You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII- CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN ELEMENTARY SCHOOL
ML QUEZON NATIONAL HIGHWAY, LAPU-LAPU CITY

Summative Test 1.1 in ESP


Name: ____________________________________ Grade & Section: ____________________
Panuto:Maingat na basahin at sagutin ang katanungan. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot.

_______1. Nabasa mo sa dyaryo ang dumadaming positibong kaso ng COVID 19. Ano ang
maaari mong gawin maliban sa isa?
A. balewalain C. maging mapagmatyag
B. magdasal D. pag-usapan kasama ang pamilya
________2. May mga bahagi sa magasin ang mapagkukunan ng mabuting impormasyon. Alin sa
mga paksa ang dapat na una mong bigyang pansin?
A. Buhay-artista C. Mga bagong usong damit at bag
B. Kapalaran o horoscope D. Tamang hakbang sa pag-suot ng face mask

_______3. Narinig mo sa radio na may malakas na bagyong parating sa inyong lungsod. Alin sa
sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Matakot at mabahala.
B. Ipaalam sa buong pamilya at maghanda.
C. Huwag pansinin dahil si tatay at nanay na ang bahala.
D. Magdasal at walang ibang gagawin dahil Diyos na ang bahala.

_______4. Naging batas na ang pag-aaral ay ipapahatid sa pamamagitan ng telebisyon. Dahil


dito ay madidistorbo ang panonood mo ng paboritong telenobela. Ano ang iyong gagawin?
A. Alamin ang detalye upang hindi mahuli sa pagkatuto.
B. Padabog na sundin at ipakita ang inis.
C. Suwayin ang batas dahil tamad kang mag-aral.
D. Unahin ang nakakaaliw na teleserye.

________5. Kumalat sa internet ang isang video naaliw ka ngunit nagbigay naman ng kahihiyan
sa isang kilalang tao. Ano ang nararapat mong gawin maliban sa isa?

A. Ipakalat o ibahagi dahil ito ay ginagawa rin ng iba.


B.Huwag ikalat dahil ito ay nakakasira ng puri ng taong nasa video.
C. Maaaring magbigay ng puna tungkol sa epekto nito sa damda-
min at dangal ng nasa video.
D. Suriin ang katotohanan ng video.

_______6. May nakababahalang balitang magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa inyong


lugar. Marami ang naniwala at natakot. Ano ang iyong unang gagawin?
A. Magdasal C. Ipaalam sa buong lugar ang balita
B. Magtanong at suriin D. Hikayatin ang lahat na lumikas agad

_____________________________________________________________________________________

Address: ML Quezon National Highway, Lapu-Lapu City


Telephone No.: 5209792
Email Address: mactan.elementary@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII- CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN ELEMENTARY SCHOOL
ML QUEZON NATIONAL HIGHWAY, LAPU-LAPU CITY

_______7. Habang nagsasaliksik sa internet, lumabas ang isang video may batang nilamon ng
isang higanteng ahas. Ano ang iyong gagawin?
A. Agad na ipamahagi ang video sa lahat ng iyong kaibigan bilang babala.
B. Mag komento agad na tungkol sa video.
C. Maingat na suriin at magsaliksik kung ito ba ay totoo.
D. Agad na tanggapin na ito ay totoo at dapat na paniwalaan.

_______8. Sa iyong panonood ng patalastas ng sabon panglaba, ipinakita ang galing at


kakayahan nito na makapagpapaputi ng damit. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Agad na pumunta sa tindahan at bilhin ito.
B. Makinig muna sa opinyon ng kaibigan kung talaga bang ito ay totoo.
C. Subukan at bumuo ng sariling impresyon kung tama ba ang sinabi sa
patalastas.
D. Maniwala agad sa patalastas dahil sila ang may alam sa lahat.

_______9. May mga di mo kilalang tao na kumatok sa pinto ng bahay ninyo. Alin sa sumusunod
ang dapat na gagawin?
A. Buksan agad ang pinto at magalang na sabihin; “Halika, pumasok po kayo”.
B. Huwag agad buksan ang pinto, bagkus silipin at maingat na tanungin; “Sino po
sila, at ano po ang inyong sadya?”
C. Tumahimik at huwag makipag-usap.
D. Sumigaw at sabihin di mo siya kilala.

_______10. Nakita mo sa teleseryeng iyong pinapanood ang salitan na pagbitiw ng masasakit na


salita ng magkakapatid. Ano ang iyong magiging pasya kapag magaganap ang magkasingtulad
na pangyayari sa iyo at sa iyong kapatid?
A. Panatilihin ang paggalang at pag-iwas sa magsabi ng masasakit na salita sa
iyong kapatid kahit na magkasalungat ang inyong ideya.
B. Buong galak na gayahin kung ano ang nakita sa teleserye.
C. Gayahin lamang ang ibang salita na sa tingin mo ay mas lalamang ka sa iyong
kapatid.
D. Iwasan ang makipagtalo sa kapatid.

_____________________________________________________________________________________

Address: ML Quezon National Highway, Lapu-Lapu City


Telephone No.: 5209792
Email Address: mactan.elementary@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII- CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN ELEMENTARY SCHOOL
ML QUEZON NATIONAL HIGHWAY, LAPU-LAPU CITY

_____________________________________________________________________________________

Address: ML Quezon National Highway, Lapu-Lapu City


Telephone No.: 5209792
Email Address: mactan.elementary@deped.gov.ph

You might also like