You are on page 1of 18

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao (EsP)
Unang Markahan–
Unang Linggo-Modyul 1:
Pagpapahalaga sa
Katotohanan sa
Pamamagitan ng Pagsusuri
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Unang Linggo -Modyul 1: Pagpapahalaga sa Katotohanan sa
Pamamagitan ng Pagsusuri

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.Pinagtibay ng isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang
FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang – aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Luisa Y. Remoyen


Editor: Nanette S. Bautista and Nilfa L. Barrera
Tagasuri: Iris U. Sabla
Tagalapat: Virgie R. Infantado
Subject Area Supervisor: Mylen G. Villegas
Tagapamahala:
Ronald G. Gutay, Estela B. Susvilla, Mary Jane J. Powao,
Aquilo A. Rentillosa, John Jennis M.Trinidad, Mylen G. Villegas,
Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division

Department of Education – Region VII Central Visayas

Office Address: Department of Education-Carcar City Division (Learning Resource


Management Section)
Telefax: (032)4878495
E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao (EsP)
Unang Markahan–
Unang Linggo-Modyul 1:
Pagpapahalaga sa
Katotohanan sa
Pamamagitan ng Pagsusuri
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang module na ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa katotohanan sa


pamamagitan ng pagsusuri sa:
➢ balitang napakinggan, patalastas na nabasa/ narinig,
➢ napanood na programang pantelebisyon at
➢ nabasa sa internet
EsP5PKP-la-27

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel.

1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa


inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
2. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata
na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
3. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.

1
4. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang
maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan
5. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
6. Ano ang dapat mong gawin kapag nakarinig ka ng balita na may nag- aaway sa
inyong kapitbahay?
A. Pakinggan ang bawat panig, timbangin at pag-isipang mabuti bago gumawa
ng pasiya.
B. Sumali sa kanilang away
C. Huwag pansinin ang nag-aaway
D. Hindi mo sila pakinggan
7. Maniniwala ba tayo sa lahat ng naririnig natin sa radyo at nakikita sa telebisyon?
A. Oo, dahil lahat ay totoo
B. Hindi, dahil dapat suriin munang mabuti kung ano ang totoo.
C. Walang pakialam sa nagngyayari
D. Hindi, dahil lahat ay hindi totoo
8. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalagang suriin muna ang
katotohanan sa mga nababasa bago maniwala maliban sa isa. Alin ito?
A. Upang maaliw.
B. Upang maiwasan na makasagap ng maling balita
C. Upang makagawa ng tamang deisiyon.
D. Upang matutong timbangin ang mga bagay bagay
9. Nakita mo na ang iyong mga kaklase ay nanonood ng malaswang palabas sa
kanilang celfon, Ano ang gagawin mo?
A. Sasali sa panonood sa kanila
B. Tawagin ang iba pang kaklase upang sumali sa panonood

2
C. Pagsabihan ang mga kaklase na itigil ang kanilang ginagawa dahil hindi to
mabuti.
D. Isusumbong sila sa guro
10. Ano ang gagawin mo kapag may narinig kang balita sa kapitbahay?
A. Maniwala agad sa mga naririnig.
B. Baliwalain ang napakinggan.
C. Suriing mabuti ang napakinggan bago magpasya.
D. Ipagkalat ito sa iba pang kapitbahay

Aralin Pagpapahalaga sa Katotohanan sa


Pamamagitan ng Pagsusuri
1
Sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao, nakapagpapahayag tayo at
nakagaganap ng ating mga gawain nang may mapanuring pag-iisip. Mahalaga na
nagagamit natin ang ating kakayahang magsuri ng katotohanan bago magpasya ng sa
gayun ay makatutulong sa paglutas ng ating mga suliranin.

Balikan
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginawa ng bawat isa?

1. 2.
_________________________________ _________________________________

_________________________________ _________________________________

3
3. 4.
_________________________________ 4. _________________________________

_________________________________ _________________________________

5.

_______________________

___________________________

4
Tuklasin

Basahin ang kwento. Pansinin kung paano nag-isip nang mabuti si Victor bago
magpasiya.

Mag-ingat sa Pakikipag-usap

“Yong telepono, Victor! Ikaw na ang sumagot,” ang sabi ni Ate Becky.“Hello? Opo, dito
nga po. Bakit po?” ang tanong ni Victor sa kausap.May ilang saglit na lumipas. “Po?
Naaksidente at kailangang dalhin agad sa ospital? Nagkakamali po yata kayo? Kani-
kanina lang po ay tumawag ditto sina Mommy at sabi ay pauwi na sila.”“Ano daw iyon?”
ang tanong ni Ate Becky nang ibinaba n ani Victor ‘yong telepono.

“Sabi ng kausap ko, naaksidente daw sina Mommy kanina. Kailangan daw puntahan
agad sa ospital at tuturuan niya ako ng dapat gawin.”

“Ha? Paano nangyayari iyon?” ang tanong ng kaniyang Ate Becky. “Hindi nga ako
naniwala at naisip kong manloloko iyon kaya agad-agad kong ibinaba ang telepono,” ang
pahayag ni Victor.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang
Mommy at Daddy na maraming dalang pinamili sa palengke.

“Mukhang masinsinan yata ang pinag-uusapan ninyong magkapatid?” ang bungad ng


mag-asawa.

5
Ikinuwento ni Victor ang tungkol sa tawag sa telepono.

“Naku, Mabuti na lang, Anak, at hindi ka naniwala. Marami takagang manloloko sa


panahon ngayon. Ang galling talaga ng anak ko!” ang sabi ng Mommy niya sabay halik
sa kaniya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano kaya ang maaring nangyari kung hindi gumamit ng mapanuring pag-iisip si
Victor? Ipaliwanag.

2. Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Victor, gagawin mo rin va ang


ginawa niya? Bakit?

Suriin

Dapat bang paniwalaan kaagad ang lahat ng ating nababasa o naririnig mula sa
mga balita? Bakit kaya kailangang suriin muna natin ang mga ito bago paniwalaan at
magpasiya.
Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isipan na kayang umunawa kung ano ang
totoo at huwad. Ang kakayahan sa pagsusuri at pagsisiyasat ng katotohanan ay
magiging susi at daan upang makapagbigay sa tamang desisyon na magagamit upang
maging matagumpay sa pang araw-araw na hamon ng buhay.
Bago natin paniwalaan ang kahit anumang bagay na ating napakinggan, nababasa
o napanood sa mga balita o kung saan paman, atin munang alamin ang katotohanan
bago magbigay ng pasya.
Ang katotohanan ay naipahahayag sa masusing pagtatanong, pagsusuri ng mga
kasagutan at pagpili ng wastong sagot bago gumawa ng kahit anumang desisyon.
Kailangan na maglaan ng sapat na panahon para masuri ang katotohanan ng mga
impormasyon. Susuriin ito sa pamamagitan nang pagsangguni mula sa lehitimong
pinagmulan nito at nang sa gayon ay magkaroon tayo ng tamang kaalaman at
pagpapasiya.
Ang pagkakaroon nang mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaaring
ipagmalaki ng isang tao. Sa lahat, bukod tanging tao ang may pinakanatatanging
kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip. Kabilang na rito ang pagsusuri sa
katotohanan at pagkilala sa kung aling bagay ang nakabubuti o nakasasama sa atin.

6
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit sa patlang ang puso kung
ito ay nagpapakita ng pagsusuri sa katotohanan at ulap naman kung hindi.

________1.Nakikinig si Raul at Joy ng ulat panahon mula sa PAG-ASA para malaman


kung totoo ang sinabi ng kanyang kaibigan na may paparating na bagyo. .

________2. Nabalitaan ni Ramon na ang nagnakaw ng perang baon ni Grace ay ang


kanilang kaklase, agad niyang inalam kung totoo ba ito o hindi.

________3. Isinumbong ni Mang Kanor ang kanilang kapitbahay na gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot kahit hindi niya alam kung ito ay totoo.

________4. Nagtanong si Nestor sa kanyang tiyuhin na doktor tungkol sa sakit na


COVID–19 para maliwanagan.
________5. Ikinalat ni Aling Tasing ang tsismis sa kapitbahay.
________6. Kahit hindi pa man napakingggan ni Mitch ang buong balita ay
ipinamalita na niya ito sa iba.

________7. Nanonood ng teleserye si Rosa at pinupulot ang magagandang aral.


________8. Pinaliwanag ni Maria sa bunsong kapatid kung bakit hindi dapat manuod
horror o malaswang palabas.

________9. Binabasang maigi ni Rona ang mga impormasyong nakuha sa internet at


sinuri niya ito nang mabuti bago isinagot sa kanyang takdang aralin.

________10.Hindi pinag-iisipan ni Roy ang kanyang pinulot na sagot sa internet

7
Isaisip

Ano ang dapat gawin sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa at


narinig, mga programang napanood sa telebisyon at mga posts sa social media at
internet upang mapahalagahan ang katotohanan ng isang pangyayari?
Punan nang wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipang
ipinapahayag. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Sa panahon ngayon marami na ang nagsisilabasang fake news, kaya dapat
nating (1) __________ nang mabuti ang ating nababasa, nakikita o naririnig sa
pamamagitan nang (2) __________ sa mga (3) __________ na pinagmulan ng mga
impormasyon.

lehitimo ipaalam suriin pagsangguni

Isagawa

Sumulat ng sariling pahayag kung paano mo mapahahalagahan ang


katotohanan sa mga balitang iyong nababasa o napakikinggan. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel.

1. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata
na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C.Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
2. Nakita mo na ang iyong mga kaklase ay nanonood ng malaswang palabas sa
kanilang celfon, Ano ang gagawin mo?
A. Sasali sa panonood sa kanila
B. Tawagin ang iba pang kaklase upang sumali sa panonood
C. Pagsabihan ang mga kaklase na itigil ang kanilang ginagawa dahil hindi to
mabuti.
D. Isusumbong sila sa guro
3. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.
4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalagang suriin muna ang
katotohanan sa mga nababasa bago maniwala maliban sa isa. Alin ito?
A. Upang maaliw.
B. Upang maiwasan na makasagap ng maling balita
C. Upang makagawa ng tamang deisiyon.
D. Upang matutong timbangin ang mga bagay bagay
5. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang
maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan

9
6. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
7. Maniniwala ba tayo sa lahat ng naririnig natin sa radyo at nakikita sa telebisyon?
A. Oo, dahil lahat ay totoo
B. Hindi, dahil dapat suriin munang mabuti kung ano ang totoo.
C. Walang pakialam sa nagngyayari
D. Hindi, dahil lahat ay hindi totoo
8. Ano ang dapat mong gawin kapag nakarinig ka ng balita na may nag - aaway sa
inyong kapitbahay?
A. Pakinggan ang bawat panig, timbangin at pag-isiping mabuti bago gumawa
ng pasiya.
B. Sumali sa kanilang away
C. Huwag pansinin ang nag-aaway
D. Hindi mo sila pakinggan
9. Ano ang gagawin mo kapag may narinig kang balita sa kapitbahay?
A. Maniwala agad sa mga naririnig.
B. Baliwalain ang napakinggan.
C. Suriing mabuti ang napakinggan bago magpasya.
D. Ipagkalat ito sa iba pang kapitbahay
10. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa
inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang larawan. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa mensaheng
nais ipahatid ng larawan .

https://bit.ly/3gb7myy

11
Tayahin
1. a.
2. c.
3. b.
4. a.
5. a
6. c.
7. b.
8. a.
9. c.
10. b.
Pagyamanin
1.
Isaisip Subukin
2.
1. suriin 1. b.
2. pagsangguni
3. 2. a.
3. lehitimo
3. b.
4.
4. a.
5.
5. c.
6. 6. a.
7. b.
7.
8. a.
8. 9. c.
9. 10. c.
10.
Susi sa Pagwawasto
References

Most Essential Learning Competencies (MELC) Matrix


ESP, Activity Sheets, DepEd
ESP 5 , Banghay Aralin; Julian Faith Suarez (Negros Occidental Division)
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat; Zenaida R. Ylarde, Gloria A.
Peralta, EdD., p.2-11
Images:
https://images.app.goo.gl/SRxjseKpbucq2pHb7
canva.com
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division (Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu, Philippines 6019

Tel No.(032) 487-8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com

You might also like