You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Mina de Oro Catholic School, Inc. Week:__4 Quarter: _1

Fr. Peters St., Zone III, Socorro,
Oriental Mindoro 5207, Philippines
“Parochial Schools:
Evangelized and
Lesson DIGNIDAD TAGLAY NATING LAHAT
No 4
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa dignidad sa tao.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang sarili nasiya ay
bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.

Most Essential Learning Competencies:

 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao
 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups

Kasanayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
1. nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigineous people.
2. napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kaniyang pagkabukod tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan at sa
pagkakawangis niya sa Diyos :may isip at kalooban)
3. nakagagawa ng angkop na kilos upang maipakita sa kapuwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil
sa taglay na dignidad bilang tao.

Panalangin bago mag-aral

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

👌PAGTUKLAS NA GAWAIN:
Panuto: Isulat ang Tama kapag wasto ang diwa ng pangungusap, isulat naman ang Mali kapag ang diwa nito ay hindi
totoo. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Ang “dignidad” ay galing sa Latin na salita na ibig sabihin ay karapatdapat.
________2. Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
________3. Kailangan mangibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran dahil sa mata ng Diyos ang lahat ay pantay-pantay.
________4. Lagi mong isa-isip na ang iyong kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
________5. Pilihin mo ang taong dapat irespeto.
________6. Ang kahirapan ay hindi paglabag sa dignidad ng mga mahihirap.
________7. Nagsisimula sa pagrespeto ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.
________8. Ang pagpintas sa kulay ng balat ng isang tao ay hindi isang diskriminasyon.
________9. Ang lipunan ay isang moral na institusyong binuo ng Diyos upang pangalagaan ang karangalan at dignidad ng tao.
_______10. Patuloy ang pagkaranas ng di makatarungang pang-aabuso kung hindi marunong rumespeto ang mga tao.

PANIMULA
Mulat na ba ang inyong mga mata sa mga nangyayari sa iyong paligid? Bubulaga sa iyo ang mga iba’t ibang mga tao na
iyong makikita at makakasalamuha sa bawat araw. Sila ay may iba’t ibang katayuan sa buhay, may mayaman, may mahirap,
may magaling, may kulang sa kaalaman. Marahil, katulad ng ibang tao, may nabubuong tanong ka rin sa iyong isip. Kung
talagang may dignidad ang tao bakit hindi pantay-pantay ang mga tao sa mundo? Bakit may naaapi? Sadya nga bang walang
kasagutan ang mga tanong na ito? May magagawa ka kaya upang mabigyang kasagutan ang mga tanong na ito. Makakatulong
ang modyul na ito upang masagot ang ilan sa mga tanong.

PAGTALAKAY SA ARALIN

MDOCS, Inc.: ServiceExcellenceRespectVirtuousnessEmpathy Vivire servire est (To live is to serve)

Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Siya ay natatangi sapagkat siya lamang sa lahat ng nilikha ang pinagkalooban
ng isip (intellect) at kilos-loob (will). Ito ang pinag-uugatan ng kaniyang kahalagahan o dignidad bilang tao.
Ang dignidad ng tao ay nag-uugat sa katotohanang siya ay nilikha ng Diyos na namumukod-tangi, hindi maaaring
maulit (unreapeatable) at hindi maaaring palitan (irreplaceable). May sarili siyang kakayahan at kasaysayan. Kung paanong
ang fingerprint ay walang katulad ganoon din ang bawat tao, kung kaya’t nararapat na siya’y pahalagahan.
Hindi tulad ng reputasyon na nakabatay sa pagtingin ng ibang tao, ang dignidad ay hindi maaaring mapataas o
mapababa dahilan lamang sa kaniyang aksiyon, o dahil sa yaman, kasarian, nasyonalidad, relihiyon, edukasyon, o kalagayan sa
buhay.
Pantay ang dignidad ng lahat ng tao sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit kahit ang mga sanggol na hindi pa
isinisilang, mga bata, mga nasa comatose stage, terminally ill, may mga kapansanan, mga mahihirap, mga indigenous people ,
gays at lesbians ay may mga karapatang pantao dapat isaalang-alang. Ang karapatan ay nag-uugat sa dignidad ng tao. Ito ang
dahilan kung bakit sa mata ng Diyos tayong lahat ay pantay-pantay. Mahalaga ang bawat isa sa atin sa Diyos na manlilikha.

Tunghayan ang kuwento ng ilang mga kilalang personalidad. Alamin kung paano nila pinahalagahan ang kanilang
dignidad at dignidad ng iba.

Si Nicholas james Vujicic o kilala sa tawag na Nick ay isinilang noong Disyembre 4, 1982 sa
melbourne, Australia. isinilang siyang walang mga braso at binti, ngunit mayroon naman siyang
dalawang maliit na paa , isa sa mga ito ay may dalawang hinlalaki.
Sa kabila ng kanyang pisikal na kapansanan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral subalit hindi ito
naging madali para sa kanya. Nakaranas siya ng pangbubulas ( bullying). Dahil dito nagkaroon siya ng
matinding depresyon na nagudyok s kaniyang magtangkang magpakamatay nang siya’y walong taong
gulang at noong siya ay 10 taon sa pamamagitan ng paglunod ng sarili sa kaniyang bathtub. Ang
kaniyang pagmamahal sa magulang ang pumigil sa kaniya sa balaking ito.
Nagbago ang lahat ng isang araw ay may pinabasang artikulo ang kaniyang ina na nagpapakita ng
isang taong may malubhang kapansanan.
Nagbigay liwanag ito sa kanya na may ibang tao rin pala na tulad niya na may kapansanan at hindi
siya nag-iisa sa ganitong kalagayan. Napagtanto niya na may plano ang Diyos para sa kaniya at magagamit niya ang kaniyang
kapansanan upang bigyang-inspirasyon ang ibang tao. Mula sa puntong ito , nagsikap siyang paunlarin ang sarili sa kabila ng
kaniyang mga limitasyong pisikal. Natutuhan niyang magsulat at gumamit ng computer. Sa edad na 17 ay nagsimula siyang
magbigay ng mga
inspirational talks sa kaniyang prayer group at itinatag niya ang LIFE WITHOUT LIMBS.
Noong Pebrero 12, 2012 ay ikinasal siya sa kaniyang kasintahang si Kanae Miyahara . Nang sumunod na taon ay
isinilang ang kanilang unang anak. Ayon kay Nick mahal ang kaniyang buhay sapagkat nakita na niya ang plano ng Diyos para
sa kaniya.

Marahil isa na si hellen keller sa pinakakilalang babae sssssa mundo na isinilang na may kapansanan.
Sa kabila ng pagiging bulag at bingi siya ay naging tanyag na may –akda at manunulat, political activist
at lecturer. Siya ang kauna-unahang bulag at bingi na nakapagtapos ng bachelor of Arts degree. Malaki
ang ginampanan ng kaniyang guro na si Anne Sullivan sa paglinang ng talino at kakayahan ni Hellen
Kelller lalo na sa larangan ng komun ikasyon.
Pinatunayan ni Hellen Keller sa buong mundo na ang mga tulad niyang may kapansanannsa paningin
at pandinig ay maaaring matuto, makipagtalastasan at mamuhay sa mundo ng normal. Itinaguyod niya
ang karapatan ng mga manggagawa, sosyalismo at kontra-militarismo. Bilang pagbibigay –pugay sa
kaniyang inspirasyon at mahalagang ambag sa lipunan, idineklara ang June 27, araw ng kaniyang
kapanganakan, bilang Helen Keller Day sa Estado ng Pennsylvania sa Estados Unidos.

SAGUTIN ANG MGA KATANUNGAN:

1. Matapos mong mabasa ang mahalagang impormasyon sa buhay ng mga personalidad na inilahad , ano ang makikita mong
pagkakatulad nila?
2. Ano sa palagay mo ang layunin sa buhay na kanilang natuklasan?
3. Paano nila pinahalagahan ang kanilang dignidad bilang tao?
4. Paano nila punahalagahan ang dignidad ng kanilang kapuwa tao?
5. Ano ang mahalagang aral sa buhay ang iyong natutuhan sa kuwento nila?

Subject Teacher: __ Contact No./ E-mail Address : Page 2

Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. Ang Dignidad ayon sa Ibat-ibang Paniniwala

Ancient Stoic Tradition
Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbigay sa
tao ng dignidad na katulad ng hindi nasusukat na pagpapahalaga. Sa kasalukuyang panahon, ang dignidad ang nagbibigay
pakahulugan na ang tao ang pinakamahalagang nilalang.
Ang Dignidad ng Tao ayon sa Western Philosophy
Ang dignidad ay tumutukoy sa obhektibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang mga
katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan
at pagkilos. Ang dignidad ng tao ay nababatay sa kaniyang nagawa sa buhay. Ang dignidad ng tao bilang pansariling
pagpapahalaga na naaayon sa damdamin.
Ang Human Dignity Ayon sa Relihiyon
Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa kaniya na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal na
imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. Hindi tayo simpleng bagay, kundi isang tao ay may kakayahang umalam at ibigay
ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao. Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may
kakayahan din tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng dignidad ng tao.
II. Ang Kahulugan ng Dignidad ng Tao
Ito ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus na ibig sabihin “karapat- dapat”. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng
tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kakayahan, ay may dignidad. Ito ang nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at
natatanging nilikha ng Diyos. Ito ay isang bagay na nagdudulot ng karapatan sa lahat. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon
ng karapatan na umunlad sa paraang hindi nakakasakit o nakasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
III. Pantay na Pagkilala sa Dignidad, Sa Kapwa ay Ibigay
Sa bahaging ito, higit na mauunawaan mo ang kahulugan ng salitang dignidad. Basahin mong mabuti ang
babasahin upang mabigyan ka na malalim na kahulugan at kabuluhan nito.
1. “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Utos ng Diyos. Ito ay nangangahulugan ng
pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao
2. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. Golden Rule. Kung ano ang makakasama sa iyo,
makakasama rin sa iyo. Kung ano angmakabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya.
Sa tagubilin ng mga taga-Roma sa Banal na Kasulatan, malinaw na ipinahihiwatig ang ganito:
“Huwag kayong umaayon sa takbo ng mundong ito. Maging iba at tangi kayo sa lahat ng gawain at pag-iisip upang mabatid
ninyo ang kalooban ng Diyoskung ano ang Mabuti, nakalulugod sa Kanya at talagang ganap.” (Roma 12:2)
“Huwag magkunwari na mahal ninyo ang inyong kapwa. Mahalin sila ng tapat. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang
Mabuti. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.”(Roma 12:9-10)
“Sikapin inyong mamuhay ng marangal sa lahat ng panahon. Hangga’t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao.”
(Roma 12:17-18)
“Huwag kayong padaig sa masama bagkus daigin mo ang masama sa pamamagitan ng kabutihan.”(Roma 12)
“Layuan na natin ang lahat ng gawaing masama at italaga ang sarili sa paggawa ng Mabuti.” (Roma13:12)
Ito ay mga ginintuang butil ng pagpapabuti at pagpapanatili ng dignidad at karangalan ng tao na siyang nagpapatatag ng moral
ng isang tao

BIBLIOGRAPHY/ REFERENCES:
Edukasyon sa Pagpapakato 10 ( Ikalawang Edisyon )
2018 Vibal Group, Inc
Imelda P. dela Cruz, Ma. Elvira A. Asuan, Sofia Aurora, EdD at Nenita I de Vega
pp. 48-57
Diaz, Jade M, Dolores S.Quiambao, and Veronica E. Ramirez, Ph. D. Good
Character Matters. Quezon City: Vibal Group Inc. 2016.
Esteban, Salud R, Talna M. Bongolan, Milagros T.Fernandez, Proserfina A.Jacela,
et al. Binagong Talaarawang Patnubay 1V. CSC Publishing House. 2000.

Pangalan: __________________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangkat: _______________________________________________________

GAWAIN 1 Maskara ng Dignidad

Subject Teacher: __ Contact No./ E-mail Address : Page 3
Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Panuto: Sa gawain na ito, gumawa ng dalawang maskara na siyang sumasalamin sa mukha ng dignidad. Sa kaliwang maskara,
iguhit ang mukha ng walang dignidad at gumawa naman ng mukha ng may dignidad sa kanang maskara.
Gawing gabay ang sumusunod na kriterya:
Kasiningan ng presentasyon: 5 pts
Kalinawan ng konseptong nais ipahiwatig: 5 pts
10 pts

Kumusta? Matagumpay mo bang nagawa ang inyong markara? Ngayon naman ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa ang gawain? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang uri ng dignidad na inyong nailarawan?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Paano naitataguyod ang dignidad ng isang tao?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2 Sa Harap ng mga Sitwasyon, Dignidad Aking Isulong

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba. Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon
upang maipakitang ikaw ay may dignidad?
1. Nanonood ka ng TV, nang bigla itong ilipat ng tsanel ng nakababata mong kapatid.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

Subject Teacher: __ Contact No./ E-mail Address : Page 4
Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Sinisingil ka na ng inyong lider para sa isang proyekto, pero wala kang perang maibabayad.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Nakipagkalas sa iyo ang iyong kasintahan at ngayon ay nakikita mo siyang may kasamang iba.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

Subject Teacher: __ Contact No./ E-mail Address : Page 5

You might also like