You are on page 1of 7

Name: Belando, Joey V.

Date Submitted:
Subject: Filipino III section Pearl Date of Teaching: Marso 18-19
Oras: 10:40 - 11:20 ng umaga

I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang magagawa ang
sumusunod ng may 75% kahusayan:
a. Nalalaman ang ibat-ibang babala na madalas makita sa paligid
b. Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid
c. Nabibigyang halaga ang bawat babala ukol sariling kaligtasan

II. NILALAMAN
Paksa: Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid
Kagamitan: Visual Aids, Incentive
Chart, Laptop, Marker at mga Larawan
Sanggunian: K12 MELCS
Pagpapahalaga: Naisasabuhay ng tama ang bawat babala sa pagsunod ayon
sa isinasaad nito ukol sa sariling kaligtasan
Pamamaraan: Eksplisit na Pagtuturo

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat mga bata para sa ating panalangin (Ang mga mag-aaral
ay nagsitayuan) Sumunod lamang sa aking ipapakitang bidyo at bago iyon, sa
mga katoliko (Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Ispirito Santo…Amen).

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! (Magandang umaga din po Guro) Ikinagagalak
ko kayong makita (Ganun din po kami) Maraming salamat (Walang pong anuman).

Pampasiglang Gawain
Bago kayo magsiupo, kakanta muna tayo ng Filipino song Kung ikaw ay
masaya. Susundan niyo lamang ako, handa naba ang lahat? (Handa napo)
simulan na natin.
(Isinagawa ang sayaw)

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


Mayroon bang lumiban sa araw na ito? (Wala po guro) Okay Mabuti
kung ganun higit ikinatuwa na lahat gustong matuto sa araw na ito at dahil walang
lumiban ngayong araw bigyan natin ang ating mga sarili ng mommy junesia clap.

5. Mga Alituntunin sa Silid- Aralan


Para sa mga alituntunin sa silid-aralan ay pakatandaan ang mga sumusunod:
Maliwanag ba mga bata? (Opo guro) Magaling!
4. Paglalahad ng incentive chart
Sa pagkakataong ito ay ipapangkat ko kayo sa tatlong pangkat.

5. Pagbabalik-aral
Ngayon, Sino pa ba ang nakaalala sa inyo sa paksang ating tinalakay noong
nakaraang mga araw? Wala? Nakalimutan agad? Sige makinig ng mabuti ang
tinalakay natin noong nakaraang araw ay tungkol sa pagpapalit at pagdadagdag ng
mga letra sa isang salita. (Maikling talakayan).

6. Pagganyak (Motivation)

Panuto: Tingnan ang mga larawan at sabihin kung ano ang mga ito.

Magaling mga bata, dahil lahat ng pangkat ay aktibong nakilahok at nagawa


ninyo ang gawain, lahat ng pangkat ay makakatanggap ng puntos.
(Maikling diskusyon sa ginawang gawain).

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang; Nababasa ang mga salita at babala na madalas
makita sa paligid. Handa nabang makinig ang lahat? (Handa napo) Mahusay kung
ganun.

Kapag nakakita kayo ng ganitong babala anong gagawin ninyo? (bawal umihi
teacher) Tama!

Kapag ganitong babala naman anong gagawin ninyo? ( huwag tumawid Teacher)
Mahusay!
Ano ba ang dapat gawin kapag tayo ay tatawid sa daan? (tumawid sa tamang daanan
po) Tama!

Tingnan ang mga larawan ano sa tingin mo ang mga ito?

(Traffic light teacher) Tama! Ito ay ilaw trapiko. Basahin natin ang mga nakasulat.
Kapag ganito naman ang iyong makita sa daana no ang gagawin mo?

(mag-ingat teacher at wag na dumaan) Tama! Para iwas disgrasya.


Kapag ganito ang inyong nakita ano bang dapat gawin?
(Huwag manigarilyo teacher) Tama! Bakit kaya? Para iwas disgrasya o sunog.

Kapag ganito naman?


(Huwag maingay, Teacher)

Anong babala naman ito? (Bawal magtapon ng basura, Teacher) Okay! Kapag kayo
ay nakakita nito ano ba ang gagawin ninyo? (huwag itapon ang basura teacher) Tama!
Para maiwasan natin ang ibat-ibang kalamidad.

C. Gawin ko (Modeling)
Panuto: Pillin ang babala na angkop sa mga larawan.
D. Gawin Natin (Guided Practice)
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na lugar kung saan makikita ang
sumusunod na babala o patalastas.

E. Gawin Ninyo (Independent Practice)


Panuto: Basahin ang mga babala sa Hanay A at itapat ang kahulugan nito sa
Hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa nakalaang patlang.

F. Paglalahat

G. Pagpapahalaga
Sa pagsunod sa mga babala na nakikita natin sa paligid ay nakakatulong tayo hindi
lang sa ating sariling kaligtasan hindi lang sa ating sarili, pati narin sa ating kapaligiran
upang maiwasan ang anumang piligirong kasasangkutan nito.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga salita at babala sa Hanay A at itapat ang kahulugan nito sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Inihanda ni:
Joey V. Belando

You might also like