You are on page 1of 19

Year Level & Subject: Filipino 3 Designer: Joseph D.

Laparan

First Quarter Topics: Unit Plan: Time Frame ( Whole Unit )


1. Ang Bag ni Kara Kapaligiran Aking Pangalagaan
2. Nanaginip si Isko Bilang ng Araw: 40
3. Si Putol, Ang Bayaning Tupa
4. Ang Alamat ng Makahiya
5. Ang Aklat
6. Hindi Malilimutang Field Trip
7. Dahil sa Sakit ni Lally
Stage 1 – Desired Results

Established goals Transfer

Content Standard Transfer Goal:


Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, ang mga mag-aaral ay
inaasahang Malayang magagamit ng mga mag-aaral ang natutuhan sa pagtugon nang naaayon sa binsa sa pamamagitan ng pagbibigay
 nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng tekstong paalala at panghihikayat sa ibang tao para gumamit din sila ng reusable bag para makatulong sa kapaligiran.
binasa o napakinggan at nakapagbibigay ng
kaugnay o katumbas na teksto
 nakagagamit ng mga kaalaman sa wika,
nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga
Meaning Making
salita, at maayos na nakasusulat gamit ang iba’t-
ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at Knowledge Skills
Malalaman ng mga mag-aaral ang: Ang mga mag-aaral ay…
maiuugnay ang sariling ideya, damdamin, at
karanasan na may kaugnayan sa mga narinig at  Nakagaggamit ng context clues upang malaman
nabasang teksto na akma sa kanyang edad, Panitikan: Ang Bag ni Kara (Maikling Kuwento), ang kahulugan ng mga salita
pangangailangan, at sa kanyang kulturang Nanaginip si Isko (Maikling Kuwento), si Putol, Ang  Nakasasagot ng mga tanong na ano, sino, saan,
kinabibilangan Bayaning Tupa (Pabula), Ang Alamat ng Makahiya kailan, paano tungkol sa binasa
(Alamat), Ang Aklat (Tula), Hindi Malilimutang Field Trip  Nakakapagbibigay ng mga kapalit na salita para
(Maikling Kuwento), Dahil sa Sakit ni Lally (Maikling sa tinutukoy na salita upang maipakita ang
Kuwento) pagkakaunawa sa bahagyang pagkakaiba ng
kahulugan ng mga salita
Iba Pang Kasanayan: Ang mga Diptonggo, mga  Nakapagbabahagi ng mga paraan ng
Performance Standard Direksiyon, Pagtukoy sa mga Lugar sa Mapa, pangangalaga sa kapaligiran upang makaiwas sa
Ang mga mag-aaral ay… Pamantayan sa Pagbaybay, Mga Bahagi ng Aklat, pagbaha
 nakagagamit nang wasto ng mga bahagi ng Pagkakapareho at Pagkakaiba ng mga Aklat, Pagtatalata  Nakatutukoy kung ang mga salita ay
pananalita sa mabisang pakikipagtalastasan upang magkasingkahulugan o magkasalungat
ipahayag ang sariling ideya, damdamin, at  Nakabubuo ng mapa ng mga pamilyar na lugar
karanasan. Wika: Pagpapantig ng Salita, Mga Salitang may Klaster,  Nakakikilala ng mga salitang iisa ang baybay
Mga Kayarian ng Salita, Gamit ng Malaking Titik at ngunit magkaiba ang bigkas/kahulugan
Kuwit, Dalawang Bahagi ng Pangungusap, Dalawang  Nakasusunod ng mga tuntunin sa pagsulat at
Ayos ng Pangungusap, Uri ng Pangungusap ayon sa pagbaybayNapag-uusapan ang paboritong
Gamit kuwento at tauhan
 Nakasasagot ng mga simpleng tanong tungkol
sa binasa
 Nakasasagot ng mga tanong na ano, sino, saa,
kailan, paano tungkol sa binasa
 Nakaaalam ng iba’-ibang gamit ng pagbasa
 Nakatutukoy ng kahulugan ng di-
pamilyar/bagong salita batay sa gamit nito sa
pangungusap
 Nasasagot ng mga tanong na ano, sino, saan,
kailan, bakit, at paano tungkol sa binasa
Essential Questions (EQ) Enduring Understandings (EU)
 Ano-anong mumunting bagay ang
magagawa ng mga tao, maging ng mga Maunawaan ng mga mag-aaral na…
batang katulad mo para makatulong sa  Malaki ang maitutulong sa pagbuti ng kalagayan ng ating kapaligiran
pangangalaga ng kapaligiran?
ang pagbabawas sa paggamit ng plastik at maging ng papel na bag
 Bakit dapat gumawa ng makakaya ang
lahat ng tao para makatulong sa ating dahil ang mga ito’y humahantong lamang sa ating mga tambakan.
kalikasan?  Ang pagmamahal sa bansa ay maipakikita sa mga simpleng paraan
 Paano puwedeng magtagumpay sa tulad ng pagiging mabuti sa kapaligiran, pagsunod sa mga tuntunin,
buhay ang tao kahit pa may mga sagabal at pagiging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon.
tulad ng kahirapan, pagkakaroon ng  Maraming mumunting bagay ang maaring gawin ng mga tao maging
kapansanan, o anumang problema? ng kabataan para matulungan ang kapaligiran. Kailangan lang ng
 Bakit hindi tayo dapat mambully o
pagkukusa at kaalaman upang maisagawa ang mga ito.
magpa-bully sa iba?
 Bakit mahalaga ang mapa?  Hindi hadlang ang kahirapan, o anumang problema para sa
 Sa ano-anong pagkakataon ito pagkamit ng tagumpay.
nagagamit ng mga tao?  Nararapat igalang ang karapatan ng ibang tao kaya dapat lang na
 Paano mo maipakikitang isa ka ring hindi tayo mambully at kung may mambu-bully naman ay dapat din
bayani o kaibigan ng kalikasan? gawan ng paraang mahinto ito.
 Bakit mahalagang maging tama ang  Mahalaga ang mapa dahil magagamit ito sa maraming pagkakataon
pagbaybay ng mga salitang ating upang mapuntahan o maituro ang isang di pamilyar na lugar.
isunusulat
 Ang paggawa ng mumunting kabayanihan apara sa kalikasan ay
 Paano mo maaakit o mahihikayat ang
sarili mo gayundin ang mga kapwa mo makatutulong nang malaki para sa pagbuti ng kanyang kalagayan.
batang magbasa o maging interesado sa  Mahalag ang tamang pagbaybay para maging maayos an gating
pagbabasa ng mga aklat? isinusulat.
 Bakit mahalagang pangalagaan o pag-  Marapat lang maakit magbasa o maging mahilig sa pagbabasa ng
ingatan ang mga aklat? aklat ang mga bata dahil maraming mahalagang impormasyon o
 Bakit mahalagang makagamit nang
kaalaman ang makukuha mula rito.
tamang simuno o paksa at panaguri para
sa maayos na komunikasyon?  Mahalagang pag-ingatan at alagaan ang mga aklat upang magtagal
 Bakit hindi tayo dapat magsayang o mag- ang mga ito at patuloy na mapakinabangan.
aksaya ng kanin at ng iba pang uri ng  Ang paggamit ng tamang simuno at panaguri sa pakikipag-usap ay
pagkain? makatutulong upang higit na maging maayos ang komunikasyon.
 Bakit mahalagang maging mahilig sa sa  Hidi dapat inaaksaya ang kanin at iba pang uri ng pagkain sapagkat
pagbabasa ang mga tao lalo ng mga ito’y katumbas ng pagsasayang ng pera at pagwawalangbahala sa
batang tulad mo?
hirap ng mga magsasaka.
 Bakit mahalagang gumamit ng mga
pangungusap na wasto o tama ang  Ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay makatutulong
pagkakabuo? upang makaiwas sa iba’t-ibang uri ng sakit.
 Bakit mahalagang mapanatiling malinis  Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang kasanayan sa pagtatalata
ang kapaligiran para makaiwas para sa upang magamit ito sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng sulatin.
iba’t-ibang uri ng sakit?
 Paano magagamit ng isang mag-aaral
ang kasanayan ukol sa wastong
pagtatalata?
School’s Vision- Mission: Acquisition
(Or / and RCC)
 Christ-Centered Augustinian Recollect Steward

Stage 2 – Evidences of Learning

Code Evaluation Criteria Assessment Evidences

Evidence of the Level of Performance Performance Task (GRASPS)


Napapansin mong marami ang nagkakasakit sa iyong Barangay dahil
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman marumi ang paligid na pinamumugaran ng mga lamok at mga insekto
4 3 2 tulad ng ipis, at iba pa. Bilang batang lider, gusto mong magtulungan
Nakapanghihikayat Nakapanghihikayat Nakapanghihikayat Nakakitaan ng kayong linisin ang inyong lugar para maiwasan ang pagkakasakit. Kayo ay
ng lubos sa iba ng pag-unawa sa sa mahinang gagawa ng poster na hihikayat sa mga kababayang maglinis ng
iba paghihikayat sa iba kapaligiran para makaiwas sa sakit. Ang bubuoin ninyong poster o babala
May angkop na guhit Nagtataglay ng tunay Nagtataglay ng Nagtataglay ng ay dapat magtaglay ng pamantayan: Nakapaghihikayat sa iba,
at kulay, malinis, at na angkop na guhit at angkop na guhit at kaunting angkop na Nagtataglay ng angkop na guhit at kulay, malinis, makaaakit sa mga
makaaakit sa kulay, malinis at kulay, malinis at guhit at kulay, malinis makakikita, at Nakagagamit ng uri ng pangungusap at tamang bantas.
makakikita nakakaakit sa nakakaakit sa at nakakaakit sa
nakakakita nakakakita nakakakita
Nakagagamit ng Nakagagamit ng apat Nakagagamit ng Nakagagamit ng
pangungusap at mga o higit pang uri ng dalawa o tatlong isang pangungusap at
bantas pangungusap at may pangungusap at may may tamang bantas
tamang bantas tamang bantas

Evidence at the Level of Understanding: Other evidences of Learning


1. Paggamit ng concept clues upang malaman ang kahulugan ng mga salita.(F3PT-IIIg- Students will show they have achieved stage goals by…
1.4/1.5)
2. Pagpapayaman ng bokabularyo sa pamamagitan ng paggamit ng magkasingkahulugan  Iba’t-ibang Rubric
at magkasalungat na mga salita (F3PT-Iih2.3)  Formative Test
3. Pagkatuto ng mga bagong salita sa pamamagitan ng independiyenteng pagbabasa.  Summative Test
4. Pakikinig at pakikilahok sa diskusyon sa isang grupo o klase.  Unit Test
 Performance Task

STAGE III – LEARNING PLAN


Colegio de Sta. Rita de San Carlos, Inc.
(formerly: Colegio de Sta Rita)
San Carlos City, Negros Occidental
Tel. # Main (034) 3126212/Annex (034) 312-5185
Fax. No. (034) 312-6824
Website: www.csr-scc.edu.ph
Email: csrbasic@gmail.com

Name of Teacher: Joseph D. Laparan Grade Level and Subject: Filipino 3 Quarter: I

Topics: Objectives: Values Integration ( School V-M):


1. Ang Bag ni Kara  Nakababasa ng mga salitang  Pagpapahalaga sa Kapaligiran
2. Nanaginip si Isko mayroong dalawa at tatlong  Pagiging maingat sa pagsuri ng kaalaman
3. Si Putol, Ang Bayaning Tupa pantig
4. Ang Alamat ng Makahiya  Natututo ng mga bagong salita
5. Ang Aklat sa pamamagitan ng Religion as Core of the Curriculum ( RCC ):
6. Hindi Malilimutang Field Trip independiyenteng pagbabasa
7. Dahil sa Sakit ni Lally  Natutukoy ang mga sagot sa Content Standards:
mga tanong na ano, sino, saan,  nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan at
Integration with other Disciplines: kailan, at paano tungkol sa nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto
1. CLE binasa  nakagagamit ng mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng
2. AP mga salita, at maayos na nakasusulat gamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita
3. ARTS upang maipahayag at maiuugnay ang sariling ideya, damdamin, at karanasan na may
kaugnayan sa mga narinig at nabasang teksto na akma sa kanyang edad,
Materials: pangangailangan, at sa kanyang kulturang kinabibilangan
 Textbook
 Mapa
 Larawan
 Mga Plaskard
Essential Question:
 Ano-anong mumunting bagay ang magagawa ng mga tao, maging ng mga batang katulad mo para makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran?
 Bakit dapat gumawa ng makakaya ang lahat ng tao para makatulong sa ating kalikasan?
 Paano puwedeng magtagumpay sa buhay ang tao kahit pa may mga sagabal tulad ng kahirapan, pagkakaroon ng kapansanan, o anumang problema?
 Bakit hindi tayo dapat mambully o magpa-bully sa iba?
 Bakit mahalaga ang mapa?
 Sa ano-anong pagkakataon ito nagagamit ng mga tao?
 Paano mo maipakikitang isa ka ring bayani o kaibigan ng kalikasan?
 Bakit mahalagang maging tama ang pagbaybay ng mga salitang ating isunusulat
 Paano mo maaakit o mahihikayat ang sarili mo gayundin ang mga kapwa mo batang magbasa o maging interesado sa pagbabasa ng mga aklat?
 Bakit mahalagang pangalagaan o pag-ingatan ang mga aklat?
 Bakit mahalagang makagamit nang tamang simuno o paksa at panaguri para sa maayos na komunikasyon?
 Bakit hindi tayo dapat magsayang o mag-aksaya ng kanin at ng iba pang uri ng pagkain?
 Bakit mahalagang maging mahilig sa sa pagbabasa ang mga tao lalo ng mga batang tulad mo?
 Bakit mahalagang gumamit ng mga pangungusap na wasto o tama ang pagkakabuo?
 Bakit mahalagang mapanatiling malinis ang kapaligiran para makaiwas para sa iba’t-ibang uri ng sakit?
Paano magagamit ng isang mag-aaral ang kasanayan ukol sa wastong pagtatalata?

Essential Understanding:
Ang mga mag-aaral ay makauunawa sa:
 Malaki ang maitutulong sa pagbuti ng kalagayan ng ating kapaligiran ang pagbabawas sa paggamit ng plastik at maging ng papel na bag dahil ang mga ito’y humahantong
lamang sa ating mga tambakan.
 Ang pagmamahal sa bansa ay maipakikita sa mga simpleng paraan tulad ng pagiging mabuti sa kapaligiran, pagsunod sa mga tuntunin, at pagiging mabuting tao sa lahat
ng pagkakataon.
 Maraming mumunting bagay ang maaring gawin ng mga tao maging ng kabataan para matulungan ang kapaligiran. Kailangan lang ng pagkukusa at kaalaman upang
maisagawa ang mga ito.
 Hindi hadlang ang kahirapan, o anumang problema para sa pagkamit ng tagumpay.
 Nararapat igalang ang karapatan ng ibang tao kaya dapat lang na hindi tayo mambully at kung may mambu-bully naman ay dapat din gawan ng paraang mahinto ito.
 Mahalaga ang mapa dahil magagamit ito sa maraming pagkakataon upang mapuntahan o maituro ang isang di pamilyar na lugar.
 Ang paggawa ng mumunting kabayanihan apara sa kalikasan ay makatutulong nang malaki para sa pagbuti ng kanyang kalagayan.
 Mahalag ang tamang pagbaybay para maging maayos an gating isinusulat.
 Marapat lang maakit magbasa o maging mahilig sa pagbabasa ng aklat ang mga bata dahil maraming mahalagang impormasyon o kaalaman ang makukuha mula rito.
 Mahalagang pag-ingatan at alagaan ang mga aklat upang magtagal ang mga ito at patuloy na mapakinabangan.
 Ang paggamit ng tamang simuno at panaguri sa pakikipag-usap ay makatutulong upang higit na maging maayos ang komunikasyon.
 Hidi dapat inaaksaya ang kanin at iba pang uri ng pagkain sapagkat ito’y katumbas ng pagsasayang ng pera at pagwawalangbahala sa hirap ng mga magsasaka.
 Ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay makatutulong upang makaiwas sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang kasanayan sa pagtatalata upang magamit ito sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng sulatin.
Performance Standards
Ang mga mag-aaral ay…
nakagagamit nang wasto ng mga bahagi ng pananalita sa mabisang pakikipagtalastasan upang ipahayag ang sariling ideya, damdamin, at karanasan.
UNANG LINGGO
Aralin: (Ang Bag ni Kara) Pagtuklas/Explore

1. Panimula at Pagganyak
- Magpakita ng ilang reusable bag na karaniwang ginagamit sa pamamalengke o pagpunta sa groseri. Itanong sa mga mag-aaral:
a. Sino sa inyo ang gumagamit ng ganitong mga bag sa halip na mga plastic o papel na supot kapag nagpupunta sa groseri o kapag namamalengke?
b. Bakit mahalaga ang paggamit ng ganitong mga bag sa halip na plastic o papel na supot? Paano nakatutulong ang mga ito sa kapaligiran?
2. Bigyan sila ng pagkakataon upang mapag-isipan ang sagot. Pagkatapos ay ituon ang pansin nila sa Simulan Natin sa pahina 3 kung saan ipasusulat sa
mga kahon sa paligid ng larawan ang sagot nila sa hhuling tanong.
3. Paharapin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat at ipabahagi ang sagot gamit ang estratehiyang Round Robin with Thinking Chips.
4. Pagkatapos ay itanong ang unang mahalagang tanong.
Paano makatutulong ang pagbabawas sa paggamit ng plastic at papel na bag sa ating kapaligiran?
5. Tumawag ng isang mag-aaral sa bawat pangkat gamit ang estratehiyang Numbered Heads Together para magbahagi sa binuod na sagot ng kanilang
mga kapangkat.
6. Pagkatapos ay ipabasa ang mahalagang kaisipan nasa ilalim ng pamagat: “Ang bawat tao, bata man o matanda, may magagawa para kapaligiran ay
sumigla.”
7. Bigyang diin ang kahalagahn ng paggawa ng tao ng anumang bagay na maaari niyang gawin para sa ikabubuti n gating kapaligiran.

Paglinang/Firm-up

1. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na salita at saka ipatukoy ang maaaring maging kasingkahulugan ng mga ito: libre, iwasan,
magbara, makataklob,masigla.
2. Bigyan din sila ng pagkakataong gamitin ang mga salita sa makabuluhang pangungusap para makita kung naunawaan nga ba nila ang kahulugan ng
mga ito.
3. Ipaunawa rin na may mga salitang magkasingkahulugan tulad ng mga naunang tinalakay subalit mayroon di namang magkasalungat.
4. Magpabigay ng mga halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat.
5. Pasagutan ang Payabungin Natin A (Nakagagamit ng context clues upang malaman ang kahulugan ng mga salita) sa pahina 4.
6. Pasagutan din ang Payabungin Natin B (Pagpapayaman ng bokabularyo sa pamamagitan ng paggamit ng magkasingkahulugan at magkasalungat na
mga salita) sa mga pahina 4 at 5.

Pagpapalalim/Deepen

1. Magpakita ng larawan ng tambakan ng basura.


2. Bigyan sila ng pagkakataong pansinin kung ano-anong basura ang marami sa tambakang ito.
3. Sabihing ang mga plastic na nakikita nila ay aabutin ng daang taon bago matunaw kaaya’t marami pang masasamang maaaring maidulot tulad ng
pagbara sa mga daluyang tubig o maging sanhi ng kamatayan ng mga hayop na masasakluban nito.
4. Ipaalala rin na ang papel naman ay galing sa puno. Ibig sabihin, kung mas marami tayong gagamiting papel ay mas marami ring puno ang kailangang
putulin. At mas maraming enerhiya at tubig ang ginagamit sa pagbuo ng papel kaysa sa paggawa ng plastic kaya nakasasama rin ito sa kapaligiran.
5. Bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na magbabahagi ng kani-kanilang pananaw at resolusyon batay sa napag-usapang epekto ng paggamit ng
plastic o papel na supot.

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin B (Pag-alala sa mga pangunahing detalye), pahina 8


2.Lingguhang Pasulit

IKALAWANG LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Nanaginip si Isko)

1. Magpakita ng video o larawan ng isang malinis at umaagos na kanal o anumang anyong-tubig na umaagos.
2. Papikitin ang mga mag-aaral at ipaisip sa kanila ang ilog o kanal na ito ay nasa kanilang tabi. Sabihing ang ilog ay malinis, maganda, malinaw. Subalit
maya-maya lang ay maraming tao ang nagtayo ng bahay sa tabi ng ilog. Ginawa nilang basurahan. Nagkaroon din ng mga factory o pagawaan sa tabi ng
ilog at nagtapon na rin ng maruming likido sa ilog.
3. Kunin ang reaksiyon ng mga mag-aaral sa nakita nilang pagbabago sa ilog.
4. Itanong sa mga mag-aaral:
a. Ano-ano ang puwedeng mangyari kapag tinapunan ng basura ang mga kanal, ilog o daluyang tubig?
b. Ano-ano ang dapat gawin upang hindi mangyari ang mga isinagot mo?
c. Maaaring ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa Simulan Natin, pahina 18
d. Pagkatapos maisulat ay hayaang ilahad ng mga mag-aaral ang sagot nila sa kanilang katabi. (Think-Pad-Brainstorm)
e. Tumawag ng ilang pareha para magbahagi ng kanilang sagot. Isulat sa pisara ang mga sasabihin nila at tukuyin kung may pagkakapare-pareho ang
sagot nila.
f. Mula sa isasagot ng mga mag-aaral ay bigyang diin ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura upang humantong ang mga ito sa mga daluyang
tubig na maaaring pagmulan ng pagbaha maging sa kaunting ulan lang.
g. Upang higit na mapagtibay ang nalalaman ng mga mag-aaral patungkol sa epekto ng maling pagtatapon ng basura sa ating kapaligiran ay ipabasa ang
Alam Mo Ba? sa pahina 18 tungkol sa kahalagahan ng pagpapatupad ng 3Rs o Reduce, Reuse, Recycle upang maiwasan ang pagbaha at pagkasira ng
kapaligiran.

Paglinang/Firm-up

1. Pagkilala sa maaaring maging kasingkahulugan ng sumusunod na salita: makalat, magligpit, aanurin, tumuntong, nadiskubre, nalulungkot, lumulutang,
sigaw, nagmulat, bulong.
2. Pagbigayin sila ng makabuluhang pangungusap gamit ang alinman sa mga salitang ito.
3. Pasagutan ang sumusunod na pagsasanay kaugnay ng pagpapaunlad ng talasalitaaan:
a. Payabungin Natin A (Pagbibigay ng mga kapalit na salita para sa tinutukoy na salita upang maipakita ang pagkaunawa sa bahagyang pagkakaiba ng
kahulugan ng salita), pahina 19.
b. Payabungin Natin B (Pagtukoy sa kahulugan ng salita batay sa gamit nito sa pangungusap), pahina 19.
4. Sabihin sa mga mag-aaral na habang bumabasa o pagkatapos bumasa ay itatala nila ang mga salitang hindi lubos na nauunawaan at sa tingin nila ay
kailangan nilang matutuhan. Maaaring ipagamit ang diksiyonaryo upang maibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang maitatala nila.

Pagpapalalim/Deepen

1. Iparinig o ipapanood ang video ng awiting Anak ng Pasig ng grupong Smokey Mountain.
2. Pagkatapos mapanood o marinig ang awitin ay itanong sa mga mag-aaral:
a. Ano ang mensahe ng awiting pinakinggan?
b. Bakit kaya nagging ganito ang kalagayan ng Ilog Pasig gayong kita sa mga lumang larawan na dati pala ay napakalinis at napakalinaw ng ilog na ito?
c. Paano nakaaapekto maging ang maliliit na basurang itinatapon tulad ng mga itinapon ni Isko para matambak ang mga basura sa ilog?
d. Ano ang ibinabalik ng ginagawa nating pagtatapon sa mga daluyang tubig?
e. Mula sa sagot na ibibigay ng mga mag-aaral ay magbalik-aral tungkol sa binasang kuwentong “Ang Panaginip ni Isko.”

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin C (Pagsasabi ng dahilan at bunga ng mga pangyayari sa kuwento), mga pahina 23 at 24
2. Lingguhang Pasulit

IKATLONG LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Si Putol, Ang Bayaning
Tupa)
1. Magpadala ng salamin sa mga mag-aaral. Ipalabas ang salamin at sabihin sa kanilang titigan ang sarili. Patitigan ang kabuoan ng kanilang mukha----ang
kanilang buhok, mga mata, ilong, labi, baba. Ipalayo nang kaunti ang salamin at patitigan naman ang kanilang katawan, ang kutis, mga braso, hanggang
sa mga binti.
2. I-proseso ang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:
a. Ano ang masasabi mo sa iyong itsura? Nasisiyahan ka bas a iyong nakita? Bakit oo o bakit hindi?
b. Aling bahagi ng iyong katawan ang sa tingin mo ay hindi masyadong maganda at kung puwede palitan ay papalitan mo?
c. Bakit hindi mo masyadong gusto ang bahaging ito ng iyong katawan?
3. ituon ang kanilang pansin sa Simulan Natin sa pahina 35. Dito ipasulat ang sagot sa dalawang tanong sa itaas. Idugtong ang tanong na ito: Aayawan mo
pa rin kaya ang bahaging ito ng iyong katawan kung maiisip mong may mga tao nga palang walang mga kamay, putol ang paa, hindi nakakakita, o hindi
nakaririnig? Ipaliwanang ang iyong sagot.
4. Gamitin ang estratehiyang Numbered Heads Together upang tumawag ng isang mag-aaral sa bawat pangkat na maglalahad ng kanilang sagot sa klase.
Paglinang/Firm-up

1. Sabihin ang isang paraan na pagpapayaman ng talasalitaan ay sa pamamagitan ng pagtukoy kung magkasalungat o magkasingkahulugan ang mga ito.
Magbigay ng ilang halimbawa ng mga pares ng salita at ipatukoy kung magkasingkahulugan at magkasalungat ang mga ito.
2. Gamitin sa pangungusap at ipatukoy rin ang maaaring maging kasingkahulugan ng sumusunod na salita:

delikado maliliit nakapagtago

pinanggalingan regalo

3. Ipasagot ang Payabungin Natin A (Pagtukoy kung ang mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat), mga pahina 36-37.
4. Ipabasa ang Pabulang: Si Putol, Ang Bayaning Tupa, gamit ang estratehiyang Interactive Storytelling
5. Ang panuto o paraan sa pagsasagawa ng estratehiyang ito ay makikita sa nagdaang aralin, sa “Nanaginip si Isko.”
6. Ipasagot ang mga tanong para sa talakayang nasa Sagutin Natin A sa pahina 40.
Maaaring gamitin ang estratehiyang Round Robin with Talking Chips.
a. Paano naiiba si Putol sa kanyang mga kapatid?
b. Sa paanong paraan siya nagging biktima ng pambu-bully ng iba?
c. Kung ikaw ang makaririnig o makakikita sa pambu-bully ng ibang hayop kay Putol, ano ang gagawin o sasabihhin mo?
d. Paano napatunayan ni Putol na kahit may kapansanan ay maaari pa ring makatulong sa kapwa?

Pagpapalalim/Deepen

1. Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang gagawin o sasabihin mo kapag nakakita ka ng kapwa mo batang tulad ng mga nasa larawan? (Magpakita ng
larawan ng sumusunod:
a. batang nakasaklay papilay-pilay kung maglakad
b. batang may bingot o cleft palate at hindi masyadong maintindihan kapag nagsalita
c. batang putol ang kamay
d. batang kakaiba sa karaniwang bata ang itsura
2. Talakayin ang isasagot ng mga mag-aaral. Bigyang diin ang mga bata o taong may mga nabanggit na katangian ay hindi dapat pagtawanan, laitin o
tuksuhin sapagkat hindi naman nila ginustong magkaroon ng ganoong uri ng kalagayan.
3. Iugnay ang talakayan sa ngging kalagayan ng tupa na si Putol. Magbalik-aral sa mga nagging karanasan ng tupa at kung paano niya nalagpasan ang mga
pagsubok na dala ng kanyang putol na binti at pagiging lubhang maliit.

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin B (Paghihinuha sa mga galaw ng mga tauhan), mga pahina 40 at 41


2. Sagutin Natin C (Pagsusunod-sunod sa mga pangyayari sa binasa)
3. Lingguhang Pasulit

IKAAPAT NA LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Ang Alamat ng Makahiya)

1. Magpakita ng larawan ng magagandang hardin. Kung walalng larawang makikita ay maaaring magpalakbay-diwa at paganahin ang kanilang
imahinasyon upang “makakita” ng isang magandang hardin na punumpuno ng naggagandahang bulaklak, makukulay na mga paru-paro, at mga berdeng
puno.
2. I-proseso ang anumang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:
 Ano ang nararamdaman ninyo kapag nakakikita kayo ng magagandang hardin?
 Bakit kaya nakapagpapagaan ng pakiramdam ang maupo at makibahagi sa kagandahan ng kalikasan?
3. Ituon ang pansin nila sa Simulan Natin sa pahina 54. Itanong sa kanila ang tanong na matatagpuan dito: May mga nakatanim bang puno o halaman sa
bakuran ng inyong tahanan?
4. Ituon ang pansin nila sa graphic organizer na nasa Simulan Natin, pahina 54. Papunan ito ng pangalan ng mga halaman o punong nakatanim sa bakuran
ng kanilang tahanan o kung wala naman silang tanim ay ang halaman o punong pinapangarap sana nilang maitanim sa kanilang tahanan.

Paglinang/Firm-up

1. Talakayin at bigyang-diin ang nagagawa o naitutulong ng mga halaman sa tao..


2. Ipatukoy sa pagsasanay A ng Payabungin Natin sa pahina 55 kung aling dalawang salita ang magkasingkahulugan. Paitiman ang bilog na katapat ng
salitang may naiibang kahulugan.
3. Ipakilala rin sa kanila ang konsepto ng mga salitang magkapareho ang baybay subalit magkaiba ang kahulugan. Magbigay halimbawa tulad ng sa mga
salitang tubo (sugarcane), tubo (kita o interes ng pera), tubo (daluyan ng tubig).
4. Ipatukoy kung aling kahulugan ang aangkop sa mga patlang sa Payabungin Natin B sa mga pahina 55 at 56 kung saan nila kikilalanin ang mga salitang
iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas/kahulugan.

Pagpapalalim/Deepen

1. Kung may hardin ang paaralan dalhin doon ang mga mag-aaral upang mapagmasdan ang mga puno, halaman, bulaklak, at maging ang mga bubuyog at
paruparo. Kung may malaking puno sa hardin ay paupuin nang pabilog sa ilalim nito ang mga mag-aaral at itanong ang sumusunod:
a. Ano-ano ang mga bagay na nakita n’yo sa hardin?
b. Ano ang nararamdaman n’yo habang namamasyal tayo sa hardin?
c. Kung kayo ang hardinerang nagtanim sa mga halaman tulad ni Maria at nakita n’yong sinisira ang mga bata ang inyong mga tanim, ano ang sasabihhin
o gagawin mo?
2. Talakayin ang isasagot ng mga mag-aaral. Bigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga puno at halaman.

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin B
2. Lingguhang Pasulit

IKALIMANG LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Ang Aklat)

1. Magpakita ng larawan o totoong mga aklat. Kung maaari’y makukulay na mga aklat na nakaaakit sa atensiyon ng mga mag-aaral.
2. Itanong sa mga mag-aaral:
a. Mahilig ka bang magbasa ng aklat? Ano-anong aklat ang paborito mo?
b. Sino o sino naman ang paborito mong tauhan?
c. Ano-ano ang naidudulot ng pagbabasa ng aklat sa tao?
3. Ituon ang pansin sa Simulan Natin sa pahina 70. Sabihin na sila ay magkukuwento rito tungkol sa kanilang paboritong aklat gayundin sa kanilang
paboritong tauhan.
4. Paharapin sila sa kanilang pangkat at bigyan sila ng pagkakataong magbahagi ng kanilang isinulat tungkol sa kanilang paboritong aklat at paboritong
tauhan gamit ang estratehiyang Buzzing.

Paglinang/Firm-up

1. Tumawag ng isang mag-aaral mula sa bawat pangkat upang magbahagi ng tungkol sa ibinahagi ng kanilang mga kapangkat.
2. Isulat ang salitang AKLAT sa pisara. Ipabasa rin ang kaisipang nasa ilalim ng pamagat na isa ring kakailanganing pag-unanwa o enduring understanding
“Ang aklat ay isang mabuting kaibigan, dulot nito sa tao’y mahahalagang kaalaman.
3. Hingan ng opinion o pananaw ang mga mag-aaral kaugnay ng kaisipang ito. Pag-usapan kung paano nagiging mabuting kaibigan ang aklat.
4. Talakayin narin at bigyang-diin ang kahalagahan ng aklat sa tao.
5. Ipabasa ang Alam Mo Ba? sa pahina 71 kaugnay ng ilang kuntil-butil na kaalaman tungkol sa aklat.

Pagpapalalim/Deepen

1. Muling ipakita ang makukulay na aklat na unang ipinakita sa unang pagkikita. Tumawag ng ilang mag-aaral na may malakas at malinaw na boses.
Ipabasa nang malakas ang isang bahagi ng aklat (ang bahaging magdudulot ng pananabik sa mga mag-aaral upang ituloy ang pagbabasa sa aklat.
2. Sabihin sa mga nakakatanda man ay marami ring aklat na magaganda at labis na pinanabikang basahin. Halimbawa’y ang mga best seller na tulad ng
Tuesday’s with Morrie, Eat, Pray, Love, Chicken Soup for Soul series; mga aklat ni Og Mandino, atbp. Hindi rin dapat isantabi ang mga aklat na hindi
piksyon ng mga self-help book, mga cookbook, biography atbp.
3. Itanong sa mga mag-aaral:
a. Kung ikaw ay pipili ng angkop na aklat batay sa sariling pangangailangan bilang isang bata, ano-anong aklat ang pipiliin mo?
b. Anong aklat ang pinakahuli mong nabasa? Kung ikaw ay pipili ng susunod na babasahin batay sa mga naunang binasa, ano kayang aklat ito?
4. Talakayin din ang katangian ng mga aklat na babanggitin ng mga mag-aaral. Bigyang-diing mahalagang angkop sa edad at interes ng mambabasa ang
uri ng aklat na babasahin niya.

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin B
2. Lingguhang Pasulit

IKAANIM NA LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Hindi Malilimutang Field
Trip)
1. Isulat ang salitang Field Trip sa pisara. Pagkatapos ay magpakita ng mga larawan ng mga nagdaang field trip ng mga mag-aaral. Bigyan sila ng
pagkakataong sariwain ang mga naganap sa mga nagdaan nilang field trip.
2. Pagkatapos ay itanong sa mga mag-aaral:
a. Sino sa inyo ang nananabik para sa pagdating n gating field trip?
b. Kung kayo ay may pagkakataong makapamili, saan n’yo kaya gugustuhing mag-field trip?
c. Sa lahat na mga nagging field trip n’yo mula pa noong kinder kayo hanggang ngayon, alin ang isa sa inyong palagay ay hindi n’yo basta malilimutan?
Bakit?
3. Ituon ang pansin nila sa Simulan Natin sa pahina 86. Sabihin sa kanilang pupunan nila ang mga kahong nasa pahinang ito ng mga detalye ng mga
nasamahan nilang field trip. Sabihin ding nagbibigay sila ng marka kung gaano nila nagustuhan ang field trip gamit ang sumusunod na batayan.

- kung talagang natuto ka at nagustuhan mo ito

- kung medyo natuto ka at medyo nagustuhan mo ito

- kung hindi mo nagustuhan at di ka natuto sa field trip mo


Paglinang/Firm-up

1. Pagkilala sa maaaring maging kasingkahulugan ng sumusunod na salita: liham, nilibot, bungkos, nangawit, isaing.
2. Pagbigyan sila ng makabuluhang pangungusap gamit ang alinman sa mga salitang ito.
3. Pagkatapos ay ipakilala rin na bagama’t may mga salitang halos magkakapareho ay may mas angkop pa ring salita para mailarawan ang tao, lugar, at
pangyayari. Halimbawa’y hindi angkop sabihing “mabangis ang kapatid ko” kung ang higit na nararapat ay “matapang ang kapatid ko” dahil ay mabangis
ay higit na angkop gamitin para sa mga hayop. Magpabigay pa ng ilang kaugnay na halimbawa.
4. Pasagutan ang sumusunod na pagsasanay kaugnay ng pagpapaunlad ng talasalitaan:
a. Payabungin Natin A (paggamit ng context clues upang malaman ang kahulugan ng mga salita), pahina 87
b. Payabungin Natin B (paggamit ng Filipino upang ilarawan ang mga tao, lugar, proseso, at mga pangyayari), pahina 88

Pagpapalalim/Deepen

1. Magpakita ng larawan ng tanim na palay na tumutubo sa mga pinitak. Magdala rin ng tunay na butil ng palay (maaaring larawan kung walang tunay na
butyl), bigas, at kanin.
2. Iheilera sa mesa ang larawan ng tanim na palay, kasunod ang butyl ng palay, bigas, at kanin.
3. Patayuin ang bawat hilera (row) ng mga mag-aaral at patingnan ang mga nasa mesa.
4. Mula sa mga kagamitang nasa mesa ay hayaang ibuod ng gma mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari bago maging kanin ang tanim na
palay.
5. Gabayan ang mga mag-aaral upang maalala ang tinalakay ng guro sa kuwentong binasa patungkol sa hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka upang
madala ang kanin sa ating mga hapag-kainan upang tayo’y may makain.

Pagtataya/Transfer

1. Sagutin Natin B
2. Lingguhang Pasulit

IKAPITONG LINGGO Pagtuklas/Explore


Aralin: (Dahil sa Sakit ni Lally)

1. Magpakita ng larawan ng isang batang may sakit. Kunin ang reaksiyon nila tungkol sa nasabing larawan.
2. gamitin ang estratehiyang Thin-Pad-Brainstorm para sa pagsagot sa sumusunod na tanong:
a. Nasubukan mo na bang magkasakit?
b. Ano ang nagging sakit mo?
c. Saan daw nakukuha ang sakit na ito at paano maiiwasan?
3. Pagkatapos mapag-isipan ng mga mag-aaral ang sagot sa mga tanong na ito ay ituon naman ang pansin nila sa Simulan Natin sa pahina 103 (Think)
4. Sabihing ang sagot nila sa tatlong tanong ay isusulat nila sa mga patlang na matatagpuan sa Simulan Natin, pahina 103 (Pad)
5. Paharapin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat at ipabahagi ang sagot. (Brainstorm)

Paglinang/Explore

1. Sabihin sa mga mag-aaral na madalas, ang nagiging dahilan sa pagkakasakit ng tao ay ang maruming kapaligiran. Tukuyin kung ano-anong uri ng sakit
ang maaaring ang idulot ng maruming kapaligiran.
2. Magpakita ng larawan ng isang lamok. Itanong sa mga mag-aaral: Anong sakit ang maaaring maidulot ng maliit na insektong nakalarawan? Gabayan
ang mga mag-aaral upang maibigay ang sagot na dengue.
3. Itanong ang mahalagang tanong na nasa kahon sa pahina 102: “Paano tayo maaaring makaiwas sa sakit na dengue? Bakit mahalaga ang paglilinis sa
kapaligiran para makaiwas sa sakit na ito?
4. Ipabasa ang Alam Mo Ba? sa pahina 103 upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa sakit na dungue.

Pagpapalalim/Deepen

1. Magpakita ng video tungkol sa lamok na nagdadala ng sakit na dengue gayundin ang life cycle o siklo ng buhay ng lamok na ito. Maaaring gamitin ang
link na ito:
2. Pagkatapos mapanood ang video ay itanong ang sumusunod:
a. Batay sa iyong pinanood, saan daw maaaring mamugad ang lamok na aedes aegepti?
b. Paano maaaring maiwasan ang pagdami ang mga lamok na ito?
c. Ano-ano ang magagawa mo upang makaiwas sa lamok na nagdadala ng dengue?
3. Magpakita ng larawan ng dalawang uri ng pamayanan, isang malinis at maayos at isang marumi at pinamumugaran ng insekto.
4. Itanong sa mga mag-aaral: Sa anong uri ng pamayanan n’yo nanaising manirahan?
5. Sabihing halos lahat ng tao ay nagnanais tumira sa isang lugar na maalinis at maayos. Gayunpama’y hindi basta lang mangyayari ang pagiging malinis
at maayos ng isang lugar. Mangangailangan ito ng pagsisipag at pakikipagtulungan ng lahat ng mga mamamayang naninirahan at ang pagsunod sa mga
batas at panuto para mapanatiling malinins ang buong pamayanan.

Pagtataya/Transfer

1. Lingguhang Pasulit

You might also like