You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin
a. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag unawa ng napakinggan
b. Naipapahayag ang mga mensahe ng kantang “Sino Ako”
c. Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan.
II. Paksang Aralin – Pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon sa napakinggang isyu o
usapan.

Sanggunian – LM pah. 138-139

Kagamitan – Powerpoint, Video clip

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Pagbati

Magandang hapon mga bata! -Magandang hapon din po sir!

B. Paglilinang
a. Paghahabi sa layunin ng aralin
Nanonood ba kayo ng balita? -Opo sir!
Magaling, ano ang mga naririnig niyong balita? -Pagputok ng taal!
-Pagtaas ng presyo ng gasolina!

Lahat yan ay tama, ano ba ang tawag sa mga


balitang yan? -Sir isyu po!
Ngayon, meron akong ipapanood na video ng
isyu patungkol sa Wuhan nCov. Pakinggang -Opo sir.
mabuti dahil mayroon akong mga katanungan
pagkatapos. Maliwanag?

(Magpapakita ng video na nagtatalakay ng isang


isyu)

b. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin
Tungkol saan ang bidyo? -nCov po sir!

Ano ang naramdaman mo nung napanood


moa ng bidyo??

Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan, ano


ang gagawin mo?
c. Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan
Meron ko ditong mga piraso ng papel na nag
lalaman ng balita. Pipili ako ng tatlong
estudyante na magbabasa sa harap. Yung mga
nasa di naman natawag ay mag bibigay ng
reaksyon o opinyon sa narinig na balita.
Maliwanag?

(Tatawag ng magbabasa sa harapan)

Magaling! Ano ang masasabi niyo sa narinig na


balita?

Mahusay!
(Tatawag ng susunod na babasa!)

Magaling! Ano naman ang opinyon niyo ukol


sa balitang ito?

Tama!
(Tatawag ng huling magbabasa)

Maraming salamat! Ano naman ang inyong


opinyon tungkol dito?

Mahusay! Tama lahat ng sagot.

d. Paglalahat ng Aralin
Bakit mahalaga na makinig mabuti sa isang
isyu o sitwasyon bago magbigay ng sariling
opinyon o reaksyon?

Ano ang natutunan ninyo sa aralin?

IV. Pagsusuri

PANUTO. Magpabigay ng sariling reaksyon o opinyon sa sumusunod na sitwasyon.

1. Pagiging adik ng mga mag-aaral sa Online games.


2. Mahabang oras sa facebook kaysa sa pag-aaral
3. Pagiging tamad sumulat at bumasa ng mga mag-aaral

V. Takdang Aralin
Gumupit ng lathala ng balita at idikit ito sa kwaderno.

You might also like