You are on page 1of 7

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan : Petsa: Iskor:

KWARTER 4 – LINGGO 4
PAGGALANG SA SEKSUWALIDAD
Kalinisang Puri: Birtud na Kaugnay sa Seksuwalidad

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad

Layunin:
A. Natutukoy ang kahalagahan ng kalinisang-puri o chastity sa
pagpapatibay ng dignidad.
B. Napahahalagahan ang kalinisang-puri o chastity bilang isang lalaki o babae
C. Nakapagtatala ng kaparaanan upang mapahalagahan ang
kalinisang puri o chastity.

ALAM MO BA?

Mahalagang bahagi ng ating pagkatao ang seksuwalidad. Kinapapalooban ito ng


personal nating karanasan sa ating kalikasan bilang babae o lalaki. Gayundin naman ng ating
mga saloobin, pananaw at gawi sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa iba. Mahalagang
magkaroon tayo ng mga etikal na prinsipyo upang maging gabay sa pagpapahayag at
pagsasabuhay ng ating sekswalidad.

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
Panimula

Ang Kalinisang-Puri o Chastity ay ang birtud na may malaking kaugnayan sa seksuwalidad. Ito ay ang
pagpapanatiling malinis ng ating pagkababae/pagkalalaki sa salita, sa kilos at gawa; at, sa maging sa
pakikisalamuha at pakikihalubilo sa ibang tao. Lalo’t higit sa kanyang karelasyon.

GAWAIN 1

Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad

PANUTO: Magsaliksik ukol sa talambuhay ni St. Maria Goretti, isang Santang patrona ng kalinisang-
puri o chastity. Itala sa ibaba kung sa paanong paraan niya napanatiling malinis ang kanyang puri at
paano niya natamo ang kanyang kaganapan bilang isang babae na kasama ang Diyos.

GAWAIN 2

“I do!”

Isa sa mga isyu ngayong panahong ito ay ang pre-marital sex. Wala ng nagpapahalaga sa pag-
iisang dibdib sapagkat karamihan ngayon ay hindi na naniniwala sa kasagraduhan ng kasal. Bilang
isang kabataan, mahalagang maimulat mo ang iyong mga mata sa kahalagahan ng kasal sa buhay ng
tao lalo na sa pagsisimula ng isang pamilya.

Panuto: Gumawa ng isang wedding invitation na kung saan ay ilalagay mo rin dito ang iyong
wedding vow o pangako sa iyong mapapangasawa sa hinaharap. Maaaring kumuha ng sariling papel
at idikit dito ang natapos mong gawain.

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
Ang larawan ay mula sa google images//wedding

GAWAIN 3

Most Essential Learning Competency: Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa


kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay na ito. Ano ang aral o mensahe na nais iparating sa iyo
nito bilang isang kabataan? Ano ang iyong maimumungkahi sa ibang kabataang tulad mo upang
maging karapat-dapat na tawaging pag-asa ng bayan? Itala ang iyong kasagutan sa ibabang bahagi ng
sanaysay.

MUNGKAHI
“KABATAAN… Kumusta ka na?”
ni Anthony C. Sumagui

Hindi maikakaila ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga maagang nabubuntis at


nakabubuntis na may murang edad dahil sa mga hindi magagandang impluwensya na nakukuha sa
kanilang paligid, maging sa social media. Tunay ngang naka-aalarma ang kasalukuyang kalagayan ng
mga kabataan ngayon sapagkat
pababa na nang pababa ang mga edad ng mga nasasangkot sa ganitong tipo ng sitwasyon. Tunay
ngang kaala-alarma ang kasalukuyang kalagayan ng mga kabataan ngayon sapagkat pababa na nang
pababa ang mga edad ng mga nasasangkot sa ganitong sitwasyon.

Kilala pa ba natin ang salitang CHASTITY o KALINISAN- PURI? Ito ay ang kaasalang seksuwal
ng isang lalaki o babae na kaaya-aya at katanggap-tanggap sa pamantayang pangmoralidad. Ito ay
hindi lamang tumutukoy sa gawaing sekswal kundi sa pananalita, pananamit at pagkilos ng isang tao.

Kung sa paglalarawan ng mga katangiang ito, unang papasok sa ating isipan ang karakter ni
Maria Clara sa nobelang isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at ang talambuhay
ni St. Maria Goretti na nagturo sa ating ng Christian Living Education.

Tunay nga na nagbabago ang ating panahon. Marahil katawa-tawang makita ngayon ang
isang babae na nakakimona at saya habang namamasyal sa mall. Ngunit paano nga ba natin isasabay
ang birtud na kalinisang puri sa makabagong panahon? Ito ay isang napakalaking hamon sa
mga kabataan
ngayon, kaalinsabay na rin ang iba pang ugat ng pagpapahalaga tulad ng pamilya,

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
paaralan, simbahan, kaibigan, lipunan at ang media kasama ang mga
makabagong teknolohiya.

Alam natin na ang pamilya bilang pinakaunang paaralan ng pagpapahalaga at pundasyon ng


pagkatao, kaya higit na inaasahan ang pamilya na siyang unang magturo ng mga bagay na may
kaugnayan sa moralidad. Ang sandaling minuto ng pakikipag-usap, kuwentuhan at
pakikipagkamustahan sa anak ang maaaring maging daan upang maging bukas ang komunikasyon ng
magulang sa anak. Pagkakataon din ito upang mabigyan sila ng mga paalaala ukol sa pag-iingat sa
kanilang mga dangal at reputasyon. Hindi dahilan ang pagiging abala sa trabaho upang ipagpaliban
ito, kung mahal mo ang mga anak mo, maglalaan ka ng oras upang iparamdam ito sa kanila. At sa
ganitong pamamaraan, maaari rin nating maibalik ang unti-unti nang nakakalimutang Filipino Values
na close family ties.

Bahagi ng tungkulin ng paaralang patatagin ang asal ng mga bata na naituro ng kanilang mga
magulang sa tahanan. Mahalagang may follow-up. Ipakita ng guro na sila ay mga halimbawa at
huwaran na dapat maging inspirasyon sa kanila, sabi nga:” VALUES ARE CAUGHT AND TAUGHT.”
Kasama sa mga gampaning ito ang punan ang pagkukulang na di naibibigay sa tahanan. Ipaalam sa
kanila ang maaaring kahinatnan ng buhay kapag napasok sa maling daan na tinatahak.

Peer pressure ang kadalasang dahilan ng mga kabataan sa pagpasok sa maling gawain tulad
ng pre-marital sex. Ang pre-marital sex ay pagtatalik na walang basbas ng kasal. Sa pag-uugat ng
dahilan ng pakikipagtalik ay paglikha ng panibagong buhay o procreation. Samakatuwid, dahil ang
Diyos ang ating manlilikha, sa tuwing ginagawa natin ang bagay na ito ay kasama natin Siya.
Nangangahulugan lamang na ito ay hindi isang laro kundi isang napakalaking responsibilidad natin sa
Diyos. Hindi basehan para sabihing macho ang isang lalaki at maganda ang isang babae sa dami ng
mga taong nakatabi niya sa kama. Bagkus, ang tunay na basehan ng pagiging TUNAY na lalaki/babae
ay kung mayroon siyang pagpipigil sa sarili. Pumili ng mga kaibigang dadalhin tayo sa tama at hindi
magbubuyo sa atin upang magkamali.

Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na ang katawan ng tao ay templo ng Diyos, hindi ba’t
nakakahiyang pamahayin ang Diyos sa lugar na puno ng kalat at dumi? Panatilihin nating maging
malinis ito. Iwasan nating gumawa ng mga maaaring maging dahilan upang masira ang ating dangal
tulad ng mga mapapanood sa media na pornograpiya na sumasakop sa ika-siyam na utos ng Diyos
na: “Huwag mong pagnasaan ang ‘di mo asawa,” maaari kasing pag-ugatan ito ng mga kilos na
dudungis sa tahanan ng Diyos, ang katawan ng tao.

Ikaw, kabataan hahayaan mo bang masira ang lipunang makatao? Ninanais mo bang
maging bahagi ng pagtataguyod ng dignidad ng tao? Napananatili mo ba ang kulturang utang natin
sa nakaraan? Isang napakalaking hamon para sa inyong mga kabataan ito. Mahalagang sinisimulan sa
sarili upang maging mabungang maibabahagi sa iba; at, upang maging produktibo at kapaki-
pakinabang sa Pilipinas nating mahal.
_

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
Mga Isyung Moral na may kinalaman sa Seksuwalidad

Prostitusyon
Pagkasangkapan sa sarili upang maging daan upang kumita ng salapi. Bahagi ng pagmamahal
mo sa iyong sarili, ang pagmamahal mo sa iyong katawan. Nararapat lamang na hindi ito
matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay.

Pang-aabusong seksuwal
Hindi lamang pisikal na ugnayan ang maituturing na pang-aabusong seksuwal kung hindi
pati na rin sa pananalita at anomang kilos na nakababastos sa isang tao.

Cyber sex
Isang makabagong paraan ng pagkasangkapan sa sarili upang maging daan upang kumita
ng salapi. Ginagamitan ito ng mga modernong teknolohiya at ang ikinakalakal dito ay ang
pagpapakita ng buong katawan ng isang tao.

Pre-marital sex
Pagtatalik nang hindi pa kasal.

Contraceptives
Mga gamot o kagamitan na makatutulong upang hindi mabuntis ang isang babaw.

Pornograpiya

Mga palabas o babasahin na naglalaman ng mga maseselan na tema na kapag nakawilihin


ay makapagdudulot ng masamang impluwensya.

GAWAIN 4

Gawaing labag sa sekswalidad ko, iiwasan ko! Magtala ng mga paraan


upang maiwasan ang mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad. Iguhit ang iyong kamay at isulat
sa loob ng mga daliri ang iyong mga kasagutan.

Pahalagahan ang seksuwalidad bilang isang sagrado at banal na bahagi ng pagkatao. Iwasang
tratuhin ito na isang laruang pwedeng gawing libangan. Hindi

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
rin ito isang produkto o commodity na ipinagbibili.
Maging matalino at kritikal sa mga isyung kinasasangkutan ng seksuwalidad.
Iwasang magpadala sa agos ng nauusong sex practices.
Linangin ang pagkakaroon ng mainam, positibong pananaw at oryentasyon sa sariling
seksuwalidad ;at,maging sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Makatutulong ito upang maitaas natin ang
dignidad ng bawat isa.

POST TEST

PANUTO: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat sitwasyon. Ito ay mga halimbawang paglabag sa
kasagraduhan ng seksuwalidad. Uriin ang paglabag at isulat ang wastong sagot sa bawat patlang.

1. Madalas na napapansin ni C3 ang pagtitig ng kanyang kaibigan sa kanyang dibdib


sa tuwing sila ay nagkakasalubong.

2. Kinawilihan ni C4 ang pagbisita sa porn sites sa kanyang computer.

3. Nagtanan ang magkatipan sapagkat tutol ang kanilang mga magulang


kanilang relasyon. Nanirahan sila sa iisang bubong at namuhay na
nagsasama.

4. Nagkaroon ng relasyon si C5 sa kanyang matalik na kaibigan kahit sila ay


magkapareho ng kasarian.

5. Nakaugalian na ni C6 ang akbayan ang kanyang mga kaklaseng babae na hindi


naman niya karelasyon. Nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam si C7 sa tuwing
gagawin niya ito.

6. Dahil sa sobrang gastos ng pagpapakasal minabuti ng magkasintahan na maglive-in


na lang muna hanggang sa sila ay makaipon ng pera.

7. Upang maipagpatuloy ni C8 ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo pumasok siya sa club


bilang dancer na kita ang buo niyang katawan.

8. Hindi pa handa ang mag-asawang magkaroon ng mga anak kaya minarapat


nilang gumamit ng pills at condom sa tuwing sila ay nagtatalik.

9. Nakipagrelasyon si C9 sa isang dayuhan sa pamamagitan ng paggamit ng internet.


Madalas silang nagpapakitaan ng maseselang bahagi ng katawan bilang
pagpapatunay na sila ay nagmamahalan.

10. Hirap sa pagbubuntis si C10 kaya humingi ito ng injectable pills sa center
upang mapigilan ang kanyang pagbubun

MELC Q4_Week 3: EsP10PI IVb-13.3, EsP10PI IVb-13.4


Competency: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
Sanggunian:

A. Aklat
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pagpapakatao nina: Twila Punsalan, etal Ang
Pagsasabuhay nina: Jane Galicia, etal

B. Websayt
www.google.com / www.youtube.com

Inihanda ni:

ANTHONY S. SUMANGIL
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Rodessa May D. Castro Ana Aurelia D. Salas Teresita S. Tado


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

Jovy D. Balbuena
Superbisor, EsP

MELC Q4_W
Competen cy:eek 3: EsP1
Naipa 0PI IVb
ma malas ng -13. 3, EsP1 0PI
mag-aaral angIVb
pag-13.4
-unawa sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignida d at sekswalidad

You might also like