You are on page 1of 26

Literal na Tanong Tungkol

sa Napakinggang Talata

Maylene M. Tubig
M.Kalaw MS
Balik-aral :
Ano-ano ang mga paraan sa
pagsulat ng balitang pang-
isport ?
Anu-ano ang mga
katangiang dapat taglayin
ng isang manunulat ng
balitang isport?
Buuin ang mga letra at sabihin
kung ano ang salitang nabuo.
Masasagot nyo
kaya ang mga
literal na tanong
tungkol sa mga
papakinggang
talata? Paano?
Tungkol kaya saan ang talatang tungkol sa
larawan
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang
mataas at matibay na edukasyon ay
isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na
hindi lamang binubuhay ng mga aklat
o mga bagay na natutunan sa ating
mga paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon
ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-
araw na pamumuhay ang siya pa ring
dapat na piliting maabot. Matibay ang
isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga
pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga
bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos
Tanong:
1.Tungkol saan ang inyong binasang talata?
2.Batay sa talata, paano tayo magkakaroon
ng masaganang ekonomiya?
3.Paano magiging matibay ang ating
edukasyon?
4.Anu-ano ang kahalagahan ng edukasyon
sa bawat kabataan?
5.Ano ang pangunahing layunin ng
pagkakaroon ng edukasyon?
6.Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan
ninyo ang tamang edukasyon?
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.

Mukha at Kahulugan ng Pasko


Sa kabila ng krisis sa kabuhayan at ng sinapit
na trahedya ng ating mga kababayan, ang lindol sa
Bohol at ang bagyo sa Samar at Leyte, ang Pasko’y
sasapit at ipagdiriwang pa rin nating mga Pilipino
at lahat ng mga Kristiyanong Katolikong Pilipino sa
buong daigdig.
Iba’t ibang paraan ang pagdiriwang at
paggunita sa pagsilang ng Dakilang Mananakop.
Ang tuwa at kasiyahan ay ayon sa kalagayan sa
buhay. Sa mga marangya, simple at mahirap na
pagdiriwang.
Magsisimba ang bawat pamilya. Masagana
ang mga hapag, puno ng mamahaling prutas at
mga matamis ang mga hapag-kainan. Masayang
pagsasaluhan ng pamilya sa Noche Buena.
Marami ring mga regalo at aguinaldo para sa mga mahal
sa buhay at mga inaanak.
Sa kabila nito, marami tayong mga kababayang
nangungulila sa mga mahal sa buhay, puno ng mga
pagsubok at mga problema sa buhay. Maaaring hikahos,
naghihirap at puno at alalahaning pinansyal ngunit sa
anumang pagdaralita, ang mga Pilipino na makiki-isa pa
rin sa pagdiriwang ng Pasko.
May nagsasabing ang Pasko’y isang panahon at
pagkakataon na ang mga Pilipino ay nagpapahayag at
nagpapakita ng kanilang Christian values tulad ng
pagkakawanggawa, pagbibigayan o pagbabahagi ng mga
biyaya sa kapwa laluna sa mga mahihirap, kapus-palad at
mga biktima ng kalamidad.
Sa mga nawalan ng mahal sa buhay, ang Pasko’y
maghahatid ng kahungkagan at pangungulila.
Maaaring may ngiti sa labi ngunit sa puso at
damdamin, naroon ang nakatagong pait at
kalungkutan. Isang panahon ng pagsasaya ang
Pasko subalit hindi mapipigil na pagluha sa mga
nawalan ng mga mahal sa buhay.Anuman ang
mukha at kahulugan ng Pasko sa bawat isa, ang
diwa nito na naghahatid ng Pag-ibig, Pag-asa at
Kapayapaan ay hindi nagbabago. Laging nasa
puso ng bawat taong marunong magmahal sa
kapwa at may pananalig sa Dakilang Mananakop.
Tanong:
1.Anu-anong mga krisis ang
naranasan ng mga Pilipino?
2.Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng
pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas?
3.Sa inyong pang-unawa, ano ang ibig
sabihin ng “Mukha ng Pasko”.
Ipaliwanag.
4.Bakit tayo nagdiriwang ng Pasko?
Pangatwiranan.
5.Sa inyong pang-unawa, ano ang
diwa ng Pasko ?
Ang Kahalagahan ng Pamilya
Ang kahalagan ng pamilya ay
mahalaga sapagkat dito nag uumpisa
at dito hinuhubog ang isang pagkatao
ng bawat isa. Ito ang sandigan ng
bawat isa sa tuwing may problema at
dito rin humuhugot ng lakas ng loob
ang bawat isa kapag may dumadating
na problema. Ang ibang kabataan ay
napapariwara ang buhay sa
kadahilanang ang pundasyon ng
kanilang pamilya ay mahina at walang
pag kakaisa.
Ang mga kabataan na galing sa broken family ay
nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde
sila at natututo rin silang gumamit ng mga
ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga
kabataan na galing sa broken family ay napapariwara
ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa
buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga
pangarap. Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit
na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong
masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang
dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong
pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na
buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang
may buong pamilya.
Tanong:
1.Ayon sa kuwento, ano ang kahalagahan
ng pamilya?
2.Bakit meron mga kabataang
napapariwa?
3.Sa inyong palagay, anu-ano ang dahilan
ng broken family?
4.Bilang isang mag-aaral, ano ang
kahulugan sa iyo ng isang “Buong
pamilya”? Pangatwiranan.
5.Mahalaga ba na buo ang isang pamilya?
Bakit? Ipaliwanag.
Ano ang tinatawag na talata?
Ang talata ay binubuo
ng isang pangungusap o
lipon ng mga
pangungusap na
naglalahad ng isang
bahagi ng isang buong
pagkukuro, palagay, o
paksang-diwa.
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol
sa napakinggang talata.

Ang Aking Pangarap

Lahat tayo ay may pangarap


sa buhay, noong bata pa ako
gusto ko nang makapagtapos sa
pag-aaral upang masuklian ko
ang mga kabutihang ginawa nila
sa aming magkakapatid.
At para matulungan ko rin ang 3 kung mga
nakakabatang kapatid na sila rin ay
makapagtapos sa pag-aaral para dumating
din ang panahon na magkaroon sila nga
sariling pamilya, hindi nila maranasan ang
kahirapan na hinaharap namin ngayun.
Gusto ko rin matulungan ang aking mga
magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya
ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-
araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa
aming magkakapatid at gastos sa kuryente
kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa
pag-aaral.
Ako ang panganay sa aming
magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral sa
college, yung pangalawa ay sekondarya at
ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi
sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral
ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang
maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa
daw pwede dahil sa murang edad ko
pa.Nang ang aking tiyahin ay bumisita sa a
amin, humingi ako nang tulong na siya ang
gagastos sa aking pag-aaral para
makatapos ako nga 2 taon pwede na akong
mag-trabaho.
Ngayon na 2nd year na ako, hindi ko
sasayangin ang ibinigay na opurtunidad na
makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging
sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa niya
pag makatapos ako nang pag-aaral. Gagawin ko
ang lahat na makakaya ko na para lang maabot
ang aking pangarap na makapag tapos. at para
rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na
kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa
kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako
bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna
sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko.
Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na
matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.
Tanong:
1.Ayon sa talata, ano ang pangarap ng
gumawa ng talata?
2.Ano ang dahilan bakit gusto niyang
makatapos ng pag-aaral?
3.Bakit hindi siya makahanap ng trabaho?
4.Ano ang sinasabi palagi ng kanyang ina ?
5.Bakit mahalaga ng magkaroo tayo ng
pangrarap sa buhay? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Sumulat nang isang
talata tungkol sa
iyong pangarap sa
buhay.
Basahin ito sa harap
ng klase.

You might also like