilayanang mga sagot.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 8 Pakikiisa sa Programa ng Pamahalaan


Kaugnay sa
Pagpapanatili ng Kapayapaan
Layunin: Nakikiisa ng may kasiyahan sa mga
prorama ng pamahalaan na
may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaaan
(EsP5PPP - IIIf - 29)
paggalang sa karapatang pantao
pagggalang sa opinyon o ideya ng
iba.

Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran


(Care of the Environment)

Mga Kagamitan: kartolina, manila paper,


metacards, bond paper, kuwaderno

Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa


Makabagong Panahon
pp.9,55,242-247
Integrasyon: Sining, Gawaing Pansibiko

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipakita at ipaayos sa mga mag-aaral ang kartolina na


strips na may nakasulat na PAKIKIISA, PAGGALANG at
KARAPATAN na wala sa tamang ayos. Ipabasa ang
nabuong ideya.
2. Itanong: “Ano ang inyong pagkakaunawa o ideya sa
mga nabuong salita?”
3. Talakayin at iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Pangkatin ang klase sa apat.Bigyan ang bawat
pangkat ng metacards na may nakasulat na iba’t ibang
kaisipan na tumutukoy sa pakikiisa sa programa ng
pamahalaan kaugnay ng pagpapanatili ng kapayapaan,
paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa opinyon
o ideya ng iba.
5. Talakayin ang sagot ng bawat bawat ng may
paggabay ng guro.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Pagbabalik aral tungkol sa talakayan ng nakaraang


araw.
2. Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay
bubunot ng kanilang isasadula at bibgyan ng sapat na
oras sa pagsasagawa ng maikling dula-dulaan.
Ipapaliwanag ng guro ang pagbibigay ng puntos bago
isagawa ang gawain.

• Unang Pangkat- Nakikiisa sa mga programa ng


pamahalaan
na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng
kapayapaan.
• Pangalawang Pangkat - Paggalang sa karapatang
pantao
• Ikatlong pangkat - Paggalang sa opinyon o ideya
ng iba

3. Markahan ang bawat pangkat ng naaayon sa rubrics


na ginawa ng guro.
4. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral
tungkol sa ginawa ng bawat pangkat.
5. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral ng may
paggabay ng guro.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sundin ang panuto at ipasagot sa kuwaderno ng mga


mag-aaral ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin na nasa
Kagamitan ng mag-aaral.
2. Hayaang ipaliwanag ng mag-aaral ang kanilang sagot
sa bawat sitwasyon.
3. Ipabasa at ipaliwanag ang Tandaan Natin upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Isabuhay Natin (Day4)

1. Itanong: “Bilang isang bata, alam mob a ang iyong


mga karapatan?”
2. Ipatala ang sagot ng mag-aaral?
3. Pag-usapan ang sagot ng mag-aaral.

Subukin Natin (Day 5)

1. Sa isang buong bond paper, ang mga mag-aaral ay


gagawa ng poster tungkol sa
pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan. Bago isagawa ang gawain ipapaliwanag ng
guro ang pagbibigay ng
puntos.

2.Hayaang ipikita at ipaliwanag ng mga mag-aaral ang


kanilang ginawang poster sa
klase ng may paggabay ng guro.

3.Markahan ang mag-aaral ng naayon sa ginawang


rubrics ng guro.
Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin
at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 9
Layunin: Nakalalahok sa pangangampanya
sa pagtataguyod ng mga batas para sa
kabutuhan ng lahat (EsP5PPP - g - 30)
pangkalikasan

Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at kaayusan

Mga Kagamitan: Tsart, Manila paper, penterl pen,


metacard

Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)


1. Simulan ang aralin sa pagbasa ng isang Batas
Pambarangay.

2. Ipasagot ang sumusunod tungkol sa kanilang binasa.


a. Bakit gumawa ng batas ang konseho ng Barangay
Sta.Rosa tungkol sa suliraning pangkapaligiran?
b. Isa-isahin ang mga utos sa mga mamamayang
nasasakupan ng barangay.
c. Bakit mahalaga ang batas na ito sa Barangay Sta
Rosa?
d. Bilang mag-aaral, ano ang iyong masasabi sa
kautusan?

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1
Buuin ang talaan sa ibaba. Punan ang puwang ng angkop
na salita. Isulat ito sa sagutang papel.

Republika ng Pilipnas
Lungsod ng ___________
Barangay _____________
Pangalan______________
Magulang______________
Kaarawan_____________
1. May suliranin bas a inyong barangay tungkol sa
pangkapaligirang kalinisan?

3. Paano ka tutulong sa pagpapatupad ng batas para


sakabutihan ng lahat?

Gawain 2-Pangkating Gawain

1. Pangkatin ang klase sa tatlo.


2. Biigyan ang bawat pangkat ng metacard na may
nakasulat na sitwasyonbago gumawa ng anumang
hakbangin.

3. Ipaulat sa klase ang natapos na Gawain.

Isapuso Natin (Day 3)

Magkaroon ng pagbabalik-aralsa mga Gawain at tungkol


sa mga bata.
Bikang mga mag-aaral, paano kayo makatutulong sa
pagpapatupad ng mga batas pangkalinisan para sa
kabutihan ng lahat.

Isabubay Natin (Day 4)


Sabihin sa mga bata na magkaroonng role playing ang
bawat guro tungkol sa araling kanilang matutuhan.

Subukin Natin (Day 5)

Ipahanda samga mag-aaral ang sagutang papel ipasagot


ang Subukin Natin na nasa kagamitan ng Mag-aaral.
Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin
at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 10
Layunin: Nakakalahok sa
pangangampanya sa pagpapatupad ng mga
batas para sa kabutihan ng lahat (ESP5 PPP - IIIg -
30)
Pangkalikasan
Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan
(Peace and Order)
Kagamitan: mga larawan (batas kampanya sa
kalikasan)
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapahalaga 5pah.
33
Integrasyon: Araling Panlipunan
PAMAMARAAN:

Alamin Natin (Day 1)


1. Bago simulan ang araling ito,magpakita sa mga mag-
aaral ng mga larawan tungkol sa
Tapat ko Linis ko
Basurang itinapon mo, Babalik sayo
Clean and Green

2. Hingin ang kanilang reaksyon sa mga ipinakitang


larawan. Hikayatin ang bawat isa na
Makapagbigay ng iba’t ibang paliwanag tungkol dito.

3. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isang


seleksyon sa Edukasyon Pagpapahalaga 5 pahina 33 at
ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

a. Tungkol saan ang seleksyon?

b. Anu- ano ang binanggit na kampanya para sa


kalikasan ?
c. Anu ang mga nararapatgawin ng mga tao?

d. Sa iyong palagay ano ang maaaring gawin mo upang


mapangalagaan ang kalikasan at manumbalik ang dating
kalagayan nito?

Isagawa Natin (Day 2) Gawain 1


Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag- aaral ang
Gawain 1 sa Isagawa Natin sa kagamitan ng mag-aaral.
Gawain 2
1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Papiliin ng lider ang
bawat pangkat .
2. Bawat pangkat ay susulat ng isang slogan bilang
kampanya laban sa polusyon para sa kalikasan.
3. Pag- uusapan nila ang kanilang isinulat na islogan at
magkakaroon ng paghahanda sa pag- uulat ang pangkat.

Isapuso Natin (Day 3)


1. Ipasulat sa mga mag-aaral ang ulat ng bawat
pangkat.Magkaroon muli ng pag-uusap tungkol dito.

2. Gabayang muli ang mga mag-aaral sa pagsasagawa


ng Gawain na nasa kagamitan ng mag-aaral.

3. Ipabasa at bigyang paliwanag ang Tandaan Natin.

Isabuhay Natin (Day 4)


Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-
aaral. Ang bahaging ito ay pagpapakita ng bawat pangkat
ng “ Role Playing” ukol sa paksang pinag-aralan.

Subukin Natin (Day 5)


1. Gamit ang kwaderno ng mga mag-aaral pasagutan
ang Subukan Natin sa Kagamitan ng Mag- aaral.
2. Hingan ng insights ang mga mag-aaral hinggil sa
natapos na aralin.
Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at
ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay ang
guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 11- 12
Layunin: Nakagagawa Ng Isang
Proyekto Gamit Ang Iba’t Ibang Multimedia At
Technology Tools Sa Pagpapatupad Ng Mga Batas Sa
Kalinisan, Kaligtasan, Kalusugan At
Kapayapaan
(ESP5 PPP - III - h - 31)
Nakikiisa Nang Buong Tapat Sa Mga
Gawaing Nakatutulong Sa Bansa At
Daigdig (ESP5PPP - IIIh - 32)
Paksa/Pagpapahalaga: Kapayapaan at
Kaayusan(Peace and Order)
Mga Kagamitan: camera,pentel pen, manila paper
Sanggunian: EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA 5
Integrasyon: AP, Filipino
Pamamaraan:

ALAMIN NATIN (Day 1)


Ipabasa sa mga bata at pasagutan ang mga kasunod
na tanung.
Ang batas ay mga kautusang ginawa para sa
kabutuhan ng nakararaming tao.Ang Saligang Batas ay
batayang –batas ng lahat ng batas na umiiral sa bansa ng
pinakamataasna batas.Nakasaad ditto ang uri ng
pamamahala ng pamahalaan sa bansa.
Ang mga batas ay sumasakop sa karapatan
,tungkulin at responsibilidad ng mga mamamayan. Ang
mga batas na ito ay isinasagawa sa Mababang
Kapulungan o Kongreso at mataas na Kapulungan o
Senado. Sumasakop din ito sa lahat ng aspekto ng buhay
ng tao sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan, kaayusan
at kaunlaran sa buong bansa.
Ang mga Kauutusan ay ang mga direktibang
nanggagaling sa Pangulo ng Bansa, kinatawan o
Konggresista, gobernador, punung bayan o alkalde upang
mapangalagaan ang kapakanan ng mga tao.
Ang mga alituntunin ay ang mga kauutusang
ipinatupad ng isang grupo o pangkat upang maging
maayos ang takbo ng buhay ng mga tao.
Tanong:
1. Ano ang batas?
2. Ano ang kautusan?
3. Ano ang Alituntunin?
4. Ano ang kahalagahanng pagsunod sa mga batas,
kautusan at alituntunin?

Isagawa Natin (Day 2)


Sabihin sa mga bata na Ivideo o Irecord. Pagkatapos ay
ipapresent sa klase. Ang mga bata ay makikipanayam sa
inyong punung –barangay tungkol sa mga alituntuning
ipinatupad sa inyong barangay. Isulat din ang pangal ng
inyong Barangay, Bayan,punung-barangay at palagdain.
PANGALAN NG PUNUNG-
BARANGAY:_____________________________________
BARANGAY:
______________________________________________
____________
BAYAN/ LUNGSOD :
______________________________________________
______
MGA ALITUNTUNING IPINATUPAD:
________________________________________
______________________________________________
______________________

Isapuso Natin (Day 3)


Pagawain ang mga bata ng video clips o short
movie tungkol sa pagsunod sa batas. Ipaliwanag ito at
ipresent ito sa klase.
Isabuhay Natin (Day 4)
Ipasagot sa mga bata sa pamamagitan ng paggawa
ng talata o I voice record o pabalitang pag uulat..”Kung
ikaw ay gagawa ng batas, anong batas ang iyong
uunahing gawin at paano ito ipatutupad.”

Subukin Natin (Day 5)


Pasagutan sa kwaderno ng mga bata.
A. Isulat ang SA kung sang-ayon at DSA kung di- sang
ayon sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Dapat na patawan ng karampatang parusa ang mga
lumalabag sa batas.
2. Ang batas para sa mahihirap at mayayaman ay
pantay.
3. Ginawa ang mga batas upang madisiplina ang mga
tao.
4. Ang apgsunod sa batas ay pagpapakita ng
pagmamahal sa bansa.
5. Malalakas ang loob ng mga taong lumalabag sa
batas.

B. Pagawain ang mga bata ng isang video clips na


nagpapakita ng mga paraan ng pagsunod sa batas.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.
Aralin 13
LAYUNIN: Nakalilikaha ng isang proyekto na
nagpapakita ng pagtulong sa bansa at
daigdig gamit ang iba’t ibang technology tools.
(ESP5PPP - IIIi - 33)

Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan


(Peace and Order)
Kagamitan: camera,pentel pen, manila paper
Sanggunian: Edukasyong Pagpapakatao 5
Integrasyon: Araling Panlipunan
Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)


Ipakita sa mga bata ang mga larawan at sagutin ang
kasunod na tanong.
Larawan na nagpapakita ng Pagtulong sa bansa at sa
daigdig.
(Larawan pah.174 Edukasyong Pagpapahalaga5)
Batay sa larawan, anu- ano ang iyong magagawang
tulong sa kanila? Anu ano ang mga
Paraan ng pagtulong?
Isagawa Natin (Day 2)
Pasagutan sa mga bata. Isulat sa paligid ng puso
ang uri ng mga taong nais mong tulungan at sa loob nito
ay kung paano mo sila tutulungan.

Isapuso Natin (Day 3)


Pagawain ang mga bata ng talata ukol sa sumusunod na
tema.
Para sa akin ang pagtulong ay
______________________________________________
__

Ako ay makakatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng


______________________________

Isabuhay Natin (Day 4)


Bawat grupo ay pagawain ng video clips ukol sa
sagot nila sa tanong sa ibaba.
Naglunsad ng proyekto ang inyong punong- bayan
tungkol sa pangangalaga sa yaman- dagat at sa Inang
Kalikasan. Sa paanong paraan ka makatutulong sa
proyektong inilunsad?

Subukin Natin (Day 5)


Pagawain ang unang grupo ng diorama/ collage na
nagpapakita ng mga paraan ng mga pagtulong sa bansa
at sa daigdig gamit ang mga recycled materials o mga
gamit sa inyong kapaligiran.
Pagawain ang ikalawang grupo ng video clips o voice
record ukol sa mga paraan ng pagtulong sa bansa at sa
daigdig.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin


at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay
ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

YUNIT IV

Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa


Kabutihan
Aralin 1
Layunin: Pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng Kapuwa
at sa
Kinabibilangang pamayanan (EsP5PD-IV-a-d-14)

Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad,
Pananalig/Pagmamahal sa Diyos, Pag-asa
Mga Kagamitan: Larawan ng kalamidad at mga
biktima,Kuwaderno, bond paper, papel

You might also like