You are on page 1of 32

Maligayang

Pagbati
sa inyong lahat!
Gng. May Ann G. Lazaro
Guro sa Filipino
Panginoon, maraming salamat po
sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon
upang kami po ay matuto.
Gawaran mo po kami ng isang bukas na isip upang
maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Panalangin
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
FILIPINO VI

unt uni n
#alit
Aralin 1: Pagsagot ng mga Tanong sa
Napakinggan/Nabasa

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pang-impormasyon at usapan
Nasasagot ang tanong na bakit at paano
Espesyal Sila
ni: Sheila M. Salangsang

Araw-araw ay abala ang kusina ni Aling Minda. Walang


tigil ang mga gamit sa kusina gaya ng sandok, kaserola,
sangkalan, kutsilyo, mga panukat, kaldero at kawa.
Maingat na inihahanda sa mesa ang mga sangkap sa
pagluluto. Ang mga ito’y hinuhugasan, hinihiwa at
ginigisa. Tila may nagaganap na mahika sa kusina dahil
nakatatakam at nakagugutom ang amoy ng mga
nilulutong putahe.
Pagbabasa/Pakikini
Samantala, sa labas ng karinderya ni Aling Minda ay
mahaba na ang pila kahit hindi pa man ito nagbubukas.
Walang sawang binabalik-balikan ng mga suki ang mga
paninda dahil ang mga ito ay mura, marami, masarap at
masustansiya.
Lingid sa kaalaman ng mga suking nakapila, ngayon ay
may ibibigay na sorpresa sa kanila. Libreng
pananghalian ang matatanggap nila dahil sa kaarawan ni
Aling Minda sila ang mga espesyal na bista.

Pagbabasa/Pakikini
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra
ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Kailan abala sa kusina ni Aling Minda?


A. ngayon C. linggo-linggo
B. bukas D. araw-araw
2. Ano ang inihahanda sa mesa?
A. kagamitan C. inumin
B. sangkap D. resipi

Pagsagot…
3. Ano ang sorpresa ni Aling Minda?
A. libreng pandesal C. libreng meryenda
B. libreng pananghalian D. libreng hapunan

4. Bakit may pasorpresa sa mga nakapila sa karinderya


si Aling MInda?
A. simula ng pagbubukas ng karinderya
B. anibersaryo ng pagkakatayo ng karinderya
C. kaarawan ni Aling Minda
D. huling araw ng pagtitinda

Pagsagot…
5. Sino ang may kaarawan?
A. kusinero
B. mga bumibili
C. Aling Minda
D. hindi nabanggit

Pagsagot…
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang.
Tukuyin ang inilalarawan. Isulat ang sagot sa
kuwaderno. Gamiting gabay sa pagsagot ang mga
nakalaang kahon.

1. Ang bagay o pangyayari ay


sumasagot sa tanong na

2. Ang lugar na pinagganapan ng


kilos ay sumasagot sa tanong na

Balik-tanaw…
3. Ang tauhang gumawa ng kilos o
nagsabi ng pahayag ay sumasagot
sa tanong na

4. Ang dahilan ng pangyayari


ay sumasagot sa tanong na

5. Ang paraan ng pagsasagawa ng


kilos ay sumasagot sa tanong na

Balik-tanaw…
ang tinutukoy ay maaaring bagay, pangyayari,
An katangian o pagpapahalaga
o
Sino ang tinutukoy ay ang tauhan

Saa tumutukoy sa lugar na pinangyarihan

n
Kaila tumutukoy sa oras o panahon

nIla ang tinutukoy ay ang dami o bilang

n
Baki tinutukoy ang dahilan o sanhi ng pangyayari

t
Paan tumutukoy sa paraan ng pagganap sa kilos
o
Mahalaga na nauunawaan
ang teksto o akdang nabasa
o napakinggan. Ang pagsagot
sa mga tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan, Alin, Ilan,
Bakit at Paano ay
makatutulong sa pag-unawa.
Ang mga Bakit ni
Kitkit
ni Sheila M. Salangsang
Ang mga Bakit ni Kitkit
ni Sheila M. Salangsang
Nakasanayan na ni Kitkit ang gumising nang maaga.
Sumisiksik siya sa higaan ng kanyang mga kasama sa
bahay upang magising sila at makapaghanda na sa
pagpasok sa opisina at eskuwelahan.
“Nakapagtataka! Hindi sila nagigising agad. Halos
magdadalawang Linggo na silang hindi pumapasok. Bakit
hindi na nagtatrabaho si Tatay? Bakit hindi pumapasok si
nanay sa eskuwelahan? Sino na ang magtuturo sa mga
estudyante niya? Ano ang nangyari sa pag-aaral nina
Kuya at Ate? Bakit palagi silang absent sa klase?” ito ang
araw-araw na tanong ni Kitkit.
Marami pang tanong si Kitkit. Hindi niya nauunawaan ang
mga nangyayari.
“Bakit kaya may mga nagbibigay ng relief goods sa amin?
Bakit hindi na magkasamang namamalengke sina Tatay at
Nanay? Bakit sa tuwing lumalabas si Tatay ay nagsusuot siya
ng face mask? Bakit bawal kaming lumabas ng bahay? Bakit
puro balita ang pinanonood namin sa telebisyon?” ang mga
tanong ni Kitkit na hindi niya masagot.
Totoong masaya siyang kasama araw-araw ang kanyang
pamilya dahil kumpleto sila ngunit hindi niya nakikita ang
dating kasiyahan nila. Nalulungkot siya. Nanahimik na
lamang si Kitkit sa ilalim ng silya habang hinihintay na
magising ang kanyang pamilya.
Paggising ni Kuya napansin niyang malungkot si Kitkit kaya tinawag niya
ito.
“Bakit ka malungkot, Kitkit? Naiinip ka na rin ba? Huwag kang mag-alala
Kit. Kapag maayos na ang sitwasyon makakapamasyal na rin tayo sa
plaza. Sa ngayon, bawal pang lumabas ng bahay, kaya wala kaming pasok
pati sina Tatay at Nanay. Puwede naman tayong maglaro, mag-aral, mag-
ehersisyo at magdasal dito sa bahay. Lahat ng mga pagbabagong
napapansin mo rito sa bahay ay dahil sa virus na kumakalat sa paligid.
Nakakalungkot ang mga nangyayari dahil sa pagkalat ng virus na ‘yan
kaya kailangan nating sumunod sa batas upang maproteksyonan ang
ating sarili at ang ating pamayanan. Siyempre, ayaw nating magkasakit at
lalong ayaw nating mamatay. O, gusto mo pa bang lumabas ng bahay?”
ang paliwanag at tanong ni Kuya.
“Arf! Arf! Agad na umiling si Kitkit. Ngayon alam na niya ang sagot sa
kanyang napakaraming bakit.
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang nasanay nang gumigising nang maaga?


___________________________________________________________________
2. Paano ginigising ni Kitkit ang kanyang mga kasama sa bahay?

___________________________________________________________________
3. Bakit ginigising ni Kitkit ang kanyang mga kasama?
___________________________________________________________________
4. Ano ang nararamdaman ni Kitkit sa mga pagbabagong
nangyayari sa bahay?
___________________________________________________________________
5. Ano ang paliwanag ni Kuya kay Kitkit nang kinausap niya ito?
Gawain 1…
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. Gamitin ang
mga gabay na kahon sa palaisipan.

Pababa
1. Ano ang isinusuot ni Tatay sa tuwing lumalabas ng bahay?
5. Paano tumugon si Kitkit sa huling tanong ni Kuya?

Pahalang
2. Saan nanahimik si Kitkit habang hinihintay magising ang
kanyang pamilya?
3. Sino ang tumawag kay Kitkit?
4. Bakit tinawag ni Kuya si Kitkit?

Gawain 2…
Gawain 2…
Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na mga
tanong. (3 pangungusap sa bawat bilang)

1. Bakit kailangang magsuot ng face mask?


_______________________________________________________

2. Paano mo pinoproteksyonan ang iyong sarili at ang


iyong pamilya upang makaiwas na mahawaan ng
COVID19 o Corona Virus?
_______________________________________________________

Gawain 2…
Gng. May Ann G. Lazaro
Guro sa Filipino

You might also like