0% found this document useful (0 votes)
279 views11 pages

Esp 10 Sum Tests

Ang dokumento ay tungkol sa isang summatibong test sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Naglalaman ito ng direktiba para sa mga estudyante, mga tanong at iba pang impormasyon tungkol sa test.

Uploaded by

marie padol
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
2ND SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

TEST I. PANUTO: Basahing mabuti and bawat pangungusap at unawain ang tanong. Isulat ang
titik ng pinakaangkop na sagot sa patlang ng bawat aytem.

_____________ 1. Si Anna ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na

nangangailangan ng pinansyal na tulong. Ito ay isang halimbawa ng?
a. Kusang-loob b. Di kusang-loob c. Walang kusang-loob d. Boluntaryo

_____________ 2. Ito ay isang damdamin na sapilitan na nagdudulot ng panganib o banta at

dahil ditto ay nagdudulot ng mga pagbabago sa pisolohikal at mga pagbabago sap ag-uugali.
a. Masidhung damdamin b. Karahasan C. Gawi d. Takot

_____________ 3. Hindi na ginawa ni Amy ang kaniyang takdang-aralin at wala siyang balak na
gawin ito. Ito ay isang halimbawa ng?
a. Kusang loob b. Katamaran c. Walang kusang loob d. Boluntaryo

_____________ 4. Noong unag ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang kamalayan sa
mga nakapipinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy ang tungkol sa?
a. Kamangmangan b. Takot c. Masidhing damdamin d. Karahasan

_____________ 5. Kahit na may COVID-19 Pandemic may nagawang pasiya at kahalili si Mang
Juan upang maibigay niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ang sitwasyon na ito ay
nagpapatunay na may kakayahan si Mang Juan na?
a. maging metatag ang kalooban c. mapanagutang kilos
b. harapin ang pandemya d. magpasiya

_____________ 6. Ang mga gawain na pauli-ulit na isinagawa at nagging bahagi na ng Sistema ng

buhay sa araw-araw.
a. Gawi b. Karahasan c. Takot d. Masidhing damdamin

_____________ 7. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang pagkukusa.
a. Gawi b. Karahasan c. Takot d. Masidhing damdamin

_____________ 8. Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng

pagbabanta sa kaniyang buhay o mahal na buhay.
a. Gawi b. Kaharasan c. Takot d. Masidhing damdamin

_____________ 9. Ito ay ang malakas n autos ng sense of appetite na abutin ang kanyang layunin.
a. Gawi b. Karahasan c. Takot d. Masidhing damdamin

_____________ 10. Isa sa pinakamahalagang elementong makataong kilos ay ang papel ng isip.
a. Kamangmangan b. Karahasan c. Tako d. Masidhing damdamin
TEST II. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang
pahayag ay TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____________ 1. Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagpapakita ng karahasan ay ang

mababang pagbibigay ng halaga sa sarili, pang-aabuso at pagpapabaya.

_____________ 2.kumilos si Serg ng hindi kinakailangang pagsabihan at wala siyang hinihiling na

kapalit. Ang kilos ni Serg ay nagpapakita ng pagkukusa.

_____________ 3. Ang bawat tao ay may kakayahang gumawa ng isang malinaw na pasiya sa

buhay.

_____________ 4. Sa paggawa ng pasiya kailangang matutunang palawakin ang pagpipilian at

humingi ng payo.

_____________ 5. Ang bawat tao ay may kakayahang mapagtagumpayanng harapin ang karahasan.

_____________ 6. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.

_____________ 7. Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay

may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin.

_____________ 8. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng

tao.

_____________ 9. Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito ay

bahagi na ng pang araw-araw na gawain ng mga tao.

_____________ 10. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang

pagkukusa o kilos-loob ay hindi.

TEST III. PANUTO: Kilalanin ang tamang hakbang sa paggawa ng pasiya. Isulat ang bilang 1
hanggang sa 5 ayon sa tamang pagkakaayos ng ibat-ibang hakbang sa pagpapasiya.

_____________ 1. Sa mga nakuhang impormasyon, kilalanin ang mga posibleng pagpipilian.

_____________ 2. Kapag natukoy na ang gagawing pasiya, oras na upang tipunin ang
impormasyong nauugnay sa pagpipilian.
_____________ 3. Malinaw na dapat tukuyin ang gagawing pasiya.
_____________ 4. Tukuyin ang mga kahalili at timbangan ang mga ito kung makakatulong ba ito o
hindi.
_____________ 5. Matapos sundin ng mga hakbang sa paggawa ng pasiya ay suriin nang mabuti
ang napiling pasiya. Nasasagot ba ang mga tanong na ito, nalutas baa ng problem? Nasagot ba
ang tanong, at natugunan baa ng iyong mga layunin?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
2ND PERFORMANCE TASK
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

I. PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit naging mahina ang tauhan sa pagpili ng
mabuting opsiyon at hindi nagging mapanagutan ang kaniyang kilos. Ang mga salik ay
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan ay gawi.

1. Si Fatima ay lagging nahuhuli sa klase dahil tumatawid pa siya sa main highway sa kanilang
lugar papunta sa paaralan.

SALIK: _________________________________________________________________________________________
PANANAGUTAN NG TAUHAN:
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

2. Pinatawag si Omar ng kaniyang guro ng dahil hindi siya nakilahok sa ginawang fire drill ng
paaralan.
SALIK: _________________________________________________________________________________________
PANANAGUTAN NG TAUHAN:
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
1st SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

A. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________________ 1. . Tinatawag sa kilos na may kaalaman, pagsang-ayon at may lubos na

pagkaunawa. sa kalikasan at kahihinatnan ng mga ginagawa.
_______________________ 2. Ito ay kilos na ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-
ayon sa kilos.
_______________________ 3 Ito ay ng uri kilos ng tao na hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob.
_______________________ 4. Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
_______________________ 5. Ito ay kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-
ayon.
B. Panuto: Basahin nang mabuti ang pangungusap at alamin kung ito ay Tama o Mali.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________________ 6. Ang pagkurap ng mata ay kilos na walang kapanagutan dahil ito ay

hindi ginagamitan ng isip at kilos loob.
_______________________ 7. Kusang-Loob ang kilos na may lubos na kaalaman sa kanyang
ginagawa, may malayang kilos-loob at mapanagutan.
_______________________8. Lahat ng kilos ay agad na mahuhusgahan kung mabuti o masama
sa unang tingin.

_______________________ 9. Mahalaga ang pagsusuri sa layunin upang malaman kung ang kilos
ay batay sa mataas na uri ng kabutihan.

_______________________ 10. Kung may kulang sa elemento ng proseso ng pagkilos,

nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos.

_______________________ 11. Kahit may kahirapan ang nahaharap na sitwasyon, hindi ito
hadlang sa paggawa ng tamang pasya.
_______________________ 12. Walang kaalaman at pagkukusa ang ginagawa ng isang bata kaya ito
ay hindi mapanagutan at tinatawag itong walang kusang loob.
_______________________ 13. Kusang-loob ang kilos kung may kakulangan sa pagsang-ayon.
_______________________ 14. Makataong kilos ang tawag kung ang kilos at pasya ay malayang
pinag-isipan ng mabuti.
_______________________ 15. Hindi lahat ng kilos ay obligado.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
1st PERFORMANCE TASK
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

Panuto: Magbigay ng SARILING KARANASAN kung saan ang sitwasyong iyong nabibilangan any
nagpapahiwatig o nagpapakita ng mga sumusunod na kilos:

1. ANG KILOS NG TAO (ACTS OF MAN)

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

2. ANG MAKATAONG KILOS (HUMAN ACT)

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

3. KUSANG-LOOB

4. DI KUSANG-LOOB

5. WALANG KUSANG LOOB

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
3rd SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang pangungusap at alamin kung ito ay Tama o Mali.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________________ 1. Mahalaga sa isang pagapapasya ang pagkakaroon ng batayan

kung saan ay magiging gabay sa anumang pasya o kilos na gagawin araw-araw sa buhay.
_______________________ 2. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya,
siya ay nagiging mapanagutan, hindi siya naging pabaya at alam ang anumang
kalalabasan nito.
_______________________ 3. Magiging mabuti ang kalalabasan ng isasagawang kilos ng isang
tao kung siya ay daraan sa mga yugto ng makataong kilos.
_______________________ 4. Mayroong 100 nah yugto ng kilos ang dapat na mapagdaanan ng isang
tao.
_______________________ 5. Si Sto. Tomas de Aquino ang tumukoy sa pagkakasunod-sunod
ng pagsasagawa ng makataong kilos na may 12 yugto.
_______________________ 6. Ang pagsusuri ng paraan na gagawin, pagpapatuloy at ang
pagsang-ayon ng tao sa mga pagpipilian ay tumutukoy sa pagkaunawa sa layunin.
_______________________ 7. Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at
pananagutan batay sa kanyang moral sa pagpapasiya.
_______________________ 8. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw
na makikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay.
_______________________ 9. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na
mabigyan magpasya agad-agad ant huwag nang mag-isip pa.
_______________________ 10. Magiging matagumpay ang isang tao sa kanyang buhay kung
hindi siya nag-iisip at hindi niya isinaalang-alang sa kanyang pagpapapasiya ang
pagiging mapanagutan at makatao.
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy nito. Isulat ang titik lamang sa patlang.

a. Bunga g. Paghuhusga sa nais makamtan

b. Utos h. Masusing pagsusuri ng paraan
c. Nais ng layunin i. Praktikal na paghuhusga sa pinili
d. Paggamit j. Intensiyon ng layunin
e. Paghuhusga sa paraan k. Pagkaunawa sa layunin
f. Pagpili l. Pangkaisipang kakayahan ng layunin

____________ 11. Ito ang resulta na kanyang pinili.

____________ 12. Pinag-iisipan ni Danny kung sasama ba siya sa kanyang barkada o papasok sa

klase.

____________ 13. Gustong gusto ng magbabakarda na pumunta ng Batanes dahil sa

napakagandang

tanawin dito.

____________ 14. Matapos niyang gamitin ang biniling sapatos nauunawaan niya na ito ay angkop

sa isinagawang kilos.

____________ 15. Ikinatutuwa niya ang ginawang pasya.

____________ 16. Napagtanto ni Joshua na kahit na anong hirap, ito talaga ang nais ng kanyang

kalooban.

____________ 17. Dito sa yugtong ito ay may malayang pagpapasya na kung saan ang kanyang isip

ay nagsasabi na ito ang tama.

____________ 18. Patuloy ang pagsusuri niya ng paraan at pagsang-ayon sa kanyang pagpipilian..

____________ 19. Dahil sa kagustuhan ni Ed na makapagtapos sa pag-aaral, Nag-iisip siya ngayon

kung ano ang dapat niyang gawin para maabot ito.

____________ 20. Dito hinuhusgahan niya kung alin ang pinakamabuti.

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
3rd PERFORMANCE TASK
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

A. Panuto: Naririto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya. Pagtapat-tapatin ang

katumbas na kahulugan sa Ingles mula sa hanay A patungo sa hanay B. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

A B
___________ 1. Maghanap ng ibang kaalaman a. (Seek insight beyond your own)
___________ 2. Isaisip ang mga posibilidad b. (Name your decision)
___________ 3. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos c. (Turn inward)
___________ 4. Tingnan ang kalooban d. (Imagine possibilities)
___________ 5. Magsagawa ng pasiya e. (Expect and trust in God’s help)
___________ 6. Magkalap ng patunay f. (Look for the facts)

B. Panuto: Basi sa mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya, magbigay sa bawat isa ng

sitwasyong iyong naranasan na naaangkop sa bawat hakbang.

7. Magkalap ng patunay
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

8. Isaisip ang mga posibilidad

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

9. Maghanap ng ibang kaalaman

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

10. Tingnan ang kalooban

11. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

12. Magsagawa ng pasiya

D. Panuto: Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino.
Isulat sa hanay ng isip kung ang pahayag ay tumutukoy sa kilos na gumagamit ng isip
at sa hanay ng kilos-loob kung ang pahayag ay tumutukoy sa kilos na gumagamit ng
kilos-loob.

Nais ng layunin Pagkaunawa sa layunin

Paghuhusgasa nais makamtan Intensiyon ng layunin
Masusing pagsusuri ng paraan Praktikal na paghuhusga
paghuhusga sa paraan Pagpili
Paggamit Utos
Isip Kilos-Loob
13. 19.

14. 20.

15. 21.

16. 22.

17. 23.

18. 24.

Bunga Pangkaisipang kakayahan ng layunin

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
Lantawan integrated school
So. lantawan, brgy. Guimbala-on, silay city, neg. OCC.
-------------------------
4th SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NAME: _____________________________________ Parent’s/Guardian’s Signature: _________________

A. Panuto: Alamin ang tinutukoy na batayang ginamit sa paghusga ng makataong kilos

ayon sa pangungusap. Sabihin kung ito ay LAYUNIN, PARAAN, o SIRKUMSTANSIYA.

__________ 1. Tumutukoy sa mismong kilos, gaano man ito kabigat o kalaki.

__________ 2. Tawag sa motibo o dahilan ng taong gumawa ng kilos.
__________ 3. Ito’y kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa
kabutihan o kasamaan ng kilos.
__________ 4. Panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.
__________ 5. Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.

B. Panuto: Sabihin kung ito ay Tama o Mali.

__________6. Ang taong may kamalayan sa kanyang kilos ay mabilis sa

paggawa ng tamang pagpapasya.
__________7. Ang higit na dapat tingnan sa maidudulot ng kilos ay para sa
sariling kapakanan.
__________8. Ang kahihinatnan ng kilos ay mahalagang tungo sa pagkamit
ng kabutihang panlahat.
__________9. Ang mabuting kilos ay mahalaga sa pagkamit ng iyong
kaganapan bilang tao.
__________10. Ang mabuting kilos ay bunga ng mabuting layunin, paraan at
sirkumstansiya.
__________ 11. Bago gumawa ng desisyon ay pag-isipan ng mabuti ay siyasatin
na mabuti lamang ang motibo.
__________ 12. Makataong kilos ay mabuting kilos na Siyang kalugod-lugod sa
pangingin ng Panginoon.
__________ 13. Hindi kailanman magiging katanggap-tangap ang isang pasiyang
nanggaling sa mali at masamang motibo.
__________ 14. Ang masamang pasya o kilos ay maaring baguhin habang ang tao
ay nabubuhay.

__________ 15. Si Kristo lamang ang tunay na makapagbabago sa buhay ng tao

kaya’t dinggin natin ang Kaniyang mga sinasabi at kagustuhan
para sa ating buhay.
4th PERFORMANCE TASK
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

1. Magaling sa Math si Craig. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga contest at palagi siyang
nananalo. Siya ay nagtuturo sa kanyang kamag-aral na nahihirapan sa Math tuwing hapon
bago siya umuwi.

Layunin:_______________________________________________________________
Paraan:________________________________________________________________
Sirkumstansiya:________________________________________________________
Kahihinatnan:__________________________________________________________

2. Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lang
sya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang naiwan ng kanyang kamag-aral ang cellphone
nito. Kinuha ni Kim at itinago.

Layunin:_______________________________________________________________
Paraan:________________________________________________________________
Sirkumstansiya:________________________________________________________
Kahihinatnan:__________________________________________________________

You might also like