You are on page 1of 6

Page 1 of 6

RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT


th
Learning Area: FILIPINO Grade 6 (5 WEEK)
Title: 104.6 FM Radio Mango
Length: 25 minutes
Scriptwriter: JASMIN C. GALOPE
Objectives: PAGGAMIT SA USAPAN AT IBA’T IBANG SITWASYON NG MGA URI NG PANGUNGUSAP

Time TECHNICAL SPIEL


INSTRUCTIONS
1:00-1:25 Sulong Tarlac, Angat Tarlac! Handog ang magandang kinabukasan, gamit ang tinig ng kaalaman. Halina’t sama-sama nating abutin ang
pangarap sa gitna ng pandemyang kinakaharap, upang sama-samang aangat. Edukasyon para sa lahat. Sumasainyo ang 104.6 FM Radyo
Mango! Mangolago Una sa Pagbabago.
BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
/GREETINGS Magandang araw mga masisigasig na mag-aaral ng ikaanim na baitang .

Ako ang inyong Titser Jasmin ang inyong tulay sa pagkatuto para sa asignaturang Filipino ng Ikaanim na baiting. Samahan niyo ako sa
dalawampu’t limang minutong makabuluhang talakayan.
5secs BIZ: MSC UP AND OUT
Bago tayo magsimula sa ating mga gawain para sa araw na ito, mangyari lang na ihanda ang inyong mga Learner’s Activity Sheet, ang
inyong papel at pansulat.

Handa na ba ang mga ito? Mabuti naman kung ganun.

Siguruhing kayo ay nasa tahimik at komportableng lugar kung saan malinaw at maayos na naririnig ang ating broadcast. Kumusta na kayo?
Kumain na ba kayo? (PAUSE) Mabuti kung ganoon nang maging alerto at makapagbahagi sa klase. Alam kong handa na ang inyong mga
ON CAMERA isip upang mas lalong maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

Para makapagbahagi sa ating talakayan ay maari kayo magpadala ng kasagutan sa aking messenger account/ messenger Group Chat para sa
asignaturang Filipino o kaya sa aking numerong 09212525706. Kung sa facebook livestream naman ay maari parin makibahagi sa
pamamagitan ng pagtype ng inyong kasagutan sa comment box.

Paalala lamang sa mga magulang ng mga mag-aaral na nakatutok sa ating livestream ay gabayan ang inyong mga anak sa paglalagay ng
komento dito. Salamat.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ang paksang aralin natin para sa araw na ito ay

PAGGAMIT SA USAPAN AT IBA’T IBANG SITWASYON NG MGA URI NG PANGUNGUSAP


uulitin ko -MORE-
PAGGAMIT SA USAPAN AT IBA’T IBANG SITWASYON NG MGA URI NG PANGUNGUSAP

1|Page
Page 2 of 6

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


ON CAMERA Bago tayo dumako sa ating aralin ngayon, tayo muna ay magbalik-aral.

-MORE-

2|Page
Page 3 of 6

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Sa panahon ng pandemiko kinakailangan na tayo ay maging alerto. Basahin ang usapan at tuklasin ang paraan upang maging ligtas sa

3|Page
Page 4 of 6

panahong ito. Sa iyong pagbabasa, pansinin ang pagkakaiba ng mga pangungusap na ginamit. Ano-ano ang nais nitong ipahayag?

Paghahanda at Paalaala
ni Maricel P. Ceynas,Villaflor E/S

(Isang araw nag-uusap ang magkaibigang si Pedro at si Juan)


Juan: Napanood mo ba ang balita kahapon tungkol sa virus?
Pedro: Oo, naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa ating mga baga.
Kaya mahirap ito sa mga matatanda at mga may sakit sa paghinga.
Juan: Kaya nga eh, kailangan nating mag-ingat. Sundin natin ang mga babala na ipinatutupad, tulad ng bawal ang mga handaan at
pagdiriwang ng maramihan.
Pedro: Dumistansiya ng anim na talampakan sa bawat isa , magsuot ng face mask at maghugas ng kamay.
Juan: Madali lang ang gagawin para tayo ay ligtas. Kaya gawin natin para
maganda ang kapupuntahan.
Pedro: Tama, para sa pamilya natin at para sa ibang tao.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang na hango sa binasang
usapan. Pagkatapos sagutin ang mga gabay na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Napanood mo ba ‘yong balita kahapon tungkol sa virus?
2. Naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa ating mga baga.
3. Sundin natin ang mga babala na pinatutupad.
4. Madali lang ang gagawin para tayo ay ligtas.
Mga Gabay na tanong:
1. Sa mga nakatalang pangungusap sa bawat bilang sa itaas, alin-alin dito ang
mga pangungusap na nagsasalaysay? Nagtatanong? Nag-uutos?
Nagpapahayag ng damdamin?
2. Ano ang bantas na ginamit sa pangungusap na nagsasalaysay? Nagtatanong?
Nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin?
3. Ano-ano ang mga uri ng pangungusap na ginamit sa usapan?

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


TANDAAN
Iba-iba ang mga uri ng pangungusap na maaaring gamitin sa usapan at sa iba’t ibang sitwasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pasalaysay o Paturol- Ito ay pangungusap na ginagamit sa paglalarawan, pagkukuwento, pagsasabi at pagsasalaysay ng isang
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking letra at nagtatapos sa bantas na tuldok. (.)
Halimbawa: Madali lang ang ating gagawin para tayo ay maligtas.
2. Patanong- Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong. Nangangailangan ito ng kasagutan. Nagsisimula ito sa malaking letra at
nagtatapos sa bantas na tandang
pananong. (?) Halimbawa: Napanood mo ba ang balita tungkol sa virus?

4|Page
Page 5 of 6

3. Padamdam- Ito ang tawag sa uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding


damdamin tulad ng takot, tuwa, gulat at iba pa. Nagsisimula sa malaking letra
at ginagamitan ng tandang pandamdam (!) ang pangungusap na ito. Ito ay
maaaring isang salita lamang o ekspresyon na maaaring maunawaan agad.
Halimbawa: Naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa ating baga.
4. Pautos-Ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagsisimula sa malaking letra at
nagtatapos din sa bantas na tuldok. (.) Gumagamit ng ekpresyon na paki at maki ang magalang na pag-uutos.
Halimbawa: Sundin natin ang mga babala na pinatutupad.

A. Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Kilalanin ang uri ayon sa
gamit kung ito ay pasalaysay, pautos, patanong o padamdam . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
________________1. Kunin mo ang mga paso sa tindahan.
________________2. Naku! Napakamahal naman ng halaman na iyan.
________________3. Saan mo nabili ang matabang lupa na ginamit mo sa pagtatanim?
________________4. Halos karamihan sa tao ngayong panahon ng pandemya ay nahilig sa paghahalaman.
________________5. Aray! Natusok ako ng tinik ng rosas.
________________6. Kailan kaya mamumulaklak ang aking tanim na Daisy?
________________7. Lagyan mo ng pataba ang mga pananim.
________________8. Kailangan ng sapat na tubig ang palayan.
________________9. Marami ba ang inani ng mga magsasaka ngayong taon?
________________10.Yehey! Malapit na ang bakasyon.

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


A. PAGTATAYA:
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).
____ 1. Dito tayo sasakay ng dyip.
____ 2. Dadaan po ba kayo sa palengke?
____ 3. Hoy, bawal sumingit sa pila!
____ 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.
____ 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
____ 6. May bakanteng upuan pa ba?
____ 7. Huwag kang sumabit sa dyip.
____ 8. Walong piso ang pasahe.
____ 9. Pakiabot po ang bayad ko.
____ 10. Kunin mo ang sukli.

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


5|Page
Page 6 of 6

Sa wakas ay natapos na natin ang ikalimang aralin para sa asignaturang Filipino. Nawa ang lahat ng inyong natutunan sa araw na ito ay
inyong maisaulo, maisapuso at maisabuhay.

Siguruhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid 104.6 FM Radyo Mango, tuwing Martes sa ganap na 1:00-1:25 ng hapon para sa
asignaturang Filipino ng ikaanim na baitang.

Hanggang sa muli, ako si Titser Jasmin. Ang inyong guro sa Filipino.

Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas.

Laging tandaan, na ikaw ay ABAKADA – Ako Bibo Kasi Dapat. Paalam!


- END -

6|Page

You might also like