You are on page 1of 2

LESSON PLAN IN

FILIPINO 5
WEEK DAY
I. Layunin
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
B. Pamanatayan sa Pagganap Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari..
C. Learning Competencies Naibabahagi ang obserbasyon sa kapaligiran
Naisasakilos ang napakinggang awit.
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin Pagsasakilos ng Napakinggang Awit
Pagbabahagi ng Obserbasyon sa Kapaligiran
B. Sanggunian Bahaghari ph.109-112
F5PS-IV-f-3.1
C. Mga Kagamitan Awit (Video Clip) ,Larawan
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral Anu-ano ang mga Uri ng Pangungusap, magbigay ng pangungusap sa bawat
uri.
1.Pasalaysay o Paturol 3.Pautos
2.Patanong 4.Padamdam
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
B. Pagsasanay Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa
pangungusap.
1. Pagpanaw- 4. Binawi-
2. Hinihiling- 5. Wasak
3. Biyaya-
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
C. Pagganyak Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng kapaligiran. Paggamit ng stratehiyang Critical
and Creative Thinking at HOTS base sa obserbasyon tungkol sa larawan.
Ibigay ang obserbasyon tungkol sa larawan.
Ano ang sanhi at bunga ng mga eto.
May alam ba kayong awit tungkol sa kapaligiran? Ano ito? Awitin
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
D. Paglalahad Integrasyon ng asignaturang MAPEH at AGHAM
Paggamit ng Audio Visual Presentation
Ipanood ang video clip ng awiting Masdan moa ng Kapaligiran ng Asin. Habang
pinapanood ang video clip, isulat ang obserbasyon tungkol sa awit.
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
E. Pagtatalakay Paggamit ng stratehiyang Critical Thinking at HOTS
Ano ang masasabi mo tungkol sa awit?
Ano-ano ang mga problemang nabanggit sa awiting ito?
Paano mo pahahalagahan o iingatan ang iyong kapaligiran.
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
IV. Pagpapayamang Gawain
A. Pangkatang Gawain Paggamit ng stratehiyang Think, Pair and Share
Pagtambalin ang mga bata sa klase, base sa linya ng awiting narinig, ipaliwanag
ninyong magkapareha ang pahayag ng mga sumusunod na linya ng awit sa 2 o 3
pangungusap.
1. Masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul nagyo’y naging itim.
2. Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman.
3. Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag,
Ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan.
B. Paglalapat Integrasyon ng asignaturang AGHAM
Ibigay ang maaaring bunga ng mga pangyayari ayon sa mga sumusunod na sanhi.
SANHI BUNGA
1. Pagtatapon ng basura sa ilog
_____________________________
2. Pagputol ng mga puno
_____________________________
3. Pagsunog ng basura
_____________________________
4. Pag aksaya ng papel
_____________________________
5. Pag aaksaya ng tubig
_____________________________
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
C. Paglalahat Paggamit ng stratehiyang Collaborative learning
Sa pamamagitan ng pag-awit, gumawa ng jingle na naglalawaran ng tamang
pangangalaga ng ating kapaligiran.
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
D. Pagpapahalaga Integrasyon ng asignaturang ESP
Paggamit stratehiyang Creative and Critical Thinking skills
Paano mo bibigyang halaga ang ating kapaligiran?
(Purihin ang mga batang nakapagbigay ng kanilang opinyon o sagot sa
pamamagitan ng pagpalakpak)
V. Pagtataya ng Aralin Paggamit ng stratehiyang Discovery Learning
Lumabas ng silid-aralan at obserbahan ang kapaligiran ng paaralan. Isulat ito sa buong
papel. Kung may kakayahan kang baguhin ang kapaligiran , ano ito at bakit?
VI. Karagdagang gawain para sa Sa pamamagitan ng larawang ipakikita ng guro, bumuo ang bawat grupo ng poster o
takdang aralin at remediation panuto ng pag-iwas sa mga gawaing ito upang pahalagahan ang kapaligiran
VII. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

You might also like