You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

EsP Grade 10
4th Quarter
A C T I V I T Y No. 3

Paksa: Mga Isyung Moral na Taliwas sa Buhay


Pamantayan sa Nakagagawa ng posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kasagraduhan
Pagkatuto: ng buhay at kahalagahan ng tao
EsP10PI-IVb-13.3
Layunin: Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay.
Sanggunian: (1) EsP 10 Modyul, pp. 263 – 264

Ang tao ay natatangi at espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos. Sa kadahilang ito, ang buhay na
ipinagkaloob sa tao ay itinuturing na banal o sagrado.
Ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay kakaiba sa buhay na mayroon sa ibang nilikha. Bagaman ang
tao ay nilikhang malaya, hindi nangangahulugang ito ay ganap. Kung ating susuriin ang pahayag na ito,
mapatutunayan natin na bagamat may kalayaan tayong mabuhay at pumili ng landas na ating tatahakin,
hindi bahagi nito ang pagsira sa sariling buhay o nang ibang buhay.
Sa kabila ng katotohanang ito nakalulungkot isipin na may ilang gawain ang tao na taliwas at
tuwirang nagpapakita ng pagwawalang-halaga sa kasagraduhan ng buhay. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
a) Aborsyon b) Euthanasia c) Pagpapatiwakal
d) Paggamit ng Droga e) Alkoholismo

Pagsasanay:
I. Suriin ang sitwasyon sa ibaba at isulat ang M kung ito alinsunod sa moral at HM kung hindi.
______1. Ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ay katanggap – tanggap
kung ito ay delikado sa pagbubuntis ng ina.
______2. Ang pag – aalaga ng may sakit kahit ito ay wala ng lunas.
______3. Ang pagkitil ng buhay sa panahon ng problema ay solusyon.
______4. Ang paggamit ng bawal na gamot ay may masamang epekto sa
kalusugan.
______5. Pagmamahal, pagrerespeto, at pag – aalaga ng sarili ay ilan sa mga
paraan upang maipagpatuloy ang buhay.
II. Pumili ng isa sa mga isyung moral na taliwas sa buhay at magbigay ng iyong posisyon tungkol
dito.

You might also like