You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKATLONG MARKAHAN
Pangalan: _______________________ Petsa:___________________
Baitang at Seksyon: ______________________ Iskor:
Quarter: 3 Week: 4 Day: 1 Activity No.: 7

Pamagat ng Gawain: PAGGALANG SA BUHAY


Kompetensi: Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi
mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di
makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang
kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa
Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang
nilalang ng Diyos. (EsP10PB-IIId-10.3)
Layunin: Natutukoy ang pangunahing pagpapahalagang moral na nag-aangat sa
dignidad ng tao at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang at mas
napakataas na halaga.
Sanggunian: Brizuela, Mary Jean B., Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig City: FEP Printing Corporation.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

KONSEPTO:
Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang. Ang
dignidad din ng tao ang pinag-ugatan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral.

1. Pagmamahal sa Diyos (love of God) – Bilang nilikha ng Diyos, marapat na Siya ay mahalin. Higit
pa dito Siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang
pinagmulan ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao (ultimate end).
2. Pagpapahalaga sa Katotohanan (love of truth) – ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng tao
dahil sa kanyang intellect at will. Ang kanyang pag-iisip ay may kapasidad na magsuri, magmuni-
muni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit
magbago pa ang panahon.
3. Paggalang sa buhay (respect for life) – ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang
paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Hindi maaaring isakripisyo
ang buhay para lamang sa material na kagalingan.
4. Paggalang sa Kapangyarihan (respect for authority) – ang unang tatlo sa sampung utos ng Diyos
ay ang patungkol sa paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin
kayat marapat lamang na igalang at sambahin ang Diyos. Ang pang-apat na utos ay ang paggalang
sa mga magulang Sila ang paraan at tinawag na kasama sa paglikha (co-creator) ng tao sa mundo.
Sila rin ang bumubuhay at nangangalaga sa kanilang mga anak kaya nararapat na sila ay igalang.
Ang pinuno naman ng bayan ay iginagalang dahil sila ang namumuno ng kaayusan at kabutihan ng
lahat.
5. Paggalang sa Sekswalidad (respect for human sexuality) - ang pagiging mabuting babae at
mabuting lalaki ay sukatan ng mabuting pagkatao. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman kung
walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal ng tao ay
nababatay kung paano ka kumilos ayon sa iyong kasarian.
6. Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (responsible dominion over material things)
- naunang likhanin ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa sa tao. Kayat ang tao ang
siyang ginawang tagapangasiwa (steward) ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit
mananatili ang mga bagay na ito sa mundo.
PAGSASANAY:
Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa puwang bago ang bilang.
A. Pagmamahal sa Diyos D. Paggalang sa kapangyarihan
B. Pagpapahalaga sa katotohanan E. Paggalang sa sekswalidad
C. Paggalang sa buhay F. Wastong pamamahala sa materyal na bagay

_____1. Napaliligiran ng matataas na gusali ang tahanan nina Ana subalit nagawa pa rin niyang
maglagay ng maliit na hardin sa kanilang bakuran.
_____2. Buntis si Susan subalit nais ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang sanggol. Hindi pumayag si
Susan.
_____3. Inalok si Juan ng mumurahing pabango. Halos kalahati ang kanyang matitipid. Alam niyang ito
ay huwad kaya hindi siya bumili.
_____4. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya
sa kanilang tahanan.
_____5. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa
Diyos.
_____6. Ibinabalik ni Joan ang mga biyayang kaloob sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa
kanyang mga kaibigan.
_____7. Itinuturing nina Mico at Gina na tunay ang kanilang pagmamahalan subalit naniniwala sila sa
limitasyon ng kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan.
_____8. Bagama’t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng
kanyang kalaban kaya siya ay sumusunod dito.
_____9. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben.
_____10. Sa isang unibersidad na karamihan ay mga lalaki ang nag-aaral, pinauuna nila ang mga
kababaihan sa pagpila sa kantina.
_____11. Nalugi ang negosyo ni Mang Pastor. Iniwan din siya ng kanyang asawa at nalaman niyang
hindi pumapasok sa paaralan ang kanyang kaisa-isang anak. Subalit naisip pa rin niyang
maaayos din ang lahat kaya hindi niya dapat wakasan ang kanyang buhay.
____12. Inalok si Mario na maging testigo sa kaso ng kanilang kapitbahay upang mapawalang sala ito.
Hindi pumayag si Mario kahit na malaki ang halagang ibibigay sa kanya.
____13. Iginigiit ni Tony ang kanyang pag-ibig kay Corazon kahit na siya ay may asawa na. Hindi
pumayag si Corazon.
____14. Mahigpit na pinatutupad ang bawal na pagtawid sa tapat ng malaking mall kaya nagtiyaga si
Aling Maria sa pag-akyat sa tulay.
____15. Maaaring kopyahin ang CD na naglalaman ng mga pananaliksik na ginawa ng mga kamag-aral
ni Dina at ipagbili sa ibang mag-aaral. Subalit hindi niya ito ginawa.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKALAWANG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 4 Day: 2 Activity No.: 8

Pamagat ng Gawain: PAGGALANG SA BUHAY


Kompetensi: Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol
sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan
(EsP10PB-IIId-10.4)
Layunin: Nakakasuri at nakakabuo ng paninidigan o posisyon sa isyu na
may kinalaman sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa
batayang moral
Sanggunian: Brizuela, Mary Jean B., Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig City: FEP Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY


DepED owned materials

KONSEPTO:

Mapahahalagahan natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pangangalaga nito. Ayon


kay Orbeta, hindi basta malusog ka kundi mayroon kang mabuti at maayos na pamumuhay
(wellness). Matatamo ito sa pananatili ng kaayusan sa ating buhay sa pamamagitan ng:
1. Pag-inom ng walong basong tubig araw-araw 5. Pagkain ng meryenda kung nagugutom
2. Pagkain ng almusal araw-araw 6. Pag-ehersisyo ng katawan
3. Pagtulog nang sapat sa oras 7. Pagkain ng gulay at prutas
4. Hindi paninigarilyo 8. Hindi pag-inom ng alak

Nararapat na mabigyang-pansin ang kabuuan ng maayos na pamumuhay (wellness) na


binubuo ng sumusunod:
a. Pangkatawan d. Panlipunan
b. Intelektwal e. Ispiritwal
c. Emosyon
Masasabing isang maliwanag na batayan ng dignidad kung bakit obligasyon ng bawat
ang igalang ang sariling buhay at ang buhay ng kanyang kapwa. Ang buhay ay ipinagkaloob sa
atin ng Diyos upang gamitin sa mabuting paraan. Subalit hindi natin maitanggi na marami sa
mga Gawain ng tao ngayon ay taliwas sa kabutihan at maituwirang epekto sa ating dignidad.
Hindi lahat ay naisasapuso at napapanindigan na sagrado ang buhay at nararapat itong
pangangalagaan. Ikaw, ano ang paninindigan mo tungkol dito?

PAGSASANAY: (Pagbibigay Paninindigan)


Panuto:
1. Pumili ka ng isang isyu tungkol paglabag sa kasagraduhan ng buhay ayon sa moral na
batayan (aborsiyon, pagpapatiwakal o suicide, paggamit ng ipinagbabawal na gamot,
alkoholismo)
2. Siyasating mabuti ang napiling isyu.
3. Punan ang kahon sa ibaba para mabuo ang argumento at iyong konklusyon tungkol sa
isyu. Gamitin bilang gabay ang halimbawang ibibigay ko.
Isyu Paglalarawan ng Mga Argumento Konklusyon
Isyu
Halimbawa: Ang euthanasia o  Ang taong may Ang Diyos lamang na
Euthanasia mercy killing ay karamdaman at wala ng Siyang nagbigay sa atin ng
isang gawain lunas ay nararapat lamang buhay ang may karapatang
kung saan na wakasan ang kanyang kumuha nito. Ang buhay
napadali ang matin-ding paghihirap. Sabi ay dapat alagaan. Walang
kamatayan ng pa ng iba, ito ay pagbibigay sinuman ang maaring
isang tao na may ng kama-tayan na may magdessyon kung
matindi at wala digni-dad. hanggang kailan lamang
ng lunas na ito. Walang ibinigay ang
 Ang sakit at paghi-hirap ay
karamdaman. Diyos na problema at
kasama sa ating
pagsubok na hindi natin
paglalakbay dito sa mundo.
makayanan dahil nandyan
Ito ay kasama sa pagharap
Siya palagi gumagabay at
natin sa buhay at pakiki-
handing magbigay saklolo.
bahagi natin sa plano ng
Kaya para sa akin, isang
Diyos sa atin. Kailanman ay
napakalaking kasalanan
hindi magiging tama ang
ang euthanasia at hindi
pagkitil ng buhay. Mas
nararapat gawin
nakakabuti kung alagaan at
mahalin pa ng higit ang
mga taong may sakit.
Ikaw naman:
Ubay National Science High School
Fatima, Ubay, Bohol
ANSWER SHEETS IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 10
QUARTER 3 WEEK 4 Day1&2
PANGALAN: _______________________ TAON AT PANGKAT: __________ SCORE:
______
Week 4 Day 1

PAGSASANAY:
Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik
ng iyong sagot.
1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

WEEK 4 Day 2
PAGSASANAY: (Pagbibigay Paninindigan)
Isyu Paglalarawan ng Mga Argumento Konklusyon
Isyu

You might also like